webnovel

Dark Glazer Academy [COMPLETED]

Athena Brix Alexandro is a 20-year old girl who wants to find the justice for her older brother's death. Napag-alam n'yang Dark Glazer Academy ang huling pinuntahan ng kanyang kapatid bago ito mamatay, at dahil do'n, napag-desisyonan n'yang mag-enroll sa nasabing eskwelahan at natanggap naman s'ya, ngunit kailangan n'yang magpanggap na lalaki para masagawa ang paghihiganti n'ya.

Ellaine_Mojado · Andere
Zu wenig Bewertungen
27 Chs

Chapter 3

-Athena Brix Alexandro-

Maaga akong nagising para asikasuhin ang sarili ko. Nag-luto ako ng almusal saka kumain at pag-katapos ay naligo. After 10 minutes ay tapos na rin ako at saka nag-bihis. Nag-suot ako ng malaking t-shirt tsaka pantalon at inayos ang buhok ko.

Maya-maya lang ay may bumusinang sasakyan mula sa labas. Andyan na ang sundo ko. Hays.

Kinuha ko na ang maleta ko at lumabas ng apartment.

"Tulungan na kita. " sabi ng isang matipuno at gwapong binata. Sya ata ang sundo ko.

"O-okay. " sabi ko saka binigay sa kanya ang maletang hawak ko pati na din ang ibang bag.

Nakita kong sumakay sya sa isang magarang sasakyan. Maganda ito, ang yaman talaga ng eskewelahang 'yun.

"Bilisan mo na at unang araw mo sa DGA. Hindi ka pwedeng mahuli sa iyong klase. " sabi ng sundo ko dahilan para mapabalik ako sa ulirat.

"Yeah. " 'yan na lang ang nasabi ko saka sumakay sa passenger's seat.

Nag-simula naman na syang mag-maneho.

"I'm Drico Orcullo. And you are? " tanong nya. So, Drico pala ang name nya?

"I-I'm Brix. " sagot ko habang malaki ang boses. 'Yung pang-lalaki talaga.

"Brix? "

"Alexandro. I am Brix Alexandro. " pag-buo ko ng pangalan ko.

"Ahh. " sabi nya na lang at pagkatapos ay nilamon na ng katahimikan ang buong sasakyan.

Tumingin ako sa labas ng sasakyan at hindi ko na alam kung nasaan na ako. Talagang tago ang eskwelahang iyon.

Maya-maya lang ay natanaw ko na ang isang malaking black and white gate. Ang creepy talaga nito.

"Hanggang dito na lang ang pag-sisilbi ko sayo. " sabi ni Drico.

"Ganon ba? Sige, salamat. " sabi ko sama bumaba at kinuha ang mga bagahe ko sa compartment nitong sasakyan. Err.. ang bigat. Tsk.

'Pagtyagaan mo 'yan, ikaw may gusto nyan eh. '

Sabi ko nga. Hays.

Kakatok palang ako sa nakasaradong gate nang biglang kusa na lang itong nag-bukas. Hinila ko na lang ang maleta ko at hindi pinansin ang creepy moment na 'yun. Geez.

Pag-pasok ko pa lang ay puro hiyawan ang naririnig ko pero wala namang tao dito sa entrance gate. San naman 'yun?

"Hooooo! Ang galing mo talaga King! "

"Kaya mo 'yan Xeref! "

Iilan lamang 'yan sa mga naririnig kong sigawan kung saan. Hindi ko na lang pinansin 'yun at dumiretso sa Dean's Office.

Ilang minuto ko pang hinanap ang D.O dahil medyo nahirapan akong hanapin 'to. Andami naman kasing alam nitong school na 'to -.-

Maya-maya ay nakarating na din ako sa office at kumatok ako ng tatlong beses.

"Come-in. " sambit nang nasa loob pero hindi naman pasigaw, sakto lang para marinig ko.

Pinihit ko ang door knob at humakbang papasok sa office at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang dean!

"Hey, what happened to you, Mr. Alexandro? " natatawang tanong nya. Napansin nya siguro ang reaksyon ko.

Sino ba naman kasing hindi magugulat na ang isang ALL BOYS SCHOOL ay may babaeng Dean! Seriously?

"N-nothing. " sagot ko gamit ang pang-lalaking boses.

"Okay, so kararating mo lang ba? " tanong nya. Gusto ko sana syang sagutin ng 'malamang!' kaso kabastusan naman 'yun.

"Yeah. " maikling sagot ko.

"So, I guess kukunin mo ang susi ng dorm na pag-tutuluyan mo? " tanong nya pa.

"Yeah. " sagot ko ulit.

"Okay, here is your key. Room 14. " sabi nya sabay abot ng dalawang susi. San galing 'to? Ni hindi ko man lang sya nakitang tumayo at kunin ang susing ito.

"Okay. Thank you. " sabi ko at lumabas na sa Dean's Office at hinanap na ang room 14. Hindi naman ako masyadong hanapin ang room na 'yun.

Nang makarating ako doon ay agad ko itong binuksan at isang makalat at mabahong amoy ang sumalubong sakin. Like seriously? Dinaanan ba 'to ng bagyo?!

Dinaanan ko lang ang mga nakakalat na damit at iba pa at pumunta sa isang kwarto dito. May limang kwarto pa kasi 'to, 'yung pang-huli ata ay CR.

Pumasok na ako sa napilian kong kwarto at hmmm.. ang bango at ang linis dito ha? Infairness.

Umupo muna ako sa kamang nasa baba. Double deck kasi 'to eh. Nilagay ko na ang mga bagahe at maleta ko sa isang tabi at medyo inayos ang sarili ko saka lumabas.

Walang katao-tao sa hallway, syempre may klase nga diba?

