Eight years, ganoon katagal nilihim ni Rizza ang tungkol sa nararamdaman niya para kay Ryan ang tinaguriang monster boss ng mga kaibigan niya. Paano kung sa isang iglap ay nalaman nito ang pinakatatago-tago niyang sikreto? Kaya sa huli ay nagpasya na siyang mag-resign na sa trabaho kaysa harapin ang rejection ng amo. Pero bakit bigla na lang din ang pagbabago ng pakikitungo sa kanya ng amo? Pwede ba siyang umasa? Kaya ba niyang sumugal sa isang damdamin na hindi siya sigurado kung magagawa nga bang ibalik sa kanya ni Ryan?
KANINA ko pa talaga gustong maglupasay sa sahig dahil sa tambak na trabaho sa lamesa ko. Try ko kayang mangisay sabay bula ng bibig? Baka sakaling hayaan akong mag sick leave ng monster boss ko ang kaso siguradong imbes sa bahay baka idiretso pa niya ko sa mental hospital kapag nagkataon. May kalupitan pa man din `yon pagdating sa`kin.
Ako si Rizza Cuevas and secretary slash diver slash maid slash over all utusan ng amo ko. You name it iyon ang ginagawa ko sa kompanya, lalo na sa amo kong maliban sa trabaho paghinga ang pangalawang pinakaimportante ditto.
Sino ba naman ako para mag reklamo `di ba? Bukod sa malaking compensation at benefits na natatanggap ko malaki din ang sweldo kaya ito ako kahit na kating-kati na ang kamay na sununugin ang lahat ng folders sa lamesa ay hindi ko magawa.
Napayukyo ako sa lamesa saka mariin na naipikit ang mga mata, wish ko na sa pagdilat ko wala na siyang tambak na file sa lamesa ko.
"Ma'am Rizza ito na nga po pala ang file about sa new acquisition ni Sir." Sabi sa`kin ng isa sa mga assistant secretary ko na si Mina. Sabi ko ba na nga ba mapupurnada ang wish ko kaya sa huli wala rin akong nagawa kung hindi ang umayos ng umupo ang tanggapin ang folder.
And yes, you all heard that right may assistant secretary ako actually lima kaming lahat, sa laki ng project at kompanya namin malamang kailangan ko talaga ng dagdag na tauhan kung hindi baka may chance na makita na lang ang katawan ko sa ilog Pasig na palutang lutang dahil sa pamatay na work load ko.
Nakakailang lipat pa lang ako ng pages ng hawak na folder ay inis na binagsak `yon. "Ayoko na! I quit!" pero bago pa ko makalabas para makapagpahinga ay nakita ko lang naman ang magaling kong amo galing sa pantry, may hawak na tasa ng mainit na kape habang taas kilay na nakatingin sa'kin.
"May sinasabi k aba Miss Cuevas?" tanong ni Ryan Emmanuel, my boss. Tumahimik ang paligid`yung literal akala mo kuliglig lang ang maririnig kahit na ba nasa loob sila ng loob ng opisina at malakas ang buga ng aircon.
Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis. "Ako Sir? Wala ah," Tanggi ko alangan namang umamin ako sympre hindi `no mamaya mabawasan pa ang pinakamamahal kong sweldo mahirap na.
Humigop muna siya ng kape habang ako pinagpapawisan na ng malamig hanggang sa pumasok na ito sa opisina at saka lang ako nakahinga ng maluwag.
Sinulyapan ko ang mga kasama na pasimpleng bumalik sa mga ginagawa, napasimangot ako.
"Mga wala kayo sa hulog hindi niyo man lang sinabi sa`kin na nandyan pala si Boss. Siguradong gigisahin na naman ako ng buhay `non mamaya," Nakalabing sabi ko kung bakit nasa harap lang naman ako ng pintuan ng amo bakit hindi ko agad siya napansin? Badtrip talaga, sa huli wala rin akong nagawa kung hindi bumalik sa trabaho.
Emmanuel Group of Companies ay isang malaking kompanya ditto sa Pilipinas na usually ay nagpo-focus sa import and export business pero simula nang naging CEO ang boss kong si Ryan seven years ago mas lalo pang lumaki ang kompanya at nagkaroon ng iba't-ibang subsidary company na nakakalat sa buong bansa.
