webnovel

CAUGHT IN HIS TRAP

"Ibibigay ko ang lahat ng nakasanayan mo, ang lahat ng gusto mo. Pinapangako kong higit pa ang kaya kong ibigay sa iyo."

jadeatienza · Urban
Zu wenig Bewertungen
28 Chs

Fool In Love

Chapter 5. Fools In Love

PARANG may mahikang naglapit kina Heizen at Ali matapos ng pinagsaluhan nilang halik. She undeniably became silent as she stared at him who was driving the car for almost an hour. Hindi siya makapaniwalang ibinigay niya ang unang halik dito. Pero gaya ng sabi niya ay hindi siya nagrereklamo.

"Malapit na tayo," bulalas nito at bahagya siyang nilingon.

Marahan naman siyang tumango at dumiretso ng tingin.

Pumasok sila sa isang private property at hindi na niya kailangang hulaan kung nasaan sila. They're at Villarreal-Quijano Residence. Ang mataas na gate ay bumukas at ilang minuto pa itong nagmaneho bago nakarating sa garahe. Garahe pa lamang ay parang sinlaki na ng isang bahay. Nakasisiguro niyang maganda rin ang landscape ng dinaanan nila, hindi lang niya gaanong nakita dahil madilim na, idagdag pang nakatitig lang siya kay Ali.

Pagkapasok nila sa magarbong sala ay naabutan nilang nakaupo roon si doktora, kasama ang isang may edad na babae, naka-wheelchair ang huli. Hula niya ay nasa seventies na ito.

Hindi niya alam kung bebeso o magmamano, sa huli ay nagmano na lang siya.

"Kanina pa namin kayo hinihintay, saan ba kayo nanggaling?" tanong ni doktora.

"Nag-dinner po," sagot niya.

"We went to the orphanage this afternoon to celebrate your debut. Pero tinangay ka na pala ng panganay ko."

Wala sa sariling napalunok siya.

"Mas mainam iyon, Aliana, nang magkasundo silang magkapatid," bulalas ng nakatatandang babae.

"Po?" Nagtatakang bumaling siya rito.

"Hindi pa ba sinabi ng anak ko ang dahilan kung bakit kami nagpunta ng ampunan?"

Lumingon siya kay Ali, seryosong nakatitig sa kanya. Agad siyang pinamulahn ng mukha.

"S-Sinabi niya..." Ikakasal kami, hindi ba?

"Welcome to the family, hija."

"This is your home now, apo."

Hindi niya maipaliwanag ang kilig na nararamdaman nang tumingin ulit siya kay Ali. Ngunit ang damuho ay parang naiirita sa kabila ng kaseryosohan ng mukha nito.

"Magpahinga ka na, bukas na tayo mag-usap. Ali, ihatid mo na siya sa kanyang silid."

Tumalima ito at walang-imik na hinatid siya sa tutuluyan niyang silid.

Wow... The huge room has a classic color of pink and white. Halata na babae ang gagamit niyon. Mayroon ding four-poster bed ang nasa gitna ng kwarto, at may sariling banyo.

Iniwan na siya ni Ali roon at wala sa sariling ginala niya ang paningin.

"Kwarto pa ba ito, o bahay ko na?" Okay, that was too much. What she meant was the room had all the essentials. It had a mini-fridge, a SMART TV and a stereo. She opened the closet and she was surprised to see it was a walk-in closet. May mga damit na ring nandoon at hindi na niya kailangang manghula kung para kanino ang lahat ng iyon. May mga price tags pa ang ibang mga damit habang ang mga sa tingin niyang pang-araw-araw ay bago pa, pero parang nilabhan na.

She got a pair of pajama and decided to take a bath to freshen herself.

The bathroom was big enough for her to have a relaxing bath. The bathtub could fit even two people! The shower area was just around the corner, with sliding translucent glass door. Mayroon din malaking salamin sa banyo at nang hubarin niya ang damit ay napagtanto niyang napakarami nga niyang pasa. Kung nagkataong sa mukha siya napuruhan ay baka hindi na siya makilala.

Pinuno niya ng maligamgam na tubig ang tub at lumublob doon ng halos tatlumpung minuto. Bandang alas onse na nang matapos siya at nagpatuyo ng buhok. She wore the plaid purple and pink pajamas and when she laid her back on the bed, she immediately fell asleep soundly.

Kinabukasan ay halos tinanghali na siya ng gising. Nahihiya pa siya nang bumaba na. Hinanap niya ang mga kasama niya sa bahay, may kasambahay siyang naabutan sa kusina.

"Hi, ako si Heizen. Can I ask where doktora is?"

"Ay, hello po, Miss! Ako po si Wella. Nasa hardin po sila," sagot nito na bahagya pang napakislot sa paghugas ng pinagkainan.