Nang makalabas na ako sa hallway ay tumambad sakin ang tahimik na ground. Teka, ano nga bang section ko? Oh shit! How did I forgot to ask that?! Fvck!

Nakatungo akong nag-lalakad habang iniisip kung anong section ko pero argh! Wala naman saking nabanggit 'yung dean!

Lakad lang ako ng lakad ng bigla akong may nabangga.

"Sorry. " pag-paumanhin ko.

"It's okay. " sabi nya. Tiningnan ko sya at isa syang mtangkad at gwapong lalaki. Kung nandito siguro si Ereye namatay na 'yun sa kilig. Mahilig kasi sa gwapo 'yun eh.

"You're a newbie, am I right? " tanong nya.

"Yeah. " sagot ko.

"Then, you must go with me. " dahil sa sinabi nyang 'yun ay napakunot-noo ako.

"What do you mean that I MUST go with you? " tanong ko. Nakita ko syang nag-smirk.

"Kailangan mong sumama sakin dahil may patakaran kami para sa mga newbie. " sabi nya saka ako hinila.

"Ano ba?! Pare, pwede bang bitawan mo 'ko?! " sigaw ko sa kanya pero hindi nya ako pinapansin.

"Ayaw mo ha? " bulong ko kasabay nun ang buong-pwersa kong pag-bawi ng braso ko mula sa kanya at nag-tagumpay naman ako. Pagkatapos nun ay binigyan ko sya ng upper cut at halatang nagulat sya.

"Aba't! Gago ka ah! " sigaw nya sakin saka inambahan ako ng suntok pero hindi nya nagawa dahil hinawakan ko na ang kamao nya at pinilipit ito.

"Mas gago ka pre. " sabi ko saka sya binitawan at habang namimilipit pa sya sa sakit ng kamay nya ay agad ko nang sinipa ang mukha nya at beng! Knock-out ang kingina.

Inapakan ko ang dibdib nya habang nauubo-ubo pa sya.

"Weak ka pala eh. " mayabang na sambit ko saka inalis ang paa sa dibdib nya.

Nakarinig naman ako ng palakpak sa aking likuran kaya nilingon ko ito at isang lalaking may katangkaran sakin ng kaunti at maitsura ang nakita ko.

"Newbie? " tanong nya.

"Yeah. " maikling sagot ko habang nakapamulsa.

"Ohhhh. " at nag-form ang bunganga nya ng "o".

Akmang tatalikuran ko na sana sya ngunit agad ding napatigil dahil sa sinabi nya.

"Fight me. " simpleng wika nya.

Tiningnan ko naman sya at sinuri ang mukha nya. Mukha naman syang seryoso.

Kaya ko pa ba? Kaya pa!

"Unahan mo. " sabi ko habang nakangisi.

"Ikaw na ang mauna. " sabi nya habang nakapamulsa din.

"Ano? Magtu-turuan na lang ba kayo dyan kung sino ang mauuna? " sigaw ng lalaking hindi kalayuan samin.

"Shut-up, Seren! " sigaw sa kanya nitong kaharap ko. Magkakilala sila?

Ay hindi, hindi sila magkakilala Brix. Hindi nga nila alam ang pangalan ng isa't-isa eh.

Leste -.-

Hindi na ako nakapag-timpi at sinugod ko na sya. Tumalon ako at sinipa sya sa dibdib, nang masipa ko na sya sa dibdib ay akmang aalis na ako ngunit agad nyang nakuha ang paa ko at ibabalibag na sana ako ng bigla akong tumambling at agad syang tinulak. Sinamantala ko ang pagkawala nya ng balance. Pinagsisipa ko sya at pinagsu-suntok ngunit nakuha nya na naman ang kamao ko at inikot ito kaya ang posisyon ay para syang nakayakap sakin ng patalikod. Napangisi naman ako dun.

"Bakla ka ba pre? " tanong ko dahilan para mawalan sya ng focus kaya agad akong umikot at sinikmuraan sya dahilan para mapahiga sya. Inapakan ko ang tyan nya.

"Kumpara sa kanina, malakas ka. Galing. " sabi ko at pumalakpak saka inalis ang pagkakatapak ko sa tyan nya. Inalok ko ang kamay ko sa kanya upang tulungan sya at inabot nya naman 'yun pero hindi ko maintindihan ang naramdaman ko. Parang may kuryente. Err.. what's that? Bahagya kong pinilig ang ulo ko para mawala ang kakaibang feeling na 'yun sa isip ko.

Nakatayo naman sya kaya binitawan ko na ang kamay nya.

"Thank you for that complement. Anyway, gusto sana kitang imbitahin na sumali sa grupo namin? Cahryx Gang ang pangalan. " nakangiting wika nya.

"I'll think about it. Una na ako. " sabi ko at nag-lakad palayo sa kanya ngunit napatigil muli nang mag-salita sya.

"Anong pangalan mo brad? "

"Brix. I'm Brix Alexandro. " sabi ko saka umalis na at nang makalayo na ako ay agad ko namang naalala kung anong section ko. Shit!

Nilibot ko na lang ang buong eskwelahan at wala naman akong nakikitang nagka-klase. Maski teacher ay nakaupo lang at walang ginagawa. 'Yung totoo?

'Eh kasi nga diba, hindi naman 'yan eskwelahang matino. ' sabi ng isang bahagi ng utak ko. Hays oo nga pala. Tsk.

Bumalik na lang ako sa dorm at napag-isipan kong mag-linis. Hindi ako sanay sa ganito kaduming lugar eh.

Pagkatapos kong mag-linis ay pumunta ako sa kwarto ko at nahiga sa ibabang kama. Mukha kasing may matutulog sa itaas mamaya eh.

Maya-maya lang ay nakatulog na din ako.

ZzzzzZzzzzzzzzzzZzzzzz