Dahil sa achievement na `to ilang beses ko na nga bang nakita si Ryan sa mga business magazine mapadito man sa Pilipnas o sa ibang bansa?
Tinagurian itong Billionaire sa edad lamang na twenty-eight kaya nga siguro hindi na ako dapat magtaka na ganito kadaming trabaho ang palaging sumasalubong sa sakin sa bawat araw. Ang problema ko lang wala na kong social life.
Kaya nga palagi na lang akong binubuska ng mga kaibigan ko dahil hindi na ko nakakasama tuwing nag-aaya ang barkada. Sa pagiging mga sira-ulo ay nag-group picture sila saka nagdrawing ng stick na tao. Ako daw `yon kasi palagi na lang akong drawing sa lakad ng tropa.
Kung hindi nga lang siguro sa schedule ko sa trabaho baka sinugod ko na ang mga ito at binigyan ng tig-iisang sipa lalo pa't may ideya ako kung sino ang pasimuno ng kalokohang `yon.
Mas mabuti pang umpisahan na niya ang trabaho baka kainin ako ng buhay ni Ryan kapag hindi ko pa rin nagawa ng matino ang trabaho ko.
Para sa ekonomiya! Nasabi ko na lang sa sarili ko saka inumpisahan nang bawasan ang mga files sa lamesa.
LIHIM akong napangiti nang makita ko ang pag-ayos ng upo ng mga board of directors nang pumasok kami ni Ryan. My boss exuded authoritative aura as if he owned everything within this space even the oxygen you breathe. That suppressive aura of his ang naging dahilan kung bakit walang sinuman ang pwedeng makasuway sa lahat ng sasabihin niya. Kaya bago pa ko madali ng kuko niya mas minabuti ko na lang na ituon ang pansin ko sa meeting.
Nagumpisa na ang pagre-report ng summary iyon ng growth development ng kompanya pati na rin ang mga past acquisitions. Kitang ko ang pagpapawis ng malamig ng presenter habang literal na ginigisa ito ni Ryan ng mga tanong.
Kung ang lahat ay halos hindi makahinga sa simpleng presensiya ni Ryan ako naman eto pasimpleng pinagmamasdan ang amo.
His strong set of jaws, high cheek bones, aristocratic nose and her favorite ash gray eyes sa pagkakaalam ko ay may lahing Hispanic ang pamilya niya sa father side na namana nito. Napabutong hininga ako sa kabila kasi ng mga reklamo ng kapwa empleyado tungkol dito bulag lang siguro ang hindi makakapansin kung gaano ito ka gwapo.
Syempre dahil gamay ko na naman ang trabaho ko, madali na lang sa`kin ang mag multi-tasking. Habang nakikinig ay patuloy lang sa pagtipa ang mga kamay ko sa laptop, kahit no look pa alam kong walang magiging typo sa ginagawa ko, sa limang taon ko ba naman sa kompanyang `to magkakaroon pa ba ko ng maliliit na pagkakamali kung alam kong ang boss ko ang babasa `non? Malamang hindi, unless gusto kong pahirapan ang sarili ko.
Kaya kahit na nagtataas pa ng boses si Ryan o nagse-sermon sa mga tao sa loob ng conference room ay walang sinuman ang pwedeng mang-istorbo sa pasimpleng sulyap ko sa amo.
Kung para sa loob ay nakakaranas ang mga ito ng gising na bangungot ako naman eto masaya na sa simpleng pagsulayap ko sa amo at siguro kung maririnig lang ng mga board off directors ang naiisip ko ay kanina pa ko inihagis ng mga ito sa building kaya ang imbes isang oras ay naging tatlongpung minuto ang meeting.
Kaya pagkalabas ni Ryan galing sa meeting na mainit ang ulo ay agad na nagsipulasan ang mga empleyado sa daanan namin. Ang iba pa nga dahil sa takot na mapagbuntunan ngn galit ng amo niya ay bumalik ulit sa pinanggalingan.
Hindi na ko nagtataka kung ganito ang reaksyon ng mga kapwa empleyado kung ako rin lang ang tatanungin baka naging ganito din ang reaksyon ko lalo na at trip pa naman nitong bigla na lang mansibak ng mga empleyado kapag nasa ganoong mood.
Napabuntong-hininga ako mabuti pa bago maging ghost building itong buong kompanya ay aluin ko na ang kanina pang monster na malapit na atang magbuga ng apoy.
Nadia Lucia