webnovel

Kael Thrym

Hanggang ngayon ay naiisip ko parin ang mga sinabi ni Maalouf.

Kung talaga ngang ang tanging paraan lang para makuha namin ang esylium ay ang pagbatiin ang dalawang magkapatid ay alam kong kailangan ko ng gumawa ng paraan.

Kaya ngayon ay natagpuan ko ang sarili kong nakatayo sa may pinto ng library ng mansion na ito kung saan itinuro ni Lucas si Kael.

Kael is the eldest between the two of them kaya sa tingin ko ay mas mabuting sya ang unang kausapin ko.

Huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan ang pinto at agad na pumasok.

"Kael" I called him.

Agad naman syang napatingin sa akin mula sa pagbabasa ng mga aklat mula sa mesa.

And when he saw me ay agad syang napangiti.

"Yes Nastasha ko? Mahal mo na ako?" he said.

I blink.

"Ha?"

Pero nabigla ako when all of a sudden ay bigla syang tumayo sa malaking bintana na katabi nya at madramang tumingin sa kalangitan.

Uh...o--kay...what is he doing?

"I mean..." ang madrama pang sabi nya saka madramang lumingon sa akin. "Nandito ka ba para sabihin na mahal mo narin ako?"

Napakurap ako.

At sa totoo lang ay hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari.

"Uh...actually...no" I unsurely said. "At bakit ka ba nakatayo sa bintana ha?"

Ngumiti lang sya at madramang inayos ang bangs nya sa noo.

"Oh well, nakatayo ako dito para mas madrama at mas romantic akong tignan habang inaamin mo na ang feelings mo para sa akin"

"Uh...nagmumukha kang tanga" I said. "Seriously"

"Oh, sorry" ang sabi nya saka mabilis na umalis sa bintana na kinatatayuan nya.

O-kay...

"So..." ang nakangiting sabi nya saka naglakad papunta sa akin. "...anong maipaglilingkod ko sa isang magandang binibini na katulad mo?"

Alam nyo, minsan napapaisip ako kung may personality disorder ba ang dalawang magkapatid na ito. One moment ay childish sila and then one moment naman ay nagiging seryoso sila.

Pero wala na akong oras para isipin pa yun.

Atat na atat na akong makuha ang esylium so I need to do this.

"Please---"

Pero naputol ang sasabihin ko nang may biglang nahagilap ang mga mata ko na nakadikit sa dingding ng library na yun.

Natitigilan akong dahan-dahang naglakad papalapit sa dingding na yun kung saan naka-engrave ang mga pangalan na yun.

There are more likely five names engraved in that wall.

But what caught me the most is that name...

Alexander Tybalt.

Alexander?

Kapangalan ba 'to ni Alexander?

Nakalimutan ko ring itanong kay Alexander ang apelyido nya pero para saan ba ang mga pangalan na ito?

Napansin din ni Kael ang reaksyon ko habang naglalakad papunta doon kaya tumabi sya sa akin at tumingin din sa mga pangalan na nanduon.

"They are the vampire ancestors" Kael said beside me.

Vampire ancestors?

Kung ganun...

Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pangalan na naka-engrave sa pinataas na bahagi ng wall na yun.

Darius Edmond Montez.

He is my grandpa.

And there are other names too...

Edward Williams

Adelaine Faye Thrym

Sky Morgan

And Alexander Tybalt.

Tybalt?

Teka...saan ko nga ba uli narinig ang apelyido na yun?

I think I've heard that before...

"Sky and Alexander died in a war many years ago while the other ancestors are nowhere to be found..." he said. "Including my grandma"

Grandma?

Agad na nanlaki ang mga mata ko sa na-realize ko at mabilis akong napalingon sa pangalan na iyon.

Adelaine Faye Thrym.

Thrym?

Kung ganun...

He smiled at me.

"Yes, we are the direct descendant of the Earth Argon Ancestor, Adelaine Faye Thrym..." he said. "How about you Annah? How does it feels like to be the direct descendant of the original vampire ancestor?"

Agad na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya kaya mabilis akong napaatras mula sa kanya.

"A-anong..." I said almost whispering because of shock.

"Oh please" he said with that smirk on his face saka sya nagsimulang humakbang papunta sa akin. "Sa tingin mo ay hindi ko malalaman Annah? That you are the long lost Titanian?"

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na ito.

Pasimple kong sinilip sa dulo ng mga mata ko ang pinto at mukhang napansin naman nya yun. And like a flash, he ran towards me dahilan para mapasandig ako sa bookshelf na nanduon.

At ngayon...ay sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa.

I can also feel my raging pulse because of fear.

He has a huge advantage.

He is a man.

He is a completely Corrigan vampire.

While I'am a what?

