webnovel

Diary ng Single

May mga single na gustong maging taken. May mga taken na gustong maging single. Pero meron ding mga gusto nalang maging forever single ang status.

hanarilee · realistisch
Zu wenig Bewertungen
23 Chs

Chapter 18

2:30 pm.

May one hour pa bago ang next exam ko. RE o Religious Education ang susunod na exam. Hindi na ako nag-abala pang mag-focus pa dito dahil wala namang kakabisaduhin.

Dug dug dug dug.

Kinakabahan ba ako o excited? Malapit nang matapos ang hellweek na ito. At pagkatapos? Bakasyon na! Weeee!

Joke. May OJT pa pala kami. Pero ang masaya, makakapunta kami sa Davao City. I haven't been to other cities bukod dito sa amin, sa Gensan, at sa city na kinalakhan ni mama.

I shrugged off my rapid heartbeat and explored the net instead. Nagpatugtog ako ng k-pop.

Sobrang tahimik ng school. Some students are studying sa benches near the hallway, pero karamihan ginawang tambayan ang library dahil sa aircon.

Dito ako sa table malapit sa clinic pumwesto para maki-wifi at para malapit lang sa Creegan 04.

Ang sakit ng tiyan ko kakatawa sa Gfriend, grabe! Mga baliw talaga. Pilit kong hininaan ang tawa ko dahil baka makaistorbo ako pero shet!

Hay nako. Natatawang binuksan ko ang aking twitter. Scroll lang ako nang scroll hanggang sa napadpad ako sa tweet niya.

Marc Kenneth@marcfariolan: Pota! Miss na kita!

@AubreyEspinosa replied: kailangan magmura? See u. 🤗

O.M.G.

Siya?

All this time? The girl is...

Para naman akong nakuryente at napatalon nang may nagtanggal ng earphones ko.

"Huy, okay ka lang? Anong ginagawa mo dyan?"

Si Ailou lang pala. Pinakalma ko muna ang gulat na gulat kong puso.

Okay na. Ayos na'ko.

Siya lang pala, eh.

Napanatag ang loob ko sa nalaman. At least, mabait at matalino naman yun si Aubrey.

She's really humble, soft-spoken and boyish. Hindi maarte at simple lang.

Akala ko, kaya hindi niya ako nagustuhan ay dahil may mali sa akin. It turns out, hindi lang talaga ako ang type niya. Type niya pala mga morena?

At least I know that he's in good hands and contrary to what I have predicted, hindi siya makakabuntis at makakapagtapos siya ng pag-aaral. Hahaha.

"Ha? Nagulat lang ako sa'yo. Tsaka, may nalaman ako."

"Ano?" Her eyes twinkled. Lumapit siya nang bahagya sa akin para makasagap ng chismis.

"Alam ko na kung sino ang gf ni Marc." I said, smiling.

"Oh? Sino?"

I told her who, although hindi niya kilala. She also stalked the girl.

"Mas maganda ka."

My heart smiled. "Hayaan mo na. I'm happy for them."

"Hi, Adrix!" Napalingon ako sa lalaking binati ni Ailou. Adrix smiled back.

Magkakilala pala sila? Sabagay, kahit malaki ang University, nakasalamuha mo pa rin lahat ng mga tao dito. Mas malawak pa rin ang mga state University. Doon, kailangang magcommute para makarating sa kabilang building. Dito, nilalakad lang.

He's still wearing his black hoodie jacket above his white polo uniform. Pero nakababa ang hood ng jacket niya.

His eyes are like beads. They're round and small. Clear,innocent, and fragile. How cute.

"Good luck sa exam," he said with semi-shaking eyes.

"Kayo din," sagot ni Ailou.

He averted his gaze, straight ahead and walked away from us.

"Sino yun?" tanong ko.

"Ah. Si Adrix."

"Adrix?"

"Adrix Emmanuel. Schoolmate ko nung high school. Transferee yan galing ADDU."

