webnovel

Finally in Love

Blue Series presents: Book 1: Finally in Love (Seph and Lilac) Her vacation at Pariston Hotel was supposed to be the best vacation she could get so far. Until one guy ruined it all. Seph Leandro. This guy who was so full of himself. She's already got enough share of problems, one of which was finding Brian. Then this guy was suddenly in the picture and everything just didn't go as she planned.

Winowna_Sky · Urban
Not enough ratings
14 Chs

Desolation

MAHIGIT dalawang linggo na siyang naroroon sa probinsya nila sa Nueva Ecija. Matapos ang mga nangyari sa hotel ay agad siyang nagpasya na umuwi nang hindi nagpapaalam pa kay Joseph. Para saan pa? Malinaw na malinaw na ngayon ang lahat sa kanya.

Hinatid siya ni Daniel ng araw ding iyon sa airport. Ito na ang nagpresintang kumuha ng mga gamit niya sa hotel at ipadala sa tahanan nila.

She accomplished her mission. Iyon ang lagi na lang niyang pinang-aalo sa sarili. Iyon naman talaga ang dahilan nang pagpunta niya sa Tagaytay at sa Isla. Ang mahanap ang kapatid. She should be happy.

Kung hindi lamang niya isinama ang puso sa tunay niyang pakay, disin sana'y buo ang kaligayahan niya ngayong uuwi sa mga magulang upang ibalita sa mga ito ang nangyari.

Isang katok ang narinig niya mula sa pinto ng kanyang cuarto. Alas nueve na ay nakahiga pa rin siya at hindi bumabangon. "Anak, dinalhan kita ng paborito mo." Binuksan nito ang pinto.

Ang mama niya. Mula nang makabalik siya ay labis ang pag-aalala nito.

Pumasok ang ina hawak ang isang tray ng pagkain. Niyakap niya ang ina matapos nitong maibaba ang dala sa bedside table. Hindi niya napigilang ang ilang patak ng luha na bumagsak sa pisngi. Hinaplos nito ng isang kamay ang buhok ng dalaga na waring inaalo siya. Ilang araw na siya nitong dinadalhan ng pagkain sa cuarto niya pagkat sa maraming pagkakataon ay ayaw niyang kumain at gustong mapag-isa. Ni hindi siya lumalabas ng bahay, o gumagamit ng social media at kahit na manood ng telebisyon ay hindi niya ginagawa. Ayaw na niyang makabalita ng kahit ano na makikita o maririnig niya ang pangalan ng lalaki.

"Binatog. Nilagyan ko yan ng asukal at maraming niyog." Pinasigla ng ina ang boses. Natigil ang pagsesentimyento niya sa winika ng nito.

"Mama, kailan ko pa naging paborito ang binatog?" Natatawang tanong niya.

Ngumiti ang ina. "Wala ka na kasing paborito mula nang magbalik ka. Kaya ako na ang gumawa ng paborito mo." Nakatawang wika nito. Napakapalad niya na magkaroon ng ganitong magulang. She missed her mom so much.

"Thank you 'Ma." Pasasalamat niya. "Seriously."

She looked at her then sighed. "You're welcome flower. Mabuti pa, mag-ayos ka na at kumain. Pumapayat ka na. Alam mo namang ayoko kayong nangangayayat."

Tumango siya. "Yes 'Ma." Hinalikan siya nito sa noo saka tumayo at lumakad na papunta sa pinto. Bago nito buksan iyon ay nilingon siya nitong muli.

"Anak, getting hurt is a part of being in love. It is part of the process. Love as much as you want. Cry as much as you want. That's the beauty of love. It is the perfect mixture of all. Hindi lang laging masaya ang pag-ibig flower." Ngumiti ito sa kanya bago ito lumabas ng cuarto. Naiwan siyang nakamasid lamang sa pintong pinaglabasan nito.

Hindi laging masaya ang pag-ibig. Inulit niya iyon sa isip niya.

Napabuntong hininga siya. Never in her entire life had she shed a man in her heart. It was as painful as walking on top of pieces of glasses.

Ilang tawag ang natanggap niya mula sa lalaki sa loob ng halos tatlong araw mula nang umalis siya sa Isla Azul. Pero lahat ng iyon ay hindi niya sinasagot. Ayaw na niyang makinig pa sa mga gusto nitong sabihin sa kanya.

