webnovel

7.) iligtas si Gabriel

"Anong depinde?" Interisado kong tanong.

"Ikaw ha! Kasasabi mo lang na hindi ako required na sumagot." Pagpapaalala nito.

"Ah oo naman. Iwan ko ba, bigla ko nalang naisipan yon." Pagsang-ayon ko naman pero sa loobloob ko ay ninanais na sana ay sagutin ng matino ni Gab ang tanong ko.

O baka naman ang tanong na iyon ay mula kay Sooth? Pero bakit naman siya magtatanong ng ganoon kay Gab? Hindi kaya ay ampon talaga ito at nais ni Sooth malaman kung anong mararamdaman nito?

Wow naman ha, ang babaeng yon ay may pakialam sa nararamdaman ng ibang tao? Parang imposible! Pero simula sa umpisa na magpakita siya sa akin ay wala na siyang ibang hinangad kundi ang mahanap ang isang tao hanggang sa makilala ko si Gab at inutusan ako nitong kaibigan si Gab at bantayan. Maybe she really cares about Gab. Bakit kaya? Baka magkamag-anak sila or worse ay magkapatid? Ibig sabihin ay isa ring katulad nila itong si Gab?

Diyos ko po!

"Siguro kong mayaman ang totoo kong mga magulang at pamamanahan ako ng maraming pera na hindi ko na kailangan pumasok sa skwela, gumawa ng reports, ng assignments at kung anuano pang academic related. Magpapaparty ako upang ipagdiwang at ipagsigawan sa boong univers na ampon ako!" Wika nito na may kasama pang aksyon at rampa. Saka bumalik uli sa inuupoan nito kanina. "Pero kung wie salapi naman true parents ko ay di bali nalang."

"Kuntra biro Gab." Sabi ko naman.

"Seryoso ako."

+++++++++++

Gabriel's Pov

9:30pm ng matapos ako sa ginagawa ko. Di naman nakakatakot umuwi ng bahay kahit ma hating gabe dahil naniniwala akong safe dito sa maliit na bayan namin. At isa pa sanay na naman na akong maglakad mag-isa sa gabe at hindi ito ang first time.

Nagtataka lamang ako ngayon kung bakit wala yata akong nakakasalubong. Samantalang dati ay kahit hating gabe na'y marami paring tambay sa gilid ng daan.

Walang kataotao ngayon sa kalsada na parang ako nalang yata ang gising gayong mag-aalas dyes palang.

Namatay ang solar street light na nalampasan ko kaya napalingon ako dito at pakiwari ko'y may sumusunod sa akin.

Malalaking bahay itong nadaraanan ko ngayon na kahit yata magsisigaw ka pa ay walang makakarinig sayo.

May anino akong natanaw mula doon sa ilalim ng namatay na ilaw.

"Sophie ikaw ba iyan?" Pagbabakasakali ko.

Nangyari na kasi sa akin ito dati. Yun pala ay si Sophie lang naman ang sumusunod sa akin noon ay yun ang unang pagkikita namin.

Namatay din ang street light sa unahan ko at maging ang ilang ilaw na susunod pa.

Mabuti na lamang at maliwanag ang buwan. Napatingin ako sa buwan, full moon yata ngayon.

Nanlaki ang mata ko ng bigla nalang dumami yong nag-iisang tao kanina.

Gusto ko ng tumakbo ngunit hindi ko yata maramdaman ang aking mga paa.

Takot na takot na ako lalo na at papalapit na ang mga yun.

Tumunog ang phone ko na nasa ng bulsa ng aking pantalon. Kaagad ko itong dinukot at sinagot ang tawag ng hindi na nag-abalang tingnan kong sino ang caller.

"Tulungan mo ako please!" Sabi ko atg sa wakas ay nagawa ko naring tumakbo ngunit may mga nagsisulputan din doon sa aking tatakbuhan sana.

Wala na. Mukhang mga alagad yata ni kamatayan ang mga ito at wala akong takas.

