SHE was gazing outside the wide rice fields in front of her. May ilang mga tagak ang bumababa sa palayan mula sa alapaap. Pinuno niya ng sariwang hangin ang dibdib. Mamayang hapon ay babalik na siya sa Dubai. Ilang araw matapos ang pagkikita nila ng kuya ay nagdesisyon siyang bumalik na lamang sa ibang bansa.
Staying at home could not suffice what she was going through right now. Next week ay paniguradong lalabas na ang mga balita sa pagpapakasal ni Joseph at kahit saang sulok ng Pilipinas ay pihadong maririnig niya ito. She wanted to go as far as she could where she won't be able to find a trace of him. Sa kabila ng pagtutol ng mga magulang ay hindi pa rin siya napigilan ng mga ito.
"Lilac, sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?" Bumuntong hininga ang ina niya. "We just got you back." Gumaralgal ang boses nito sa winika.
As much as she wanted but the excruciating pain was really difficult to bear.
Nginitian niya ang ina. "Ma, I need this. Just give me two or three years. I'm sure time heals all wounds." Pang-aalo niya rito.
Niyakap siya nito. "Take care of yourself Lilac. Mahal na mahal ka namin ng Papa mo. Tandaan mo lagi iyan."
Mahigpit din niyang niyakap ang ina. "I know Ma. I love you too." Sisiguruhin niyang sa pagbabalik niya ay naghilom na ang sugatan niyang puso.
Nasa ganoon silang posisyon nang isang malakas na ugong ang nagpabalikwas sa kanilang mag-ina. Sa pandinig niya ay tunog ito ng isang helicopter. Pero bakit parang napakababa naman ng lipad nito?
Narinig niya ang pagtawag ng ama sa kanila mula sa likod bahay. "Ma, Lilac, ano kaya ito? May bumababang helicopter malapit sa atin."
"Helicopter?" Laking pagtataka din ng Mama niya. "Bakit naman may pupuntang helicopter dito?"
Pinuntahan nila ang ama na nasa likod bahay. Isang helicopter ang bumaba sa damuhan halos apatnapung metro ang layo mula sa kanilang bahay. Habang bumababa ito ay siya ding bilis ng pagtambol ng tibok ng puso niya nang makita ang nakasulat sa gilid ng helicopter. Blue Coral Hotels. Ang mga palad niya ay simulang nanlamig.
Is he here? Tanong niya sa sarili.
Mula sa pinto nito ay lumabas ang taong nasa isip niyang lulan ng chopper. Nakasuot ito ng shades, puting polo at kupas na maong. Kilalang kilala niya ang tindig ng lalaki.
"Joseph." Napatutop siya sa bibig. Anong ginagawa ng lalaking ito sa kanila.
Lumakad ito palapit sa kanila. Sa bawat hakbang nito ay nadaragdagan ang kabog ng didbdib na nadarama. For how many weeks had she been thinking of seeing that face again.
"Magandang tanghali po." Bati ng lalaki sa kanila na nagtanggal ng salaming suot at inilahad ang kamay sa Mama at Papa niya.
Ang ina ay nakatingin lamang sa lalaking kaharap. Alam nitong si Joseph ang lalaking dahilan ng pag-iyak niya sa halos araw araw. At hindi niya alam ang iniisip nito ngayon. Siguradong tulad niya ay hindi rin nito inaasahang makita ang kilalang binata. Ang ama niya ay kalmadong inabot naman ang kamay ng binata. Diretso nitong tinitigan ang lalaki subali't hindi nagpapakita ng anumang reaksyon. He remained calmed and composed but stood like a an army. Ngunit hindi natatakot rito ang binata. Halata iyon sa mukha nito na nanatiling banayad. How she missed looking at that face again!
"I'm Joseph Leandro Garcia, Mr. and Mrs. Montes." Pagpapakilala nito sa sarili. "Nagpunta po ako rito upang makausap si Lilac."
Para kausapin ako? Para saan pa Joseph?
Tumikhim ang ama mayamaya. Bumaba ang mata nito mula ulo hanggang paa at pabalik sa kaharap na lalaki.
"Siya ba?" Matigas na tanong nito sa ina niya. Tila pinapatikas nito ang katawan sa harap ng binata bagamat malaki ang agwat ng taas nito sa ama.
Ngumiti naman ang ina rito at hinawakan ito sa braso na sa wari niya'y pinipigilan ang ama sa kung ano pa ang gusto nitong sabihin at gawin. "Mahal, halika, hayaan mo munang mag-usap ang mga bata." Panghihikayat nito sa esposo.
