webnovel

Ang kababalaghan sa boarding house

Autor: ren_tabs
Teenager
Laufend · 50.4K Ansichten
  • 13 Kaps
    Inhalt
  • Bewertungen
  • N/A
    UNTERSTÜTZEN
Zusammenfassung

Unang pagkakataon sa buhay ni Ed ang tumira sa isang boarding house kung saan mas higit nyang makikilala ang kanyang sarili, makisama at magtiwala sa ibang tao lalong lalo na kay Beatrice at sa landlord nilang si Sir Del...

Chapter 1Ang kababalaghan sa boarding house 1

Sa unang pagkakataon ay mahihiwalay ako sa aking magulang at pananatili sa aming bahay. Magkokolehiyo na ako at titira sa isang boarding house na may kalayuan sa unibersidad na aking pinapasukan, pero kahit na malayo, kayang kayang lakarin kapag maganda at maaliwalas ang panahon.

Sa unang pagkakataon din ay may makakasama ako sa isang kwarto na dati sa amin ay solo ko. Apat kami sa isang kwartong 'di kalakihan, dalawang double deck na kahoy at may pasadyang aparador para sa apat na katao. Wala naman akong nakitang pag-aalinlangan sa mga makakasama ko dahil iisang bayan lang ang aming pinanggalingan. Si kuya Noel ang pinakamatanda sa amin, nasa huling taon na sya ng kanyang pag-aaral at magtatapos na sa susunod na semester. Ang dalawa naman sina Gener at Hemerson ay magpinsang buo at karatig barangay lang namin. Vocational course ang kanilang kinuha kaya dalawang taon lang ang gugugulin nila sa kolehiyo.

Ako naman ay pinalad na makapasa sa entrance exam ng unibersidad na papasukan ko, pagtuturo rin ang pinili kong kurso kagaya ng tinapos ng nanay ko.

Linggo ng umaga ay dumating na ako sa boarding house namin. Ang kwarto namin ay nasa likurang bahagi ng bahay, paglabas mo ng pinto ay dirty kitchen agad ang bubungad, kalan na ginagatungan ng uling ang aming lutuan. May isa pang kwarto sa kaliwang bahagi ng kusina kung saan ay apatan din na para sa mga lalaki. May dalawa pang kwarto sa may bandang harapan ng bahay na para naman sa mga babaeng boarder.

Ang aming landlord ay may katandaan na, Sir Del ang tawag namin sa kanya. Kamukha nya yung kalaban ni Batman na laging may dalang payong, si Penguin. Medyo hirap na maglakad si Sir Del dahil sa sakit nyang arthritis at gout. Tahimik lang sya pero laging nakangiti.

Kinagabihan, nagpatawag ng meeting si Sir Del sa sala ng bahay. Sinabi nya sa amin ang mga alituntunin sa bahay nya, sinabi nya kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin, pati ang araw ng pagbabayad ng upa ay huwag na huwag daw kakaligtaan.

Sa paanan ng hagdanan ako nakaupo katabi si Gener. Sa taas kung saan namamalagi si Sir Del ay may dalawang kwarto pa, ayon sa kanya ay kwarto ng nag-iisang anak nila ng kanyang yumao ng asawa. Ang kanyang anak ay nasa US at kasalukuyang registered nurse doon kaya nag-iisa na lang talaga si Sir Del sa bahay.

Nagpakilala kami sa harapan lahat dahil sabi ni Sir Del dapat daw ay parang pamilya at kapatid ang turingan namin sa isa"t isa. Sa kabilang kwarto ng mga lalaki, nakilala ko sina Ren, Gerald, Alex at Jundell na nasa unang taon din sa kolehiyo. Sa unang kwarto naman ng mga babae, sina Ate Sheila, Ate Mae na nasa ikatlong taon na sa kolehiyo at Beatrice at Nica na nasa kanilang unang taon din sa kolehiyo. Sa ikalawang kwarto ay sina Ate Rose at Ate Fel na magtatapos na rin sa susunod na semestre. Mayroon pang dalawang babae silang kasama at baka kinabukasan na raw darating.