Naramdaman kong may pumalo sa akin mula sa likuran. Ngunit bago pa man magdilim ang aking paningin ay may nakita akong angel na bumaba sa lupa.

Kung sino ka mang angel, nawa'y iligtas mo ang abang tulad ko.

+++++++++

Lance's pov

Matutulog na sana ako ng magliwanag ng kulay bughaw bughaw ang ang wrest watch ko kaya mabilis akong napabangon.

"May mga gumagamit ng hiwaga sa paligid."

Kaagad kong kinuha ang aking phone at tinawagan ang kaisaisang tao na abot ng radar ko at may pakialam ako, si Gabriel.

Nag-aalala ako na baka matulad din ako sa namayapang Allan at mapunta lang sa wala lahat ng pinaghirapan namin. Hindi ako makapapayag na mangyari iyon.

Mabuti na lamang at kaagad itong sumagot.

"Tulungan mo ako please!" Sa mga salitang iyon ni Gabriel ay parang may botton na napindot sa akin at mabilis kong dinukot sa aking bag ang damit pandigma ko at isinoot iyon.

"Nasaan ka?" Tanong ko pa pero hindi na ito sumagot.

Ang damit pandigma namin ay kulay pilak at ang sa akin ay nagtataglay ng maraming hiwaga at isa na doon ay ang hiwaga ng hangin.

Binuksan ko ang bintana sa aking silid at doon ay tumalon ako.

Nagkaroon ako ng pakpak na parang hangin na naboo. Sinundan ko ang tinutukoy ng aking radar hanggang sa makita ko si Gabriel na nakahandusay sa kalsada habang may isang balot ng itim na kasootan ang nakikipaglaban sa mga RAGWA.

"Muli na naman siyang nagpakita." Ang tinutukoy ko ay ang nakikipaglaban sa mga ragwa na sa anyo ng pangangatawan nito at nasisiguro kong isa itong babae.

Sa labas ng ARMADA ay dalawang pagkakataon naring nanganib ang buhay ko at sa pagkakataong iyon ay dumating ang nilalang na ito at iniligtas ako.

"Ngunit hito at nagkakita din ang mga ragwa."

Tinulongan ko ang nilalang na yon an talunin ang mga ragwa, pagkaapak ko sa lupa ay kaagad na naglaho ang aking pakpak.

Ni hindi ko na nga kinailangang gamitin ang angkin kong kakayahan dahil sadyang mahihina itong mga ragwa na narito at kaagad namin silang natalo.

Pagkatapos ay nagpalabas ito ng usok na nagpalaho sa mga bangkay ng ragwa.

Hindi man ito ang unang pagtatagpo namin ngunit kailan man ay hindi ko pa ito nakausap o napasalamatan man lang. At gaya nga ng inaasan ko ay mabilis din itong nawala sa aking paningin.

++++++++++

Sophia's POV

Matutulog na sana ako ng bumukas ang lihim na pinto. Kumabog ang aking dibdib sa ngunit kaagad ding naglaho ang aking pangamba ng lumabas mula doon ang nakapangtulog ng si Rick na saklay ang school bag nito.

Mabilis ako biting nilapitan.

"Sophia ayos ka lang ba?" Nag-aalalang wika nito.

"Ayos lang naman ako. Ba't ka nandito? Nasaan si Sooth?" Magkasunod kong tanong dito.

"Sinundo ako ni Sooth at sinabing may kailangan pa daw siyang gawin sa ARMADA. Wala naman siyang sinabi kung bakit niya ako pinapunta dito kaya nag-alala ako. Akala ko'y may masamang nangyari sayo ngunit hindi ka niya mapupunta kaya ako pumunta dito." Paliwanag nito.

Narinig namin ang katok mula sa labas ng bahay.

kung umabot ka dito

meaning is nagustuhan mo ang story line at sana ay hindi kita madissapoint

salamat sa pagbabasa

godbless!

Sept_28creators' thoughts