Ano? Whoah. Pangarap ko kayang makapag-aral sa mga prestigious schools dito sa Pinas. Katulad ng UP, FEU, at PUP tapos siya, nasa Ateneo na, lumipat pa? Sayang naman.

"What?" I shouted in disbelief. My eyes widened.

Bakit pa siya lumipat? Kung ako sa kanya ime-maintain ko na lang grades ko. Hassle kaya magtransfer.

"Matalino yan. Grabe. Atsaka mayaman din. Sila kaya may-ari ng clinic. Tapos may bigasan rin sila. Pero alam mo?"

"Ano?"

"Parehas kayong nerd."

Napataas ako ng kilay. Talaga ba? Nerd ako? Sige nga, define nerd.

May salamin, check.

Mahilig magbasa ng libro, check.

Aral is life, check.

No boyfriend since birth, check.

Adik sa pagbabasa, check.

Kayang imulat ang mata kahit nakakaantok na yung prof, check.

Takbuhan ng mga may hindi naintindihan sa lessons, check.

Nerd nga ako. Sige na nga. Eh ano naman? Wala namang masama sa pagiging nerd, ah.

Maya-maya dumating na ang tatlo pa naming kaibigan. Nireview ko muna sina Ailou at ate Vanessa. Nakikinig lang si Arnaisa at paminsan-minsan nagtatanong. Nakatulog daw kasi siya kaya hindi niya natapos basahin yung notes.

Si ate wincelette naman, tahimik lang sa isang tabi at nakikinig ng music.

Bahagya siyang lumayo sa amin pero dinig pa rin namin ang mga sigaw niya.

"Hello? Oh?" iritable niyang sagot sa tumatawag.

"Wala pa! Ang kulit mo! Bye!" kunot-noo niyang in-end yung call at niyakap ang tiyan.

"Sino yun?" tanong ko.

"Si jigs, no?" Dinungaw ni ate Vanessa ang mukha ni ate wince.

Ate wince nodded.

"Uggh. Mamamatay na'ko! Ang sakit ng puson ko."

Kawawa naman si kuya jigs. Bakit kapag may period ang mga babae, nagiging masungit, tapos pagbubuntunan ang mga lalaki?

Alam ko namang dahil yun sa hormonal changes at dagdagan pa ng pamatay na sakit. Nakakairita pero ako, never akong nagsungit. Pinipigilan ko.

I don't wanna lash out on someone and regret it afterwards just because I had my period.

"Tara sa clinic," yaya ni Ailou.

Sumama ako sa kanila at iniwan muna ang notes ko kina Ate Vanessa at Arnaisa.

Bumukas ang pinto pagkaupo ko sa bench.

"Hi, pen," he greeted me with his hoarse voice which was then followed by consecutive coughs.

"Hi, Marc." I greeted back. He is wearing a surgical face mask.

Umusog ako at umupo naman siya sa kaliwa ko. Napagitnaan nila ako ni Ailou.

"May sakit ka din?" he asked.

He is too close to me. Nagkakadikit na ang mga braso namin. Nararamdaman ko ang mga kaunting galaw niya. But I know this time that I have already moved on.

Balewala na ito sa akin. Wala na. Hindi na kritikal ang lagay ng puso ko.

"Nope.Sinamahan ko lang ang friend ko."

"Ah."

Matapos makakuha ni ate wince ng gamot, kaagad rin kaming lumabas at pumunta na sa Creegan 04, ang classroom namin sa RE.

Magaan ang loob kong pumasok sa classroom. Ganito pala ang pakiramdam ulit na maging malaya.

Malaya sa pagpapanggap. Walang sikretong pinoprotektahan tungkol sa kanya.

Hindi ko masasabing sobrang dali ng exam, pero nasagutan ko naman lahat.

Wala namang perfect talaga, eh. Ang mahalaga, Ibinigay mo Ang best mo.

Lahat ng problema, may solusyon.

At lahat ng bagay may katapusan din. Kagaya ng pag-ibig ko sa kanya na tuluyan na ngang nagwakas.

Di'ba, pen-pen?