webnovel

Chasing Her Smile

What if isang araw “housemate ” mo na pala ang taong naka destiny sayo? Anong gagawin mo? A. Basic lang, gaya ng sabi ng iba sundin ang sinisigaw ng puso mo. B. Hayaan ang destiny mismo ang gumalaw para sa inyong dalawa. C. Wag nalang maniwala na may itinadhana para sayo. Kung ang ugali naman ay kasumpa sumpa at higit sa lahat nakakairita at ang sarap ibaon ng buhay. D. Manahimik nalang at sumunod sa agos ng buhay pero magiging palaban para sa naka destiny sayo. E. Last and but not the least tatakbuhan mo ang taong naka tadhana sayo pero masasaktan ang pride mo dahil natutunan mo ng mahalin ang taong ito dahil nakilala mo na ito simula bata palang kayo. . . . Kung ikaw si Ricailee anong pipiliin mo? Halina’t basahin natin ang aso’t pusang istorya ng RiChase. Kung curious ka kung ano ang ibigsabihin ng RiChase basa ka na dahil maikli lang ang buhay kaya mag basa tayo at mag sulat ng short story. Malay mo makarelate ka. (:

lyniar · Teenager
Zu wenig Bewertungen
90 Chs

Protection For Chase’s Girl “Ricai”

Nakatulog na si Ricai habang nag iintay magkaroon ng malay si Chase "kailan pa yan?" Ang sabi ni Gino kay Belj habang nakatayo sila at pinagmamasdan nila Chase at Ricai.

"Hindi ko po alam kay Sir pero isa lang po ang sigurado one sided love lang ang lahat ng nakikita nyo."

"Sinabi ko naman kay Chase hindi sya naaalala ni Ricai."

"Alam naman po yun ni Sir pero wala tinamaan po talaga sya kay Ms. Ricai kaya naman pinahihirapan nya pa ito para lang mag stay sa tabi nya ang babaeng mahal nya."

"Si Ysmael?"

"Sa ngayon ang alam nya ay may relationship ang dalawa pero isa rin po syang may pag tingin kay Ms. Ricai."

Gino sighed "pambihira sakit sila sa ulo!"

"Wala po tayong magagawa parang naka tadhana ang mga nangyayare para sa tatlo."

"."

Nagising na si Ricai pero wala paring malay si Chase kaya nag aalala na sya at hinanap si Belj pero wala ito roon.

"Nasan ba kasi si Belj?" Ang sambit nya habang hawak ang cellphone nya.

"Ma...Nasan ka???" Ang sambit ni Chase habang nanaginip.

"Cha— Chase?" Ang sambit naman ni Ricai at lumapit agad sya kay Chase "hey, wake up nanaginip ka."

Pag mulat naman ni Chase ng mata nya niyakap nyang agad si Ricai "wag ka ng mawawala ulit sa tabi ko."

"Ano? Ano bang sinasabi mo? Bitawan mo nga ko."

Bigla namang may nag bukas ng pinto at ito nga ay sila Belj at Gino "ah... ahm... sorry babalik nalang kami." Sabay sambit nung dalawa na para bang sila pa ang nahihiya.

"Sandali lang!!!" Ang pa sigaw na sambit ni Ricai at tinulak nya si Chase.

"Ouch! Are you insane? Bakit mo tinulak?"

Nag dugo naman bigla ang sugat ni Chase kaya lumapit agad si Gino "relax lang nag dudugo ang sugat mo."

"Tsk..." reaction ni Chase.

"Belj pwede bang ilabas mo muna si Ms. Ricai?"

"Yes Sir Gino."

"Wa— Wait lang hindi ko naman sinasadya."

"It's okay Miss tara na po muna sa labas."

"Pero..."

"Don't worry hindi mo kasalanan kung bakit dumugo ang sugat nya. Sige na Belj ilabas mo na muna sya."

"Yes Sir. Miss tara na po."

Nakaramdam naman ng lungkot si Ricai habang papalabas sya sa room at nakatingin sya sa nakakaawang si Chase "Miss umuwi na po muna kayo at mag pahinga."

"Hindi, ayoko, ayoko munang umuwi di pa ko nakaka pag sorry kay Chase."

