webnovel

CHASE!!!!

"Kamusta na si Chase?" Ang nag aalalang sambit ni Ricai kay Belj na kalalabas lang ng kwarto ni Chase.

"Stable na po ang kalagayan ni Boss wag na po kayong mag alala."

Sighed of relief "salamat naman okay na sya bakit kasi naman nag paka bayani sya hindi naman sya bayani."

Belj gazed at Ricai as if he is teasing her "pero nag aalala naman kayo."

"A—Ako? Ba—Bakit naman ako mag aalala sa lintek na yon?"

"Sus… wag po ako Miss, kilala ko na kayo."

"Tigilan mo nga ko bahala ka dyan."

Napansin naman ni Belj ang itsura ni Ricai dahil sugatan ito "Miss, mag pahinga po muna kayo sugatan rin po kayo eh."

"Ayos lang ako kesa naman sa Boss mong hinarang ang saksak na para sakin. Ano bang naiisip nun? Baliw na talaga sya paano kung namatay sya? Anong sasabihin ko sa daddy nyang matapobre? Baka ipakulong pa ko nun."

"Hindi po."

"Ano? Paanong hindi? Kung ako ang dahilan kung bakit namatay ang lintek nyang anak edi ako ang pag bubuntunan nun ng galit."

"Hindi po matutuwa pa nga yun sa inyo wala naman po kasing pakialam yun kay Boss."

"Hmm?"

"Sa pamilya nila Boss ang pera ay mahalaga kesa sa sarili nilang kadugo."

"Grabe naman yon."

"Opo mahirap nalang mag salita pero yun po talaga ang totoo."

"Kaya siguro parang laging mainit ang ulo nya kasi naman wala palang nag mamahal sa kaniya."

"Bakit di nyo subukan?"

"Subukan? Ang alin?"

"Na mahalin sya." Ang pabulong na sambit ni Belj at ang akala nya hindi narinig ni Ricai iyon kaya kinukulit sya nito.

"Ano? Ano yung sinabi mo? Ulitin mo nga."

Pandalas namang kinuha ni Belj ang cellphone nya sa bulsa kahit na wala namang kinakausap "hello? Ano? hindi kita marinig."

"Hoy!!! Kinakausap kita."

"Sandali lang po Miss importante lang itong tawag." Kaya dali-dali naman syang lumabas ng condo nila Chase para makatakas kay Ricai.

"Belj!!!! Bwiset na yon, ano daw yung sinabi nya mahalin ko si Chase? Huh! Fake girlfriend nya lang ako at hanggang don lang yon."

Natahimik namang bigla si Ricai at napalingon sa kwarto ni Chase at hinawakan nya yung doorknob "ba—bakit? Ano ba Ricai bakit ka ba nag aalala sa bwiset na yon? Oo nga sya ang nag ligtas ng buhay mo..pero…Hayssss…nakakainis mababaliw na talaga ko kinakausap ko na naman ang sarili ko."

"WAG!!!!" Ang sigaw naman ni Chase kaya dali-dali namang binuksan ni Ricai ang pintuan at pumasok.

"Chase! Gising nanaginip ka."

"Kyrie? Nagbalik ka." Ang sambit ni Chase at niyakap nya si Ricai na ang akala nya ay si Kyrie.

Nagulat naman si Ricai sa ginawang pag yakap sa kaniya ni Chase pero ang mas kinagulat nya ay ang tawagin sya nito sa ibang pangalan.

"Si—Sinong Kyrie ang sinasabi mo?"

"Ky, miss na miss na kita."

"Sinong Ky ba ang sinasabi ng lintek na ito? Nag dedeliryo ba sya sa lagnat dahil sa na tamo nyang sugat?" Ang pabulong na sambit ni Ricai at naramdaman nyang ang init nga ng katawan ni Chase kaya sinubukan nyang kumawala sa pagkakayakap sa kanya nito pero ayaw syang bitawan.

"Hoy!!! Bitaw!!!"

"Wag ka ng magalit sakin hindi ko naman sinasadya ang nangyare sayo."

"Ano? Ano bang pinagsasabi mo?" pwersahan na nyang itinulak si Chase "hindi ako ang sinasabi mong si Kyrie. Baliw!!!"

Bumalik naman na sa kaniyang katinuan itong si Chase "Rica?"

Sa isip-isip ni Ricai "Rica? Bakit parang sanay na sanay syang tawagin akong Rica?"

"Aray…" Ang nahihirapang sambit ni Chase dahil sa pagkakatulak ni Ricai sa kanya sumakit ang sugat nyang na tamo.

"A—Ayos ka lang ba? San ang masakit?" hahawakan nya sana si Chase pero tinabig nito ang kamay nya "lumayo ka!"

"Huh! Alam mo napaka lakas talaga ng toyo mo concern na nga ko sayo tapos ganyan pa ang inaasal mo?"

"Get lost!!!!"

"Aba't! Fine! Bahala ka sa buhay mo!"

