webnovel

Desliz del Tiempo (Filipino) COMPLETED

After a long arduous day, Alexa found herself in an old 'greasy-spoon'. Habang tahimik siyang kumakain ay bigla na lang lumindol nang malakas at gumuho ang buong gusali, lahat ng taong nandoon ay natabunan pati na siya. Nagising si Alexa sa lugar na kahit sa panaginip ay hindi pa niya napuntahan. Pati ang mga taong nakapaligid ay hindi niya kilala, katawa-tawa din magsalita at manamit ang mga ito dahil animo'y nasa isang dula. Naisip niya na lahat ng iyon ay isa lamang kakatwang panaginip. Sa panaginip niyang iyon ay nakilala niya si Juan Diego Velez, the oldest son of familia Velez , ang mortal na kaaway ng Monserrat, ang kanyang pamilya. Despite the rumors and undeniable family feud, she could not bring herself to fear him, let alone fall inlove at ganoon din ito sa kanya. Ngunit dahil sa komplikadong relasyon, they were forcefully separated by her family. Nasaksihan niya kung paano nagwakas ang buhay nito. That was when she suddenly woke up from a deep slumber ngunit bakit ang lahat ng emosyon lalo na ang sakit na kanyang nadama ay tila totoo? Lalo lamang siyang naguluhan nang makilala ang presidente ng bago niyang pinagtatrabahuhan. The man possessed the very face of Diego.

AuraRued · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
21 Chs

Chapter 19

PAGBUKA ng mga mata Alvaro ay nabungaran niya ang mukha ng ina na nakatungo sa nakalagmak niyang katawan.

"Alvaro, anong nagyari sa iyo?" puno ng pangamba nitong tanong. Ang gatla sa noo nito ay mas lumalim.

Dagli niyang kinapa ang leeg habang malakas na napaubo. Ramdam pa niya ang pagtakas ng galitrong dugo mula sa lalamunan. Pati ang nakakakilabot na alaala ng pagdaan ng matalas na metal sa kanyang balat.

"Ma'am, ano po'ng nangyari?" tanong ng kasambahay na nagmamadaling pumasok sa kuwarto. "Hala, Sir, na pa'no ka?"

Hindi alintana ng lalaki ang kaguluhan sa silid pati na ang pisngi niyang babad na sa luha. Itinukod niya ang kamay at siko sa sahig at dahan-dahang bumangon. Habol pa rin ang hiningang nagsalita.

"Alessandra. . ."

He felt his entire body chilled in horror and realization. Ang dibdib niya ay wari pinuno ng bomba at handa nang sumabog.

All this time, ang pagsambit ni Alexa ng pangalang 'Diego' sa tuwing makikita siya ay may kabuluhan pala. Siya, siya at si Juan Diego Velez ay iisa. Ang lalaking inibig nito at umibig dito nang lubos. His heart still swell with love, Diego--his past life--felt for the woman. Ang pagmamahalang lubos na biglang tinuldukan ng mga taong labag sa kanilang pagsasama.

At ang tagpo ng daddy niya at ni Alexa sa opisina ay nasagot din ng panaginip na iyon.

How? How can he accused her of such crime? Na simula't sapul, siya lang pala ang minahal nito nang lubos.

Alessandra.

Tuluyan na siyang tumayo at pasuray-suray na lumabas ng kuwarto. Hindi na pinansin ang ilang beses na pagtawag sa kanyang pangalan. Habang binabagtas ang palabas ng mansyon ay kinuha niya ang cellphone sa nanginginig na kamay.

"Yes, Mister President?" si Cheena sa kabilang linya.

"Cheena. . . may brown folder sa fourth drawer ng mesa ko sa kanan. Please. . . please find Alexa Monserrat's address, and send it to me, ASAP."

"Alright, Sir."

Hindi pinatagal ng secretary ang paghihintay ni Alvaro, agad niyang natanggap ang screen shot ng address. He switched the ignition on and drove like crazy. Kapares ng dibdib niyang nagririgodon, mabilis ang pagpapatakbo niya ng kotse.

