webnovel

Alice In The Mafia World

Alice Natasha Baltazar, an orphaned girl, seeking for justice for the death of her parents. Was force to join the Douglas Mafia who promise to help her to hunt those people who killed her parents. But then, slowly, a box of secret was revealed. And she never thought that her life since then was a lie. From the people who killed her parents who she thought that her biological, her sister, and her real identity. What will happened if she finally know the truth about all the lies? Will she able to handle it? Or will she runaway and forget everything?

jeclover · Teenager
Zu wenig Bewertungen
45 Chs
avataravatar

Chapter 26

Sorry for the typos and grammatical errors. Enjoy reading!

••••••

Chapter 26

Nawala ang atensyon ko sa tatlong lalaking nagpakilala na pinsan ko daw dahil biglang nagsipasukan ang mga tauhan ng Douglas at pinalibutan kami habang nakatutok ang kanilang mga baril sa amin.

"Oh my gosh! Ang amards ng mga tauhan niyo! Akala mo talaga si Cardo ang nandito." rinig kong sabi ng nasa likod.

"Shut up, Faustus!" saway nung isa.

Pinagmadan ko ang paligid. Rai pointing his gun to Mister Douglas while Mina and Miguel pointing their guns towards Saber na nanigas sa kanyang kinauupuan dahil sa gulat.

I smirked. "Checkmate?" sabi ko.

"What's the meaning of this!?" galit na sigaw ni Sylvester. "Bakit nakapasok ang tatlong yan?! Mga unutil kayo!"

"Ahm, dumaan kami sa pintuan kaya kami nakapasok dito."

"Late reaction ang puta." bulong ng mga nasa likod. Sa tingin ko yung Faustus ang nagsabi no'n.

"Sorry but we're too loyal to the royal family. We're done playing our part. Tapos na ang pagpapanggap namin." sagot ni Miguel.

Rai, Mina and Miguel are the spies of the unknown organization or The Pantasiz. Kung akala ni Mister Douglas na walang alam ang mga taga Greece sa mga ginagawa niya, doon siya nagkakamali.

Biglang humandusay si Mina at Miguel. Naagaw nila ang atensyon ng iba at doon na nagkagulo. Nagulat ako nang nasa harap ko na si Sylvester at binigyan ako ng malakas na suntok.

Napaatras ako at sinamaan siya ng tingin.

"Oh fuck! You! How dare you to punch our pincess?!" sigaw nung isa.

"Kill the Iakovous!" utos ni Mister Douglas.

"Mga traydor kayo! Mga piste! Papatayin ko kayo!" nangagalaiti niyang sigaw at sinugod na naman ako.

Sila Miguel, Rai, Mina at L ay nagsimula ng patumbahin ang mga tauhan ng mga Douglas. Nahagip ng mga mata ko si Mister Douglas na napapalabas ng kwarto at pinoproktektahan ng ibang tauhan.

"L, habulin mo si Mister Douglas! Papatakas siya!" sigaw ko habang umiilag sa mga ataki ni Sylvester.

Napatingin ako sa tatlong estranghero na nakikipaglaban na din.

"Ikaw! Ikawng babae ka ang dahilan ng lahat!" galit niyang sigaw at buong lakas na sinipa ang tagiliran ko na hindi ko kaagad nasalag.

Napangiwi ako ng sumidhi ang sakit. "No! Dahil sa ama mo kung bakit naging magulo ang buhay ko! Namin!" mabilis akong umikot at siniko ang kanyang mukha ng malakas.

Napaatras siya at pinahid ang dugo sa gilid ng kanyang labi.

"Dahil sinira din ng pamilya mo ang buhay namin!" puno ng poot ang kanyang boses habang sinasabi niya iyon. "Nang dahil sa katangahan ng magulang mo iniwan kami ng sarili naming ina! Nang dahil sa pamilya mo namatay siya! Pinatay siya ng ama mo!" natigilan ako at hindi na muling nakailag sa mga suntok at sipa niya.

"At ngayon ang kapatid ko na naman!? Alam mo bang handa silang mamatay para sa'yo!? Alam nilang wala iyon sa plano na mahulog sila sayo! But fuck you, Alice! Fuck you! Minahal ka nila! Silang dalawa at ngayon ay nagpapatayan ang sila dahil sayo! Hindi ka importanteng tao! Isa ka lang walang kwentang prinsesa lamang!" tinaggap ko ang bawat sipa niya. Hindi ko namalayaang nakahiga na pala ako sa sahig.