"Kukuha muna kami ng maiinom ninyo." Paalam ng mama niya sa kanila. Tinignan muna nito ang lalaki at sa isang iglap lang ay nawala na ang mga ito sa paningin nila. Nakita pa niya nang pukulin muna ng tingin ng papa niya ang binata bago maglaho.
"You're here." Siya ang unang nagsalita.
"And you're here." Balik na wika nito sa kanya.
Pinagsaklop niya ang dalawang braso at iniwas dito ang paningin. Joseph was just looking at her as if trying to memorize her face. It was the same look she saw from him noon sa beach ng Pariston Hotel. Nang unang beses siyang halikan ng binata.
Ayaw na niyang mabiktimang muli ng mga matang iyon.
"Bakit ka narito Joseph?" Hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa. Mas maaga itong aalis, ay mas mabuti para sa kanya. Gusto na niyang matapos ang usapan nila bago pa man siya mawalan ng pagpipigil sa sarili at yakapin ito. She really missed him so much.
"Para sunduin ka." Maikling sagot nito. Hindi pa rin humihiwalay ang mga titig nito sa mukha niya.
"Damn you Joseph! Stop playing with me." Pagalit niyang wika sa lalaki. Her eyes sparked anger. How could he say these words?
"I missed those beautiful eyes Lilac. Your long black hair. I missed your baby scent." Iniangat nito ang isang kamay at dinala sa pisngi niya. Naramdaman niya ang init ng palad nito.
"I missed that pair of lips." He touched the edge of her lips with his thumb finger.
"Get lost Joseph." Inilihis niya ang mukha upang mapalis ang pagkakahawak nito.
"I came here to see you Lilac. I've been wanting to see you but I thought wasn't qualified yet to do that. You have no idea how it pains me to restrain myself from coming to you." What is he trying to say?
Hindi pa rin umiimik ang dalaga.
"Hindi mo ba tatanungin kung bakit ngayon lang ako?" Inangat nito ang baba niya upang magtama ang tingin nila.
"Ano bang ginagawa mo Joseph? Ikakasal ka na sa isang linggo at magkakapamilya. Bakit ba nagpunta ka pa dito?" Hindi niya naiwasang manginig ang boses sa huling pangungusap. But she tried to pull back her tears and keep her ground.
Malungkot itong ngumiti. "I am not marrying Jassie, Lilac. Kung iyan ang ibig mong sabihin."
Ibinaba na nito ang kamay at humawak sa batok na tila nangangawit iyon. "Jassie and I were not what you were thinking. I don't love her Lilac. She was only obsessed with me and my money." He said with distaste. Bumuntong hininga ang binata at tumingin muli sa kanya.
"While you. You never desired what I have to offer more. Kahit na alam mong marami akong kayang ibigay sayo lalo na ang pera. It was even more difficult for me to reach you. You were always so reserved though nararamdaman ko din namang gusto mo ko. Sa maraming pagkakataon ay nasaling ang pagkalalaki ko dahil sayo."
Ngumiti ito sa biglang naisip.
"Alam mo bang ikaw pa lang ang unang babaeng nangahas akong layuan? I lived my life being wanted, being chased, being desired. But you and your impulsiveness," He paused for a while. He chuckled at the thought. "It felt like hell thinking I would never see you again Lilac."
Namula ang mga pisngi niya sa sinabi nito. What should she say?
"Wala ka man lang bang sasabihin sa akin? You know I hated explaining myself but I am doing it right now in front of you. I am doing everything I never used to do before." Nagkunot ang makakapal na kilay ng lalaki.
"W-what should I say?" Nauutal niyang sagot rito. She was just too overwhelmed with what she heard. Is this even true?
"There you are again. Answering me with another question." Napahagod itong muli sa buhok at tumingala bago tumingin sa kanya.
"I just confessed my love to you Lilac. At eto ka, parang tuod na walang narinig." He looked at her straight in the eyes.
"W-what?" Napalunok siya sa mga sinabi nito. His love for me?
"I think you need some refresher." He smiled at sa isang iglap lang ay nahapit na siya nito at siniil ng mga labi nito ang sa kanya. He was kissing her with so much longing and passion. And love that she wanted to cry. Matagal at masidhi ang mga halik na iyon na tila ba wala nang bukas pa. Naramdaman niya ang pangungulila nito sa kanya. Tumaas ang mga kamay niya sa leeg ng lalaki. She returned his kisses to him with the same intensity. Longing and wanting. How she waited for this to happen! Joseph, kissing her because he loves her not because of anything else. It was like paradise being in his arms again. She did not want this moment to end.
