webnovel

BURYING THE PAST[FILIPINO]

Agent Leo is a very known Secret Agent in her generation. Marami siyang natagumpayan na misyon at hindi maikakaila na magaling siya sa larangan na pinili niya. Tungkulin niyang panatilihing ligtas at maayos si Cyden Veniel Concepcion. Isa siya sa pinakatanyag at mayamang negosyante sa kanyang murang edad. Parehas silang dumaan sa madalim at masakit na nakaraan.They buried the love they had a long time ago. He wants to be love again. She doesn't want to love again. Why we don't want to love again? Too much pain. We don't want to feel the same agony we felt before. It was a dreadful experience causing us to stay in an empty room..... crying and losing ourselves.

WanderRare · Teenager
Zu wenig Bewertungen
18 Chs

DAHLIA

                                 09

"Hurry up Agent!"sigaw ni Cyden na naghihintay sa baba.

Ang aga naming nagising baka raw maabutan kami nang traffic,medyo malayo pa naman ang pupuntahan namin.Abala ako sa pag-aayos sa mga gamit ko habang si Cyden naman ay hinihintay ako sa baba,baka umuusok na ang pwet niya sa inis. Agad naman akong lumabas para makaalis na kami.

"What took you so long?"bungad sa akin ni Cyden na halatang naiirita.

"Nag ayos lang ako ng mga gamit,"

"Your wasting my time"Saad niya habang naglalakad papuntang elevator

"Eto naman galit agad,"Mas binilisan ko pa ang lakad ko para maabutan ko siya.

"Wag kang mag-alala,mahal pa rin kita kahit ganyan ka"I pouted my lips nung tumingin siya sakin,nakapasok na kami sa elevator hindi pa rin siya umiimik.Nakasakay na kami sa sasakyan ganun pa rin siya,ang tahimik.Mukhang galit talaga ang bungol.

"Galit ka ba?"

"Nope,"

"Bakit ang tahimik mo?"

"I'm always like this,not like you"

"Bakit?Anong problema mo sakin?"

"You talk too loud and you can't stop your mouth in bubbling words,you have a lot of things to say even some are nonsense.Maybe next time,if you run out of topic I'm afraid that you will bark all of a sudden" Walang putol niya sabi habang nagmamaneho.

"Grabe ka naman,pero ang haba ng sinabi mo ngayon.Congrats!Keep it up" tinapik ko siya ng mahina .

"Let's buy food at the drive thru,"

"Good idea! Kanina pa nagrereklamo mga alaga ko sa tiyan" umarte akong nagugutom habang nakahawak sa tiyan.

Nang makarating kami sa Drive thru,si Cyden na mismo ang umorder.Habang naghihintay kami sa order namin ay naisipan kong pakealaman ang radio , napatingin siya sa ginagawa kong pagpindot sakto naman tumugtog ang paborito kong kanta.

"In another life I would be your girl, we'd keep all our promises.Be us against the world~"

 Hindi ko mapagilang sabayan ang kanta dahil nakakadala ang bawat lyrics nito.Yung parang nasasaktan ka rin kahit wala kang pinagdadaanan.

"In another life,I would make you stay.So I don't have to say you were the one that got away~"

Bumaling si Cyden sa gawi pagkatapos kong kumanta.Nakita ko ding nakuha na niya ang inorder niya.

"Ganda ng boses ko diba? Napakatalented mo talaga Leo!"pagmamayabang ko.

Napabuntong hininga si Cyden at nagmaneho ulit.Habang nilalantakan ko ang burger na binili niya ay naisipan kong subuan siya para makakain din si Cyden.

"Cyden say Ah" I said and waited for him to open his mouth. "Sige na Cyden ,para magkalaman ang tiyan mo"I pouted and still waiting.Hindi ko pa rin binababa ang kamay kong may hawak na burger.

"I'm not hungry"tutok pa rin siya sa pagmamaneho,

"I'm not hungry ka diyan,narinig ko nga tumunog tiyan mo kanina" nakita kong isinandal niya ang kanyang siko sa bintana ng kotse habang hawak-hawak ang labi.

"Cyden sige na, say Ah"

"Ah" mahina niyang sabi at ibinuka ang bibig niya,agad ko naman siyang sinubuan.I smiled a bit.

"Ah awitin mo at isasayaw ko~" Hinintay ko siyang natapos ngumuya bago sinubuan ulit. "Yehey! Very Good"I exclaimed while clapping my hands.

Naubos namin agad ang mga pagkain dahil na rin sa gutom at ngayon tahimik kaming dalawa, ang tanging nagbibigay ng ingay sa loob ng kotse ay ang kanta sa radyo.

"You should sleep,I'll wake up when we get there."

