webnovel

FOLLOW THE VILLAIN (TAGALOG/ FILIPINO)

Ano ang gagawin mo kapag isang araw ay nagising ka nalang sa isang libro na ginagawan mo ng book review para sa subject mo na EAPP? Rita Romblon, The unlucky or lucky girl? Na napunta sa katawan ng kontrabida sa librong ginagawan nya ng book review. Ang Tatay na dapat galit sa kanya ay naging Tatay na Mahal na Mahal sya. Ang dalawang kapatid nya na Kambal na dapat babalewalain sya ay naging mga kapatid na ayaw syang paalisin sa tabi nila? At ang mga Karakter sa libro na dapat ay isusumpa at papatayin sya ay naging mga sisiw na laging sumusunod sa kanya. Anong nangyari?

agrees · Fantasy
Not enough ratings
4 Chs

Chapter 1: The Beginning

" UWAAAHHHHHH!!!"

' Shuta nasaan ako? May pasahan pa ako masayang 10 am. Hindi ako pwedeng malate. Ayokong mawala sa running for honors'

" Ang ingay naman ng sanggol na iyon!" Rinig kong saad ng isa sa mga batang tyanak na nasa gilid ng crib ko ngayon.

' Shuta! Wala akong pakielam kahit umiyak ako ng malakas. Ano to? Naging Baby ako paggising ko? Tapos, Lintik talaga! Anong bansa to?'

Bakit parang nasa medieval or renaissance period ako?

' Girl, Ang pangit ng damit mo!!!'

Bakit ganyan yung mga ayos nila? Parang mga lumang manika na sinaniban ni Annabelle!

" Namatay si Mama dahil sa kanya" Rinig kong saad ng batang lalaki na syang ikinalaki ng mata ko.

' Hoy! Ano yon? Wala akong pinapatay na tao!'

" UWAAHHHHH!!!"

" Nakakarindi yung iyak nya no? Ganito ba talaga kapag bagong panganak na sanggol?" Tanong ng batang babae na syang mas lalong ikinaiyak ko nalang.

' Ayun na nga eh! Naging baby ako! Hindi ko alam kung panaginip ba ito o kanilang buhay? Baka ito yung kapatid ng panonood ka ng h-"

" Sana sya nalang yung nawala kesa kay Mama" Naiiyak na saad ng batang lalaki.

' Oyy!! Ibalik nyo nalang ako sa mundo ko. Please!!!!"

" UWAHHH!!"

" Huy, mas lalo mo syang pinaiyak" Nag-aalalang saad ng batang babae sabay hawak sa pisngi para punasan yung luha ko.

' Mabait ka palang little girl ka, Kahit masyadong off yung style mo'

" Uyy! Tumahan sya oh" Excited na saad ng batang babae sabay tumingin sa akin ng nakangiti.

" Ako na ang magiging Mama mo ngayon" Nakangiting saad nito na nagpanganga sa akin.

'Ano?'

" Anong pinagsasabi mong mama? Eh, Patay na nga yung Mama natin kaya wala na rin syang Mama" Inis na saad ng batang lalaki na syang ikinalungkot ng batang babae.

" Bago manganak si Mama, Sabi nya sa akin kapag nawala sya. Ako ang tatayong Mama sa sanggol" Malungkot na saad ng batang babae.

' Shuta, ano itong nalalaman ko!'

" Hindi ikaw yung Mama nya kaya huwag kang magpakananay sa kanya! Atsyaka! Kung hindi sya pinanganak edi sana buhay pa yung Mama natin. Kasama pa natin sya! Isipin mo nga lalaki tayong walang Ina. Eh, Ang bata bata pa natin!" Galit na saad ng batang lalaki sabay tulak sa crib ko.

' Hoyyyy!!! Tigilan mo yan! Nahihilo ako!!!!'

" UWAHHHHH!!!!!!"

" Damien! Tigilan mo na nga yan! Umiiyak na yung sanggol oh!" Mabilis na saad ng batang babae sabay pigil sa lalaki sa pagtulak sa crib ko.

' Yan! Tama yan! Patigilin mo sya at kay nasusuka na ako!'

" UWAHHHH!!!!!!"

" NAKU PO! ANONG NANGYAYARI DITO?"

" Nanny Rosita, Tingnan mo yung ginagawa ni Damien sa sanggol!" Inis na turan ng batang babae sa kapatid nya.

