webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 52: Australia

"Anong feeling pre, sobrang saya mo siguro?. haha..." Yun ang dinig kong sambit ni Billy nang lumabas kaming kusina. May munting kubo na sa labas. Eksakto lang sa bilang namin. Nakaupo sila sa hilera ng mahabang upuan sa kubo nila. Gawang kawayan ang ito na pinagdikit dikit Ang poste Naman nito ay kahoy. At Ang bubong ay Nipa. Presko siguro dito kapag kapag o summer.

"Hi tita.." sabay nilang bati kay tita na itinaas lang ang kanang kamay sa kanila.

"Bakit po matagal kayong lumabas ni Bamby?.." etchuserang Paul. Nakangiti pa sakin. Kumuha ng baso at nilagyan ng juice saka binigay kay Jaden. Hindi na maipinta ang mukha ni Jaden. Binabalewala lang ni Paul.

"Nag-usap pa kami e.. Bakit namiss mo sya agad?.." sabi ni tita habang inaayos ang lamesa sa gitna ng upuan. Tapos tumawid ng tayo at namaywang sa tabi ko. Hilera nila Kuya Lance.

"Hahahaha!.. Hindi po ako tita.. may isa dyan, kanina pa di mapakali.. Hahaha.. Parang may uod sa pwet, hahaha.." humaglapk talaga sya. Hawak pa ang tyan. Nakipag-apiran pa kila Ryan, Paul at Bryle..

Yung dating di maipinta na mukha ni Jaden mas lalong lumala. Umasim at tumalim na tumingin sa kabarkada.

Nawala lang ang mata ko sa kanya ng may humawak sa buhok ko saka inipit saking tainga. Si Kuya Lance. "Ang sabi ni Papa, malapit na raw tayong umalis.." bulong nya. Mabuti narinig ko pa. Ang ingay kasi nilang nagtatawanan.

"Oh?. Bat parang di ka naman excited?.." Anya. Nagtataka sa hindi ko pag-imik.

"Ang bilis naman?.."

"Hahaha.. Parang ayaw mong sumama ah?.."

"Di naman.. Hindi ko lang inexpect na ganun kabilis naproseso ang papel natin.."

"Ang sabihin mo, kaya ayaw mong umalis kasi may ayaw kang iwan. ."

How I wish na meron nga akong ayaw iwan.. Tsaka, too fast to left home. I'm not yet ready. My heart don't want to let go of something that are not yet fulfilled. Gusto kong may development muna kami. Oh gosh!. I'm blushing!. Ampusa Bamby!. Si Papa mo yun, ipagpapalit mo sya sa kanya?. Don't know what to do now. Ugh!.

"Wala naman, parang di pa ready utak kong pumunta dun kuya.." tinaasan nya ako ng kilay.

"Hindi yang utak mo ang hindi ready. Yang puso mo ang nagdidikta nito.." tinuro ang kanyang sentido.

Natahimik bigla ang paligid. Namuo ang biglang kaba sakin.

"Lance, san kayo pupunta?.." si Paul. Habang kumakain na ng fries.

Maging si kuya natulala. Hindi agad nakasagot. Si Kuya Mark, na nasa gilid kanina lumapit Ito samin. Tumabi sa tabi ni Kuya Lance.

"Australia.."

"What!?.."

"Huh!?.."

"Ano!?..

"Bakit?.." sabay sabay na nagsalita sina Ate Cath, Jaden, Bryle at tita.

Bakit ito ang topic namin?. Birthday ito. Dapat masaya.

"Two months from now, aalis na kami.." si kuya Mark ang bumasag sa katahimikan ng paligid.

Yung dating init nang saya kanina, naglaho na parang bula. Napalitan ng lamig na naging yelo.