An incomplete Titanian who can't even stand the thought of drinking blood.

"And now..." he whispered saka nya inilapit ang mukha nya sa leeg ko. "...to let you live, you have to offer me your blood first..."

********************

"And now...to let you live, you have to offer me your blood first..."

Napapikit nalang ako lalo pa na't alam kong wala na akong kawala.

Ramdam ko narin ang hininga nya na tumatama sa leeg ko habang pababa ang mukha nya doon.

Pero...

"Pffft---hahahahahahaha!" ang biglang sambulat nya ng tawa saka sya humiwalay sa akin.

Nagtataka naman akong napatingin sa kanya.

Okay. What was that?

"Hahahahahaha! Gotcha! Hahahahaha!" ang mangiyak-ngiyak na nyang tawa sa harapan ko. "Hindi ko alam na marunong din palang matakot ang mga Titanian! Hahahahahaha!"

Okay. Pinaglaruan nya ako.

Pero nakakabigla lang na parang wala lang sa kanya na isa akong Titanian. Like, supposedly ay isusumbong na nya ako kay Lucian but he's not. He's just laughing at me like some kind of a stupid retard.

"Don't worry..." ang natatawa parin nyang sabi saka pinunasan ang mga luhang namuo sa mga mata nya ng dahil sa kakatawa. "I won't harm you. I know from the moment I smell your blood that you're a Titanian kaya agad kitang nakilala. At kaya...nainteresado akong gawin kang bloodmate ko"

Nabigla ako nang dahil sa sinabi nya.

What?

Nainteresado syang gawin akong bloodmate nya?

But wait lang...

"Bakit nyo ba ako tinatawag ng Nastasha ha? That's not even my name" ang sabi ko.

He grin.

"Yun ang pangalan ni Mama kaya napag-usapan namin ni Muris na ipapangalan namin kay Mama ang babaing pakakasalan namin" ang nakangiting sabi nya at bumalik na sya sa childish aura nya.

Okay. Naintindihan ko na.

"Oh! Don't worry, hindi ko ipagkakalat na Titanian ka...pero wait lang...nasabi ko na ata kay Muris o kay Lucas? O sa katulong namin? O sa isa sa mga kawal namin? Wait...iniisip ko pa kung kanino ko ba nasabi na isa kang Titanian..."

"What? May pinagsabihan ka?!" ang hindi ko mapigilang naisigaw.

God knows kung ano ang pwedeng mangyari once na natunugan ni Lucian na nandito ako.

"Wait lang...inaalala ko pa..."

Saka nya maarteng hinawakan ang noo at kunyaring nag-isip.

Samantalang parang nati-tense naman akong naghihintay ng isasagot nya.

"Aha!" he suddenly exclaimed.

"Kanino?!" ang agad kong tanong.

"Nakalimutan ko na! Ahehehehe!"

This time ay hindi ko na napigilan at nabato ko na sya ng aklat sa noo.

"Ouch!" ang iyak nya saka napahawak sa noo. "Sadist Titanian...wahuhuhuhu! Isusumbong kita kay Lucas! Wahuhuhuhu!"

"Kakausapin mo ako ng matino o ibabato ko sa mukha mo ang lahat ng aklat na nandito?" I glared at him.

"Joke lang naman yun eh...!" ang iyak nya. "Wala akong pinagsabihan! Promise!"

Agad akong nakahinga ng maluwag ng dahil sa sinabi nya.

Mabuti naman...

Doon naman sya napaayos ng tayo habang hinihimas ang noo.

"Hayy..." he sigh. "So, ano bang maipaglilingkod ko sa inyo, mahal na Titanian?"

Napaayos narin ako ng tayo at napatingin sa kanya.

"Makipagbati ka kay Muris" ang sabi ko.

He looked confused.

"Eh? Bakit? Nag-away ba kami?" ang takang tanong nya saka napakamot ng ulo.

My brows met.

"Huh? Eh diba---"

"Ahhh...!" ang sabi nya na para bang naka-realize saka napangiti. "We may never get along that well with Muris pero never kaming nag-away!"

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko.

"Pero---"

"Hayy..." ang sabi nya saka nya itinaas sa batok nya ang dalawang kamay. "Naglalaro lang kami ni Muris sa tuwing nag-aaway kami. Hindi yun seryoso na away. You must have misunderstood it. Pero teka, bakit mo ba kami pinagbabati ha?"

Natigilan ako at sa totoo lang ay naguguluhan na ako.

"Then...hindi nyo hawak ni Muris ang esylium?" ang takang tanong ko.

Mas lalong nadagdagan ang confusion na nasa mukha nya.

"Eh? Esylium?" ang takang tanong nya saka napakamot ng ulo. "Ano yun?"

Oh darn it.

They don't have the esylium.

to be continued...