Chapter 4. Lift
MASIGABONG palakpakan ang nagpabalik sa kanyang huwisyo at nang bumaling siya kay Ali ay kitang-kita niya ang gulat sa mukha nito. Agad na napayuko siya sa sobrang kahihiyan.
Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niyang tumayo ito at lumapit sa kanya. Sinapo nito ang kanyang baba at sumalubong sa kanya ang napakagwapo nitong mukha.
Bago pa makahuma at bumaba na ang mukha nito at kinintalan siya ng isang matamis ngunit malalim na halik at para siyang napako sa kinauupuan. Sa gitna ng halik ay naramdaman niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito 'tsaka bahagyang pinasadahan ng dila nito ang kanyang labi bago tuluyang lumayo.
Hindi niya na gaanong marinig ang palakpakan at ang pagbati sa kanila ng mga tao dahil para siyang nahipnotismo.
"Ali..." wala sa sariling bulong niya. Parang dinadaga ang kanyang dibdib, bagay na hindi niya kailanman naramdaman sa kahit na sinong binata noon. She stared at him again as if she was smitten by his charming smile. He suddenly looked like a fine man to her. Napailing siya. "Are you toying me?"
Sumeryoso ang tingin nito kahit halata ang ngiti sa mata nito. "I am not."
"Why do you keep on smiling? Inaakit mo ba ako?" akusa niya.
He didn't look offended. It was like he wanted to deny her accusations but he chose to be silent. But still, a ghost of smile formed on his sexy lips.
Wala sa sariling pinasadahan niya ng kanyang dila ang pang-ibaba niyang labi. Suminghap siya nang pakiramdam niya ay parang magkalapat pa rin ang mga labi nilang dalawa. Masama iyon, hindi niya kailanman naramdaman ang ganoong pakiramdam dati. Can somebody tell her what's happening in her body? Why did she suddenly feel so hot when the breeze of air was so cold?
"Are you alright?" nag-aalalang tanong nito pero gaya niya'y mayroong hindi maipaliwanag na emosyon na ulit siyang nakikita sa mga mata nito.
Tumayo siya at humawak sa braso nitong umalalay sa kanya. Kung wala si Ali sa tabi niya ay mabubuway siya.
Now that she thought of it and sorted out some things. She thought about her classmates talks about their first kisses before.
Nawawala sa sarili? Check.
Parang natuod na sa pwesto? Check.
Dinadaga ang dibdib? Check.
Nanlalambot ang mga tuhod? Check.
Gusto ulit maramdaman ang halik? Check.
Umalinsangan bigla ang paligid? Check na check!
"You are seducing me!" Muli niya itong inakusa nang makasakay na sila ng lift. Surprisingly, they were alone inside. "At tayo lang ang nandito! Ano? Uulitin mo ba iyong kiss? Are you going to do it the way I saw it in the movies? Ang mga kamay mo, mag-e-explore sa aking body while kissing me, 'no? Ha! Buking ka na, Ali! Hindi mo ako makukuha!" Hinihingal siya matapos niyang maglintanya.
"Baby, I wasn't thinking about that." Hindi makapaniwalang bulalas nito.
"Eh, ano? Saan kung ganoon? Sa hotel? Sa inyo? Sa kama mo? Sa ban—"
Natigil siya sa pagsasalita nang sakupin nito ang bibig niya, making her words turned into soft moans. Wala sa sariling napakayakap siya sa batok nito at sawakas ay tinugon na ang halik. Mabilis lamang iyon dahil hinihingal na humiwalay ang lalaki.
"Sinasabi ko na nga ba..." halos pabulong niyang untag. "B-Balak mo ako—"
Muling bumaba ang mukha nito at hinalikan siya ng malalim. Tumunog ang button ng lift pero ayaw niya pa ring putulin ang halik.
"They will see us," anas nito sa pagitan ng paghalik.
Doon siya natauhan at mabilis itong tinulak, hindi man lang ito natinag.
"I wasn't thinking about those those things, Heizen. But since you mentioned..." Sinadya nitong bitinin ang sasabihin at tuluyan na silang lumabas.
"Ihatid mo na ako," tila nakalutang siya sa alapaap nang sabihin iyon.
"Saan kita ihahatid?"
"Sa—" Oo nga pala. Hindi na siya sa mansyon nakatira, kaya sa ampunan siya babalik. "—sakayan na lang." Imbes na pakinggan siya ay hinuli nito ang kanyang palad at nagpagiya siya.
"We will go home together."
Home...
Paulit-ulit iyong namutawi sa kanyang isipan habang nakatitig sa malapad nitong likuran.
Napakurap-kurap siya nang mapagtanto ang mga sinabi kanina.
"Sorry..."
"You don't say sorry after you kiss someone, little princess."
Napakagat-labi siya. "Just call me Heizen," sambit niya. "And I'm sorry about what I've said kanina. I was just so sobrang nadala sa sitwasyon."
"Of all the things, you really thought of worldly things, huh? You're just, what? Eighteen. And you already know those things."
"I don't know. Sa iyo ko pa lang talaga naisip ang mga iyon. I really think inaakit mo ako," akusa niya ulit dito.
Hindi niya napansing nasa car park na sila, sa tapat ng sasakyan nito. "Hindi ako marunong mang-akit, Heizen."
"Sinungaling! You've been doing that to me since the last time na magkita tayo. Which is ang unang beses na makilala kita."
He just smirked, then his seriousness and irritation about her, thinking of worldly things, were gone. Amusement was vividly visible in his coffee-brown eyes.
"'Yan! Ganyan! You're seducing me!"
"I don't seduce girls. Women seduce me instead. "
Napakurap-kurap siya pero bago pa makahuma ay nabuksan na nito ang pinto ng magarang sasakyan at pinaupo siya roon.
Nang makaupo naman ito sa driver's seat ay handa na siyang singhalan ito.
"What do you mean by you don't seduce girls?"
He just started the car engine.
"And women seduce you, huh? I am eighteen! I'm not a baby girl anymore and I am certain na you are seducing me!"
"Oh, yes, Heizen, you are still my baby girl. You even accused me being a cradle snatcher when I proposed to you this noon, right?"
"I—" Wala na siyan ire-rebut. Totoo ang sinabi nito. "Inaakit mo ako," ulit niya.
"Why, little princess? Naaakit ka ba nang husto?"
"See! Sinasabi ko na nga b—" She immediately stopped talking as she held her breath when he came closer, thinking he might kiss her again. But he just fixed the seat belt as their gazes were fixed into each other. She unconsciously bit her lower lip, thinking about the kisses they just shared.
"You are the one who's seducing me with your alluring, soft and red lips, baby," anas nito at kinintalan siya ng malalim na halik.
Too much kisses she received from him on her eighteenth birthday and she wasn't complaining at all.