webnovel

Diary ng Dakilang Bitter (Walang Forever Believer)

Akirokyd · Teenager
Zu wenig Bewertungen
26 Chs

Bitter 1

Dear Diary,

Unang beses kong mag-diary diary. Dahil sa pesteng hampas lupang ex-jowa ko na nanloko sa'kin. Potanis. Kaya pasalamat ka diary kase kung hindi dahil sa kanya wala ka, charr.

Pero totoo naman na dahil kay Ricardo Kapahamakan Jr. na dati ay parang Coco Martin sa paningin ko ngayon Kuko Martin na kaya ako ganito duhz.

Naloloka ako sa mga kaklase kong sweet sweetan sa classroom kanina diary! Akala mo naman kung bagay sila. Ang sarap nilang hambalusin ng teacher's table! Potanis na naman.

Pauwi na ako ngayon diary at sa kamalas malasan nga naman, nakasalubong ko si Ricardo Kapahamakan Jr. the living Kuko with Ingrown toppings na may kinakalantaryong ibang babae. Umakyat lahat ng dugo ko sa mata ko, namumula tuloy ngayon mukha na akong adik, pero char char lang. Inikutan ko nalang siya ng mata diary yung 360° para bongga tapos dinirty finger ko. Wala talagang pinipiling lugar 'tong taenis na 'to.

Maghihiwalay din kayo mga gaga! Nang malampasan ko sila nakasalubong naman ako ng magjowa na nagsusubuan ng cotton candy. Naalala ko tuloy dati diary ganyan din yung ginagawa namin ni Ricardo. Yun nga lang ako yung nagsususubo sa kanya tapos wala akong nakain. Magrereklamo sana ako kaso sabi niya--

'Ako munang kakain hah cuttiepiehunnybunch. Gutom kase ako eh. Mahal mo naman ako di ba? Di mo ko hahayaang magutom?'

Syempre naman ako na si Tanga eh nagpauto, ako tuloy yung nagutom. Napabuntong hininga na lang ako diary. Tama na nga.

Di pa man ako nakakarating ng bahay ay rinig na rinig ko na yung boses ng nanay ko na walang ibang ginawa kundi magbunganga nang magbunganga. Diyos ko lord! Pagkapasok ko ito agad ang narinig ko,

"Salamat namam at naisipan mong umuwi Milanya Milagros Maluna! Ang dami daming gagawin dito sa bahay tapos ganiyan ang uwi mo?! Baka gusto mong mahambalos ng washing mchine?! Manang mana kayo ng kapatid mo sa Tatay niyo na mahilig magpahintay pero wala kang mahihintay!" Naratrat ako diary nang wala sa oras.  "Oh, ano pang tinutunga-tunganga mo diyan?! Larga na!"  Halos malaglag naman lahat ng alaga ko sa tainga sa lakas nang sigaw ni nanay. Makasigaw kala mo ang layo layo ng pinasukan ko.

"Heto na po. Kung makasigaw kala mo napakalayo ko. Hmp."  sigaw ko din sa kanya. Tinignan naman niya ako nang masama.

"Joke lang nay, 'to naman di mabiro. Labyu nay, muah!" Akmang hahalikan ko na siya nang aambahin niya ako ng batok.

"Subukan mong ituloy yan, baka magdilim ang paningin ko sa'yo." pagbabanta niya sa'kin.

Agad naman akong pumanhik sa taas. Oo may second floor yung bahay namin. Anong akala mo sa'min diary? Fure? Duh. Hindi kami mahirap noh. OFW kase tatay ko kaso ayun nakahanap ng mas fresh na arabo sa nanay kong lanta na.

Ayaw niya nang masyadong sweet. Oh ngayon alam niyo na kung kanino ako nagmana? Ganyan nalang lagi niyang linyahan tuwing umuuwi ako. Ang lapit lapit kaya ng school sa'min, mga sampung minutong lakaran lang tapos ganoon na siya makasigaw? Galing 'no? tapos half day lang naman ang klase ko. Kaloka ang nanay ko diary.

Pagpasok ko ng kwarto ko, yes kwarto ko, may nakita akong kumikinang sa ilalim ng kama ko. Nang tinignan ko ito, picture frame pala iyon na silver ang lining, kaya pala nakinang. Picture pala namin ni Ricardo 'to nung Grade 7 kami. Senior Highschool na kase ako ngayon. Ito picture namin nung nililigawan palang niya ako. Sinagot ko siya grade 8 ako nun. Tapos ngayon sinayang lang niya yung ilang taong naming pagsasama diary. Ang sakit sa bangs ni dora diary. Iyak ako nang iyak nung hiniwalayan niya ako diary.