Bandang alas otso ng gabi pagkatapos naming kumain ay pumasok na kami sa aming kwarto. Sa itaas ang pinili kong higaan dahil malapit sa nag-iisang bentilador na nakakabit sa kisame. Sa aking ibaba ay si Kuya Noel, katapat ko sa taas ay si Gener at si Hemerson naman sa ibabang higaan. Alas diyes ng gabi, pinatay na ni Kuya Noel ang ilaw.

Sa kusina ay nakailaw pa at aninag ito sa siwang ng pintuan ng kwarto namin ay parang may panandaliang huminto at kumatok ng marahan. Umuga ng bahagya ang higaan ko at napansin kong marahang lumabas si Kuya Noel. Sa aking pagkakahiga ay lumingon ako sa bandang pintuan para alamin kung sino ang kumatok ngunit pagbukas ni Kuya Noel wala naman. Lumabas ng pinto si Kuya Noel at isinara na ang pinto.

Pinikit ko na ang aking mata at matutulog na ngunit dahil sa namamahay pa ang pakiramdam ko, hindi ko makuha-kuhang matulog. Napansin kong lampas ng isang oras at walang bumalik na Kuya Noel sa kwarto namin. Sinilip ko ang higaan nya sa baba at wala pa nga siya doon. Tumingin ako sa kabilang higaan at malalim na ang tulog ng dalawa. Biglang dumami ang mga tanong sa isip ko – saan pumunta si Kuya Noel, sino ang kumatok sa pintuan namin, bakit hindi na bumalik si Kuya Noel, at marami pang ibang katanungang hindi ko alam ang sagot. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

Mag-uumaga na ng magising ako sa set ng alarm clock ni Hemerson. Mag-aalasingko na ng umaga. Bumangon ako at bumaba sa aking higaan, may nakatalukbong sa silong ko, si Kuya Noel. Bumalik ang mga tanong sa isipan ko kagabi - saan nanggaling si Kuya Noel, anong oras sya pumasok sa aming kwarto. Nahihiwagaan tuloy ako tungkol sa kanya.

(itutuloy)

Das könnte Ihnen auch gefallen

The Ideal Man

Laking probinsya pero puno ng pangarap para sa pamilya si Jeanlie Cruz. Average student lang kung maituturing siya pero puno ng determinasyon at pagsisikap na siyang baong inspirasyon niya sa buhay. Dahil malapit siya sa ama, laging laman ng isip na ang ito ang kanyang idolo dala na rin sa taglay nitong sipag na para itaguyod ang pamilya nila. Isang simpleng babae na nangarap ng magandang buhay para sa pamilya. Sa likod ng kanyang taglay na kabaitan isang mapagmahal rin na anak at magandang dalaga. Mga katangiang taglay ng isang Jeanlie Cruz na nagagamit niya sa tuwing sumasali siya ng dance contest at beauty pageant. Nabago ang buhay at pananaw niya ng dumating ang isang Jethro Montenegro, isang kilalang mayamang tagapagmana ng MONTENEGRO CORP-  a multinational company that run a digital marketing ads and shipping line. Sa isang beauty contest na sinalihan ni Jeanlie Cruz nagtagpo ang landas nilang dalawa. Isang probinsyanang dalaga at billionaire bachelor na playboy. Paano babaguhin ang pananaw ni Jeanlie Cruz na ang isang Ideal Man ay hindi ang tulad ng tatay niya. Parang aso’t pusa ang dalawa pero huling tanda ni Jeanlie inalok siya nitong maging mistress at bibigyan ito ng isang anak na maging tagapagmana nito, kapalit ng marangyang buhay na pinangarap niya. Bibigay ba si Jeanlie? O mababago ba niya ang pananaw ni Jethro na magkaroon ng isang masayang pamilya, knowing the fact, that Jethro’s perspective of marriage is boring and tiring obligation. Newbie here. If you want to support me, here's my paypal account. paypal.me/chalian. Thank you.

Chalian_Quizo · Teenager
Zu wenig Bewertungen
30 Chs