"Salamat!"

"Kumain ka na po ng agahan, Miss. Binilin ni Madam."

"Mamaya na lang po."

Dumiretso siya sa hardin, pero parang mali ang pinuntahan niya dahil sa may swimming pool siya nakarating. Bago pa makabalik ay napansin niyang may gumagalaw sa tubig. Lumapit siya roon at bahagyang tumungko para silipin iyong gumagalaw.

Umahon si Ali, ang buhok nitong tumatabong sa mga mata nito ay inayos nito gamit ang isang kamay. Napalunok siya nang makitang napa-sexy nitong tingnan sa simpleng gesture na iyon. Akmang tatayo na siya nang nawalan siya ng balanse at bumagsak sa pool.

"Heizen!" tawag ni Ali sa kanya at mabilis na lumangoy papalit sa kanya. Dahil sa sobrang gulat ay hindi agad siya nakaahon at nakainom ng tubig. Nang antabayanan siya ni Ali ay mabilis na pinagsiklop niya ang mga binti sa balakang nito at kumapit sa batok nito.

Habul-habol niya ang hininga nang dumulas ang kamay niya at mabilis na napasabunot dito. She winced when he grunted kaya yumakap na lang ulit siya ng mahigpit sa batok nito, bahagyang inuubo. Ilang sandaling nanatili sila sa ganoong posisyon, at napansin niyang tumigas ang muscles nito. At no'n lang din niya napansing wala itong suot na pang-itaas!

"Huwag mo akong bitawan!"

"Damn..." mura nito habang nakayakap pa siya ng mahigpit. "Hindi naman pala gaanong maliit..." She could feel his hot breathing on her chest.

Napakurap-kurap siya nang maramdamang tumaas ang sulok ng labi nito dahil ang mukha nito ay nakabaon sa bandang dibdib niya. Dahil medyo mataas ang pwesto niya, nang yakapin niya ito ay para na rin niyang pinaramdam ang dibdib sa lalaki.

Mabilis na kumalas siya at tinulak ito. Hindi naman siya nito binitawan at bahagyang binaon ang mukha sa kanyang leeg. Para na namang dinadaga ang kanyang dibdib habang hinahabul-habol ang hininga.

He then said something, "You won't be my—"

"Prince Alexander!"

Sabay silang napakislot sa sigaw na iyon ni Dra. Quijano.

"Bakit nahulog sa pool si Heizen? Ginulat mo ba siya?!"

"No, Mom. She fell on her own," nakangising komento nito.

"Nawalan po ako ng balance," amin niya.

Inahon na siya ni Ali at mabilis siyang dinaluhan ni Wella, may dala ng twalya.

"Hija," baling ni doktora sa kanya. "Magbanlaw ka na muna nang makapagpalit ka ng damit. Baka magkasakit ka."

"Opo..."

Sinunod niya ang huli at mabilis na nag-shower. Pagkababa niya ay nakahapag na ang pananghalian.

"Come here, let's eat," si Ali. Pinapaupo sa tabi nito. But she sat on the place in front of him, beside Dra. Aliana.

Matapos magpasalamat sa Poong Maykapal sa mga nakahapag na pagkain ay kumain na sila.

"Gusto mo ba nito?" tanong ni Ali habang hawak ang isang mangkok ng ulam. Tumango siya at inasikaso agad siya nito. "Eh, ito?" turo naman nito sa isang putahe pa.

"Mamaya na lang."

"How about some water? Juice?"

"Water, please," she said.

Inasikaso na naman siya nito.

Tumikhim ang nakatatandang Quijano. "Ako nga pala ang nanay ng ama ni Ali, apo. You can call me lola," sambit nito sa kanya.

"Ako po si Heizen Salazar," pagpapakilala niya.

"—Quijano," dagdag ni doktora.

Nasamid siya at mabilis namang inabutan ng isang basong tubig ni Ali kaya agad din siyang nakainom ng tubig.

"Masaya akong malapit na kayo sa isa't isa," komento ni Lola Elizabeth.

"Oo nga, Mama. Hindi na tayo mahihirapang i-process ang adoption papers," dagdag ni Aliana.

Muli siyang nasamid at nakainom din agad ng tubig.

Nagtatakang bumaling siya kay Ali na biglang sumeryoso ang mga titig nito sa kanya.

"A... Adoption papers?"

"Oo, apo. Hindi pa ba pinaliwanag nang husto ni Ali sa iyo kahapon?"

Mas nagtatakang tumingin siya sa lalaki. "Anong...?"

He smirked but it was obvious he wasn't smiling at all.

"Ali?" tawag niya ulit dito. Hinuli niya ang tingin nito at bahagyang tumikhim ang lalaki.

"April Fools... I guess?"

What?!