Pinagalitan pa ako ng nanay ko dahil hindi ko nalabhan yung mga daster niya. Ayun nahambalos ako ng puno ng acacia — pero may joke. Yung tumba-tumba lang naman niya yung hinampas niya sa'kin. Mula noon naging bitter na ako. Andami dami niya pang surprise noon tuwing monthsary tapos anniversary namin. Kinilig ang katawang lupa ko diary nung mga oras na yun kaso nawala sa isang iglap lang.

First Boyfriend ko yun diary! Ang sakit lang tapos sasabihin niya--

'Let's end this Milan. I think puppy love ang nararamdaman natin sa isa't isa. I'm sorry. I'm breaking up with you.'

Kahit English yun diary naintindihan ko. Naiwan akong nakatunganga doon tapos di ko namalayan sarili ko na naglalakad na basa ng luha ang mata ko. Natauhan lang ako ng mauntog ako sa poste ng kuryente. Lutang na lutang kase ako noon. Potanis with s.

Pagkatapos no'n diary, minamalas talaga yata ako noong mga araw na iyon dahil ang dami ko pang nakasalubong na magjowa. May nage-HHWW tapos sa gilid naman may naghahalikan. Binato ko sila ng styro cup na may natirang konting kape na iniinom ko nung nag-uusap kami ni Ricardo. Sinigawan ko pa sila, sabi ko--

'Hoy mga gaga! Magbrebreak din kayo. Iiwan lang kayo niyan. Ipagpapalit din kayo niyan sa iba. Magbrebreak din kayo! Walang forever uy! Tapos na yung forevermore ng LizQuen kaya break na!'  Umiiyak pa ako noon diary. Kulang na nga lang umulan diary para mas feel ko. Parang iyong kanta,

'Fry in the rain...'  Ganoon diary.

At dahil doon nabarangay ako. Hindi dahil sa natapunan ng kape yung mga magjowa kundi nabasa ng kape yung kapitan naming puro bagang tapos nabasa din yung bagong pinturang pader. Nagpublic service pa tuloy ako ng isang araw imbis na magmukmok. Bastos tong mga to ah, di sila marunong makisama.

"Baka gusto mo nang bumaba Milan?! Aba! Dise-otso ka na! Hindi na kailangang sabihin lahat ng gagawin mo! Maghugas ka na ng pinggan!"  Naloka ang katawang lupa ko ng marinig ko nanaman ang boses ng nanay ko. Anong konek ng taon sa paghuhugas ko ng pinggan aber? Sasabihin ko sana sa nanay ko yan kaso baka ihampas pa sa'kin yung electric fan namin.

"Ito na po bababa na." sabi ko nalang.

Pagkababa ko nandoon na naman yung mga kumare ng nanay ko na puro chismis ang hatid tapos ang lakas ng loob makimeryenda. Nakakabanas tong mga to ah.

"Oy mirna, alam mo ba niregaluhan nanaman ako ng asawa ko ng kwintas. Ang ganda nga oh." Rinig kong kwento aling minda sa nanay ko. Bago ako dumiretso sa kusina nakita ko pa na pinakita niya yung kwintas sa nanay ko.

Tch. Napa-ikot na lang ako ng mata diary. Regalo? Eh napulot lang yan nung asawa niya. Lagi namang ganun eh, minsan cellphone pa yung regalo. Pa'no ko alam? Eh kase po basurero yung asawa niya. Ayun andaming napupulot sa tambakan ng basurahan. Nakikita ko pa nga minsan yung asawa niya sa likod ng building namin sa school eh, nangangalakal as usual. Naawa nga ako kay Mang Ben eh kase siya nahihirapan na mangalakal tapos yung asawa niya makikipagchismisan lang sa nanay ko, maghihiwalay rin naman sila eww. Wala kaya silang pemistry, tama ba? Hindi sila bagay ganoon. Saka wala ring forever kaya huwag silang umasa.

"Magkwento ka pa minda, hindi ka na makakalabas nang tuwid sa bahay ko. Bilis kwento pa." Banta ng nanay ko sa kanya.

Nawindang naman si Aling Minda kaya ayon, napa-inom na lang siya ng juice. Minsan nga lalagyan ko ng pesticide yung iinomin niya, peste sila eh. Wala na nga yung asawa ng nanay ko tapos magkukwento pa ng ganyan.

Makapaghugas na nga lang ng pinggan diary. Ito pa iyong pinagkainan namin kagabi ah? Bwisit talaga si Mumoy! Sa'kin na naman ang bagsak ng mga 'to. Nakakapunyeta.

