webnovel

Chapter Twenty Four: Poseidon's Specialty

Kinabukasan ay tinanghali kami ng gising ni Gabriel. Kaya napag pasyahan na naming bumaba upang mag-agahan nang nakarinig kami ng ingay sa kusina. Nang balingan ko ang katabi ko ay napapailing na lamang ito.

"Ganyan ang mga yan. Laging sina dagat at Mike. Asahan mo na. "Saktong pagpasok namin sa kusina ay nagtatalo na naman ang dalawa.

"Hoy micropono naayos mo na ba yung labas! "Sabi ni Asul habang seryosong seryoso sa paghahalo ng niluluto.

"Makapag-utos ka! Kanina pa! Kaya sarapan mo, yang niluluto mo! "Nakasimangot na wika ng isa habang nagpapalaman ng mga tinapay.

Nang tingnan ko ang dalawa pang kaibigan nila ay tahimik lang na nanonood sa dalawa. Si Zhi na mahinhin na humihigop ng kami habang si Russia ay nakakrus ang mga braso na malamig ang ekspresyon ng mukha.

Nagtutuloy na kaming pumasok, kaya naman na napatingin sila sa amin ni Gabriel.

"Good morning! "I cheerfully greeted them.

"Oh pareng Anghel at Anghel ni Anghel! Good morning, and take a seat. Breakfast is ready! "Masaya nitong bati sa amin habang ang iba ay tinanguan lang ako.

Naupo ako sa tabi ni Zhi, habang tumabi rin sa akin si Gabriel. Magkatapat naman kami ni Mike sa upuan na katabi ay si Russie. Si Asul ang makakatapat naman ng upuan.

"Ano ba yang niluluto mo kuya Posei? "Kuryusong tanong ni Zhi, pero hindi siya sinagot.

Tiningnan ko ang orasan at nakita ko ay mag-aalas nuwebe na ng umaga. Kaya hindi ko na napigilan magtanong din.

"Kanina pa diyan si Asul nagluluto. "Russie nodded at me.

"Ano bang niluluto niyan ni Dagat, Mike? "Usisa ng katabi ko sa kapatid bago inabot sa akin ang gatas na tinimpla niya. Nakita kong umiling din ito.

I understand now the sudden changes and confusing actions of Gabriel these past few days. Hindi ko alam na buntis pala ako. Hindi naman ako naglihi kay...

"What's wrong? "Hindi ko alam na hindi pa pala ako nakakadalaw sa puntod ng anak ko. I sweetly smiled at him to tell him it's nothing. I saw the hesitation in his eyes, yet he nodded and kissed my hair.

"Good morning, ma'am. "He huskily whispered. I've blushed because his bedroom voice is so angelic.

"Good morning, Gabriel. "Sabi ko bago umayos sa pagkakaupo ko.

"Tama na yan! Umagang-umaga! Breakfast is ready! "Biglang singit ni Asul.

"Ano ba iyang niluto at inabot ka ng limang oras? "Usisa ni Mike.

"American Lugaw! "Proud na proud na sabi nito halos maibuga ni Russia ang iniinom na kape. Habang si Mike ay nagkanda-ubo ubo.

American Lugaw?

"My specialty! "Dagdag pa nito.

Wala na kaming nagawa kundi kainin ang niluto niya dahil kumakalam na ang mga sikmura namin.

"Matagal ba talagang maluto ang American Lugaw? "Nagkatinginan kami, pero namin nasagot ang tanong ni Zhi.

"Hoyy! Singkit huwag mong minamaliit ito ang specialty ko! Kasya sa specialty mo! "Reklamo ni Asul habang masama tingin sa katapat niya.

"Ano bang specialty ni Zhi, Gabriel? "Tanong ko sa katabi ko.

"Beef! "Sabat ni Mike. Sa tingin ko nga mas okay pa nga sa kaniya.

"That's good! "Tumatango tango kong sabi.

"Gusto mo ba ate Freya? "I nodded at him.

He shyly smiled at me before going to his kuya Gabriel, who was currently shaking his head at me.

"Huwag! Hoyy Russie! Ikaw na mag lead ng prayer! "Napatigil naman ito sa pagsandok ng American Lugaw ni Asul. Takang takang tinitingnan ito na hindi maintindihan.

"Ba't nang aapak ng paa mikropono! "

"English please. "Bago pinagpatuloy nito ang pagsandok sa plato niya.

Kaya ang ending ay ang katabi ko na ang nag lead. Bago matapos kami mag breakfast ay hindi nawala ang pag-debate nina Mike at Asul kung sino maghuhugas. Kaya nagtanong si Russia kay Zhi kung anong pinagtatalunan ng dalawa. Nang malaman ay siya na ang nagpresinta. Kaya bago mainis si Gabriel ay pinalabas ang dalawa dala ang pagkain nito.

Wala mang nagawa ang mga ito at sumunod ito. One of the things I noticed was their friendship. I was amazed at how they respect Gabriel aside from being older among them.

KINAHAPUNAN ay napag desiyunan namin ng mag-picnic sa likod ng mansion. Kaya tuwang tuwa si Asul, kaya ito na ulit ang na presinta kasama si Zhi. Ayaw sana pumayag ni Gabriel noong una, pero makulit si Asul ay pinag tulakan papalabas.

Nauna na kami ni Gabriel pumunta sa 'Garden of Joy'. Paglabas namim ng mansion ay may magdadapit hapon. It means maganda manood ng sunset.

"Let's go, ma'am! "Aya nito sa akin. Pansin kong ang malalalim na pagbuntong hininga niya.