Hindi pa nagriritiro ang sinag ng araw ay narating ni Alvaro ang boarding house na sadya.

Puno ng kagalakan niyang nilapitan ang gusali at nagdoor bell sa gate.

"Ano'ng atin?" sagot ng isang ale na naka floral duster. Bahagya pa itong natigilan ng makita siya. Marahil sa hitsura niyang namamaga ang mga mata.

"Good afternoon. Nandito po ba si Alexa? Alexa Monserrat?" aniyang may pagmamadali sa boses.

"A, teka at tatawagin--"

"P'wede bang puntahan siya sa kuwarto niya?"

"Bawal po kas--"

"Please, I'm begging you," saad niya na hindi maiwasang mangilid ang luha.

"Si-sige, po."

"Thanks!" Sinundan niya ang aleng umakyat sa kahoy na hagdanan at huminto sa pang-apat na kuwarto sa second floor.

"Alex," anitong kumatok. "May naghahanap sa 'yo."

"Ate, sino po?"

Gustong magbunyi ng puso ni Alvaro nang marinig ang boses na iyon na kanina pa niya inasam.

"Uhm. . ." Tumingin muna ang ale sa kanya saka sumagot. "Pogi."

"Pogi?" tanong ni Alexa.

"Sino'ng Pogi?" rinig niyang sabi ng isa pang babae mula sa loob.

Naestatuwa si Alexa nang pagbukas ng pinto ay makita siya.

"S-sir?"

"Alessandra. . ."

"A—"

"Sige, maiwan ko na kayo" anang ale na bumaba na.

Hinablot ni Alvaro si Alexa sa balikat at agad na kinulong sa mahigpit na yakap.

"Alessandra, alam ko na ang lahat. Ang lahat. . ."

"Sir, teka lang." Tinulak siya ng babae at bahagyang lumayo. "Ano'ng ginagawa mo dito? Pagkatapos mo akong palayasin sa trabaho? Ano na naman ang pinaplano mo?" may bahid na sakit sa mga salita ni Alexa.

"Alessandra, alam ko na ang lahat. Alam ko nang ako si Juan Diego Velez, ang nangyari sa batis, ang nangyari sa El Sueno."

"Ikaw si Diego?" saad ng babaeng kasama ni Alexa at lumapit sa kanya. Mas bata ito. "Ang guwapo mo pala talaga. Halika, pumasok ka!"

"Weng, bakit mo siya pinapapasok?" at pumasok nga siya sa kabila ng matalas na tingin ni Alexa.

"Alex, siya si Diego. Bakit hindi ko siya papapasukin?"

"Sino ba'ng Diego ang sinasabi n'yo? Alvaro Martin ang pangalan ng taong 'yan. Siya ang boss na nagpasibak sa akin sa trabaho. At kanina ka pa Alessandra nang Alessandra, Alexa ang pangalan ko," anitong pinandilatan siya.

"Diego at Alessandra ng panaginip mo, 'di ba? 'Yong sinabi mo sa akin!" saad ni Weng.

"Ano?" nalilitong tanong n Alexa.

"Don't tell me hindi mo na maalala."

"Alessandra, please. . .'wag mo akong pahirapan nang ganito. Alam kong malaki ang kasalanan ko sa 'yo pero please. . ." sabi niya na ginagap ang kamay ng dalaga.

"OMG, hindi ba 'yan epekto ng gamot na iniinom mo?"

"A-anong gamot?" si Alvaro na nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawa.

"Teka lang." Sandaling umalis si Weng at pumasok sa kuwarto. Maya-maya ay bumalik kaagad ito. "Ito 'yon, 'di ba?"

"What's this?" tanong ni Alvaro na inagaw ang plastic na puting garapon at sinuri. Hindi parin binibitiwan ang kamay ni Alexa. "Antidepessant pills? Sino'ng nagbigay sa 'yo nito?"

"Akin na 'yan!" anitong tinangkang kunin ang gamot. Inilayo niya ang garapon para hindi nito maabot.

