webnovel

BURYING THE PAST[FILIPINO]

Agent Leo is a very known Secret Agent in her generation. Marami siyang natagumpayan na misyon at hindi maikakaila na magaling siya sa larangan na pinili niya. Tungkulin niyang panatilihing ligtas at maayos si Cyden Veniel Concepcion. Isa siya sa pinakatanyag at mayamang negosyante sa kanyang murang edad. Parehas silang dumaan sa madalim at masakit na nakaraan.They buried the love they had a long time ago. He wants to be love again. She doesn't want to love again. Why we don't want to love again? Too much pain. We don't want to feel the same agony we felt before. It was a dreadful experience causing us to stay in an empty room..... crying and losing ourselves.

WanderRare · Teen
Not enough ratings
18 Chs

GO KARTS

                                  10

"Bakit ka nakabusangot dito Cyden?"tanong ni Lolo habang nakaturo sa picture ng apo niya.

Abala kami ni Lolo sa pagtingin sa childhood photos ni Cyden.Gwapo yarn talaga halatang anak mayaman hindi kagaya ko parang kulang sa aruga.Swerte naman ng magiging anak niya hindi na sila mag alala sa magiging itsura nila.

"Stop it Lo,"halatang naiirita na itong si Cyden.

"Gusto ko lang naman ipakita sa girlfriend mo ang lumang pictures ng apo ko,"

"Oo nga Cyden.Hindi ko naman pinagtatawan pictures mo."

"You did"napailing iling lamang Ito.

"Ang KJ mo naman Cyden,kilitiin ko kaya eggs mo "saad ko sabay tingin sa gitna ng mga hita niya"Gusto lang namin tingnan throwback pictures mo."

"I look dumb at my photos Leo!"medyo tumaas na rin ang boses niya.

Napansin ito ni Lolo kaya siya na mismo ang nagsalita. "Cyden apo,ganyan ka ba makipag usap sa girlfriend mo?"

"No Lo,I'm sorry"napayuko lamang si Cyden.

"Wag ka sakin mag sorry"tinuro ako ni Lolo habang nakatingin pa rin kay Cyden.

Lumapit si Cyden sakin at hinapit ang baywang ko.Uminit ang pisngi ko dahil sa ginawa niya,baka sobrang pula ko na ngayon punyeta ka Cyden.Mas inilapit pa niya ang kanyang sarili bago nagsalita.

"I'm so sorry Love,I didn't mean to raise my voice at you" Napauwang ako sa sinabi niya.Taray may endearment amp.

" Hi—hindi naman big deal iyon,"nauutal kong sabi na hindi siya matingnan ng deristo.

"Be a gentleman Apo,"

"I am trying Lo"he said in a soft tone.

"Hindi magwowork sa isang relationship ang ganyang ugali apo."

"I know Lo,I'm sorry again"napakagat ito ng labi .

"Wala sa dugo natin ang may masamang tinapay.Hindi ganyan ang mga Concepcion.Show your girl what a Concepcion is,"sumilay ang ngiti ni Lolo habang deritsong nakatingin.

Concepcion.You guys are so powerful and a multi- millionaire.Ano pa ba ang ipapakita mo Cyden?

"Magbihis kana love,mamasyal tayo"hinalikan niya muna ang noo ko bago tumayo ang magbihis na rin.

First time kong marining siyang nagtagalog.He's like a foreigner learning how to speak Tagalog.He even kissed me on my forehead,Gaga it was a kilig moment.

"He's a sweet man Leo"napalingon ako kay Lolo na nasa tabi ko. "Tumayo ka na at magbihis."

Mabilis akong tumungo sa kwarto at nagbihis.Naisipan kong suotin nalang ay Jeans at Dye Shirt with matching Cardigan.Tinali ko ang buhok ko at naglagay ng konting make-up.

Pagkababa ko ay nag uusap ang mag Lolo.They are very serious,baka about business. Habang papunta ako sa kanila ay nag tipa ako ng mensahe sa GC namin kung may balita na ba or update.I want to end this mission.

"We will go now Lo,"paalam niya kay Lolo at nagmano.

"Enjoy your date"nagmano na rin ako at umalis na.

Mabilis kaming nagtungo sa sasakyan,napauwang ako ng siya mismo ang nagbukas ng pintuan sa passenger seat.Is this a Concepcion?

"Himala Naman Cyden.Nabibigla ako sa mga ginagawa mo"napailing lang siya at pinaandar na ang sasakyan.

"How much is this car?"bigla niyang tanong.Oo nga pala sasakyan ko ang gamit niya.

"Mas mahal pa sa bayag mo"tinaas na ang kanyang kilay habang nakatingin sa daan.

"Your mouth Agent,"

"Ang conservative mo naman Love.Hindi ikaw yan"pang aasar ko sakanya.

"Where you want to go first?"

"Ikaw na bahala,hindi ako familiar sa mga pasyalan dito Love,"

"Can you cut the love thing?"seryoso niyang sabi.

"Ikaw kaya ang nauna tumawag,shunga ka ba?"

