webnovel

Chap 14: Pag-tataksil

LORENCE'S POV:

Kasama ko ngayon sila Mike, Mark at Kurt. Naglalakad parin kami sa gubat, gabi na pero di parin namin mahanap si Alexandra kahit yung iba.

Ang alam ko ang magkakasama bago kami mag hiwa hiwalay ay sila....

Ezekiel, Andrea, Kathleen at Aaron.

Aubrey, Vincent, Julian at Cyrus.

Feebie, Faith, Ethan at John.

Louie, Rayven, Jasmine at Ryza.

Rose, Riza, Loraine at Elmark.

Juvilyn, Jenny, Jane, Justine at Richard.

Kyla, Daniela, Sarah, Marianne.

At kami nga ngayon nila Mike, Mark at Kurt ang magkakasama.

"Paano na tayo makakabalik ang dilim na?" Pagtatanong ni Kurt.

"Maglakad lakad na muna tayo baka makita natin ang iba." Sabat naman ni Mark kaya naglakad naman kami.

"Ahhh fuck!" Daing ni Mike kaya napatingin kami sa kanya.

*

*

MIKE'S POV:

"Ahhh fuck!" Pagdaing ko ng may bumaon sa likod ko, pinagsasaksak ni Mark ang likod ko hanggang sa matumba ako at mapahiga, sunod naman nyang pinagsasaksak ang tyan ko at nag labasan ang mapupulang dugo nito hanggang sa labasan na ako ng dugo sa bibig, sunod nyang tinusok ang kaliwa kong mata ng kutsilyo at hinugot nya ulit yun saka pinagsasak sak ulit ako sa tyan.

Wala na akong nagawa.

"May gusto ka pa bang sabihin sa kanila, bago ka mamatay?" Nakangising pagtatanong sakin ni Mark.

Agad akong dumapa at pinilit na gumapang para makalapit ako kay na Lorence.

"T-tu-mak-b-bo n-na ka-kayo." Ang huling salitang aking binitawan, alam kong narinig nila yun at tuluyan ng pumikit ang aking mga mata.

*

*

LORENCE'S POV:

"Hayop ka Mark!" Malakas kong sigaw sa kanya, hindi ako makapaniwalang nagawa nya yun.

"Wala na kayong magagawa patay na sya at kayo na ang isusunod ko!" Pabalik nyang sigaw samin.

"Ano bang ginawa namin sayo?! Ha?" Lakas loob na pagtatanong ni Kurt sa kanya.

"Sumang ayon lang naman kami ni Marie sa gustong mangyari ni Kim-j, papatayin namin kayong lahat gusto namin maghiganti sainyo." Mayabang na sagot ni Mark.

"Taksil ka! Layong dalawa ni Marie mga hayop kayo!" Lakas loob kong sigaw sa kanya kahit takot na takot na ako.

"Tumakbo na tayo Lorence." Pagyaya sakin ni Kurt kaya agad kaming tumakbo, nauuna sya sakin, kahit papaano mabilis syang tumakbo.

"Sige takbo lang hahaha!" Malakas na sigaw ni Mark habang tumatawa.

Nagulat na lang ako ng biglang nadapa si Kurt.

"Shit!" Malakas na pagdaing nya, natalisod sya sa isang tali kaya naman napatigil ako sa pagtakbo, maya maya pa ay may lumabas na lalaki sa likod ng puno naka costume sya ng pang clown at may hawak syang itak.

Nakilala ko din ang mukha nya ng tanggalin nya ang maskara nya, sya ang tatay Derick at Jerick na si Brandon.

Agad nyang tinaga sa kamay si Kurt ng paulit ulit hanggang maputol iyon. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nya. "Araaaaaayyyyyy!!!" Malakas na daing ni Kurt at naiiyak na sya sa sobrang sakit. Naistatwa ako sa kinatatayuan ko dahil hindi ko alam ang gagawin. Kitang kita ko ang mga dugong naagos mula sa mga kamay nya, sunod naman nyang tinaga si Kurt sa binti hanggang sa maputol iyon nag sisiritang lumabas ang mga dugo dun at napansin kong hindi na sya nasasaktan o dumadaing man lang.

Patay na sya.

Hindi ko alam kung tatakbo ba ako o hindi. Agad akong humarap sa likod para tumakbo pero. "Shit!"

