4 Kabanata 3

Nandito na kami sa table kasama ang kaibigan ni Jack. Hindi ko man lang alam na may kaibigan na pala ito.

Sa pagkaka- alam ko kasi wala siyang kaibigan dahil wala naman siyang pinakilala.

"Kumusta na yung regalo mo para sa girlfriend mo ngayong meet- up?" tanong ni Joshua kay Jack kaya naman natigilan ako at nakinig.

"Shhhh!" suway pa ni Jack habang kumakain.

Malapit narin kasing matapos ang party. "Writer ka rin diba?" hindi ko alam kong bakit ako kusang nagtanong.

"Yes! Bakit?"

"Paano kayo nagkilala ni Jack?"

"Nang dahil sa book jacket! Ako lang naman ang nag- iisang editor niya.. alam mo naman na napakahiyain nitong boyfriend mo" natatawa niyang sabi at tumawa naman kami.

Natahimik lang kami ng biglang magsalita ang emcee. "Hello ulit guys! We will have a game called... paper game! Dapat magka boyfriend or girlfriend or asawa lang ang pwede." sigaw nung emcee at bigla namang tumayo si Jack.

"Can we play?!" tanong niya saakin at natulala naman ako, sa totoo lang ayaw ko kasi ng laro "Kahit isa lang!" malambing niyang sabi at agad akong tumayo at hinawakan ang kamay niya.

Naka- tatlong puntos na ang laro namin at tatlo nalang ang nag-lalaro. Tumugtog naman ang kanta kaya agad kaming sumayaw ng biglang huminto at tsaka ako napa yakap sa kanya habang ang kalaban ay natalo namin.

Pagkatapos naming nanalo sa laro ni Jack meron rin kaming premyo na na grocery pero binigay lang saakin iyun ni Jack para namin ni mama.

Ilang sandali pa ay lumiit na ang mga tao ng biglang may yumakap sa akin habang nakapatong ulo niya sa balikat ko.

"I love you Mahal!" bulong niya sa tainga ko kaya kinikilig naman ako.

"I love you too Mahal!" sabi ko hanggang..

HINALIKAN NIYA AKO...

♡♡♡

Pagkatapos sa nangyari kagabi ay sa mansion ni Jack kami natulog dahil gabi na nung umuwi sana kami pero pinatulog na lang kami sa daddy ni Jack.

"Ma.. gising na." gising ko kay mama, kailangan kasi naming maaga umuwi para makakain ang hayop ni mama.

Agad namang bumangon si mama tsaka tumayo.

"Ma'am, baba na raw po kayo kakain na raw sabi ni Mr. Jack" rinig kong sigaw ng yaya nila dito kaya dali-dali kaming lumabas ni mama.

Pagbaba namin ay nakita namin ang pamilya nila na kumain na.

Agad akong umupo sa tabi ni Jack dahil may bakante namang upuan.

"Kumusta ang relasyon niyong dalawa?" maya- maya't tanong ni Mrs. Guipos.

"Okay lang po." sabay naming sabi ni Jack at tsaka lumingon sa isa't isa.

Ilang sandali pa ay bigla nalang may bumulong sa tainga ko. "Date tayo mamaya!" lumingon naman ako sa gilid ang mukha ni Jack malapit sa mukha ko at akma na sanang halikan ng biglang magsalita si Mr. Guipos

"Are you enjoying the party yesterday? Angon?" tanong niya at tsaka lumingon saamin ni mama.

"Opo/ yes!" sabay naming sagot ni mama at agad akong sumubo.

"Nice!" tugon niya tsaka tumayo kakatapos lang kasing kumain ni tito at sunod si Jazzrill ang bunso ni Jack.

Maya-maya pa ay tapos na kaming kumain kaya lumabas muna kami ni Jack.

"Bukas na yung meet up niyo ano?" tanong ko

"Oo! Do you want to come?"

"Oo naman. E, girlfriend mo ko e." natatawang sagot ko at nakitawa naman siya. "Pumunta tayo sa garden please!" sabi ko at nag puppy eyes

"Sure!" sagot niya at tsaka nagsimulang maglakad parating sa harden.

Habang naglalakad ako ay bigla akong napandol sa bato---este sa likod ni Jack kaya napahiga kaming dalawang.

Nasa likod lang kasi ako sa kanya habang naglalakad kaya ayon hindi kasi ako tumitingin sa dinaanan.

"Ouchy bichy!" sigaw ko at mabilis na tumayo at tsaka pinatayo si Jack.

Mabuti nalang dahil hindi napandol ang mukha ni Jack pero may gasgas ang kamay niya.

"Okay kalang ba?" nag alalang tanong ni Jack sa akin tsaka ako inalayan.

"Hindi.. masyadong masakit yung paa ko. Ouch" hindi na ako nakapagsalita ng bigla akong binuhat ni Jack yung parang sa kasal.

Pero ang sakit talaga ng paa ko dahil sa pagkadapa ko.

"Sa susunod tingnan mo kasi ang dinaanan mo! hindi na muna tayo pupunta sa harden." galit na sabi niya at tuloy tuloy na naglalakad.

Napabuntong hininga naman ako dahil alam kong iba siya magalit.

♡♡♡

Nagising ako ng biglang may yumakap saakin. Tiningnan ko naman sa gilid kung sino at nakita ko naman ang tulog na mukha niya.

Hindi nalang kasi ako pinauwi nila at si mama dahil sa hindi ako makakalad ng maayos.

Paano na kaya bukas huhu baka hindi ako makasama sa meet up ni Mahal nako wag sana lord.

Agad akong tumayo at humawak sa pader para pumunta sa banyo.

Isang oras ang nakalipas ng gumising na si Jack.

"Kanina kapa ba gising?" tanong niya saakin habang nag ce-cellphone ako.

"Hmm!" sagot ko at tumango tango.

Tumayo ako at tsaka kinuha ang damit ko para magbihis.

"Ayos naba yang paa mo?" nag- alalang tanong niya.

"Ayos na hehe!" sabi ko at tsaka tumawa sa sakit ng paa.

"Sigurado ka ba talaga?"

"Oo nga ayos lang hehe!"

"E, bat tumawa ka?" kunot noong tanong niya

"Bawal?" sarkatisto kong tanong "Sige na! Magbihis muna ako para umuwi na." sagot ko at tsaka pumunta sa banyo.

Maya-maya ay lumabas na ako at nakita kong wala si Jack ay mabilis akong lumabas at nakita ko naman agad siya sa sala na humahawak ng cellphone.

'siguro nagsusulat na naman siya! tsk'

Mabilis akong bumaba at tumabi sa kanya tsaka ko kinuha ang cellphone ko para magbasa ng kwento.

Ilang sandali ay biglang nilagay ni Jack ang ulo niya sa balikat ko pero pinag walang bahala ko nalang ito dahil nagsusulat parin siya.

♡♡♡

Nandito ako sa labas ng gate nila dahil uuwi na rin ako, ihahatid kasi daw ako ni Jack ngayon, nagpaalam lang siya nina tita at tito.

Maya-maya ay dumating na siya at pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan tsaka ako pumasok sa tabi ng driver seat.

Ilang sandali ay pumasok na si Jack tsaka pina- andar ang manobela.

avataravatar
Next chapter