"It was just an act,Lolo was there we need to be real in front of him"

Oo nga naman.It was just an act ba't parang nadala ako.Parang Bobo Leo.

"Oo nga,sinabi ko bang totoo? Gusto ko lang mang-asar, bakit ba?"dumungaw ako sa bintana para maiwasan siyang tingnan.

"We will eat lunch first,"tumango lang ako sa sinabi niya,nakadungaw pa rin ako sa bintana ang pinagmasdan ang bawat kalye na nadadaanan namin.

Baguio is really nice place to unwind and to have a leisure time.The cool breeze of air is penetrating my skin.Ang laki ng improvement ng Baguio kesa noong huli akong nakapunta dito.

We stopped at Sunflower Café near in Burnham Park.Nauna na akong pumasok sa loob dahil na rin sa gutom.We ordered pancakes and coffee.

"Mamasyal tayo sa Burnham Park"excited kong sabi habang umupo.

"As you wish,"

Tinapos namin kaagad ang pagkain at nagtungo sa Burnham Park.Napamangha ako sa ganda at linis ng park.Mabilis akong bumaba ng sasakyan para maglakad-lakad, sumunod kaagad si Cyden para makahabol.

"Cyden let's try the Swan Boat!"Mamahigan sa boses ko ang excitement.Hinila ko siya para makapagbayad na kami at makasakay na. "Swan Boat here we come!"nakangiti kong usal.

"I won't ride that stupid Swan boat Leo,"nawala ang ngiti ko sa labi ng marinig ang sinabi niya.

"Why?"

"I'm not a kid anymore Leo, that boat doesn't suit me"tugon niya at itinuro ang bangkang sasakyan namin.

"Look Cyden,hindi lang mga bata ang pwedeng sumakay at mag enjoy.See that boat?" Tinuro ko ang bangka na may sakay na matandang mag asawa. "It doesn't require age Cyden."

"That doesn't change my mind,"he just stared at me fiercely. "If you really want to try riding that stupid Swan Boat I won't stop you."

Umiiling iling ako sa sinabi niya. "Ayoko.Hindi kita pwedeng iwan dito Cyden."

Napagtanto kong hindi sa lahat ng pagkakataon ay masusunod ang gusto ko.Kinuha ko ang pitaka ko para bayaran si Kuya na nag aantay sa amin.Nakakahiyang naabala at pinaghintay namin siya.

Napabuntong hininga na lamang ako bago naglakad paalis.Nakakainggit makakita ng masayang pamilya,ganito sana kami ngayon kung hindi lang dahil sa trahedya.

"Leo"Kalmadong tawag sa akin ni Cyden.Napansin kong nakatingin siya sa mga Go Karts.

"Gusto mo ng umuwi?"

"No," lumapit ito sa akin bago nagsalita muli. "Let's try that thing" tinuro nga niya ang mga Go Karts.

"Wag na,you're not a kid anymore Cyden" I said in a sarcastic way. "Kumain nalang tayo," I turned my back and started walking again.

Pero bago pa ako makalayo,hinigit niya ang braso ko papunta sa mga Go Karts.Wala na akong nagawa kundi sumakay sa Go Kart dahil nabayaran na Ito ni Cyden.

Sinimulan ko nang paandarin ang Go Kart at inikot ang buong track.Nagulat ako ng naunahan ako ni Cyden,kaya mas binilisan ko pa.Natawa ako nang nabangga ko siya,kita sa mukha niya ang inis.

Nawala ang tawa ko ng pinagsabihan ako na bawal ibangga ang Go Kart,napilitan akong umalis na roon dahil sa kahihiyan.

Sinubukan din namin ang Horse Back Riding sa Wright Park.Inubos namin ang oras sa pamamasyal at pagkain.

"Nakakain ka na ba nang dirty ice cream?"

Bumili ako ng dalawang order ng ice cream.Kahit ang malamig ang panahon hindi ako mapipigilang kumain ng ice cream :>

"Why would I eat a Dirty Ice Cream?" nakatingin lang siya kay Tatay na abala sa pag scoop ng ice cream. " I might get stomach ache."

"Tikman mo kase para nalaman mo"inabot ko sakanya ang sorbetes,tinanggap niya Ito at tinakman. "Masarap?"

He just chuckled and continue eating. I smiled at him.

"Cyden?Cyden Veniel Concepcion?" napalingon kaming dalawa ni Cyden sa babaeng tumawag nang pangalan niya.

I saw how Cyden's face expression changed.It became dark and intense.Anong meron? Pansin kong nakangiti ang babae. She looks so elegant and soft.

"It's nice meeting you again Cy," Hindi pa rin mawaksi ang ngiti nito.

Hindi man lang nag abalang tingnan ni Cyden ang babae.Siniko ko siya at pinaglakihan nang mga mata.

"Yeah,"tipid nitong sagot. "I would like you to meet Leo,my girlfriend."

"Hello, I'm Dahlia" she reached out her hand to me.Inabot ko naman ang kamay niya at nakipagkamay.

She's Dahlia.

His past lover.

 

----

I'm open to criticisms! Spread love and positivity:> ily!!!