Nandito ako sa kwarto ko habang nag- mamake up ng biglang may kumatok sa pinto.
"Iha? Anak?!"
"Nay pasok." sagot ko at bumukas naman ang pinto habang nag-mamake up parin ako. "Bakit nay?"
"Binili ko kasi ito sa divisoria, diba sabi pupunta ka sa meet up ng boyfriend mo?" malungkot na saad ni mama, na appreciate ko naman ang binili niya.
Dress na may belt tapos hanggang tuhod then may up shoulder. "Ang ganda.. teka susuotin ko muna, diyan ka lang." sabi ko kay mama at mabilis na pumunta sa banyo bitbit ang damit para magbihis.
Maya-maya ay natapos narin kaya bumalik ako sa kwarto ko at nakita ko namang namangha si mama kaya mabilis akong lumingon sa salamin.
"Ang ganda.!" wala sa sariling sambit ko at mabilis na tumabi kay mama at niyakap siya "Salamat ma."
"Walang anuman nak.. o sige na ipagpatuloy mo na iyang pag- mamake up up baka darating na yung nobyo mo." sabi ni mama at niyakap ko tsaka humiwalay at naglakad palabas.
Mabilis kong tinapos ang make up ko at isinuot ang high heels.
Ako na siguro ang pinakamaganda sa meet up ni Jack.
Maya-maya ay biglang may kumatok sa kwarto ko kaya agad ko itong binuksan at nakita ko ang gwapong nilalang na nasa harap ko ngayon.
Ang gwapo niya sa suot niyang business attire ano yun pagandahan? HAhA dapat lang.
"You look so handsome babe." sabi ko at hinawakan ang nectie at tsaka hinalikan siya. "Tara."
Agad kaming sumakay sa sasakyan niya. Sa 2 million na followers niya? Marami siguro ang tao ngayon. Whoo nahihiya pa naman ako.
Nilingon ko agad si Jack na parang busy sa kaka- type at sa tingin ko nagsusulat na naman siguro siya.
Malayo rin ang byahe namin dahil nasa Manila. Hindi ako masyadong nakatulog rin kagabi dahil sa kaka-excited ko.
"Hey babe? Your so beautiful for this day." biglang singit ni Jack kakaisip ko kaya naman natauhan ako.
Grabe naman siya kanina niya lang ako nakita tapos ngayon lang siya magsabi ng ganyan? tsh!.
"Thank you." pagpasalamat ko na lamang "Oo nga pala? Kailan pala start niyo?" tanong ko
"Nine o'clock" mabilis ko namang tiningin ang relo ko kong anong oras na.
Time Check 8: 48am
Omo malapit lapit narin, HEhE. 12 minutes nalang.
Ilang sandali ay huminto na ang sasakyan at nakita ko naman na maraming tao kaya naman naiilang ako. Agad naman akong pinagbuksan ni Jack, habang ako ay nag dadalawang isip pero no choice naman ako HAhA.
"Whoo! Kuya Jack!"
"Girlfriend mo po kuya?"
"Idol ganda ng girlfriend mo."
"Idol, pa picture mamaya."
Narinig ko naman ang sigawan nila every hakbang ko habang si Jack ay kaway na kaway. "Naiilang ka ba?" natatawang tanong niya
"Bat mo nalaman?"
"Bawat galaw mo e nakikita kong naiilang ka." sabi niya at hinawakan ang kamay ko tsaka kami naghakban sa stage.
Nakipag kamayan naman si Jack sa mga kilala niya siguro dahil parang nasa judges seat sila pero never mind.
"Hello, everyone--" hindi natapos ng pagsasalita ang emcee ng biglang umingay ang paligid. "Silent. So we are now at this arena dahil parami ng paraming ang supporters ni Jack Guipos.."
"Whoo! Idol."
"Whoo!"
Halos lahat ng to ay puro hiyawan lang ang marinig ng biglang nagsalita ulit ang emcee.
"Sa lahat po na gustong bumili ng mga libro ay doon lang po." sambit sa emcee at inituro ang maliit na bahay- bahayan na may maraming libro. "At sa gusto ng magpapa- book signing doon lang rin." turo niya sa tabi ng sell book.
Bumaba naman si Jack kaya sumunod ako sakanya, lumapit agad kami sa book signing para kay Jack at doon siya umupo habang ako ay umupo rin sa tabi niya.
May nagpapasign, nagpapa-picture sa kanya o saakin, may nagtatanong rin sakanya na girlfriend niya badaw ako at ang palaging sagot namin ay oo.
Isang oras rin ang nakalipas pero hindi parin natapos ang pila sa mga nagpapa- book sign ng biglang may dumating na taga hatid ng pagkain.
"Kain muna tayo mamaya nayan." sabi ko sabay punas sa kanyang mukha.
"Sa lahat po na nakalinya ngayon ay bukas nanaman po kayo HEhE salamat." sabi ni Jack at tumango tango naman ang mga tao at nagsi alisan sa linya.
"So now bago mag speech ang inyong pinakagwapong author kakanta muna siya." sabi ng emcee at hindi naman ako makapaniwala.
"Kakanta ka?" gulat kong tanong kay Jack.
"Oo para saiyo." sabi niya at hinalikan ako sa noo tsaka siya pumunta sa stage narinig ko naman ang hiyawan ng mga tao.
"Hello, to all of you hope you enjoy the meet up. Katulad sa sinabi ko sainyo sasabihin ko na kong paano ako nakapasok sa wattpad." sabi niya at napa buntong hininga.
"Whoo!"
"Idoll..."
"Whoo, kuya Jack."
"Silent! Gusto ko lang sabihin sa inyo katulad sa pangako ko na ipapakilala ko sa inyo ang nobya ko pero bago muna gusto kong magpapasalamat kay Joshua Santos, dahil kung hindi dahil sa kanya wala ako sa wattpad ngayon. Thank you saiyo sana suportahan niyo rin ang kwento niya katulad sa pagsuporta niyo saakin." sabi niya at lumingon sa lalaking nabunggo ko nong kaarawan ng bunso ni Jack. "At sa inspirasyon ko na si Jay Ann Angon walang iba kundi ang nobya ko, gusto kong ibibigay saiyo ang kwento na to na matagal ko nang pinag hihirapan.. isang libro lang ito at ikaw lang ang makakabasa." sabi niya bitbit ang libro na sinasabi niya.
Sininyasan niya naman akong pumunta sa stage kaya pumunta narin ako. Paglapit ko ay binigay niya saakin ang libro at nakita ko naman ang pamagat.
"Ang pamagat na ito ay Ang Boyfriend kong Manunulat, diyan nakasulat lahat ng kwento natin at ang future, sorry dahil hindi kita pinansin minsan ng dahil lang diyan pero--" hindi niya ulit natapos ng biglang naghiyawan ang mga tao.
"Woo!"
"Ang ganda ng nobya mo."
"Pahingi naman ng copies niyan kuya hehe."
Rinig kong hiyawan sa mga tao at nagpatuloy naman sa pagsasalita si Jack.
Para akong nasa langit ngayon dahil sa sobrang kilig. "Pero Mahal na Mahal kita kahit anong mangyari." sabi niya at kinuha may kinuha na kahon sa kanyang bulsa. "Well you marry me? Babe."
A-ano raw? Well you marry me? "Y-yes!" hindi makapaniwalang sagot ko at mabilis niya naman akong hinalikan sa harap ng maraming tao.