"Wag n'yo na po syang intindihin kami na po ni Sir Gino ang bahala sa kaniya."

"Pero..."

Hinawakan ni Belj ang shoulders ni Ricai at biglang naging seryoso "Miss makinig kayo kung hindi kayo magkakasundo ni Boss hindi ito magiging maganda para sa kalagayan nya ngayon."

"A— Anong ibig mong sabihin? Ano bang lagay ng kumag na yon? I mean ni Chase."

"Tatapatin ko na po kayo pero dahil sa infection nagkaroon ng komplikasyon ang stomach ni Boss."

"Yung nasaksak sa kaniya?"

"Um."

"Anong mangyayare sa kaniya? Kailangan nya bang maoperahan?"

"Ganun na nga po pero wag kayong mag alala dahil malakas naman si Boss."

"Si— Sino namang nag aalala?"

Sa isip-isip ni Belj "ayan na naman sya sa kaniyang nga palusot."

"Belj!"

"Ano yon Miss?"

"Magiging okay lang ba kako si Chase kapag na operahan ang stomach nya."

"Opo dahil magaling na surgeon naman si Sir Gino kaya halika na po kayo ihahatid ko na kayo sa condo."

"Eh paano kung may kailanganin si Chase baka hanapin nya tayo."

"May nurses naman po dine Miss wag na kayo mag alala tsaka nag aalala na rin po sa inyo si Ms. Tasha."

"Ah... oo nga pala nasan sya?"

"Ayos lang naman po sya pero gusto nya kayong makita kasi nag aalala sya sainyo."

"Okay sige na umuwi na tayo. Pero babalik ako ulit dito okay?"

"Hindi po pwede."

"Ano? Bakit naman?"

"Hinahanap po kasi ni Don Fernan si Boss at kayo ang mag papakita sa kaniya."

"What? Bakit ako?"

"Miss gawin n'yo nalang po babayaran kayo ko Boss ng 100k mag pakita lang kayo sa Daddy nya."

"Ha? Pero bakit ba?"

"Hindi kasi pwedeng malaman ni Don Fernan na masama ang lagay ni Boss."

"Pero sya ang Daddy ni Chase."

"Miss hindi na po ito bago alam n'yo namang ayaw ni Boss sa Daddy nga kaya sige na po bilang girlfriend nya kayo po ang makipag kita kay Don Fernan."

"O— Okay pero anong sasabihin ko?"

"May darating po mamaya sa condo sya po ang mag tuturo ng nga sasabihin at mag aayos ng isusuot n'yo."

"Sandali lang, ano bang meron? At kailangan ko ng proper attire?"

"Engagement party po nila Don Fernan at ni Eulla."

"Ha?"

Samantala sa loob ng room ni Chase nililinis ni Gino ang sugat nito "wag mo ng alalahanin si Ricai kaya nya ang sarili nya alalahanin mo ang operasyon mo mamaya."

"Pero baka kung anong gawin ng tatay ko kay Ricai."

"Wag ka na ngang mag alala makakasama naman nya si Belj at hindi naman sya pababayaan ni Ysmael."

"Ano?!" Ang pagalit na sambit ni Chase kaya dumugo na naman yung sugat nya.

"Kumalma ka nga!!! Gusto mo bang maubusan ka ng dugo?"

Nakaramdam naman ng sakit si Chase dahil diniinan ni Gino ang pag lilinis sa sugat nito "a... aray..."

"Kapag hindi ka kumalma lalo kang masasaktan."

"Gumawa kanng paraan para hindi magkalapit sila Rica at Mael!"

"Rica? Bakit sinabi mo na ba sa kaniya ang lahat?"

"Hindi na nya kailangan pang malaman ayoko lang na mapunta na naman ang atensyon nya kay Mael."

"Gaya nga ng sabi ni Belj one sides Love lang ang lahat ng ito."

"Ano?"

"Bakit ba hindi ko nalang palayain si Ricai? Wala naman syang maalala at ayaw mo ring sabihin sa kaniya na ikaw naman talaga ang nag ligtas sakaniya nung muntik na syang nalunod."

Natahimik naman itong si Chase at patuloy namang nag sasalita itong si Gino "ang babaw lang naman ng dahilan mo pero masyado kang attouched kay Ricai ano ba talaga ang gusto mo sa kaniya?"