Papalabas na sana si Ricai dahil na iinis sya kay Chase ng biglang "THUD!"

Bumagsak si Chase sa hinihigan nya sa ka gustuhan nyang tumayo kaya pandalas naman si Ricai na lumapit "ano bang ginagawa mo? hindi ka pa nga pwedeng tumayo hindi mo pa kaya ang sarili mo."

Napatingin naman si Chase kay Ricai at sa na tamo nitong mga galos "ikaw?"

"Ako? Anong ako? Halika na nga tutulungan na kitang tumayo wala si Belj kaya wag kang maarte!"

Hindi naman na umimik pa itong si Chase at nag pa tulong ng tumayo kay Ricai "okay, dahan-dahan tayong lumapit sa kama mo para hindi sumakit ang paa mo."

"Ayos lang ako bitawan mo na ko."

"Haysss…hindi mo pa nga kaya bukod sa nasaksak ka sa tyan mo na pilayan ka rin kaya wag ka na ngang maarte. Pag ako na inis sayo ng tuluyan bahala ka na talaga sa buhay mo intayin mo si Belj kung gusto mo."

"Tulungan mo na nga lang ako."

"Haysss…kahit kailan talaga ang moody mo."

"Tsss… ang daldal mo naman kahit kailan."

"Aba't! Gusto mong iwanan kita dine?"

"10k okay na ba?"

"Ito naman bakit di mo agad sinabi."

Bigla namang ginanahan si Ricai sa pag tulong nya kay Chase "ayos ah, pag dating talaga sa pera ang bilis mo eh no?"

"Aba syempre ng makalayas na ko sa puder mo."

Nag pabigat naman bigla si Chase kay Ricai "ano ba? umayos ka ang bigat mo."

Sa isip-isip naman ni Chase "hinding hindi ka na makakaalis sa puder ko."

"Chase!!!"

"Bakit ba? Hindi ako binge."

"Sabi ko kung may gusto ka bang kainin tsaka bitawan mo na nga ko nakaupo ka na sa kama mo kaya mo ng mahiga mag isa may kamay ka naman."

Chase smirked "umalis ka na nga lang naiirita ko sayo."

"Huh! Edi wow!" binitawan nga niya si Chase ng basta nalang at nadali nya ang sugat nito.

"Are you blind?!"

Ricai gaze at Chase as if she want to hit him "haysss…bahala ka na nga wag kang mag alala tatawagan ko si Belj para maging chimay mo."

"Chimay?"

"Haysss… minsan nakakauma na maging mayaman nakakabobo ba?"

"You!!!"

"Chimay is yaya ewan ko sayo. Babush!"

Papaalis na sana si Ricai ng tinawag sya ni Chase "ano na naman?"

"Gusto ko ng may sabaw."

"Sabaw?"

"Ipagluto mo ko!"

"Oo na!"

"."

Nag luto nga si Ricai ng lugaw pero na sunog nya pa buti nalang dumating na si Belj at ni remedyuhan ang niluto nyang lugaw.

"Alam mo dati talaga magaling naman ako mag luto kaso nga lang…"

"Kaso lang po ano Miss? Hindi kayo gusto ng kaldero?"

"Sira! Nung nanirahan kasi ako dine sa Manila puro nalang ako order. Namiss ko tuloy si Mama."

"Wag na po kayo malungkot Miss kasi pag hindi pa tayo matapos sa pag luluto lagot tayo kay Boss."

"Ay oo nga pala, kanina pa ko nag luluto baka nakatulog na yon sa paghihintay sakin."

"Silipin nyo po kaya muna Miss, tapos susunod ako para dalhin ang lugaw malapit naman na po ito maluto."

"Okay sige bilisan mo ha baka masapak ko yung isang yun sa kaartihan nya eh."

"Ehe…sige po."

Pinuntahan nga ni Ricai si Chase at nakita nya na natutulog na pala ito kaya hindi nya na ito ginising pa.

"Tignan mo ang lukong ito nag mamatigas lagi pero ang totoo pagod lang sya. Sigh…bakit mo kasi ginawa yon? Hindi ko naman hiniling na iligtas mo ko. Ano ba ko sayo? Bakit mo binuwis ang buhay mo sa tulad kong wala naman para sayo…" inayos niya ang kumot si Chase at binalak nyang hawakan ang mukha nito pero hindi nya I tinuloy.

"Okay ka naman pala pag tulog dapat ganyan ka nalang kung pwede nga lang wag ka ng magising parati ka nalang kasing galit. Tapos parati mo nalang ipinamumukha sakin na may pagkakautang ako sayo bakit ginusto ko ba yon? Kainis to!"

"Ang ingay mo." Ang sambit ni Chase at nagulat naman si Ricai sa kaniya dahil ang buong akala nito ay tulog na ito.

"Gi—Gising ka pa pala?"

Lalayo sana si Ricai agad kay Chase pero hinila sya nito kaya sa hindi inaasahan nag kiss sila "ah…ahm…so—sorry po." Ang bungad naman ni Belj na ang akala ay may ginagawang kung ano yung dalawa kaya pandalas na sya ng labas ng kwarto.