Malinaw ang nakita ng mga mata niya. Si Jassie, tanging underwear na lamang na pang-itaas ang suot nito. Nakapalupot ang mga braso nito sa leeg ni Joseph at kahalik ang lalaki. Narinig pa niya nang sabihin ng babaeng babalik ito sa susunod. Ano pa bang eksplanasyon ang kailangan niya mula rito?

Kung hindi pa niya nakita ang mga ito ay anong malay niya kung saan na umabot ang ginagawa ng dalawa. Kunsabagay, bakit nga ba siya nasasaktan? Ang nasaksihan niya ay patunay lang na magkasintahan pa ang dalawa. At sila namang dalawa ay walang masasabing tunay na relasyon. Hindi nga ba at wala namang nilinaw ito sa pagitan nila?

Why don't we both figure it out? Iyon ang wika nito sa kanya noon. Hindi sigurado ang lalaki sa nararamdaman nito sa kanya.

Pinuno niya ng hangin ang dibdib at tumayo. Walang mangyayari sa kanya kung patuloy siyang magmumukmok dahil rito. Kailangan niyang may gawin upang maging abala ang sarili at mawaksi ang pag-iisip sa binata.

Nagbihis siya at nag-ayos. Paglabas ay sinakyan niya ang single na motor na lagi niyang ginagamit noon. She missed riding her bike. Naaalala niyang si Brian pa ang naturo sa kanya noong magmaneho.

Pupunta siya sa green house ngayon at doon gugugulin ang oras. Matagal nang negosyo ng kanilang pamilya ang pagtatanim ng iba't ibang klase ng mga halaman, indoor man o outdoor. Nagagawa pa nilang makapag-export niyon sa iba't ibang lalawigan at lungsod kung saan ginagamit ang mga halaman nila bilang pang-landscape o kaya nama'y bilang flower arrangement sa iba't ibang okasyon lalo na ang mga kasal. Ito na ang bumuhay sa kanilang pamilya na pinundar ng mga magulang at kamuntikan nang mawala matapos maloko ang ama niya ng isang empleyado nito. Gayunpaman ay nakabawi silang muli, at malaking parte niyon si Brian upang mabawi nila ang negosyo.

Halos dalawang kilometro ang layo ng green house nila mula sa bahay. Makitid lamang ang batu-batong daanan na isang sasakyan lamang ang kasyang makaraan. Kailangan munang gumilid ng husto ang isang sasakyan bago makaraan ang makakasalubong nito. Mabuti na lamang ay sanay siyang magmotor. Hindi niya nagiging problema kung may makasalubong man sa daan o wala.

Tumatama ang sariwang hangin sa mukha niya. Naaamoy niya ang simoy ng mga damo at ang malapit na pag-aani. It gave her heart a calming scent. Binilisan niya pa ang pagpapatakbo.

Nang makarating siya roon ay binuksan niya ang gate at ipinasok ang dalang motor. Lumamlam ang mga mata niya nang maalala ang hardin nila Joseph sa Tagaytay. Gaya ng green house ay puno rin ng magagandang bulaklak at bonsai ang garden ng lalaki. Pero pinalis niya agad ang isiping iyon. Kaya siya narito ngayon ay para makalimutan na ito.

Takang nag-angat ng ulo ang mama niya nang malamang siya ang pumasok.

"Lilac. Anong ginagawa mo rito?" Tanong nito hawak ang isang paso na may lamang Calachuchi.

"Wala akong magawa sa bahay 'Ma. Gusto kong tumulong rito." Wika niya sa ina na ngumiti.

Nasiyahan naman ito sa narinig sa anak. "Mabuti naman at hindi ka na nagkukulong sa cuarto mo anak. O halika dito. Tulungan mo akong maglipat ng mga halaman sa paso. Nasa flower shop ang Papa mo. Tamang tama at may makakatulong ako rito."

"Sure 'Ma." Nakangiting wika niya.

SA loob halos ng apat na araw ay nakasanayan na niya ang mga gawain sa flower shop at sa green house. Maaga siyang bumabangon at nagpupunta rito upang magtanim, magdilig, magdamo, mag-grafting at kung ano pang kaya niyang gawin. Ultimo pagdeliver ng mga iyon sa shop ay siya na ring nagpresintang gumawa. Gabi na kung umuwi siya ng bahay. Ang gusto niya ay matutulog na lamang siya pagdating sa kanila.

