webnovel

Ang Simula ng lahat

krrrriiiiiiinnnnngggggg!!!! 

Nagising si Marie sa ingay ng alarm clock na nkalagay sa kanyang Lamesa sa kanyang silid. Alas sais na pala ng umaga,  ito ang unang araw ng pasok nya sa kolehiyo ng Universidad ng Sto.  Thomas bilang first year nursing student. dagling naligo si marie at nagayos ng sarili.  Si Marie ay isang simpleng babae, balingkinitan ang katawan, na may mapupulang labi at may mahahabang pilikmata. kinaiinggitan ang kanyang kagandahan sa kanilang lugar. Lumabas si marie sa kwarto at nakitang naghahanda ng almusal ang kayang ina,  "Anak,  halika na at kumain ka na baka mahuli ka pa sa unang araw ng klase mo" anang kanyang ina,  "Sige po,  Nay" sagot nya. Nang sya ay nagsimulang kumain, "Nak,  ayusin mo ang pagaaral mo ah,  yan lang ang mapapamana namin sa iyo ng iyong ama" "Opo naman nay di ko kayo bibiguin, pangako ko yan sa inyo ni papa alam ko naman ang hirap nya sa pangingibang bansa kaya pag nakatapos ako at nakahanap ng trabaho, uuwi na si papa at di na kailangan pang magtrabaho" saad nya.  "O siya bilisan mo na diyan baka maiyak pa ako," sabat ng ina. "Hahaha. mauna na ako Nay baka mahuli pa ko sa klase" bago umalis ay humalik sa ina.  Dagling tumungo si Marie sa paradahan ng jeep kung saan siya sasakay papunta sa eskwelahan. Pumuan ang sasakyan dahil sa dami ng mga estudyanteng nag aabang din, kaya kailangan makipagsisikan. 7:30 ng umaga nakarating si Marie sa harap ng eskwelahan,  habang naglalakad sa lobby may nakita syang tumpok ng kalalakihan na nakatingin sa kanya,  maliban sa isang lalaki na nkasuot ng cap na kulay itim. mga criminology student siguro ito,  wika ng isip nya dahil sa unipormeng suot nila. Umaangat ang kagwapuhan nito sa mga kasamahan kaya di nya maiwasang titigan ito. "Hi miss" wika ng kasama nito, bigla ay para siyang napahiya sa inasal kaya para hindi mahalata, inismiran nya lang ito at Lumakad ng diretso.  Papasok na siya ng silid aralan at humanap ng bakanteng upuan. may nakita siyang kababaihan na nakaumpukan sa tabi nya,  "Hi" wika ng katabi niya sa upuan,  "Hello" simpeng saad nya ng nakangiti.  "Ako nga pala si Karen Garcia,  ikaw anung pangalan mo?tanong nito,  "Marie, Marie San Diego" wika nya. "ahh,  ito naman ang mga kaibigan ko, Si sheryl,  Si Evita,  Si Lou at si Glen. "Hi marie" sabay-saby na bati ng mga ito na ginantihan nya ng ngiti.

Breaktime...

Napagpasyahan ng magkakaibigan na pumunta sa canteen..  Habang nagkkwentuhan ang mga kaibigan,  Si marie ay busyng nagbabasa ng Libro..  Habang di nya namamalayan na may isang bultong papalapit sa likod nya.. "Hi kuya Joel", sabay-sabay na wika ng mga kaibigan,  habang siya ay busy pa rin sa librong binabasa. "Hi girls,  Can I join you? "Tanong ng lalaki.  "Oo naman kuya.  May ipapakilala kami sayo bagong tropa namin", wika ni Evita. Nagulat pa si Marie ng may tumabi sa kanyang Lalaki,  at ang mas nakakagulat pa ay ito ang nakita nyang lalaking nakacap kanina sa may Lobby. Napatitig sya dito,  napakagwapo nga nito lalo na sa malapitan. Bigla naman siyang bumalik sa huwisyo ng marinig nyang tumikhim ang lalaki,  "Hmmmm Hi" Wika nito,  "Ahhhh... ehhhh...  Hi.. "sagot nya.  Kuya Joel,  si Marie.  Marie,  si Kuya Joel nga pala barkada din namin yan"wika ni sheryl. Simple naman nyang nginitian ito. 

Biglang tumunog ang bell hudyat na simula na ng kanilang susunod na klase.  "Guys,  una na muna ako ha. may klase pa ako eh.  Nice meeting you Marie. Hope to see you around", sabi pa ito at dagliang umalis sa paningin nila.

"Dito muna tayo ha,  mamaya pa naman next subject natin di ba? Maiba ako, parang mas lalong gumagwapo si kuya Joel no?  Wala pang nobya yan,  sayang nga lang at nahuli syang dumating at may nobyo na ako,  kung hindi aakitin ko talaga yan.  Hahahaha" pabirong wika ni Karen.

"Oo nga eh. masyado kasing pihikan. sa gwapo nya ba naman na yan eh at ang bait-bait pa. Kaya lang kuya material lang talaga siya for me", dagdag pa ni Lou.

"Ikaw Marie,  may Boyfriend ka na ba? "baling sa kanya ni Glen.

"Wala,  at saka di yan ang priority ko sa ngayon eh.  kelangan makatapos muna ako para makatulong kila Nanay", sagot niya. "ang bait-bait mo namang anak.  Alam mo bagay kayo ni kuya Joel maganda at gwapo, mabait pa perfect match kayo", tudyo ni Lou. Pinamulahan naman si Marie sa narinig kaya mas lalo siyang tinudyo ng mga kaibigan.  "Tara na nga!  Mahuhuli na tayo sa susunod na klase"sagot nya at nagpatiuna na sa susunod na subject nila habang ang mga kaibigan ay palihim na napapangiti na animo'y kinikilig.

