webnovel

Diary ng Single

Autor: hanarilee
Realistisch
Laufend · 71.4K Ansichten
  • 23 Kaps
    Inhalt
  • Bewertungen
  • NO.200+
    UNTERSTÜTZEN
Zusammenfassung

May mga single na gustong maging taken. May mga taken na gustong maging single. Pero meron ding mga gusto nalang maging forever single ang status.

Tags
1 tags
Chapter 1Entry #1

February 14, 2019

Uy, anong meron? Bakit maraming nagbibigay ng flowers? Bakit may mga nanghaharana? Bakit puro puso ang nakikita ko ?

Sabi nila Valentines day raw. Talaga ba? Parang hindi naman.

Wait! Let me explain. Para kasi sa akin, normal na araw lang ito.

Bale, gumising ako, pumasok sa eskwela, kumain sa labas, tapos umuwi, naglaba, at gumawa ng mga requirements ng prof.

Ito ang buhay ko bilang isang single.

Okay naman maging single ah.

Nabuhay ako sa loob ng nineteen years na single. Edi, kaya ko rin mamatay siguro na single?

Haha. Kidding on the last sentence. I'm still too young to die and I wanna live long to pursue my dreams no. I have many plans for myself just like going to South Korea and Japan.

So yun nga. Kakatapos ko lang maglaba. Huminto ako sa harap ng salamin ng kwarto ko para ayusin sandali ang sarili ko.

Inilugay ko ang hanggang-balikat kong buhok. Tama nga ang sabi nila. Mukha na akong may lahing amerikana dahil sa maputi kong kutis at chestnut brown na buhok.

Mukha akong manang kanina habang naglalaba pero ngayong naayos ko na ang sarili ko, mukha na ulit akong desente.

Na-appreciate ko na ang maliit kong mukha, makapal kong kilay, mahabang pilik-mata, at ang maliit kong labi at ilong.

Nagpalit na rin ako ng malaking t-shirt. Wala akong pakialam kahit na sabihin ng iba na para na nga akong anemic na hanger dahil maliit at payat kong pangagatawan

Basta gusto ko lang maging kumportable habang nagpapahinga.

Masarap magrelax 'pag pagod kaya naman, pinaandar ko yung laptop ko at nanood ng Kaichou Wa Maid Sama.

Ayan, kagaya niyan. Gusto kong sumubok makapunta sa isang maid café shop (yung pinagtatrabahuan ng character na si Misaki) tapos sumilong sa ilalim ng puno ng sakura!

Napaubo si Misaki. Malamya rin ang boses niya, na para bang may sakit. Bahagya ring namumula ang kanyang pisngi dahil sa init na kanyang nararamdaman.

Misaki: I'm so busy.

Usui: Are you a masochist, Prez?

Misaki: What are you doing there!

Usui: You seem to enjoy driving yourself into a corner. Oh, I guess you're a sadist too?

Misaki: HUH?

Usui: I think you should loosen up a bit. Just watching you...

(Misaki fainted. Pero kaagad siyang sinalo ni Usui.)

Usui: -makes me worried.

(Mas lalong tumindi ang pamumula sa mukha ni Misaki. Nagmukha tuloy siyang kamatis)

--

Aww. OMG ang sweet!

Oops. If you're thinking that I'm jealous, no.

MASAYA kaya maging single. Oo nga. Really. Masaya .

Hey! Hindi ako bitter huh. Totoo talaga yan. Promise! Pumangit man ako.

Well, nagdaan na rin ako sa phase ng bitterness. Yung mga ganitong linyahan:

"Magbe-break din yan. "

"boyfriend? Mapapakain ka ba niyan?"

"Sakit lang yan sa ulo. Gastos pa!"

"February 14?Ano yun? Sorry, February 15 lang kasi nasa kalendaryo ko."

"Date -Date. Eh kamusta naman yung thesis niyo? Assignments? Paperworks? Projects? Date. ULOL. Magtipid ka nga!"

"Ang yayabang gumasta ng pera para sa date. Tignan natin kung saan ka pupulutin pag kinuha ni mama ang baon mo."

"Sa una lang yan masaya. Sa huli, dudurugin ka lang niyan sa sakit."

"Walang forever!"

"Walang happy ending!"

"Nauto ka rin ba ng shit na pag-ibig?"

Familiar? Hindi ka nag-iisa. I feel you dear. I was a certified BITTER. Madali lang naman kasi magpamember sa club na iyan. Fall in love, then umasa ka, and then get yourself a heart ache. Then be eventually heartbroken tapos sisihin mo lahat! Lahatin mo lahat ng lalake o babae. Isipin mong pare-pareho lang ang ending ng lahat ng relationships! Tapos poof! Welcome to the club! Hahaha.

