Nanginginig kong tinungo ang silid sa ikatlong palapag. Nangangatog man ay buong lakas kong pinihit ang seradura upang makumpirma ang nasa papel na hawak ko. Napasinghap ako sa nakikita ko habang nanlalambot ang mga tuhod ko. Kaagad akong napasandal sa pader habang dahang dahan napadausdos. Mabilis kong tinakpan ang aking bibig upang pigilan ang pagkawala ng aking iyak.
Hindi.
Hindi maari, mali ito. Hindi ito totoo. Hindi... hindi.
Habang inililibot ko ang aking paningin ay purong halos ako ang nakikita. Simula ng nagkakilala kami ni Howard. Hanggang sa nagtapos kami ng high school at naging opisyal na kami. Naroon rin ang mga litrato kung saan kami pupunta tuwing mag dedate. Bawat litrato ay may petsa, simula sa kung anong araw ito nangyari, pangalan ng lugar at higit sa lahat kung anong ginawa namin nang araw na iyon.
Nilipat ko naman ang tingin sa kaliwa, naroon ang mga masayang larawan namin ni Howard tuwing nag cecelebrate kami ng anniversary. Nandito rin iyong larawan kung saan nag propose sa akin si Howard. Nangangatog man ang tuhod ko ay lumapit ako sa pinaka baba upang makita ang isang litrato kung saan, paano at sino ang pumatay sa papa ko.
Akala ko ay wala nang makakapag panginig ng kalamnan ko ay hindi pa pala. Narito ang kuhang kuhang litrato ko habang minomolestiya ako ng mga kalalakihan. Para akong kakapusin ng hininga ako. Napansin ko rin na sa bawat larawan ko ay may mga mensahe na nakakapa patayo ng balahibo.
"Magsaya ka lang dahil isang araw, luluha ka nang luhaan."
"Nagsisimula pa lang ako."
"Abangan mo ang mga susunod na pangyayari."
Pilit kong nilalabanan na kontrolin ang mga boses na naririnig ko. Nanlalabo man ang aking mga mata ay bumaling ako sa kanan. Narito ang mga litrato kung saan ako ay umiiyak galing sa trabaho dahil natanggal ako. Narito rin kung saan ako dumalo sa engagement ni Howard at kasal nito.
Anong klaseng tao at pag-iisip meron siya para gumawa nito? Wala nang sasakit pa sa nakikita ko ang isang sanggol na hawak niya na masayang nakangiti sa litrato. Isang album na puno ng mga litrato ng batang sanggol na kasisilang pa lang. Ang anak ko!
"Hindi! Hindi! Hindi!"Paulit-ulit kong sigaw hanggang sa nararamdaman kong may nag sipasukang sa silid kung saan ako naroroon.
Nakita ko ang nag-aalala na mukha ni Gabriel habang nakatingin sa hawak ko na cellphone na pagmamay-ari niya at ang isang liham. Umiling-iling lang ako sa kaniya nang makita ko siyang lalapit sa akin. Naririnig ko ang mahihinang mura ng mga kaibigan niya habang pinag-tatagkal ang mga litrato na nakadikit sa buong kwarto na ito.
"Hindi siya pinatay! Hindi! Hindi ito totoo! Hindi!"Malakas kong sigaw sa kanila habang humahagulgol sa iyak. Tanggap na maaga siyang kinuha pero hindi ko kayang tanggapin na pinatay siya. Nanghihina na ang puso ko. Masyado nang bugbog ito.
"Huwag kang lalapit!"Pero hindi niya ako pinakinggan at tuloy tuloy siya sa paglapit sa akin. Gustuhin ko mang umatras pero naestatwa ako sa kinatatayuan ko. I hope this is just a dream. Hindi ito totoo. Hindi.
"Sabi nang huwag kang lalapit!"
Maagap niya akong sinalo sa biglaan kong pagbagsak. Naririnig ko ang lakas ng pagtibok ng kaniyang dibidb habang pilit akong pinapatahan. Nagpupumiglas ako pero hindi niya ako binibitawan, Sa sobrang sakit at hapdi ang nararamdaman ko sa mga oras na ito ay nanghihina ko siyang pinagsusuntok sa dibdib.
"Ba-bakit... hindi mo sinabi sa akin?"Nanghihina kong wika habang patuloy ang pagdaloy ng luha sa aking pisngi. Umiiling lang ito sa akin.
"Bakit?"Umiiyak na rin siya sa harap ko pero gusto kong marinig ang sagot niya. Hindi ang iyak niya.
"Hi-hindi pa-pa siya... pa siya... patay."Kinakapos kung hininga na sabi sa kaniya habang may nararamdamang akong umaagos sa binti ko. Nakangiting tumango ito habang unti-unting namamasa ang mata nito. Huwag kang umiyak, Gabriel. Mas nasasaktan ako akong umiiyak. Mas sanay ako sa Gabriel na palangiti, palabiro at palatawa. Hindi sa iyaking Gabriel na nakikita ko ngayon. Pareho kaming malulungkot ni baby pag-umiiyak ang daddy niya.