"Sino'ng nagbigay sa 'yo nito, Alessandra?"

"Ang doktor!"

"Sino'ng doktor? Tell me his name."

". . . Russo. Dr. Russo."

Napatiim-bagang si Alvaro nang marinig ang pangalan at padaskol na kinuha ang cellphone sa bulsa.

Matapos ang dalawang ring ay nagsalita ang isang lalaki sa kabilang linya.

"Hey, wazzup, Bud!"

"Alexa Monserrat. What fucking medicine did you give her?"

"Whoa, whoa! Chill!" saad ni Hakim. "Monserrat? Let me call Yna first to check the file," tukoy nito assistant.

"Flouxetine Hydrochloride," sabi ni Alvaro.

"Oh, antidepressant. I remember her. Siya iyong empleyado mo na ni-refer ni Vaughn sa akin. Is she your girl?" Hakim teased.

"She's having a memory loss. Bakit may hindi siya naaalala? Is that suppose to be a side effect?"

"No, Bud. On the contrary, it helps regulate a patient's memory as well as her mood."

"Why? Bakit hindi niya ako naaalala?"

"I have no idea, Bud. P'wede mo siyang papuntahin sa akin for further examination."

Nang walang makuhang matinong sagot mula sa kaibigan ay pinatay na niya ang telepono. Nang tingnan niya ulit ang babae ay napako ang mata niya sa singsing na nasa daliri nito.

"This," aniya na hinawakan ulit ang kamay ng babae at tinitigan ang singsing. "Binigay ko 'to sa iyo sa batis. Bago ako pinatay. Naaalala mo ba?" Blangko pa rin ang tinging ibinigay ni Alexa sa kanya kaya nahinuha niyang wala talaga itong recollection.

"Regalo ito ng tatay ko."

"No, I gave you that. Engagement ring 'yan ng mother ko na pinabigay niya sa iyo."

"This is crazy," saad ni Alexa na napapailing.

"Yes, I'm going crazy about you. At mas lalo akong mababaliw kung pilit mo akong itakwil."

"Alex, give him a chance. Fated lovers kayo, e. Siya iyong lagi mong kinukuwento sa akin na masyado mong minahal sa panaginip pero nategi. A huge handsome man with long black hair. Na p'wet pa lang, naliyo ka na."

"Yes, that's me!"

"Ano? Sinabi ko 'yon?" hindi makapaniwalang tanong ni Alexa. Nagsimula nang mamula ang mukha dahil sa pagkapahiya.

"Well, yeah. Sinabi mo lahat 'yon," anang dalaga na nagkrus ng mga braso sa harap ng dibdib.

"Okay. . . saka na natin problemahin ang pagbalik ng memory mo. Ang gusto ko lang mangyari ngayon ay huwag kang pakawalan. Marry me, Alessandra." Lumuhod siya at tila nagmamakaawang tumingin dito.

"What? Ayo'ko!"

"Anong ayaw mo, bruha?" si Weng.

"I mean, bakit ang bilis? Kailan lang dinuru-duro mo ang noo ko!" nanlalaki ang mga mata ito na nakatungo sa kanya.

"I'm sorry, love. I'm so sorry."

"Love. . ." bulong ni Weng na narinig nila. "Makapunta nga sa tindahan at makahanap ng fated love!" Nagmartsa na itong umalis ng silid.

"Alessandra," usal ni Alvaro nang sila na lang dalawa. "If you can't say yes to me now, I will wait. Even if it takes me a lifetime, I will still wait. Just like how you did for me. Just. . . let me be by your side, always. Let me love you. . . Please?"

Isang mahabang katahimikan ang namayani sa buong silid bago binuka ng babae ang bibig.

"Pag-iisipan ko, Sir."

Malungkot siyang napangiti. Kumirot ang puso niyang puno ng pagmamahal dito. Naiintindihan niya ang desisyon ni Alexa pero hindi niya napigil ang luhang bumalot sa kanyang mga mata.

"Yes."