Gusto kong mag thumbs-up sa Little girl na ito. Pero bigla kong naalala bagong panganak palang pala ako. Kaya hindi ako makapag f*ck-u!

" Damien! Hindi mo dapat inaalog ang kunan ng kapatid mong bagong panganak palang. Mahihilo sya!" Saad ng Yaya ni Little girl sa batang damuho na ito.

" Rosita! Bakit mo pinagsasabihan si Master Damien? Sino ka para gawin yan?" Saad ng isang babae na kaparehas ng damit ng Yaya ni Little girl.

" Leina, Pinagsasabihan ko lang si Master Damien. Ginugulo nya yung bago nyang kapatid" Mahinahong saad ng Yaya ni Little girl.

" Nilalaro lang nya yung kapatid nya anong masama doon?" Inis na sagot nito.

" Tsk! Hayaan mo na sila Nanny Leina. Gusto ko nang umalis sa pangit na lugar na ito" Bastos na saad ng batang chucka doll at tuluyan nang nilisan ang kwarto na ito.

' Akala mo naman gusto namin sya dito? Bastos non!'

" Rosita, Umayos-ayos ka sa susunod na Master ng bahay na Ito!" Mataray na saad ng Yaya ng chucka doll na bata at tuluyan na ngang nilisan ang loob ng silid ko.

' Ano yon? Akala mo magulang ng bata! Epal amp!'

" Lady Dianna, Kailangan na nating umalis dito bago ka makita ng Duke. Alam mo namang ipinag-utos nya na bawal pumasok sa silid na ito" Mahinahong saad ng Yaya ni Little girl.

' Bakit bawal ako dalawin. Huh? Kailan ko ng information about sa lugar na ito! Need ko talagang bumalik!'

" Umiiyak kasi yung sanggol hindi ko kayang marinig syang umiiyak" Inosenteng sagot ni Little girl na syang nagpangiti sa akin.

' Sweet naman pala. Pero hindi lang talaga ako makapagsalita kaya ako umiiyak.'

" Hindi mo na kailangang puntahan sya dito at mamaya ay darating na yung mga mag-aalaga sa kanya" Saad nito.

' Huh? Kanina pa ako nandito tapos wala pa yung sinasabi mong darating na yaya o kung ano man yung sinasabi mo!'

Napayuko si Little Girl at dahan-dahang tumingin sa akin.

" Nakakaawa sya hindi nya nakita yung mukha ni mama" Naiiyak na saad nito.

' Hoy! Buhay pa yung Nanay ko! Pinagalitan pa nga ako dahil sa kalat ng kwarto ko eh!'

" Ganun talaga ang buhay Lady Dianna, May mga taong malas at naiiwan sa likod" Mahinahong Paliwanag nito na syang ikinagulat ko.

WTF!

' Hoy! Hindi ako malas! Teka?! Baka, Oo nga malas ako! Napunta ako dito biglaan. Kailan ba ako magiging?'

" UWAHHH!!!"

" Umiiyak na naman yung sanggol Nanny"

" Hayaan mo na sya at mamaya at dadating na rin yung mag-aalaga sa kanya. Halika na Lady Diana" Kalmadong saad nito na syang nagpatahimik sa akin.

' Hayup na! Anong klaseng mindset ang meron sa mga taong nandito? Totoo? Alam nyo ba kung paano mag-alaga ng bata?'

" Magiging maayos lang ba sya kapag iniwan natin? Hindi ba sya mapapahamak? " Nag-aalalang tanong ni Little girl na nagtouch sa damdamin ko.

' Napakabait mo talaga Little Girl! Tama yan! Give me some care!'

" Magiging maayos lang sya. Makakatulog din sya pagnapagod na sya sa pag-iyak" Sagot nito kay Little girl.

' Hoyyy!!! Wag ganyan! Iwanan nyo talaga ako sa loob ng kwarto na ito? Nakakatakot! Kaparehas nito yung pinapanood kong horror houses noong medieval period!'

" Totoo po ba yan Nanny? Magiging ayos lang sya? Umiiyak sya ngayon oh" Turo sa akin ni Little girl.

" Lady Diana, Normal lang sa mga sanggol na umiyak ng umiyak dahil natutuwa sila sa pagkapanganak nila. Kaya iwanan na natin sya upang makapagsaya sya na mag-isa"

' Shuta, Kailan ba ako makakapag middle-finger sa babaeng ito? Gusto ko syang bigyan ng mag-asawang f*ck-u'

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Like it ? Add to library!

agreescreators' thoughts