"Okay lang ba?"

"Why not?"

"Baka kase mabagot ka or mapagod,pwede namang salitan nalang tayo para makatulog ka rin,"

"I'm okay Leo and I know you're sleepy."

Wala akong nagawa kundi matulog nalang kesa makipag- away sa kanya.Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at nagsimula nang managinip.Nagising nalang ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko.Narinig ko din ang boses ni Cyden na parang may kausap sa cellphone.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko.Nakita kong binaba ni Cyden ang cellphone niya at tiningnan akong mabuti.

"We're here"Saad niya na hindi tinatanggal ang tingin sakin.Agad ko naman tinakpan ang mukha ko dahil sa hiya,bagong gising ako baka may mapang nakaguhit sa mukha ko.Napabuntong hininga ako nang malamang wala naman.

"Kaninong bahay 'to Cyden?"

Tinuro ko ang bahay na nasa harapan namin ngayon.Base sa nakikita ko dito sa labas,it's Cabin House with a touch of Modern Style.Hindi masyadong malaki pero elegante tingnan.

"Let's meet the owner of this house,"lumabas na kami ni Cyden sa sasakyan ang nagtungo papunta sa pintuan ng bahay. Naramdaman ko ang lamig,hindi ko inasahang ganito kalamig ngayon sa Baguio.

Tinitingnan ko lang si Cyden habang pinipindot ang door bell.Di nagtagal ay may nagbukas ng pintuan,isang matandang lalaki na may hawig kay Cyden.

"Veniel Apo!Bakit hindi ka nagsabing pupunta ka?"Bahid sa mukha nang lalaki ang kaligayahan.Niyakap siya ni Cyden dahilan nang pagbaling ng Lolo niya sakin.

"Sino naman itong kasama mong magandang babae?" tanong ni lolo.

"She's my Girlfriend Lo"

"Magandang Umaga po hehe"pilit akong ngimiti sa matanda.

"Pumasok muna kayo Apo.Hindi pa naman ako nakapaghanda"

Nauna na siyang pumasok,sumunod naman kaming dalawa ni Cyden.Napamangha ako sa desenyo ng bahay,hindi lang pala sa labas ang maganda.Puro vintage ang mga gamit sa loob, meron ding Chimney.Hindi kalakihan ang bahay pero napaka-homie.

"Nag agahan na ba kayo Apo?"

"Yes Lo,"

"Halika kayo dito,gagawan ko kayo ng Hot Chocolate"

Nagtungo kami sa mini counter ng kusina.Agad naman naghanda si Lolo para gawin ang Hot Chocolate.

"Are you doing fine here Lo?"tanong ni Cyden.

"Oo naman Apo.Ikaw ba?Kamusta ang trabaho?"

"The Company is fine now Lo.From the accident happened,I'm glad that I've managed to bring back the company's status,"

Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila.Hindi naman ako makasingit dahil hindi naman ako part ng family.

"It's good to hear that.Buti nalang may girlfriend ka na,hindi na ako mag-alalang baka tumanda kang binata"nginitian ako ni Lolo. "Ako nga pala si Fernando, tawagin mo nalang akong Lolo Fernan" Ninilahad niya ang kanyang kamay at agad ko naman itong tinanggap.

"I'm Leo po"

"Ngayon ko lang narinig ang pangalang Leo sa babae.Ilang taon ka na ba hija?"

"25 years old po,"Napansin kong nakatingin sakin si Cyden.

"What do you do for living?"

"She's a freelance model Lo"Si Cyden na mismo ang sumagot.

"Oh I see" kumuha si Lolo Fernan ng tatlong tasa at nilagyan ng Hot Chocolate na gawa niya. "Try it, habang mainit pa"

Hinipan ko muna ito bago humigop ng konti.Hindi sa pagkukunwari ay masarap ito.

"Masarap po Lolo Fernan"saad ko at humigop ulit.

"You never fail to make the best Hot Chocolate Lo,"puri ni Cyden sakanyang Lolo.

"Salamat naman at nagustuhan niyo,"

"By the way,where is Terrence, Lo?"

Terrence?

"May lakad silang magbarkada,namimiss ka na niya Apo, gustong gusto nga pumunta ng Manila para dalawin ka,"

"I miss that kid too,"

"Ang tagal mo kasing hindi nakadalaw dito."

"I am busy with the Company Lo, how much I want to go here but the company needs me,"

"Sa pagkakatanda ko ang noong huli kang dumalaw dito ang kasama mo si Dalhia"

Natihimik bigla si Cyden dahil sa binitawang salita ng kanyang Lolo.My brows furrowed out of confusion.

Now who's Dalhia?

----

I'm open to criticisms! Spread love and positivity:> ily!!!