"Alice!" boses ni Red na galing sa earpiece. "Alice! Lumaban ka putangina!" nagpapanic niyang sabi kaya natauhan ako.

Hinuli ko ang paa niyang tatama sana sa mukha ko at mabilis iyong hinatak dahilan para matumba siya. Agad ko siyang dinaganan. Pinind ko ang kanyang magkabilang kamay sa aking tuhod at pinagsusuntok ang kanyang mukha.

"Wala akong kasalanan! Kayo! Sarili niyong ang sisihin niyo! Kung anuman man ang nangyayari sa dalawa mong kapatid ay labas na ako doon! Problema na nila iyon! Wag na wag niyo akong sisihin dahil kagaya ng sabi mo....wala akong alam."

"Kung ano mang ginawa ng pamilya ko sa pamilya mo alam kong may rason iyon! Hindi basta-bastang papatay ang ama ko ng walang rason! And knowing your family," I paused. "mga masasamang kampon ng demonyo!" sigaw ko at aakmang bibigyan na naman siya ng suntok pero nabitin iyon sa ere ng makarinig ako ng pamilyar na boses.

"My baby. Stop." anang malambing na boses.

He's voice is really familiar. Saber? No. It's Sion.

Mabilis akong tumayo at lumayo kay Sylvester na puno ng dugo ang mukha pero hindi nakatakas sa paningin ko ang malinaw na likido galing sa kanyang mga mata. He's crying. Why?

Umangat ang tingin ko sa taong nasa harap ko. Matiim siyang nakatitig sa kanyang kapatid na nakahiga sa sahig.

"Tatlo tayo, Kuya. Tatlo. Huwag mong sabihing dalawa dahil tatlo tayo. Tatlo tayong nagpapatayan dahil sa kanya. Tatlo tayong nahulog sa sariling patibong. Tatlo tayong minahal siya at tatlo tayong handang mamatay para sa kanya. Hindi mo lang maamin sa sarili mo dahil anak siya ng taong dahilan kung bakit namatay ang ating ina. Kuya, tatlo tayong minahal si Alice." malamig nitong sabi.

Napatitig ako sa kanya. Tama nga ako. Silang tatlo ang nakakasama ko. Pero ang ipinagtataka ko lang ay paano nila nagawa iyon? Switching everyday? Nung una ay naghinala na ako dahil sa minsang kilos noon ng Boss ko. Minsan, ay ang lamig niyang makitungo sa akin. Minsan, nakakalimutan niya kung ano ang ginawa namin. At minsan, iba ang nararamdaman ko sa kanya.

I know Saber he has this witty attitude at kailan man ay hindi nagseseryoso. Lagi lang itong nakangisi. Hindi kagaya ng dalawa niyang kapatid.

"Araw-araw nagpapalit-palit kami para makasama ka. Pero tumigil ako. Kaya ang mas nakakasama mo ay silang dalawa. Because I hate the fact that you can't see me as I am. You keep calling me a name that was not mine. I hate it." sabi niya ng mag-angat siya ng tingin sa akin.

And his eyes. I can see lots of emotion on it. He's a tranparent. I can read what he's feeling right now. Jealousy and envy.

"H-how?" paano nila ginagawa iyon? They have different attitude and eye color and mole in the face. Nakita ko iyon sa litrato na nasa kahon na iniwan ng nagpalaki sa akin.

"We pratice Saber's behaviour. And contactlenses, a cream to cover our mole temporarily and a fake mole to put on just to look like him." paliwanag niya.

But one thing I can assure. Sa totoong Saber ko binigay ang lahat sa akin. The kiss. The made love. The sweetness. And the one that I am inlove with. Sigurado akong ang lahat ng mga iyon ay kay Saber ko lang talaga ibinigay. The real one.

"Alice!" sabay na pagtawag ni Rai, Mina at Miguel sa akin.

Napalingon ako sa kanila. Kaming lima nalang ang natirang nakatayo. Napatumba nila lahat ang mga tauhan ng Douglas.

Patakbo silang lumapit sa akin. "Ayos ka lang ba?" nag-aaalalang tanong ni Mina pero tinapunan ko lang siya ng malamig na tingin agad naman siyang nag-iwas.

Galit parin ako sa kanila dahil naglihim sila sa akin.

"Where is he?" mahina kong tanong.

