webnovel

Ang Simula ng Lahat

krrrriiiiiiinnnnngggggg!!!!

Nagising si Marie sa ingay ng alarm clock na nkalagay sa kanyang Lamesa sa kanyang silid. Alas sais na pala ng umaga, ito ang unang araw ng pasok nya sa kolehiyo ng Universidad ng Sto. Thomas bilang first year nursing student. dagling naligo si marie at nagayos ng sarili. Si Marie ay isang simpleng babae, balingkinitan ang katawan, na may mapupulang labi at may mahahabang pilikmata. kinaiinggitan ang kanyang kagandahan sa kanilang lugar. Lumabas si marie sa kwarto at nakitang naghahanda ng almusal ang kayang ina, "Anak, halika na at kumain ka na baka mahuli ka pa sa unang araw ng klase mo" anang kanyang ina, "Sige po, Nay" sagot nya. Nang sya ay nagsimulang kumain, "Nak, ayusin mo ang pagaaral mo ah, yan lang ang mapapamana namin sa iyo ng iyong ama" "Opo naman nay di ko kayo bibiguin, pangako ko yan sa inyo ni papa alam ko naman ang hirap nya sa pangingibang bansa kaya pag nakatapos ako at nakahanap ng trabaho, uuwi na si papa at di na kailangan pang magtrabaho" saad nya. "O siya bilisan mo na diyan baka maiyak pa ako," sabat ng ina. "Hahaha. mauna na ako Nay baka mahuli pa ko sa klase" bago umalis ay humalik sa ina. Dagling tumungo si Marie sa paradahan ng jeep kung saan siya sasakay papunta sa eskwelahan. Pumuan ang sasakyan dahil sa dami ng mga estudyanteng nag aabang din, kaya kailangan makipagsisikan. 7:30 ng umaga nakarating si Marie sa harap ng eskwelahan, habang naglalakad sa lobby may nakita syang tumpok ng kalalakihan na nakatingin sa kanya, maliban sa isang lalaki na nkasuot ng cap na kulay itim. mga criminology student siguro ito, wika ng isip nya dahil sa unipormeng suot nila. Umaangat ang kagwapuhan nito sa mga kasamahan kaya di nya maiwasang titigan ito. "Hi miss" wika ng kasama nito, bigla ay para siyang napahiya sa inasal kaya para hindi mahalata, inismiran nya lang ito at Lumakad ng diretso. Papasok na siya ng silid aralan at humanap ng bakanteng upuan. may nakita siyang kababaihan na nakaumpukan sa tabi nya, "Hi" wika ng katabi niya sa upuan, "Hello" simpeng saad nya ng nakangiti. "Ako nga pala si Karen Garcia, ikaw anung pangalan mo?tanong nito, "Marie, Marie San Diego" wika nya. "ahh, ito naman ang mga kaibigan ko, Si sheryl, Si Evita, Si Lou at si Glen", wika nito habang tinuturo isa-isa ang mga kaibigan at kanya-kanya naman itong nakipagkamay at kumaway sa kanya na ginantihan nya ng isang napakatamis na ngiti.

Next chapter