"Be—Belj!!!" Ang pahabol na sambit ni Ricai pero hindi sya binitawan ni Chase.

"Lemme go pervert!!!"

"Dito ka lang."

"Bitaw!!!"

"Dito ka lang!!!"

"Ano bang problema mo?! Oo nga at may utang ang pamilya ko sayo pero hindi na ito tama pang aambuso na ito! Against na ito sa rights ko!"

"Dito ka…lang…" ang nanghihinang sambit ni Chase dahil inapoy na sya ng lagnat.

"A—Anong nangyayare sayo?"

Wala ng kibo si Chase dahil naka tulog na ito kaya nag panic naman si Ricai "Cha—Chase? Hoy!!! Gumising ka diyan bwiset ka talaga wag kong takutin!!!"

Hinipo ni Ricai ang forehead ni Chase at nakaramdam sya ng init "hala, napaka init nya." Kaya tinawag nya si Belj para humingi ng tulong at tinawagan nila yung doctor ni Chase at sinugod na sya sa hospital.

"Miss, maupo nga po kayo nakakahilo kayo eh kanina pa po kayo pabalik balik."

"Eh kasi naman kanina lang okay sya bakit ngayon kailangan na syang dalhin dito sa hospital?"

Pabulong bulong naman itong si Belj "malamang, nasaksak si Boss tapos binugbog nyo pa ata kanina. Paano naman sya hindi mapupunta dine sa hospital? Jusmiyo!"

"May sinasabi ka?"

"Ho? Wa—Wala naman po. Wag po kayo mag alala magiging ayos rin po si Boss."

"Si—Sino namang nag aalala?"

Napatingin si Belj si kay Ricai na hindi mapakali at kagat-kagat pa nga nito ang mga daliri "sigurado po kayong hindi kayo nag aalala?"

"Hi—Hindi nga!"

"Sus…bakit kayo nag kakaganyan?"

"Ehh…alam mo na, baka makulong ako."

"Kulong agad?"

"Eh kasi bigla syang nahimatay habang kasama ko."

"Wag po kayong mag alala hindi naman mamamatay sa lagnat si Boss."

"Belj nasan si Chase?"Ang bungad nung isang lalaki na nakaputi na parang isang doctor.

"Sir Gino?" Ang sagot naman ni Belj at hindi naman kilala ni Ricai si Gino.

"Natawagan mo na ba si Uncle?"

"Ah…eh… hindi pa po ayaw po kasi ipaalam ni Boss."

Gino sighed "mabuti pa nga, kamusta na ba sya?"

"Nasa operating room pa po eh tinitignan po nila kung may na infection sa na tamong sugat ni Boss."

"Hindi nyo ba agad tinawagan si Dr. Gomez?"

"Ayaw po kasi ni Boss kaya ako na ang gumamot sakaniya."

"Haysss…si Chase talaga kahit kailan pasaway sana ako nalang ang tinawagan mo."

"Eh, kasi Sir busy po kayo kanina di ko kayo ma contact."

"Ahh…baka nasa operating room ako that time."

Hindi naman na nakatiis si Ricai kaya bumulong sya kay Belj at sinabing "sino sya?"

"Ahh… nga po pala Sir Gino ito nga po pala si Miss…"

"I know her, sya si Ricai ang girlfriend ni Chase."

"Po? Nako, hindi po."

Sinineyasan naman sya ni Belj "ah…o—opo ako nga ang gf ni Chase. Ha...Ha...."

"Don't worry I know."

Nagkatinginan naman sila Belj at Ricai "alam nyo?" Anila.

"Oo alam ko ang sikreto nyo wala namang nililihim sakin ang pinsan kong yan. Kaya alam kong fake girlfriend ka lang ni Chase."

"Pi—Pinsan mo si Chase?"

"Ah… yes Miss pinsan po ni Sir Gino ni Boss."

"Ohhh… infairness hindi sya mukhang aburido."

"Aburido?" Ang patanong na sambit naman ni Gino.

"Ahhh…yun, wala yon wag mong pansinin. Hehe… by the way I'm Ricailee but you can call me Ricai." Nakangiting nag pakilala si Ricai kay Gino at nakipag kamay pa ito kahit sinabi na nitong kilala na sya kaya nag pakilala nalang din si Gino sa kaniya.

"Ah…hello ako si Gino you can call me Gino rin. He... He…"

"I like you."

"Ha?"

"Mi—Miss…" ang ninerbyos namang sambit ni Belj.

"Ah? I… I mean I like your sense of humor."

Nakahinga naman ng maluwag si Belj "jusme Miss aatakihin naman po ako sa puso sayo eh." Ang pabulong nyang sambit kay Ricai.

"Sorry naman. He...He…"

Hi guys sorry sa late update medyo naging busy lang po talaga. I hope you understand Salamat po and Godbless you all. (✿◠‿◠)

lyniarcreators' thoughts
Next chapter