Sabay silang nag-iwas ng tingin sa akin. Bumaba ang tingin ko kay Sylvester na nakaupo na sa sahig habang nakapatong ang siko sa kanyang tuhod.

"He's—" naputol ang sasabihin ni Sion ng biglang sumulpot si L. Hingal na hingal ito.

"Hindi ko siya nahabol. Hinarangan ako ng maraming tauhan niya kaya wala akong nagawa kundi patumbahin muna sila bago muli siyang sinundan. He went to the rooftop pero pagdating ko doon ay nakasakay na siya sa papalayong helicopter." paliwanag niya.

I cursed. That fucking old man.

"You can chase him but you can never catch him, Alice. You will never." iling na sabi ni Sion na para bang pagod na sa ama niya.

"I can and I'll prove it to you. And I'll kill him in front of you." malamig kong tugon bago sila tinalikuran para umalis sa lugar.

I need to get out of this place. I need to plan how to catch that old man as soon as possible.

Pero bago pa ako makalabas sa kwarto ay may biglang nagsalita na nagpabilis ng puso ko. It's him. Boses pa lang niya nagwawala na ang puso ko. My heart knows him very well. Kaya pala noon ay wala epekto si Saber sa akin minsan because it's not him. It was his brothers.

Gusto ko mang-lumingon pero ikinuyom ko nalang ang palad ko ng marinig ang sinabi niya.

"Try to lay a finger on my father. Magkakamatayan tayo, Alice. Kahit ikaw pa ang babaeng mahal ko, kaya kitang patayin para sa pamilya ko. Kalaban kita, mahal." puno ng pagbabanta ang kanyang boses.

"Let's see, Saber. Let's see. I can kill you too." at tuluyan ng lumabas sa silid na may kirot sa dibdib.

Kahit ikaw pa ang babaeng mahal ko, kaya kitang patayin para sa pamilya ko. Kalaban kita, mahal.

Paulit-ulit nagp-play sa utak ko ang mga sinabi niya. I felt a pang pain in my chest. He's willing to kill me for the sake of his family. I want you shout what I'm feeling right now. Bakit nangyayari 'to sa akin—sa amin.

"You okay?" biglang nagsalita si L na nasa gilid ko.

Pinukol ko siya ng masamang tingin. "You lied. You lied to me, L." mapakla kong sabi at hindi pinansin ang tanong niya. "Nang dahil sa nalaman ko nablanko ang utak ko. Nawala sa isil ko ang plano. Bakit ka nag sinungaling!?" hindi ko mapigilang pagtaasan siya ng boses. "At bakit pinasok mo si Yanna sa ganitong mundo!" dagdag ko.

Huminga siya ng malalim. "I'll tell you everything pagdating sa bahay." mahinahon niyang sabi at hinawakan ang kamay ko pero kaagad ko itong binawi.

"Hindi ako uuwi doon." sabi ko at naunang maglakad.

Pagkalabas ko sa mansion ng Douglas ay maraming nagkahandusay na mga tauhan ng Douglas.

"Red." tawag ko sa babaeng abala sa pagtulong upang malinis ang paligid.

Nilingon niya ako at naglakad patungo sa akin. "Alice naghihintay siya sa kotse. He wants to see you daw." sabi niya at biglang ngumisi ng malapad. "And guess what? He pays me double! Ha!" she wiggles her eyebrows.

"What!? Wala ka ngang masyadong ginawa eh. Tapos dinoble ang bayad mo? Aba." rinig kong boses ni L at papalapit niyang yabag.

"Hoy FYI! Kita mo yang mga yan?" turo ni Red sa mga tauhang nasa lupa. "Ako ang may gawa niyan! Late ng sampung minuto ang mga tauhan ng angkan ni Alice kaya nang dumating sila konti nalang ang kalaban kaya ipinaubaya ko nalang sa kanila!" may pagmamalaki sa boses niya habang sinasabi niya iyon ng nakapameywang.

"Mukha ka talagang pera!" ismid ni L.

"Alice, sana pala hindi kita pinigilang bugbogin ang gagong yan." inis niyang sabi sa akin sabay irap kay L.

Napailing nalang ako. "Ewan ko sa inyo." at iniwan silang dalawang nagtatalo.

Huminto ako sa nakaparadang maitim ay mamahaling sa sasakyan na nasa di kalayuan ng mansion mg Douglas.

