webnovel

FOLLOW THE VILLAIN (TAGALOG/ FILIPINO)

Ano ang gagawin mo kapag isang araw ay nagising ka nalang sa isang libro na ginagawan mo ng book review para sa subject mo na EAPP? Rita Romblon, The unlucky or lucky girl? Na napunta sa katawan ng kontrabida sa librong ginagawan nya ng book review. Ang Tatay na dapat galit sa kanya ay naging Tatay na Mahal na Mahal sya. Ang dalawang kapatid nya na Kambal na dapat babalewalain sya ay naging mga kapatid na ayaw syang paalisin sa tabi nila? At ang mga Karakter sa libro na dapat ay isusumpa at papatayin sya ay naging mga sisiw na laging sumusunod sa kanya. Anong nangyari?

agrees · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
4 Chs

Chapter 2: Daisy

' Nasaan ba talaga ako?! Isinumpa ba ako? Wala akong naalalalang may inagrabyado akong tao?'

" Mahal na Duke Hermon, Ito na po ang bagong binibini sa inyong kastilyo"

' Teka? Shuta baka sinumpa ako ng apat na matang babae na iyon! Walangya! Ako parin ba yung sinisisi nya sa pagkahiwalay nila ng boyfriend nyang maasim?'

" Sa nakikita nyo Duke Hermon. Nakuha ng sanggol na binibini ang mata ng inyong yumaong asawa at ang kabuuan ay nagmula na sainyo"

' Shutang ina! Mangkukulam ba iyon? Hayup talaga! Shuta Rowena! Kapag nalaman ko talagang ikaw ang nagpadala sa akin dito tatadtarin kita ng mag-asawang f*ck-u!!!!!'

" Bakit umaangat ang dalawa nyang gitnang daliri?" Napatigil ako bigla nang marinig ko ang malalim na boses na nagbigay sa akin ng kakaibang lamig. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at isang gwapong lalaki ang sumalubong sa akin.

' Woahhhh... Pogi! Look at that face. Parang hinulma sa marmol!'

Yumuko ito sa akin at hinawakan ang kamay ko. Bigla kong narealize na naka middle finger pala ako dahil sa Inis kanina!

' Kaya ko pala mag middle finger kahit baby palang ako! What a talent!'

Tumingin ako sa lalaking gwapo at hinawakan ang daliri nito.

' Shet!!! Kahit daliri matigas'

Biglang napatigil yung lalaking gwapo ng bigla kong hawakan ang kamay nito.

' Tsk! First time palang ito nito makakita ng baby. Teka? Sino ba ito? At yung lalaking gurang na katabi ba nito yung Tatay ng katawan na ito? Hoy! Gutom na ako!'

" Duke Hermon! Hinawakan po kayo ng anak nyo! " Natutuwang saad ng matanda sa tabi ng gwapong lalaki.

' Anong big deal don? Eh parang hinawakan ko lang naman yung daliri ng tatay k-' Humigpit ang kapit ko sa daliri ng gwapong lalaking ito ng marinig ko ang ang mga katagang.

' Anak nyo'

Tinitigan ko ng mabuti ang mukha ng lalaki at napanganga sa realize ko.

' Shuta! Paano kita naging tatay? Ang bata mo pa! Mukha kang 20 years old!'

" Alam ko na ang magiging pangalan nya" Malamig na saad ng lalaking tatay ko daw!

' Hoy! Anong pangalan?! May pangalan na ako! Rita Romblon!!'

" Daisy. Ang pangalan nya ay Daisy"

' Anak ng!'

ISANG MALUNGKOT na araw ito upang ilibing at ipagsaya ang kapanganakan at kamatayan ng asawa ng Mahal na Duke.

Lahat ng mga manggagawa sa loob ng palasyo upang ayusin ang libing ng kanilang Headmistress. Sumasang-ayon pa ang kalangitan sa pagluluksa ng palasyo.

" Kamusta na kaya ang bagong binibini? May nagpakain na kaya sa kanya?" Mahinang bulong ko kasabay sa pagkatok sa pintuan ng mahal na duke.

" Mawalang galang na Mahal na Duke Hermon. Ngunit oras na upang bigyan ng pangalan ang bagong munting binibini" Magalang na saad ko sabay silip sa Duke na ngayon ay nagbabasa ng mga Dokumento.

