webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teenager
Zu wenig Bewertungen
303 Chs

Chapter 53: Birthday

"Malapit na nga. Kayong lahat ba ang aalis?.." si tita ang bumasag sa nagyelong kapaligiran. Hindi magawang gumalaw ng aking mata. Natatakot may makita. Natatakot matagpuan ang kanyang matang nagtatanong. Di ko pa naman kayang sumagot kapag sya na ang nagtanong.

"Opo tita. Kaming lahat po.." sagot ni kuya Mark na nakiupo sa tabi ni Ate Cath na malungkot ang mukha. Hindi mawala ang tingin nito sa kanya. Hanggang sa pag-akbay ni kuya.

"Yun kasi ang gusto ni Papa. Kaya wala kaming choice.." Kay ate Cath na sya nakatingin. Nagpapaliwanag. Ngunit hindi pa rin nagbago ang mukha ni ate Cath. Seryosong nakatingin kay kuya.

Mahabang katahimikan na naman ang bumalot samin. Muntik na akong nabingi kung di pa nagsalita si, O my gosh!. His voice!. Parang bumbilya, nagbigay liwanag sa nagdilim kong isip.

"Paano na ang pag-aaral nyo.." Anya. Dun lang rin ako nag-angat ng ulo. Eksaktong tumama pa sa kanya. Nagkatitigan kami. Damn his eyes!.. It's making me shiver. Really hard!.

Seconds. . .

Minutes later . .

Someone broke the electricity between ours.

"Ano ba kayo?. Birthday to ni Niko, dapat masaya tayo.. diba?. Di ba?.." tumayo si Billy sa gitna. Pilit pinapagaan ang paligid. Si tita, bumalik muli sya ng kusina matapos ayusin ang hapag.

"Oo nga.. Haha.. Paki-on na yung videoke. Kantahan nalang tayo. Habang wala pa sila Aron.." nakisama si kuya Lance kay Billy. Pumunta sila sa dulong bahagi. Pwesto nina Jaden. Dun nakatayo na ang machine. Binuksan nila ang karaoke saka pumili ng mga kanta.

Maya maya pa.

Dumating na sina Aron. Kasama si Poro at ang grupo. "Ang tagal nyo naman.." reklamo agad ni kuya Mark sa kanila. Nagtapikan ang mga ito.

"Pasensya na. Traffic kasi. Sinundo pa namin itong si Poro. Nakipagdate pa kasi e kahit malayo pa ang valentine ..haha.."

"Ang sabihin mo, inggit ka lang.." Ani Poro. Saka nakipag-apiran kay kuya Lance na galing sa may machine.

"Oh. Hi Bamby. It's nice to see you here...hehe.. Jaden, okay ka lang?..." si Aron. Matapos akong batiin. Bumaling naman ito sakanya na ipinagtaka ko ng todo. Ano bang meron?.. Gaya kanina, hindi na naman maipinta ang mukha nya. Umiwas pa sa mga bulong ni Aron. Natatawa lang ang kaibigan nya sa kanya. Ano to?.. Gusto ko ring matawa o kiligin. Pero paano?. Ayokong umasa sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Lalo na sa tao, na pabago bago.

"Ayos naman ako." garalgal ang kanyang boses. Parang pinilit lang sumagot. Damn!. Bat ka pa kasi sumagot e. Sana ako nalang sinagot mo.. Hell shit Bamby!. Will you please stop assuming!.. Stop...

"Happy birthday to you!.." may nag-umpisang kumanta. Si Ate Cath pala. Hindi ko man lang napansin ang pag-alis nya sa tabi ni kuya. Hawak nito ang cake na may kandilang nakasindi sa gitna. Karga ni Jaden si Niko na ngumunguya pa ng fries. Ayaw paawat sa pagkain. Ang cute.

Kinantahan ng lahat.si Niko. Maliban sakin. Masaya naman ako para kay Niko, wish ko pa nga, maging malusog at lumaki syang masunurin. Ngunit, may bahagi saking puso ang malungkot dahil sa nalaman kanina. Sabihin na nating it's complicated ang status ng isip ko ngayon. Dahil masaya ako na malungkot. Masaya ako dahil sa wakas napuntahan ko na rin ang bahay nya at nasakay pa sa kanyang motor. That's totally a dream come true for me. For my little foolish heart. Kalahati naman ng isip ko ay ang lungkot. Dahil dalawang buwan nalang simula sa araw na to, aalis na kami. Iiwan Ang lahat at magsisimula sa umpisa, ng hindi sya mkikita. Ampusa!. Ngayon palang, naiiyak na ako.

O my gosh!. Sana lang, kayanin kong iwan sya rito.