Agad akong binagbuksan ng pinto sa backseat sa isang tauhan namin. "Good evening, prinkípissa." bati niya sa akin.

Tipid lang na ngiti ang itinugon ko kanya bago pumasok sa backseat.

"What happened to your face?" nag-aalalang tanong niya ng makita ang hitsura ko.

"Yow, pinsan!" may biglang nag-salita sa likod ng sasakyan.

Yung tatlo! Ang bilis naman nila. Mamaya nalang ako magtatanong sa tatlong pinsan ko kuno. I need my father's comfort.

"I'm fine." buntong hininga ko. "I hate those people who loves to lie. I hate them. I really hate them lalo na sa mga taong importante sa akin na pinaniwala ako sa mga kasinungalingan. I hate those kind of people, Dad. Nabuhay ako ng puno ng kasinungalingan. Ayaw ko ng ganon. Ayaw kong habang nabubuhay pa ako ay puro kasinungalingan ang mga nakikita't naririnig ko." frustrated kong sabi.

Dumaan ang lungkot sa kanyang mga mata. Niyakap niya ako ng mahigpit. "I'm sorry. It's my entire fault. I know your mad at L right now but please don't be. Ginawa niya lang kung ano ang mga inutos ko sa kanya. So please, don't blame him. It's all my fault. Sa akin ka magalit, anak. Sa akin. Huwag sa iba dahil ginagawa lang nila kung anong inutos ko." he's voice sounds pleasing.

"Pero bakit pa kailangan pang magsinungaling? Pwede namang deretsahang sabihin sa akin lahat diba? Hindi yung aabot sa ganito." sabi ko at humiwalay sa yakap.

Umiling siya. "Mas mabuti na ang ganon dahil mas ligtas, anak. Mas mabuting wala kang nalalaman para hindi maghinala ang Douglas na may nalalaman ka tungkol sa iyong tunay na pagkatao. Yes I lied dahil para iyon sa ikabubuti mo."

Natawa ako sa huling sinabi niya. "Ikabubuti? Dad, it worsten! It worsten dahil ang lalaking mahal ko ay handa akong patayin para sa pamilya niya! Ang sakit marinig iyon galing sa kanya! Yung taong mahal mong handang mamatay para sayo pero handa ka ring patayin para sa pamilya niya! Ironic right? Dad.....why?" sunod-sunod na nagtuluan ang aking luha.

He reached for my face ang wiped my tears that keep strolling on my cheeks. "Because if we tell you the truth sa panahong mulat na ang pag-iisip mo wala ka ngayon sa harap ko. I want to see how you grow up like a a beautiful lady just like right now. You grew up fierce and fearless, my princess that's why I lied—we lied. I'm really sorry. Please forgive your father." malungkot niyang sabi.

Hinawakan ko ang kamay niya. "Then tell me everything. Walang halong kasinungalingan. Because I'm so sick of hearing you lies. Please no lies this time, Dad." l pleaded.

He nodded and started talking while we're heading back to the house they rented. Habang ang tatlo sa likod ay panay ang bulungan. Puro naman walang sense.

"Walang hiya talaga 'tong si Uncle. Hindi niya tayo pinakilala kay pinsan. Pinasama niya pa tayo dito sa bansang allergic ako! Tss. Naku kung hindi lang dahil kay pinsan hindi ako pupunta dito sa Pilipinas!" reklamo ni Fautus.

"Shut up, Fautus. That fucking mouth of yours!"

"What? Totoo naman ah!"

Natigil saglit sa pagkwento ang ama ko at nilingon ang tatlo sa likod. "Tatahimik kayo o maglalakad kayo pauwi? Choose wisely mga pamangkin."

Natahimik ang tatlo kaya napailing ako. Bumaling si Dad sa akin. "You have a crazy cousins, Alice." he tsked. At muling nagpatuloy sa pagkwento.

The three groaned but didn't say a word. Takot maglakad pauwi.

Wala silang bahay dito at wala sa isip nilang magpatayo. Knowing that they're in the enemy's teritory it's too risky. I can't help but to smile thinking that my mother is patiently waiting for us to get home.

We reunited again after for how many long years. Kompleto na ulit kami pero hindi ko masasabing matiwasay lalo na't alam kong hindi titigil si Mister Douglas sa pamemeste sa pamilya ko hanggan't hindi nakukuha ang gusto niya. Nagsisimula pa lang ang laban.