" Bilisan natin" Maikling sagot ng Duke na syang mahinang ikinabuntong hininga ko nalang.

Noong buhay pa ang Headmistress ng bahay sya ang nagbibigay ng pangalan sa mga anak nila ngunit ngayon na namayapa na sya si Duke Hermon na ang magbibigay ng pangalan sa sanggol.

Tumayo ang Mahal na Duke at inayos ang suot nitong damit at naunang umalis sa kanyang Opisina.

Napailing nalang ako sa naging asal ng Mahal na duke.

" Sana hindi maging pangit ang pangalan ng munting binibini" Buntong hiningang saad ko nalang at mabilis na sumunod sa Mahal na Duke.

Tahimik ang naging paglalakad patungo sa silid ng bagong binibini. Lahat ng aming nakakasalubong na manggagawa ay nakasuot ng itim at mugto ang mga mata.

Naaawa nalang talaga sa munting binibini ang mismong kaarawan nya ay kamatayan ng Ina nya.

Huminto kami sa malaking pintuan na gawa sa Migronine. Ang punong ito ay may kapangyarihan upang maging ligtas ang bata sa anumang kapahamakan.

Dahan-dahan binuksan ng mga tagapagbantay ang malaking pintuan. Unang tumuloy ang Mahal na Duke at diretsong pinuntahan ang munting binibini.

" Mahal na Duke Hermon, Ito na po ang bagong binibini sa inyong kastilyo" Magalang na saad ko sabay silip sa mukha ng Mahal na Duke upang makita ang reaksyon nito.

" Sa nakikita nyo Duke Hermon. Nakuha ng sanggol na binibini ang mata ng inyong yumaong asawa at ang kabuuan ay nagmula na sainyo"

Napailing nalang ako ng makita ang reaksyon ng Mahal na Duke. Kasing lamig ng yelo. Tumingin ako sa mukha ng munting binibini na ngayon ay nakatingin sa kisame at papikit-pikit.

' Nakakagigil'

" Sa nakikita nyo Duke Hermon. Nakuha ng sanggol na binibini ang mata ng inyong yumaong asawa at ang kabuuan ay nagmula na sainyo" Paglalarawan ko sa mukha ng munting binibini. Na ngayon ay gumagawa ng maliliit ng mga ingay.

' Ang sarap yakapin'

" Bakit umaangat ang dalawa nyang gitnang daliri?" Agad akong napadilat ng mata at tinitingnan ang ginagawa ng munting binibini.

' Mukhang sinusubukan na nyang ibuka ang mga kamay nya. Nakakagigil talaga!'

Tumingin ang munting binibini sa Mahal na Duke. Mukhang nakikilala nito ang kanyang Ama.

Nagulat ako ng bigla nitong hawakan ang daliri ng Mahal na Duke.

" Duke Hermon! Hinawakan po kayo ng anak nyo! " Natutuwang saad ko habang manghang nakatingin sa dalawa.

Ito ang unang pagkakataon na nakita ko na hinawakan ng anak nya ang daliri ng Duke. Dahil dati sa tuwing ginagawa nya iyon sa kambal nyang anak. Nagiiyakan at nagwawala ang mga ito.

" Alam ko na ang magiging pangalan nya" Napatayo ako ng diretso ng marinig ko ang mga katagang iyon sa Mahal na Duke.

' Ano kaya ang magiging pangalan nya? Sana maganda, Sana pangbabae!'

" Daisy. Ang pangalan nya ay Daisy" Napatalon at napapalakpak ako ng maayos ang binigay na pangalan ng Mahal na Duke.

Napahawak ako sa dibdib ko at napahinga ng maluwag.

' May kapangyarihan ang dasal!'

" Mahal na Duke tuwang-tuwa ang munting binibini sa binigay nyong pangalan. Tingnan nyo at sumisipa at kinakaway nito ang mga kamay nito.

Napapunas nalang ako sa gilid ng mga mata ko dahil sa nakikita ko.

' May Himala talaga! Sa wakas may anak na rin syang hindi takot sa pagmumukha nya'

" Nakakamangha" Maikling saad ng Mahal na Duke at hinimas-himas ang maliit na kamay ng munting binibini.

' Nakakatuwang makitang may pake ang Mahal na Duke sa anak nya'

" Salamat binibining Daisy"

Creation is hard, cheer me up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up!

agreescreators' thoughts