-----------------------------------------------------------

mag-isa si Marie papunta sa kanyang susunod na klase ng biglang may umakbay sa kanya. Sa pagkagulat ay bigla nyang nasiko ang Lalaki na biglang nangumpawit sa sakit, "Aray ko naman!  Sigaw nito. Nang mapagsino ito ay nagulat ang babae at humingi ng pasensya "Kuya Joel,  sorrrryyy!!  ginulat mo kasi ako eh"saad ni Marie. "Ok Lang,  ang sakit mo pala maniko" pang aasar nito sa kanya na nagpangiti sa kanya.

"Saan ka ba papunta?  bakit mag-isa ka yata? Nasan ang mga bruha mong kaibigan?  hehe"-Joel

"Hindi kasi kami magkaklase sa chemistry eh,  kaya ako lang magisa. -Marie

Pagdating nila sa kanyang silid aralan ay nakita nya ang mga kaklase na nasa labas ng silid dahil ang announcement daw ay wala ang kanilang guro ngunit isasabay sila sa ibang section ng chemistry class.

Nagulat pa si Marie ng sa klase pala nila Joel isasabay ang klase nila.

pagpasok nila sa loob ay humanap sila agad ng mauupuan. tumabi na rin sa kanya si Joel. Nakikinig si Marie sa dinidiscuss ng guro ng may narinig siyang parang tunog ng Camera.  Nang iangat nya ang kanyang ulo ay nakatutuk pala sa kanya ang camera at kinukuhaan siya ng litrato,  dahil dito nagtaas siya ng kilay. Napansin naman ito ng kumukuha ng litrato at humingi ng pasensya " Pasensiya na hindi ko kasi mapigilan ang sarili kong kunan ka ng litrato,  napakaganda mo kasi. Ako nga pala si Crispin,  Cris for short. "anito pa.

"Marie. Marie San Diego. Pasensya na pero di ako nagpapakuha ng litrato eh, Lalo na sa di ko kilala"aniya.

"Sorry Marie.  Sana pwde tayo maging magkaibigan"-Cris

"Oo naman.  pero sana wag mo na ako ulit nakawan ng litrato,  nakakaasiwa kasi eh."-Marie

"ahhh... ehhh.. Promise!  Di na kita kukuhanan ng walang pahintulot mo"-Cris

"Salamat"-Marie

Napansin pala ni Joel ang paguusap ng dalawa at sumabad: "Cris,  wag mo ngang isama si Marie sa mga kalokohan mo"-Joel

"Pasensiya na Joel, Napakaganda kasi ni Marie kaya di ko napigilan"-Cris

Tiim-bagang naman na binalik ni Joel ang tuon sa guro sa harapan.  Ewan nya pero naiinis siya na makitang may kausap na ibang lalaki si Marie.  Siguro dahil sa protective lang siya dto dahil para niya na itong nakababatang kapatid.  Oo yun nga.  Yun lang!  Saad ng isip nya. Napapangiti at kinikilig naman si Marie sa loob-loob nya.  tila lumulundag ang puso nya sa tuwa sa pagtatanggol ni Joel sa kanya.

Natapos ang klase niya ngayong araw.  papunta na siya sa paradahan ng jeep ng papuntang San Nicholas kung saan sila nkatira ng biglang may tumigil na motorsiklo sa harap niya.  Nagulat pa siya ng mapagsino ito,  ng tanggalin nito ang helmet., Si Joel!  Oo si Joel nga!!  "Saan ang punta mo? "-Joel

"Pauwi na ako,  pupunta lang ako sa paradahan ng jeep"-Marie

"Sumabay kana sa akin. Hndi bat sa San Nicholas kayo nakatira doon din ako nakatira"-Joel

"Talaga kuya?  sa San Nicholas ka din nakatira?"-Marie

"Oo,  kakalipat lang namin doon mag iisang buwan pa lang.  kaya halika na."-Joel

"Ok". Sabay sakay sa Motorsiklo.  Ito ang unang beses na sasakay siya sa ganitong sasakyan kaya natatakot siya.  Napayakap siya kay Joel at Napapikit. Ngunit ng malanghap niya ang pabango nito na nangagaling sa jacket at sa likuran nito ay napakalma ang kabang nararamdaman niya. Napasinghot siya upang mas maamoy ang pabango nito at kinilig siya sa posisyon nila.

Naramdaman naman ni Joel ang ginagawa ni Marie mula sa likod, Napangiti siya at napapailing.

Huminto ang motorsiklo sa tapat ng bahay nila Marie. Nagulat siya na alam ng lalaki ang bahay nila,  nakita naman ni Joel ang tanung sa mukha niya,  "Ilang beses na kasi kitang nakikita dito pag dumadaan ako kaya alam ko na dito ka nakatira, ako dun lang sa unahan sa tapat ng simbahan" sagot nito sa tanung niya.

"Pasok ka muna"-Marie

"Hindi na. Sa susunod na lang siguro"-Joel

"ahhh... oh sige!  Salamat uli kuya, ingat ka.. "-Marie

"Salamat"wika ni Joel. at nilagay ang kamay niya sa taas ng ulo ni Marie at ginulo ang buhok nito.

"Kuuuuyyyyyaaaa!!  Sigaw ni Marie at inayos ang buhok.

"Hahahahaha Bye Ganda!! " sigaw nito bago pinaharurut ang sasakyan.

Napapangiti naman na pumasok si Marie sa loob ng bahay nila.  Nagmano muna sa ina bago tuluyang pumasok sa silid.