webnovel

Chap 15: Try to Escape

JASMINE'S POV:

Napa sigaw kami ni Ryza ng malakas dahil biglang hiniwa ni Amanda ang leeg ni Rayven gamit ang chainsaw.

Halos maligo na kami ni Ryza sa dugo ni Rayven, nakatayo parin ang katawan nya pero yung ulo nya nasa lupa na, nasirit pa ang dugo nito sa leeg.

Pinunasan ko ang mukha ko pero si Ryza naistatwa na sa kinatatayuan nya.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

"Aaaaaaaaahhhhhh!" Malakas na daing ni Ryza ng bumaon sa balikat nya ang chainsaw at tuluyan naputol ito.

Napaatras ako at tumingin ako sa likod ngunit wala na si Louie, kahit kailan talaga napaka selfish nya.

Muli akong tumingin kay Ryza at putol putol na ang mga kamay, binti at paa nya.

Agad akong tumayo at tumakbo, pero hinahabol pa rin ako ni Amanda hindi ba nya alam na nasali ako sa marathon, duhh, hindi nya ako mahahabol.

*

*

AUBREY'S POV:

Agad bumukas ang van na ikinagulat namin at iniluwa nun si Andrea.

"Aubrey!" Pagtawag nya sa pangalan ko.

"Sumakay na kayo!" Dagdag pa nya.

"Teka!" May sumigaw sa may bahay kaya napatingin kami dun.

Si Ezekiel at Alexandra.

Agad na lumapit sila Vincent at Cyrus kay na Ezekiel at Alexandra para tulungan, nakakaawa si Alexandra puro sugat sya sa hita at braso, umikli na rin ang buhok nya.

Lumabas din si Aaron sa van at sinabing sumakay na kami.

*

*

LORENCE'S POV:

Paika ika na akong naglakad at nakahawak ang kanang kamay ko sa tiyan ko at dinadaing ang sakit na aking nadadama.

Sa paglalakad ko ay nakita ko na ang bahay pero ang nakaagaw ng pansin ko ay sila Aubrey, Andrea, Ezekiel, Alexandra, Aaron, Vincent at Cyrus.

"Aubrey!!" Malakas kong pagtawag sa kan'ya at tumingin silang lahat sa akin.

"Si Lorence." Ani Cyrus habang lumalapit sya sakin.

Nang makalapit na sya sakin ay inalalayan ako para mabilis kaming makapunta sa kanila. Nabuhayan ako ng loob na mabubuhay pa ako pero hindi pa rin dahil makauwi man kami patay na ako dahil sa blood lost.

"Sumakay na kayo!!" Ani Aaron.

"Ako na mag da-drive." Sabat naman ni Vincent.

"Sige." Sagot ni Aaron

Kaya sumakay na kaming lahat, Katabi ni Vincent si Ezekiel, katabi naman ni Ezekiel si Cyrus, habang ako katabi ko si Andrea at Aubrey, si Andrea sa kaliwa ko, si Aubrey sa kanan ko habang sa kanan ni Aubrey katabi nya si Alexandra, nakakaawa si Alexandra puro sugat yung hita nya at braso maikli na rin yung buhok nya.

Sa likod namin mag katabi si Aaron at Kathleen, hindi ko kaagad napansin si Kathleen kanina dahil andito pala sya sa loob, nadugo yung noo nya, ano kayong nangyari sa kanya.

Pinaandar na ni Vincent ang sasakyan at umalis na kami. Alam ko namang mamatay ako dahil sa blood lost.

"Anong nangyari sayo Alexandra?" Pagtatanong ko.

"Si Marie, ginupit nya ang buhok ko at sinugatan ako gamit ang blade." Sagot ni Andrea.

Taksil din yang si Marie, bwiset.

"Eh anong nangyari kay Kathleen?" Pagtatanong ko ulit.

"Si Kim-j, sinaksak sya ni Kim-j sa binti kaya natumba si Kathleen at sinipa nya sa tiyan si Kathleen kaya nahulog sya sa hagdan." Sagot ni Andrea.

Isa pa ang Jay na yun.

"Kamusta ka? Anong nangyari sayo?" Pagtatanong ni Aubrey sakin.

"Si Mark at Brandon pinatay nila sila Mike at Kurt." Sagot ko.

"Patay na rin si Julian." Sabi ni Aubrey.

Tahimik lang kaming lahat sa loob ng van. Pero narinig kong nag uusap sila Aaron at Kathleen.

"Are you ok baby?" Pagtatanong ni Aaron.

Wow baby tawagan.

"Okay lang ako, masakit lang ang buong katawan ko." Sagot ni Kathleen.

"Edi hindi ka ok, tch." Sabi ni Aaron.

"Makita lang kita okay na ako." Sabi ni Kathleen.

"Wag ka na ngang mag biro dyan." Sabi ni Aaron.

"Hindi naman ako nagbibiro ah." Sabi ni Kathleen.

"I love you Kathleen." Sabi ni Aaron.

*

*

KATHLEEN'S POV:

"I Love You Too, Aaron." Bawi ko sa sinabi nyang I love you sakin.

Nagulat na lang ako bigla, ng biglang dumampi sa labi ko ang malambot at mapupulang labi ni Aaron.

Hinalikan nya ako. Dug dug,dug dug,dug dug.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Hanggang ngayon magkadikit pa rin ang mga labi namin, napansin ko namang lumingon samin si Lorence. Bigla namang inalis ni Aaron ang labi nya sa labi ko at tumingin sya kay Lorence.

"What?" Pagtatanong ni Aaron kay Lorence, umiling lang si Lorence at ngumiti.

Napatingin ako sa bintana dahil umulan ng malakas.

*

*

JASMINE'S POV:

Biglang umulan malas mahihirapan ako tumakbo pero sa malayo nakita kong may sasakyan malapit na pala ako sa kalsada.

Kaya nag sisigaw ako.

"Tulong! Tulong! Tulong!" Malakas kong sigaw para mapansin nila ako pero hindi, binilisan ko na lang ang takbo na sa likod ko pa rin si Amanda at panay habol sakin.

Nasa tabi na ako ng kalsada at humarang ako para makita nila ako pero ng lumapit ng lumapit ito ay.....

*

*

VINCENT'S POV:

"Bro may babae!" Malakas na sigaw ni Cyrus pero hindi ko agad na ipreno ang sasakyan kaya nabangga namin ang babae at tumagilid ang van.

"Akala mo hindi ka mamatay ah. Oh tignan mo nga naman nag tangka pang tumakas patay tuloy kayong lahat, hahaha." Ani Amanda, nakilala ko agad ang boses nya.

"Maiwan ko na kayo mga tanga." Lumayo nang lumayo ang mga yabag ni Amanda.

Akala nya patay na ako, oo nga pala may mga kasama ako buhay pa kaya sila?