webnovel

Remnants of the Past

"The fourth shall be cast upon from two birds that cries half blood. Mend thy bond and esylium is on hand"

Ano ba ang ibig sabihin ng oracle sa sinabi nyang iyon?

Napahinga nalang ako ng malalim habang naglalakad akong mag-isa sa hallway ng mansion. Matapos kaming mag-usap ni Kael ay lumabas na ako at naisipan kong puntahan nalang ang ibang kasamahan ko para mag-plano sa paghahanap ng esylium.

Pero napatigil ako sa paglalakad nang makarating ako sa dulo ng hallway na iyon.

Nagtaas ako ng mukha at ang napakalaking portrait ng isang magandang babae na yun ang nakita ko.

She has this black long hair and pairs of red eyes at napakaganda nya.

My brows met.

Sino kaya ang babaing ito?

"She's beautiful, isn't she?"

Napalingon ako sa pinagmulan ng bagong dating na boses na iyon.

Si Lucas.

Napangiti nalang ako sa kanya bago nilingon uli ang malaking portrait.

"Yes" I said. "Pero sino ba sya?"

Lumapit sya sa akin at tumayo sa tabi ko. At ngayon ay pareho na kaming nakatitig sa portrait ng magandang babaing yun.

"Adelaine Faye Thrym" he said. "She's the first lady of this house and also the grandma of the Thrym Twins. She is the ancestor of the Earth Argons"

Tama.

Naalala ko ang sinabi ni Professor dati. That there is one original vampire ancestor by the name of Demon at sumunod sa kanya ang apat na new generation of vampires who could use different powers. At sa apat na iyon ay nabibilang si Adelaine as the Earth Argon ancestor.

"And there are other ancestors too" he continued. "Sky as the wind Argon ancestor, Xander as the fire Argon ancestor, Edward as the water Argon ancestor and of course, the original vampire ancestor Demon"

Napalingon ako sa kanya.

"Then where are they now?" ang takang tanong ko. "Nasaan na ang mga ancestors? Are they still alive until now?"

Napahinga sya ng malalim at ibinulsa ang dalawang kamay nya.

"Adelaine, Edward, and also Demon disappeared after this world was created" he said."While Sky and Xander died on a war many years ago"

My brows met.

"War? Nagkaroon ba ng war dito dati?"

He turned to me.

"No" he said. "The war took place at the human world before this world was created. It is between the Exodus and the vampires. Sky died while Xander was killed by Demon himself"

Nabigla ako sa huling sinabi nya at ngayon ay pakiramdam ko ay mas lalo akong naguluhan.

"Then if it is a war between Exodus and the vampires then why my grand---I mean, Demon killed Xander?"

Napalingon sya uli sa portrait ni Adelaine at nagsalita.

"Alexander or was known to be Xander became greedy and obsessed." ang isinagot nya na nagpabigla sa akin. "He killed many innocent human or even his own kind so Demon has to put him down."

Kung ganun...ang lolo ko ang pumatay sa fire argon ancestor na si Xander?

"Xander was obsessed to lady Camellia"

Bigla akong napalingon sa kanya nang dahil sa sinabi nyang iyon.

"And because of that..." he said then turned to me. "...he practically became evil"

So Xander...was obsessed with my grandma?

Yun ba ang dahilan...kaya pinatay din sya ng lolo ko?

Ngayon ko lang nalaman ang lahat ng ito kaya nabigla ako sa mga nalaman ko. I've known their history but I've never known anything about the history behind them all.

"But many years ago...there is a vampire who suddenly showed up and was known to be much more powerful than Xander..."

Nabigla ako sa sinabi nyang iyon.

Much more powerful...than the fire Argon vampire ancestor?

"W-who?"

He turned to me at ngayon ko lang nakita ang emosyon na yun sa mukha nya.

Fear.

"Alburz..." he said.

I felt cold.

At hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit nakakaramdam ako ng panlalamig just by hearing that name.

Ganun ba talaga sya kalakas at nakakatakot...that even hearing or mentioning his name can bring fear to all of us?

I don't know him. But why am I feeling this?

"The blue fire using vampire Argon" he continued. "And he is also the one...who killed the parents of the Thrym Twins. Their parents are one of the vampires who was killed on Vedra"

And I can see pain and hate on his eyes while saying that thing.

Pero naguluhan ako sa sinabi nya.

"But wait..." I said. "Akala ko ba pinatay ng isang bampira ang Mama nila then after that ay namatay ang Papa nila---"

"It's a lie. It's a lie made by me." he said that shocked me. "Their parents are looking for someone in Vedra when that incident happened. And unfortunately, they was caught up by the huge fire"

"P-pero...p-pero bakit ka nagsinungaling sa kanila?"

He looked at me at ngayon ay kitang kita ko ang sakit na bumaha sa mukha nya.