"Lilac, hindi ka ba napapagod?" Wika ni Audrey sa kanya. Kasalukuyan niya itong kausap sa Skype. "Aren't you working yourself too hard?"

Nginitian niya ang kaibigan. "Hindi Audrey. I love what I am doing. This is family business anyway."

"Dinaig mo pa ang kalabaw kung kumayod. Ano yang halos fourteen hours shift mo sa trabaho mo? Baka naman magkasakit ka na?" She asked her worriedly.

"Okay lang ako Auds. Mas gusto ko ito. Nakakapag-enjoy ako sa ginagawa ko. Alam mo namang isa ito sa mga hilig ko." Depensa niya sa sarili. Alas onse na ng gabi iyon sa Pilipinas at alas siete naman sa kinaroroonan nito.

Pumalatak ito. "Don't be so hard on yourself Lilac. Huwag mong parusahan ang sarili mo. Seph is--."

May sasabihin sana ito tungkol sa lalaki subalit pinutol na niya agad ano man iyon. She didn't want to hear anything about Joseph. Anything at all. "Audrey, please, I don't want to talk about him."

"Pero Lilac, don't you want to know what happened to him and Jassie?" Pagpupumilit ng kaibigan.

"No. No. Not at all Audrey." Hindi niya ito gustong marinig. Lalo na ang tungkol sa dalawa. She was already trying to live her life again. "Mabuti pa, magpapaalam na muna ako Audrey. It's late here anyway."

Bumuntong hininga ito. "Okay. Sooner or later ay malalaman mo rin naman." At nagpaalam na ang kaibigan sa kanya.

I don't want to know. Humiga na siya sa kama. Pilit na pinikit ang mga mata at hinahanap ang antok. Pero imbes na iyon ay ang mukha ng lalaki ang rumerehistro sa isip niya. Joseph. Ano na ang ginagawa mo ngayon? Magpapakasal ka ba talaga kay Jassie?

NAROON siya sa shop upang humalili sa ama sa pagbabantay. Sa ilang oras niya roon ay makailang ulit siyang paikot-ikot, paulit ulit ang pag-ayos sa mga bulaklak at pag-spray sa mga ito. Mas gusto niya talaga sa green house dahil marami siyang nagagawa roon hindi katulad dito na tanging flower arrangement, at pagbabantay ang tangi niyang maaaring gawin.

Naisip niyang maglinis na lamang ng shop. Isa isa niyang pinunasan ang mga displayed na paso sa shelves. Binago niya ang mga ayos nito ayon sa palagay niyang mas maganda at nakikita ito ng mga dumaraan. Nahagip ng mga mata niya ang ilang piraso ng magazine sa shelf na tila hindi naman nakaayos. Nilapitan niya iyon at isa isa munang pinunasan ang covers na nalagyan na ng alikabok.

She saw one magazine with that familiar face. Ayaw man niya itong damputin subali't hindi niya na namalayan ang kusang pagkilos ng mga kamay.

"Joseph." Bulong niya. Her eyes were starting to feel wet. She missed him so bad. The past weeks that she's been trying to forget about him only made her want to see him more. Pero kailangan niya nang kalimutan ang lalaki. Lalo na sa mga nangyari.

Tumunog ang wind chime ng pinto ng shop. She has to conceal her feelings. There are right places for drama at hindi niya iyon maaaring dalhin rito sa trabaho.

She stood up to greet the customer who just came in. But to her surprise, it was Brian.

"Brye!" Bulalas niya pagkakita rito at agad na tinakbo ang kakapasok lang na binata.

Inilahad nito ang dalawang kamay sa magkabilang gilid. Niyakap niya agad ang kapatid. Masaya nitong ipinagtiklop sa kanya ang mga braso. He kissed her on top of her head.

"How are you flower?" May lambing na tanong nito sa kanya.

"Never been better." She wanted to say how she really felt but there seemed to be no other answer to his question.

Hindi ito umimik. Bagkus ay hinagod lamang ang buhok niya. Ilang sandali pa ay kumalas na din siya sa kuya.