"Hindi ko alam..."

"Hindi pa kita nakikita masyadong obsess sa isang babae ngayo ka nga lang ata na inlove pero Bro kalma lang hindi ka naman nya iiwan kung may dahilan ka."

Natulala at wala nalang kibo si Chase ay pumayag na rin syang mag pa opera.

***

Gabi na at dumating na rin si Ricai sa mansion ng mag Alcantara.

"Ganito ba talaga pag mamayanan may ganireng event pa ang arte naman tapos kailangan naka gown pa? Ano aattend lang ng prom?" Ang sabi naman ni Ricai kay Belj na kababa lang sa kanilang sinasakyan.

Naka simpleng floral gown lang si Ricai pero dahil maganda syang mag dala ng damit nag mukha syang celebrity.

"Belj! Bakit hindi ka mag dalita diyan? Kinakabahan na ko parang gusto nila akong kainin ang mga tingin nila nakaka asiwa."

"Miss hindi ko kaho pwedeng pag kakausapin sensyasan tayo gaya ng sabi ko ayokong pati tayo eh gawan ng mga yan ng issue porket hindi umattend si Boss dito sa engagement party ng Daddy nya." Ang sagot namn ni Belj na nasa likod lang ni Ricai na para bang naging body guard sya nito.

"Okay, para kang kasing ang awkward nakatingin silang lahat sakin."

"Ayos lang po yan kayo kasi ang pinakamaganda dito."

"Haysss... ikaw talaga!!!"

"Pero totoo naman po."

Bigala namang tinawag ni Ysmael si Ricai "Rica!!!" at lumapit sya rito pero pinigilan sya ni Belj.

"Sorry pero hindi kayo pwedeng lumapit kay Miss."

"Huh! Ano to like boss like yaya?"

"Sinong yaya ang sinasabi mo?!" Nagagalit na si Belj pero pinigilan sya ni Ricai "Belj enough kilala ko naman si Mael kaya okay lang."

"Pero Miss natatandaan nyo pa pa ang sinabi ko sa inyo?"

"I know pero hindi masama ng tao si Ysmael kaibigan ko sya bata palang kami kaya wag ka ng mag alala."

Ysmael smirks at Belj "can we go now Rica?"

"Um."

"Miss!!!"

Ysmael put Ricai's hand to his arm "don't you dare close to us." Ang pabulong na sambit ni Ysmael kay Belj na para bang nang asar pa ito.

Ang sama naman ng tingin ni Belj kay Ysmael at hindi na nga nya sinundan yung dalawa pero nakatingin parin ito sa kanila tapos kinuha nya ang cellphone nya sa loob ng black coat nya at may tinawagan "spread out wag nyong tatanggalin ang mga mata nyo kay Miss."

Habang naglalakad naman sila Ricai at Ysmael nag uusap sila "buti umattend ka."

"Ah... Wala naman akong choice."

"Hmm? What do you mean?"

Sa isip-isip ni Ricai "ay letse di nga pala alam ni Mael ang about kay Chase at ang sabi ni Belj wala akong pwedeng pag sabihan muntik na kong magka mali."

"Rica? You okay?"

"Hmm? Oo I'm okay."

Nakarating na sila sa isang maliit na table at habang nakatayo tinanggal ni Ricai ang suot nyang heels dahil hindi naman ito halata dahil mahaba naman ang gown nya "sighhhh... naka hinga rin."

Napansin naman ni Mael na nag bago ang height ni Ricai "anyare? Bigla ka atang lumiit."

"Ahhh... hehe... nahalata mo pala ang sakit kasi ng paa ko 5inches kasi yung heels na pina suot sakin nung stylish ni Chase."

"Gusto mo bang ikuha kita ng upuan?"

Napa tingin naman si Ricai sa mga kalapit nila ay napansin nyang wala sa mga itong nakaupo "ah... wag na nakakahiya naman kung ako lang ang nakaupo eh lahat sila nakatayo."

"It's okay akong bahala sayo."

"Hindi na ayos lang ako wag ka nalang maingay na tinanggal ko ang heels ko. Hehehe..."

Mael chuckled "sige I will zip my mouth.

"Thankies."