Pagkatapos kong maghugas ng pinggan sakto wala na rin yung mga kachikahan ng nanay ko. Manunuod nalang siguro ako ng TV diary. Kaso pinatay ko din agad, puro kase love story ang palabas, nakakabwiset lang. Sa kapamilya Miss Q&A na sa Showtime eh sakto sa moment nila Vice at Jackie. Dati fan ako ngayon hindi na.

Nilipat ko naman sa kapuso eh patalastas ng nido yung nakita ko. Yung mag-asawa na naligo sa ulan kahit na may payong naman sa labas ng bahay nila. Tapos sinundan pa nung commercial ng Jollibee yung kay Julia Baretto tapos Joshua Garcia, yung sa may burger na may usok tapos magiging kamay na kakalabit kay Joshua tapos isasandal yung ulo sa balikat ni Julia. Nainis na naman ako, unang una wala namang usok na nagiging kamay yung burger pag bibili kami pangalawa masyado silang sweet. Buti naman sana kung tatagal yang loveteam na yan.

Nilipat ko ulit sa TV5. Maganda na sana eh kaso ang labo ng TV namin. Palibhasa kase di pa napapalitan mula noong di na umuwi si Tatay. Pelikula kase palabas, action pa man din kaso nga Malabo, ayun nilipat ko nanaman sa ibang channel kaso Malabo rin.

Sa sobrang inis ko nahagis ko patalikod yung remote ng TV. May narinig naman akong parang bumagsak pero hindi yung remote.

Yung nanay ko. Si Mareng Mirna.

Napalakas ata pagkakahagis ko. Umakyat nalang ulit ako sa kwarto ko. Matutulog nalang ako. Pero kase diary di ako makatulog. Kabwisit na!

Pagulong gulong pa ako sa higaan, pero hindi ko talaga mahanao iyong tulog ko. Saan ko ba kasi tinago iyon? Hard to get ka gHorL?

Nagbending na lang ako, kaso wala pa rin. Sumakit lang likod ko, letche na iyan. Ginaya ko rin si Hua Ze Lei noong umiiyak si ShangHai ba iyon? Ah basta ganun, tapos nagbaam na rin ako ng nakahiga saka bboom bboom kaso wala!

Di ako makatulog. Sa sobrang katangahan ko, nalaglag ako sa higaan at nauna ang mukha.

Napa-aray nalang ako.

Pakshet na malupet.

Bukol nanaman to panigurado. Pagtingin ko naman sa silong higaan ko may nakita akong box. Medyo maliit lang naman siya diary parang lalagyan ng sapatos na size 10. Nawindang ang buong internal organs ko nang buksan ko iyon na sana di ko na ginawa diary.

Nandun kase ang nakaraan namin ni Ricardo. Nabalot siya ng itim na kartolina tapos may naka lagay na--

'Happy first anniversary cuttiepiehunnybunch !! <3'

Tapos sa loob niya nandoon yung LSM o Long Sweet Message tapos nandoon pa yung Teddy Bear na maliit na unggoy saka pinagbalatan ng chubby,choey choco,barnuts at krim stix. Ang sasarap ng regalo niya no? Dahil sa mga pisting iyan nabukbok ang ngipin ko. Tinignan ko yung LSM niya, ngayon ko lang napansin,

'MAHAL KITA CUTTIEPIEHUNNYBUNCH'

lang yung nakasulat. Napasapo ako sa noo ko diary.

Tang ina mo Ricardo.

Kala ko pa naman dati ang gaganda ng laman ng sulat kaya di ko pa binasa iyon lang pala ang nakasulat ng paulit ulit.

Leche ka po.

Dahil din sa binigay niyang pagkain na pang bata nagka tonsillitis ako tapos ubo. Nagpabunot pa ako ng ngipin ng wala sa oras. Teka, may oras ba pagpapabunot ng ngipin? Hmp.

Gago ka po Ricardo Kapahamakan Jr., pakamatay na you pisti ka!

Binalik ko na sa ilalim ng kama yung box baka maiyak pa ako dahil sa katangahan ko na pumatol ako kay Ricardo na cheap magbigay ng regalo. Humiga nalang ulit ako sa higaan, alangan namang sa sahig.

Sige na diary, pipilitin ko nalang matulog. Tapos pag gising ko break na lahat ng may jowa! Iiyak lahat sila kasi iniwan sila ng jowa nila, oh diba.

The sexy and gorgeous bitter of all time and believer of walang forever, Milan Milagros Maluna.

***