Pero noon yun. Lumilipas ang panahon, umiikot ang mundo, at nagbabago ang nararamdaman natin.

Siguro kasi, time heals everything. Kapag narealize mo na there is more to life than just focusing on pain, eventually madi-differentiate mo na ang hurt sa anger. That time, I was just hurt, and tired for pouring my love to someone who isn't really for me. Who is madly in love on the other person.

But now that I have healed, masaya na ulit makipag-interact sa mga tao. Masaya na ulit magbigay.

Magbibigay naman ako ng pagmamahal. Yun ay, kung may karapat-dapat na dumating.

Tingin mo, Pen-Pen, may darating kaya?

Hay. Para akong aning. Kinakausap ko nanaman ang sarili ko, as if may imaginary mental diary ako.

But what could I do? I have no one to confide to. I can't let other people know.

At hindi na kasi ako umaasang may darating pa. Malabo. Parang mata ko lang.

Das könnte Ihnen auch gefallen

a love that never fades(TAGALOG) (BL)

ALTNF 1 Ben Cariaga's POV "Ano na, asan ka na?" Sabi ko dahil hindi ko na talaga siya makita. Asan na ba siya? Masyado nang mataas ang narating niya! Mamaya mahulog to eh. "Wait, teka lang babi! Ang kati ng likod ko. Jan ka lang!" Sigaw niya mula sa itaas ng puno. Sa totoo lang, kanina pa ako nangangalay dito. Paano ba naman, kanina ko pa bitbit ang pagkalaki-laking bayong na 'to na naglalaman ng mangga. Yep, nasa mango-hunting kami ngayon ni Kristal. "Ano na bes? Nakakangalay na! Asan ka ba? You are nowhere to be found!" Sigaw ko. "Nandito ako, look!" Hinanap ko siya sa itaas pero hindi ko talaga siya makita. Masyado kasing maraming sanga ang nakaharang. Maya-maya ay may ginalaw-galaw siyang mga sanga at hinanap ko iyon. Nang makita ko ito ay ako ang nalula sa sobrang taas. "Hala Kristal! Gagi ka ba? Ang taas mo masyado! Bumaba ka na dyan, bago ka pa mahulog at masisi pa ako ng masungit mong mudrakels dahil ako ang nagpaakyat sa'yo dyan!" Sigaw ko sa kanya. "Babi, magtiwala ka sa akin. Kaya ko 'to. Ang dami kaya dito. Ready mo na yang bayong, dali!" Sabi niya. I frowned. Ano ba 'yan, bigat na bigat na nga ako dito tas biglang change location. Huhu. Hinanda ko na ang dala-dala kong bayong. Tama siya, ang dami ngang bunga ng mangga sa pwesto niya. Kumpul-kumpol at malalaki na. Sana lang hindi pa hinog ang mga 'yam. "Kris, ang dami masyado. Bawasan mo. Baka sa ulo ko tumama 'yan imbes na shumoot sa bayong." She chuckled, "Ok." At hinulog na niya isa-isa yung mga mangga. Marami-rami rin kaming nakuha. No, marami talaga kaming nakuha. Samantalang kami lang din naman ni Kristal ang mangangain nito. You know, summer. Ang sarap ng may mangangata. "Marami rin tayong nakuha. Tirahan natin si kuya Japs ng lima." Sabi ko. Bumaba na si Kristal sa ng puno nang walang kahirap-hirap. Taong unggoy 'yan eh. Kayang umakyat ng puno kahit gaano kataas ng effortless. Kahit maliit na babae yan si Kristal wag mong mamaliitin yan. Maraming 'yang kayang gawin sa buhay. "Tatlo lang? Gawin mo nang sampu." Sabi niya. I gave her a meaningful look, "Ok, ok, fine, fine. Crush mo eh." "Huh? C-crush ka diyan, wala akong crush no." She said, blushing. "Asus, oke, sabi mo eh." Sabi ko naman. Nagligpit na kami ng mga pinanguha namin at umuwi na rin kami. Bago ang lahat. Ben Cariaga ang pangalan ko. Si Kristal naman itong kasama ko. Kristal used to call me "Babi" dahil, wala lang. Trip lang daw niya. Kami 'yung tipong unexpected best friends kasi pagkalipat na pagkalipat nila dito, inapproach niya kaagad ako. Then ayun, instant BFFs. Minsan tinanong niya ako if I'm a gay. Napansin niya daw sa behaviour ko at way ko ng pagsasalita.

johndrewmac · Realistisch
Zu wenig Bewertungen
20 Chs

Bewertungen

  • Gesamtbewertung
  • Qualität des Schreibens
  • Aktualisierungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund
Rezensionen
Beeindruckend! Sie wären der erste Rezensent, wenn Sie Ihre Rezensionen jetzt hinterlassen!

UNTERSTÜTZEN