May lumapit naman sa kanila na isang waiter na nag bibigay ng mga cocktail drinks "Oooohhh... I like the blue one."

"Pero Rica dahan-dahan lang baka malasing ka."

"Yes Sir."

Sa di kalayuan nakikita naman ni Belj sila Ricai at Ysmael "hello, sinigurdo nyo bang walang kung anong gamot ang iniinum ni Miss?"

Guard 1: yes Sir chineck po naming lahat ang bawat inumin at binantayan rin po namin ang mga staff dito at wala pong kahinahinala sa kanilang mga galaw."

Belj: Good, ipagpatuloy nyo lang ang nga ginagawa nyo at wag na wag tatanggalin ang mga tingin nyo kay Miss."

Guard 1: Yes Sir.

Nag simula naman ng mag salita si Don Fernan para sa kanilang engagement party ng kinakasama nyang si Eulla tinawag naman sa harapan ang atensyon ni Chase pero na punta ang spotlight kay Ricai "ba— bakit ako?"

"Don't worry I got your back." Ang sambit naman ni Ysmael.

Lumapit naman yung emcee na lalaki kay Ricai "wow, isa palang diyosa ang girlfriend ni Sir Chase. Pero nasan po si Sir Chase, Miss???"

"Ricai, that's my name pero hindi ko po kasama si Chase may importante po kasi syang ginagawa kaya in behalf of him congratulations po Don Fernan and Miss Eulla."

Bumulong naman kay Fernan yung kaniyang kanang kamay na si Dantes "totoo ba yan?"

"Yes Boss may surgery po ngayon si Sir Chase at ang sabi unstable raw po ang vital signs ng anak nyo. Dahil nasaksak po sya ng isang gangster na ang dapat sasaksakin ay si Ms. Ricai pero iniligtas ito ng anak nyo.

"Ano?! Dahil sa babaeng yan?"

Narinig naman ni Eulla ang usapang nung dalawa kaya lumapit sya kay Ricai at sinampal nya ito "what do you think you're doing?!" Ang pa galit na sambit ni Ysmael at itinulak naman ni Belj si Eulla "paligiran ang Miss." Aniya at may lima pang lumapit para paligiran si Ricai.

"Belj! Anong ibig sabihin niyo?!" Ang nagagalit na sambit ni Fernan At tinulungan tumayo si Eulla "honey, gusto ko lang naman ipaghigante si Chase kasi dahil sa kaniya nasa bingit ng kamatayan ang anak mo." Ang pag iinarteng sambit ni Eulla.

At naging usap-usapan ang sitwasyon ni Chase sa mga taong naroroon "hindi yan totoo ayos lang si Chase dahil stomach..." Hindi naman na naituloy ni Ricai ang sinasabi niya dahil tumingin sa kaniya si Belj na para bang sinasabing wag sabihin ang totoong sitwasyon ni Chase.

"Uncle, kumalma po muna kayo walang kasalanan si Ricai." Ang sabi ni Ysmael.

"Sya nga ang dahilan kung bakit nasaksak at 50/50 ngayon si Chase sa hospital." Ang pag sagot ni Eulla na parang may binabalak na kung ano.

"Dantes, call the police wag nyong hahayanang makaalis ang babaeng yan." Ang sambit ni Fernan and he is referring to Ricai.

Napangiti naman si Eulla secretly na para bang natutuwa dahil pinadadakip ni Fernan si Ricai.

Dadakipin na sana nila si Ricai pero nanindigan sila Belj "sir wala pong kasalanan si Miss Ricai kaya wag po kayong mag pa dalos-dalos."

"Leave that girl alone! Dapat syang makulong dahil sa nangyare kay Chase."

"Pero uncle hindi pa naman po kayo nakasisigurado. Kilala ko po si Ricai at sobrang bait nya po."

"Manahimik ka Mael!"

"Uncle!"

"Dantes get the girl!"

"Yes Don Fernan."

Sabay-sabay namang ikinasa ng body guard ni Ricai ang kani-kanila nilang baril "sorry Don Fernan pero hinding hindi po namin ibibigay sa inyo si Ms. Ricai alang-alang kay Sir Chase."

Thanks for reading geysh. ♡(˃͈ દ ˂͈ ༶ )

lyniarcreators' thoughts