*

*

EZEKIEL'S POV:

Si Alexandra nakaupo at naka tali ang mga kamay at paa, maikli narin ang buhok nya puro sugat ang hita at mga braso.

Agad kong kinuha ang bakal na tubo na nasa tabi medyo mabigat ito.

Agad kong binuksan ng dahan dahan ang pinto para di ako marinig ni Marie, agad akong nakita ni Alexandra at naiyak sya, sinenyasan ko sya na wag maingay.

Laking gulat ko ng biglang humarap si Marie sakin pero nahampas ko agad sya sa mukha. Agad syang tumumba sa sahig habang dumudugo ang mukha nya.

Lumapit ako kay Alexandra para tanggalin ko ang ang tali sa kamay at paa nya.

"Umalis na tayo dito Alexandra, kaya mo ba mag lakad?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Kakayanin ko." Sagot naman nya sakin at kita kong nangingig ang mga tuhod nya.

"Pumangko ka na lang sakin." Yaya ko sa kanya at tumango naman sya.

Lumabas na kami sa kwartong iyon.

*

*

AUBREY'S POV:

Hindi na namin kasunod si Derick, dumeretso kami sa bahay at pumunta sa mga sasakyan.

"Anong gagawin natin?" Nagtatakang tanong ko sa kanila.

"Aalis na tayo Aubrey." Sagot naman sakin ni Vincent.

"Pero paano na sila?" Pagtatanong ko ulit.

"Kung hihintayin pa natin sila mamamatay tayo dito, kung gusto mo mag paiwan ka!!" Tumaas ang boses ni Vincent na ikingulat ko.

"Yung isang van hindi flat." Pagsingit ni Cyrus sa pag uusap namin.

Naguguluhan ako, ano ba talagang nangyayari?

*

*

LORENCE'S POV:

"Shit!" Na padaing ako sa sakit ng biglang saksakin ni Mark ang tiyan ko nasa likod ko na pala sya kanina pa.

Hinugot nya ulit ang kutsilyo sa tiyan ko at isinaksak ulit.

"Wag mo munang patayin yan, hayaan mo syang makita ng mga kasama nya." Sabi ni Brandon kay Mark.

"Sige, maiwan ka na namin dyan Lorence." Sabi sakin ni Mark habang tatawa tawa pa.

Hinintay ko silang umalis, bago ako umalis, hindi ako makalakad ng ayos dahil ang sakit ng tiyan ko at tuloy tuloy pa rin ang pag labas ng dugo nito.

*

*

JASMINE'S POV:

Naglalakad parin kami, kasama ko sila Ryza, Louie at Rayven. Habang naglalakad kami may humarang samin si Amanda na naka suot ng costume na pang clown at may dala syang chainsaw.

"Buti nakita ka namin Amanda." Natutuwang sabi ni Ryza kay Amanda.

"Buti rin dahil nakita ko kayo." Sabi naman nya samin at tinignan kami isa isa.

"Bakit naman ganyan ang suot mo Amanda?" Natatawang pagtatanong ni Rayven kay Amanda.

"At bakit ka rin may dalang chainsaw?" Nagtatakang pagtatanong ni Ryza sa kanya.

"Papatayin ko kayo." Nakangising sabi ni Amanda samin.

"Nag papatawa ka ba?" Natatawang pagtatanong ulit ni Rayven.

Biglang pinaandar ni Amanda ang chainsaw.

"Oh calm, I'm joking, haha." Pagsasalita ni Rayven pero hindi sya pinansin nito, lumapit na ako sa kanila dahil nakita kong biglang sumeryoso ang mukha ni Amanda, naiwan naman sa likod namin si Louie.

"Aaaaaaaaahhhhhh!!" Malakas na sigaw namin ni Ryza dahil...

*

*

DANIELA'S POV:

Naglalakad pa rin kami sa gubat, kasama ko sila Kyla, Sarah at Marianne.

"Nakakatakot naman dito, kahit isang lalaki eh wala tayong kasama." Pagrereklamo ni Marianne.

"Oo nga eh." Dagdag pa ni Kyla.

"Gusto nyo ba kaming makasama?" Nagulat kami sa isang boses kaya napatingin kaming apat sa likod.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita namin.