webnovel

EVANESCENCE

"Let's divorce." "Fine. But please let me hug you for the last time."

sopephanyyy · Musik und Bands
Zu wenig Bewertungen
31 Chs

CHAPTER 25

💎Chapter 25: I'm sorry💎

---

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Namjoon at naka-upo ako sa upuan na nasa tabi ng kama ni Namjoon habang sila Taehyung naman ay naka-upo sa sofa. Hindi parin gumigising si Namjoon.

"Jin hyung, magpahinga ka muna kaya?" Tanong ni Jimin at tumayo sa tabi ko.

"Babantayan ko dito si Namjoon. You guys should go home. Okay lang ako dito."

"Sure ka, hyung?"

Tumango ako at ngumiti sa kanya.

"Uuwi na kami ha."

Tumango ako at kumaway sa kanilang lahat bago sila umalis at sinarado ang pintuan.

Tinitigan ko si Namjoon na nakahiga sa kama habang tahimik na natutulog.

Lahat sila ay nagsinungaling sa akin pati rin ba ikaw Namjoon? Please sabihin mo sa akin lahat kung meron ka 'pang tinatago mula sa akin dahil nababaliw na ako sa kakaisip.

Nakita ko syang nagising at nilibot nya ang kanyang mga mata sa buong kwarto hanggang sa tumigil ito sa akin.

"Asaan tayo?"

"Nasa ospital tayo, Namjoon." Sagot ko.

"Okay ka lang ba? Nasaktan ka ba? Lagot talaga sa akin yung Ken na 'yun kapag nakita ko ulit ang pagmumukha nya."

Ngayon ko lang ulit sya narinig na sabihan ako ng ganiyan. It makes me want to cry. i just miss these. I miss him protecting me. I miss him telling me that everything will be alright 'cause he will stay beside me. Hearing those words from him makes me feel so safe and secured.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong nya at pinunasan ny ang luha 'kong tumutulo na pala.

"Namjoon... Do you still love me?" Patuloy na tumutulo ang luha ko at nagbabakasakaling yung iniisip ko ang sagutin nya sa tanong ko.

"Oo. Mahal na mahal kita. Hindi nawawala ang pagmamahal ko sa'yo." Hinawakan nya ang kamay ko.

"Mahal na mahal din kita." Nilagay ko ang kanyang palad sa pisngi ko.

"Jin, i'm sorry. I'm sorry sa lahat ng ginawa ko sa'yo. Nagsisisi ako sa mga ginawa ko sa'yo. Hindi ko na dapat ginawa 'yun hanggang sa nalaman ko ang katotohanan."

"Anong katotohanan?" Naguguluhan 'kong tanong.

"Ang tatay mo. Hindi sya ang pum*tay sa daddy. My dad died from a heart attack. Alam ni mommy ang lahat pero hindi parin sila nagpatalo at hanggang ngayon ay sinisisi parin ang tatay mo."

"Teka. Alam mo? Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Yoongi hyung, told me. Inosente ang tatay mo."

Kahit kelan talaga ay mas inuuna pa nila ang pera at reputasyon.

"Alam ba ito ni dad?"

"Hindi ata alam ito ng tatay mo. Pero nahanap na namin ni Yoongi hyung ang tatay mo."

"T-Talaga? Asaan sya?"