"Inaasahan mo bang darating ang mga kaibigan? "Tanong ko sa kaniya. Tumango lang siya, pero alam kong may bumabagabag sa kaniya.

"Nakakatuwa sila, no? "Natatawa ko pang wika. Ngumiti lang siya sa akin, pero hindi umabot sa kanyang mata.

"Ma'am... "Inaalayan muna niya akong maupo sa duyan bago sumunod siya. Sumandal ako sa balikat niya, habang siya naman nagtatayun sa pamamagitan ng dalawang biyas niya.

"Hmmm? "It is so peaceful here. Malayo sa ingat at gulo. Parang gusto ko na dito kami manirahan. Okay, lang naman sa akin na anak niya si Greene. Who wouldn't love his son? He looks like an angel. A younger version of him.

Tinatanggap ko nang nagkaanak si Gabriel sa iba. Hindi ko siya huhusgahan kung merong una bago ako. Hindi ako magmamalinis. Tinanggap niya akong bilang ako. Kaya tatanggapin ko rin siya kung sino pa man siya. Hindi dahil may nararamdaman na ako sa kaniya kundi dahil ay nirerespeto ko siya.

Saksi ako na ibang Gabriel ang nakikita ko pagkaharap niya ang mga kaibigan niya. Nakikinig lang siya sa kanila, pero hindi umaaktong tulad nila. Mga ilang minuto ang lumipas bago nagsalita si Gabriel.

"Do you know I hate watching sunsets? "Malungkot na wika niya.

"Why? "I'm not against him, but I love watching sunsets. It signified good-bye. But for me, it means letting go of the things we meant for us, even though we meant them for me. It gives us the strength to release those things—friendship or even a relationship—because their role in our lives is now over.

It takes courage for us to face our fears and heal our wounds by accepting what's been done.

"I just hate it, ma'am. I hate it... "Nababasag na ang boses nito, pero hinayaan ko siya. Sometimes, we don't need to argue with them. It's normal that we have different opinions and perspectives on life. We cannot force them to believe our own.

"But do you know how beautiful the sunset is? "He said while his tears slowly dropped from his cheeks.

I smiled at him while saying, "It is. Since I was a child, I've been fond of sunsets. "He bitterly smiled at me.

Ganito ba ang epekto nito pag nag lilihi. Nagiging emotional? "Naglilihi ka ba kaya pati sunset ay kinaiinisan mo? "Biro ko sa kaniya.

"Sana nga, ma'am. Sana yun lang. "bulong nito. Bakit may iba pa ba? I wiped his tears before slightly pinching his pointed nose. He held my hand, kissed me, and directly looked at me.

"I have something to tell you... about. "He said it in a low voice.

"About? "

"About Greene's mother. "Kaya naghihintay ako ng sasabihin niya.

"She's... she's... "

"If you are not ready, It's fine. I understand, kung sino man siya. I always will. Hindi na importante sa akin ang nakaraan. Ang pinaka-importante sa akin ang kasalukuyan.Kung sino mo man siya, lubos akong nagpapasalamat na binitawan ka niya. Dahil kung hindi... "Nakatitig lang siya akin habang nakangiti.

"Hindi ka magiging akin. "I saw how his eyes wanted to smile, but he couldn't.

"I just want to tell you now... I think I'm ready... I'm ready... she is... "Nahihirapang wika nito. I held his face and kissed his forehead before I whispered to him, "It's okay. I can wait. "

Biglang sinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko nang makarinig na ingay na papalapit dito. "Nahihiya ka no? "I teased him.

"Mam! " HAHAHAH

"Oh, tama na yan! Pareng anghel! "Nang marinig nito ang boses ni Asul ay mas sumiksik siya sa akin.

Nakita kong naglalatag si Russie ng isang malaking blanket, habang si Zhi ay inaayos ang mga dalang pagkain. Nang hanapin ko si Mike ay naroon sa isang sulok nagtatayo ng mga tent.

Oh, hindi ako nasabihan na mag-cacamping pala kami ngayong gabi. Nang matapos na sila sa kani-kanilang gawain tinawag na nila kami ni Gabriel. Nang tingnan ko ang mukha ni Gabriel ay namumula ito.

"Oh pareng Anghel nakisot ka ba ng lulumbo at pagang paga ng mata mo? "Natatawang biro nito.

"Is everything fine, Brad? "Russie said before he tapped Gabriel's shoulder. But he shook his head.

"Tapos na ang mga kubol! "Masayang wika naman ni Mike bago naghuhugas ng kamay sa gripo. Sinilip muna isa isa ni Asul sabay give a fist to Mike.

"Hoyy, Singkit, okay na ang specialty mo? "Tumango lang ito dito.

"Russie brad! Lead the prayer! "But he only received a cold stare from him, yet he laughed.

"Okay. "Malamig na wika nito.

Umupo na kaming lahat sa lapag, "Heavenly Father, I have nothing to say but thank you for the food, shelter, love, and guidance. "Sing lamig ng boses ni Russie ay sinimulan na ako na makaramdam na parang may kakaiba.

"Please, always protect us. Thank you. Let's eat. "Nagsimula na kaming kumain. Panaka-nakang tumitingin ako, kay Gabriel.

Ayaw kong maghinala, pero alam kong may mali. Naramdaman ko ang paghaplos nito sa braso ko. Pero ayaw ko sa ganitong pakiramdam na parang may aalis.

Like Russie said, please protect us, po.

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

theashandfirecreators' thoughts