1 Diary ng Dakilang Bitter (Walang Forever Believer)

Iyong mga linyahang--

'I LOVE YOU. IKAW LANG SAPAT NA MUAH MUAH TSUP TSUP'

Sa huli, iiwan ka rin naman. Like duhh! Akala siguro nila parang mainit na kanin yan na kapag napaso ka pwede mong iluwa. So ewws.

'DI AKO MABUBUHAY PAG WALA KA'

Akala siguro oxygen ka tapos iniwan ka rin naman at naghanap ng panibagong oxygen sa labi ng iba. Kaloka.

Magjojowa jowa hihiwalayan rin naman. Diyos ko po rudy! Bakit ba kase kailangan pang magmahal huh diary? Sumagot ka!

Yung feeling na dadaan ka na nga lang sa kanto may makikita ka pang magjowang nagsusubuan ng fishball,

Masulasok sana ngalangala niyo.

Maghihiwalay din naman kayo. Sarap niyong paliguan ng sauce ng fishball kagigil kayo.

Yung feeling na sasakay ka sa jeep tapos nasa harap mo magsyotang parang pusang naglalambingan, ay diyos ko!

Ang sarap ipalaman sa siopao diary!

Bitter na kung bitter. Yan ako eh, duh! Naniniwala kaya ako sa kasabihan ni Liza Soberano na--

'Once a cheater, always a cheater'

Ang manloloko, manloloko. Dahil sa kanila walang tumatagal na relasyon. Sila rin yung dahilan kung bakit ako bitter ngayon sa mga magjowa, syota, gf/bf, o kahit anung tawag sa mga nagmamahalan na sa huli ay maghihiwalay na dahilan kung bakit may isang iiyak at yung isa humahalakhak. Ay wow rhyme. Ipopost ko 'to.

Ako at ang diary ko ang dakilang bitter at walang forever believer period.

***

avataravatar
Next chapter