Maya-maya'y isang tikhim mula sa likod niya ang nagpatigil sa kanila.
"Magpalamig muna kayo mga anak. Mukhang mainit eh." Wika ng ina hawak ang tray na may lamang malamig na juice at tinapay. Hindi nito alam kung paano ang magiging reaksyon sa nasaksihan sa kanila.
Marahan siyang binitawan ng lalaki. Napangiti pa ito nang makita ang panghihinayang sa mukha niya.
Tumayo ito ng maayos at humarap sa mga magulang niya. "Mama, Papa, maraming salamat po sa tulong ninyo. Dadalhin ko na po si Lilac." Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Tulong?
Sa pagkagulat niya ay mabilis siyang pinangko ng binata. "W-what are you doing Joseph?"
"Iuuwi na kita para hindi ka na makawala pa." Wika nito na ang mga mata ay pilyong nakatingin sa kanya.
"Nakahanda na ang mga gamit niya Joseph." Wika ng ina niya na nakangiting tumungo sa kanila.
Ang Papa naman niya ay hindi makatingin na tila ba may inililihim ito. Something is up.
"Ma, Pa anong ibig sabihin nito?" Nakataas ang kilay na tanong niya sa mga ito.
"Sorry love, naibenta ka na sa akin ng mga magulang mo." Nakatawang sambit ng binata sa kanya. At nakita pa niya ang pagkindat nito sa ina.
"Whatttt!?" Bulalas niya sa sinabi nito. "I demand an explanation!" She insisted looking back and forth to these three persons.
"Uhm." Ang ina niya ang unang nagbukas ng bibig. "Alam mo kasi anak, makulit itong si Joseph eh. Mula nang magbalik ka rito ay panay ang pagtawag niya sa amin ng ama mo. Ilang beses na rin siyang dumadalaw sa shop natin. Ipinaliwanag niya sa amin ang lahat. I saw how much he loves you Lilac. Hindi niya kami tinigilan ng Papa mo. Ilang beses namin siyang pinagtulukan pero lagi lang siyang bumabalik. You were always busy sa green house that is why you do not know na nagpupunta siya sa shop. Hindi namin sinabi sa 'yo dahil ayaw mong makarinig ng kahit ano tungkol sa kanya. Kaya lang, bigla kang nagdesisyon na bumalik ng Dubai. Kaya wala na kaming nagawa."
Tumingin siya sa ama nang taas ang isang kilay at waring hinihintay itong magsalita. "Pa? Akala ko pa naman ay ayaw nyo kay Joseph. May pa tikas-tikas pa kayong nalalaman kanina. Kailan pa kayo natutong umarte?"
"Ah. Eh. Ganoon yata anak kapag may manugang kang artista. Natututo ka." Sagot nito na sa kisame ang tingin at hindi makaharap sa kanya.
"Manugang?!" Ano bang pinagsasabi ng mga ito? Paanong nakuha ni Joseph ang loob ng mga magulang niya ng ganoon kabilis?
Kumapit sa beywang ng ama niya ang kanyang ina at tumingin sa kanila ng may lambong ang mga mata. "Papa, tignan mo nga naman ang mga anak natin. Sa susunod ay magkaka-apo na tayo." Masayang wika nito.
"Ma! Ano bang sinasabi ninyo?" Si Joseph ay tumatawa naman sa sinabi nito. Noon niya lang nakita ang binata ng ganoon kasaya.
"Huwag kayo mag-alala Mama, bibigyan agad namin kayo ng apo." Sagot nito sa ina niya sabay kindat sa kanya. Namula ang mga pisngi niya sa inakto ng binata.
"Ibaba mo nga ako Joseph. Pinagkaisahan ninyo ako." Pagalit na wika niya at ikinawag ang mga binti upang makawala sa binata. Subali't tila bakal ito na hindi man lamang natinag.
"Susunod na lamang kami sa inyo." Iyon ang sabi ng kanyang ama at tinanguan nito ang lalaking may hawak sa kanya.
Binitbit siya ng lalaki na tila lamang siya bulak sa gaan. "Joseph, ibaba mo nga ako! Ano bang ginagawa mo?!"
"Sorry chiquita. Mula ngayon ay hindi ka na makakalayo sa paningin ko. I got your family's blessings anyway." Hindi pa rin mapalis ang ngiti nito na umaabot sa mga mata ng binata.
"And what about me?" Nanghahamong tanong niya rito. "What made you think na pakakasal ako sayo?" At pinagkrus niya ang dalawang braso.