"Ga-Gab-Gabriel... stop crying."Nahihirapan kong saway sa kanya. Nanghihina pero pilit kong inaabot ang kanyang mukha. Hindi ko gaanong maaninag ang kaniyang mukha pero alam kong umiiyak pa rin siya. Ang sakit ng puson ko. Ramdam ko ang patuloy na pag-agos ng dugo ko. Sobrang sakit, hindi ko na kaya.
"Ang... ang... ang ba-baby... natin... ili-ilig..tas... mo... mo u-ulit... siya..."Hirap na hirap kong sabi sa kaniya na nakangiti. Nanlalabo na ang mga paningin ko at hindi ko na siya maaninag pa. Masaya ako na pinasaya mo ako. Masayang masaya ako na ginawa mo ang lahat para makuha ang anak natin sa kaniya. Alam kong naging magkaibigan kayong apat nina Liniea, Howard at ang kapatid ko. Alam ko rin na dahil sa akin kaya nawala si mama. At dahil rin sa akin kung bakit pinagsamantalahan ang kapatid ko. Ayaw niyang malayo kay mama kaya sinundan niya ito. Nabangga si mama at habang siya nakaranas ng pang-aabuso sa pinaka-murang edad. Aksidente niyang nabangga ang papa ko pero hindi niya kaagad hinatid sa ospital. Kasi kung naagapan niyang dalhin si papa, buhay pa sana siya. Alam kong maaga siyang naulila dahil hindi kinaya ng papa niya ang depresyon kaya sumunod ito. Mahal na mahal niya ang mama namin kaya kahit hanggang sa kamatayan ay sinundan niya ito.
Sa totoo lang pinaka-swerte niya at kasama niya ang mga lolo at lola namin na itinuturing niyang mga magulang. Hindi ako magtataka kung bakit ganoon ang trato sa akin nina lola, ang tinatawag niyang mommy. Bukod sa alam niyang apo nila ako ay ako ang pinili ng lalaking mahal na mahal ng nag-iisang apo nila. At kami ni papa ang dahilan kung bakit nawalay si mama sa kanila. Dahil kahit pala nagkaroon ng anak si mama at asawa ay kami pa rin ang mahal na mahal niya. At naging dahilan nito ng mawala siya ng maaga.
Kahit masakit ay tinatanggap ko, gustuhin ko man siyang kasuhan at ipakulong ay hindi ko magawa. Pareho kaming nasasaktan sa magkaiba at malalim na dahilan. Kaya pala ginawa mo sa akin iyon dahil gusto mo rin maranasan ko ang pinagdaanan mo noong bata ka pa. Pero naudlot iyon dahil dumating at iniligtas ako ni Gabriel. At ang si Greene ang naging bunga ng nangyari sa amin ng gabing iyon. Isang bagay na lubos ko pa rin nagpapasalamat sayo sa kabila ng galit sa puso mo ay inalagaan mo ang anak ko habang nasa poder mo.
Kaya pala kahit saan ako magpunta ay pag hindi si Gabriel ang nakasunod sa akin ay mga tauhan nito. Pero sa totoo lang hindi ko kasalanan, wala akong kasalanan. Ako ang tunay na biktima. Biktima ako nang hindi mo pagtanggap at paglaban sa mga kinatatakutan mo.
Tinagkalan mo ako ng karapatan maging ina sa anak ko. Pero kahit nasaan ka man ng panig ng mundo ay sisikapin kong patawarin at gamutin ang mga sugat na iniwan mo. Kahit para akong dahan dahan pinapatay sa sakit ay pipiliin kong palayain ang sarili ko. Hindi ako perpektong tao pero marunong akong tumanggap ng pagkakamali ko at higit sa lahat magpatawad. Makakaya ko pa ring magpatawad kahit para na lang sa igagaan ng pakiramdam ko. Alam kong minahal ka na ni Howard at natutuwa ako sa bagay na iyon.
Ang sakit sakit ng ginawa mo, Veronica... pero bilang ate mo ay nasasaktan ako sa mga bagay na hindi rin kita na protektahan noong mga panahon na kailangan na kailangan mo ng tulong. Napakabata mo pa para maranasan iyon... patawarin mo si ate... bunso.
Nararamdaman ko ang pagpunas ni Gabriel sa basang basa kong mukha. "Malayo pa ba?"Naririnig kong tanong nito.
"Malapit na, brad."
"Ma-mahal... ma-hal na... mahal... kita... Gabriel."Sinikap kong bigkasin habang may ngiti sa labi. Pakiusap sa pangalawang pagkakatao, kahit hindi na ako... iligtas mo ang pangalawang anak natin... kahit hindi na ako.
"Huwag kang pipikit. Huwag mo akong iiwan."Nariring kong iyak niya habang karga ako. May mga sinasabi pa siya sa akin pero hindi ko na marinig dahil biglang nagdidilim na ang paningin ko.
"No!!!"