Tinanggal nito ang suot na shades. "Kamusta ang Mama at Papa?" Tanong nito sa kanya.

Nag-angat siya ng tingin rito. "They are--" Kumunot ang mga kilay niya. Imbes na masagot niya ang tanong nito ay iba ang nasabi niya. "Are those bruises Brye?" Puna niya sa mukha ng kapatid. Mayroon itong maitim na tila pasa sa ilalim ng kaliwang mata. At mukhang may sugat din ito sa kaliwang sulok ng labi.

Itinaas nito ang isang kamay sa ulo at hinagod ang buhok patalikod.

"Uhm. Well I--It's nothing Lilac. Just a small fight. You know, men." Paliwanag nito na hindi makatingin sa kanya.

Hindi siya kumbinsido sa sagot ng kapatid niya. Pinagsaklop niya ang dalawang braso at diretsong tumingin dito.

"You were never a war freak Brye. The last time I remember na nakipag-away ka ay high school pa tayo. Noong may nam-bully sa akin sa school. But you never had bruises. Mahusay ka sa martial arts. How did that happen?" Matiim niyang tinitigan ang kuya.

Napangiwi ito sa sinabi niya. "Yeah. Those were the days." Natatawang sabi nito. "Don't bother yourself about me. This is just a small misunderstanding."

Nagtaas siya ng kilay sa sinabi nito. Small misuderstanding? What could it be na sa haba ng pasensya ng kuya ay nakagawa nitong makipagsuntukan? And worse, infairness, mukhang mahusay din ang nakalaban nito para malagyan nito ng black eye si Brian.

"Anyway, how was everything here?" Pagbabago nito ng paksa.

"Everything is fine Brye." Maigsing sagot niya sa kuya. Umupo siya sa isang kahoy na silya at ito man ay umupo katapat niya.

"Mama told me you've been working yourself too hard here. She's worried about you." He said looking at her in the face. Like he could really see through her.

"M-mama? Nagkausap na kayo ni Mama?" Kailan pa nito napagpasyahang magparamdam sa mga magulang nila?

"Yes. I've been dead worried about you. Wala akong mapagtanungan ng kalagayan mo kaya napilitan akong tawagan si mama." Mukhang may nagawa namang mabuti ang mga nangyari. Masaya siya kahit paano na nakikipagkomunikasyon na ulit ang kuya sa mga magulang nila.

"I-I just needed some things to do. You know, I've worked in Dubai for a couple of years. Hinahanap ko yung hirap ng ganoong trabaho kaya ako madalas sa green house." Pagpapaliwanag niya rito. As if it was enough to convince him. She knows Brian more than anyone just as he knows her.

Tinitigan lamang siya ng kuya na tinatantsa ang mga sinasabi niya.

"Do you love Joseph flower?" Tanong nito sa kanya sa mahinahong tinig.

Hindi niya alam kung saan siya titingin kaya yumuko na lamang siya. "We never really talked about it Brye. But maybe yes. Or else I won't be this hurt." She finally said with honesty.

Tumango ito. Narinig niya ang pagbuntong hininga lalaki. "Even if his status is different from ours?" Tanong nito.

"I never had really considered that Brye. So foolish of me right?" Tumawa siya ng pagak. "But anyway, what's the use? He is already committed to someone else. Who has the same level as he is. Famous and beautiful. Bagay sila actually."

Bumuntong hininga siya saka pinuno ng hangin ang dibdib. "Let's not talk about him."

Makahulugan siyang tinitigan ng kaharap. "You were not watching TV aren't you?"

"Paano mo nasabi?" Pati kaya ito ay sinabi rin ng ina nila. How she isolated herself so much na halos lahat na lamang ay iniwasan niyang gawin?

"'Cause if you did, you already knew." Sagot nito sa kanya. What should she know?

"If it is about Joseph then I never wanted to know." Marahil ay ikakasal na nga ito kay Jassie. It will only break her heart to know that. Mabuti na iyong wala siyang nalalaman. The lesser you know, the lesser the pain.

"He is marrying Lilac. Next week." He said.

Napaangat ang mukha niya sa sinabi nito. Joseph is marrying. Parang tuluyan nang sinaksak ang puso niya sa kumpirmasyong narinig.