Tumawa naman ito sa inakto niya na tila ba bata ang kausap nito. "You have forgotten already love. You just bestowed me your blessing earlier. Nakalimutan mo na ba?" Nag-init ang buong mukha niya hanggang tainga.
"You're blushing Lilac." Panunudyo nito sa dalaga.
"You don't have to state the obvious Mr. Garcia." She said with irritation. "And by the way, ngayon ko lamang nalaman na iyan pala ang apelyido ng mapapangasawa ko." She said though she already had an idea before.
"And you will be Mrs. Joseph Leandro Garcia soon mi esposa." Ang sarap sa pandinig ng sinabi nito. He really wants to marry me.
"But what about Jassie? And the baby?" She could not be this happy kung alam niyang may masasaktan siyang iba.
Huminto ito sa paglalakad. Tinitigan siyang mabuti ng lalaki. "You never watched television did you?" Tanong ng binata sa kanya.
Umiling lamang siya bilang sagot rito.
"Love, Jassie and I were never engaged. And the baby is not mine. I told you before. Hindi mo ba ako pinapaniwalaan?" He said looking at her in the eyes.
"B-but what I saw in the hotel--"
"She was trying to seduce me Lilac. She took her clothes off thinking she can use it to her advantage. Pero hindi ako nadadala sa ganoon love. Not unless it is you I guess." Paliwanag nito sa kanya na napangiti sa naisip.
Inirapan niya ito. "Then what about the baby?"
"Nothing happened between us Lilac. That baby is not mine. Lumabas na rin ang resulta ng DNA test na ginawa sa bata proving I am not the father. And besides, the real father finally showed up." He smirked at the thought.
"Is that true?" Hindi makapaniwalang wika niya. Ang mga palad ay natutop sa bibig.
"Yeah. It was Mikael. One of our co-actors sa set. It seems they have been having an affair long before." Kaswal na sagot nito sa kanya.
"Then why was Jassie after you?" She thought of Jassie. She was too desperate to have Joseph to the extent she even tried blackmailing him in public.
"She was obsessed. I am rich Lilac. Filthy rich. Plus the fact na ganito ako kagwapo." Ngumiti ito na akala mo nagsu-shoot ito ng commercial. Pakiramdam yata nito'y ito na ang pinakamagandang lalaki sa buong mundo. Alam niyang nagbibiro lamang ito but she could not also contest.
She rolled her eyes trying to conceal her true feelings.
"And what happened to your face? Don't tell me tactic yan para sumama ako sayo." Bati niya sa tila nangingitim na pasa nito sa ilalim ng mata at maliit na sugat sa gilid ng labi. What happened to him?
"Oh. This?" He smiled at her. "I told you I got your family's blessings."
"What?!" Bulalas niya rito. "My father did this?" Hinawakan niya ang parteng iyon ng mukha ni Joseph.
"Nope. Your brother did." Natatawang wika nito. "I didn't know you have a Jet Li brother Lilac. He almost killed me." At lumakad na itong muli papunta sa naghihintay na helicopter.
Napailing na lamang ang dalaga. So this was the small misunderstanding huh. Surely, nahirapan ang binata sa kapatid niya. He was a scholar before dahil sa sports nito at laging nananalo ang paaralan ng gold medal sa martial arts dahil sa kuya.
"Why did you not tell me he was your brother?" Tanong nito sa kanya. Ibinaba siya nito sa upuan sa loob ng chopper.
"I did not have the chance to tell you dahil pagdating ko sa unit mo ay nakita ko kayo ni Jassie sa ganoong sitwasyon." She explained to him. She remembered again that scene.
He touched her cheek. "At wala ka na ulit na makikitang ganoon future Mrs. Garcia." Wika nito na titig na titig sa kanya assuring her.
"I have not said yes yet Mr. Joseph Leandro Garcia." Balik niya rito.
Pinagdikit ng binata ang dalawang kilay at inilapit ng husto ang mukha nito sa kanya. "Not yet?" Naghahamong tanong nito sa kanya. Sa simpleng pagdikit namang nito ng mukha ay para na siyang kinukuryente.
"Nope. You haven't said the magic words." Nakangiting sambit niya rito.
"I love you Lilac Montes. Will you marry me?" His lips were almost touching hers.
And she gave up.
"I love you too Joseph Leandro Garcia. You have finally fell in love." Sagot niya rito ng puno ng pagmamahal.
"You bet. I'm finally in love Lilac Montes. And with only you."
Hinawakan niya ang batok nito at sinalubong ang mga labi ng lalaki. Nagtagpo ang mga labi nila sa isang matagal at masidhing halik.
I could not ask for more.