"It's a lie made by me to protect the feelings of the twins. Ayokong mabuhay sila na may galit sa dibdib nila. I want them to think that their parents died on a natural reason and not because of one of the most fearsome vampire in this world. Dahil alam kong kapag nalaman nilang nang dahil sa bampirang iyon kaya namatay ang parents nila, they will stop at nothing to avenge their death. I just don't want them to suffer that pain"

Napatitig ako sa kanya at hindi ko mapigilang mapangiti.

"You cared for them so much..." I whispered.

He smiled at me.

"Ako nalang ang natitira sa kanilang magkapatid..." he said. "...so how could I not care?"

Napangiti nalang ako at napalingon sa malaking portrait ni Adelaine.

So si Alburz din pala ang dahilan kaya naging ulila na ang magkapatid. And to think that he is one of Lucian's men. Just how evil they can get?

Napakuyom nalang ako ng mga kamay.

Kung ganun kalakas si Alburz...ay sino kaya ang makakatalo sa kanya?

Sino kaya ang magkakaroon ng lakas ng loob na tumayo sa harapan nya at kalabanin sya kapag dumating na ang panahon na kailangan na naming tapusin ang kasamaan ni Lucian?

He managed to burn a whole city. He managed to kill hundreds of his own kind who can use the same power as him. And he is more powerful than the Fire Argon Vampire ancestor, Alexander. Kaya sino ang makakayang talunin ang bampirang iyon na kayang-kayang pumatay ng ilang daang bampira in just a blink of an eye?

Pero natigil ang lahat ng iniisip ko nang may nakaagaw ng atensyon ko mula sa portrait ni Adelaine.

There's a mark on her right arm.

It's an eagle.

Itinaas ko ang kamay ko at itinuro yun kay Lucas.

"What is that mark?" ang takang tanong ko.

Napatingin din sya doon at nang makita yun ay napangiti sya.

"It's the family mark of Thrym's" he said.

Napatango nalang ako.

So Eagle pala ang family mark ng Thrym family. Kaya yun din ang nakikita kong symbol sa mga flags na nasa bayan at pati narin sa mansion na ito.

"So..." he said then turned to me. "The dinner is ready. Let's go?"

******************

Nang makarating ako sa dining area ay nakita kong wala pa doon si Alex.

Kaya natagpuan ko nalang ang sarili kong nakatayo ngayon sa labas ng kwarto nya at nakatitig sa pinto nya.

Hindi ko rin alam kung bakit nag-aalinlangan pa akong kumatok sa pinto nya.

But in the end ay napahinga nalang ako ng malalim at kumatok nalang doon.

"Alex?" ang tawag ko sa kanya. "Alex, nakahanda na ang pagkain"

Pero hindi sya sumasagot.

Huh?

Ano kaya ang ginagawa nya?

"Alex?"

Pero wala paring sagot.

Kaya napahinga nalang ako nang malalim at pinihit pabukas ang doorknob ng kwarto nya.

"Alex?" I called.

Nakita kong madilim pa ang kwarto nya dahil hindi nya pinailaw ang mga ilaw.

Napalibot ko ang paningin ko sa madilim na kwarto nya and because my instincts as a vampire is now slowly coming back to me ay nakita ko sya sa tabi ng kama nya.

Nakita kong nakaupo lang sya sa sahig at nakahawak sa ulo nya.

"Alex?"

Nagtaka ako.

Bakit hindi sya lumilingon sa akin at bakit hindi nya ako pinapansin?

Nanatili lang syang nakayuko doon habang hawak parin ang ulo nya. Hindi ko rin makita ang mukha nya dahil nakatalikod sya sa akin mula sa kinauupuan nya.

Teka, sumasakit na naman ba ang ulo nya kaya hindi sya lumalabas?

"Alex? Are you okay?" ang nag-aalalang tanong ko na.

But still no response from him.

Kaya naglakad nalang ako papunta sa kanya at naupo sa harapan nya para magka-level kami ng mukha.

Pero nanatili lang syang nakayuko at nakatakip pa ang mga kamay nya sa noo nya.

"Alex?"

Then I reached for his arm at inalog sya doon.

Dahan-dahan naman syang nagtaas ng mukha pero...

Pero...

Agad na nanlaki ang mga mata ko at mabilis akong napaatras nang makita ko na ng tuluyan ang mukha nya.

Red dangerous eyes.

And those red burning horizontal marks on his right cheek is now appearing on him. Napansin ko rin na nabawasan na naman ng isang linya ang horizontal marks na iyon.

His eyes is blank. And just like before ay nakatitig sya sa akin na para bang hindi nya ako kilala.

And I don't know why I'm feeling this fear that's slowly creeping into my body while looking at his red eyes.

"A-alex..." I mumbled.

Pero nabigla ako sa sumunod na sinabi nya.

Using that unfamiliar and fearsome hoarse voice...he spoke.

"Titanian..."

to be continued...