Sa wakas ay nai-tama na ang maling paniniwala ng lahat tungkol kay Aria. May mga nag-video nito at nagging viral so social media nang wala sa oras.
Tumunog na ang mga bell at pumasok na ang lahat ng mga estudyante. Ki-nontact ni Edward ang teacher nilang tatlo at pina-excuse nila ang kanilang mga sarili.
Dinala ni Edward sina Allen at Aria sa student council office. Sa mga panahon na iyon ay wala pa ang mga ibang members dahil sa sari-sarili nilang mga klase kaya ginamit muna ni Edward yung office nila upang maka-usap si Aria.
Pina-upo ni Edward si Allen at Aria sa couch.
"Coffee or tea?" tanong ni Edward sa dalawa.
"Coffee" Sagot ni Allen
{Aria, kung ako sayo magka-kape nalang ako. Mapait at hindi masarap yung mga tsaa nila dito. Sobrang trauma ko nung unang tikim ko, ilang months na ako na hindi umiinon ng kahit anong tsaa…}-Allen
Biglang natakot tuloy si Aria sa sinabi ni Allen sa kanya at sumagot siya kay Edward ng "Coffee"
Pumunta si Edward sa kusina na exclusive lang na para sa mga student council para mag-timpla ng kape ng dalawa. Matahimik na nakaupo ang dalawa ngayon. Yun ang akala ni Edward.
{Hoi Allen, Ba't tayo dinala ng kuya mo dito???}-Aria
{Malay ko ba? Hindi ko din alam…}-Allen
Bumalik si Edward at ini-abot sa dalawa ang kape nila saka umupo ito at nagsalita.
"Miss Aria, Aware ka na bas a engagement natin na dalawa?"-Edward
"Uhh…Oo…"-Aria
"Importante sa aming mga Rivamare itong engagement na ito. Ang ancestor namin na ay ang benefactor namin, pati ninyo. Siya ay pinagmulan ng yaman ng mga pamilya natin. Inibilin niya sa dalawang pamilya na pagkaisahin ang mga tagapag-mana nila sa pamamagitan ng kasal. Kapalit ng ilang ginto at diyamante."-Paliwanag ni Edward
{Ganun pala ang nangyare…}-Allen
{Pero bakit ganito tayo?}-Aria
{Iyon- Ay hindi ko pa alam. Pero sigurado ako na walang alam ang mga ninuno natin tungkol sa mga singsing nung panahon na nagawa ang kasunduan}-Allen
{Kung may alam man sila ay dapat may alam din si Kuya at binanggit na niya sana ang tungkol dito.}-Allen