webnovel

Chapter Two: The Reliable Secretary

Dire-Diretso akong pumunta sa pantry nang makita kong pumasok si Ryan sa opisina nito.

Isang tingin pa lang alam ko na may nagbabadyang bagyo sa loob ng opisina kung hindi pa ko kikilos.

Kaya nang mailagay ko na ang lahat ng kailangan ko sa tray ay pinuntahan ko na ko sa opisina ni Ryan wa lang katok-katok baka mabbugahan lang ako nito kapag nagkataon. Sigurado akong malalim ang iniisip nito dahil na rin sa napansing anumalya sa report kanina.

Pagkapasok at agad na nalukot ang ilong ko nang maamoy ko ang sigarilyo. Kaya mabilis kong inilapag sa lamesita ang tray na hawak ko saka sa mabibilis na lakad ay hinablot ang sigarilyo sa bibig ni Ryan saka pinatay gamit ang ashtray sa tabi.

"What was that for?" angil nito pero hindi ako nagpatinag, hello kabisado ko na kaya ang ugali nito kapag alam nitong nasa katwiran ako no choice ito kung hindi ang magpaubaya sa gusto ko.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa`yo Sir na bawal manigarilyo ditto." Kastigo ko.

"I have a freaking air purifier in this room what's wrong to have a smoke?"

Pero sympre hindi ako papatalo pangangatwiran. "And where is that freaking air purifier? Binuksan mo ba? O inaaagiw na `don sa sulok?" ininguso ko ang air purifier sa gilid na matagal nang hindi nagagamit.

"This is my office I can whatever I want."

"In case you forgot Sir, andito din ako sa office niyo and smoking is bad for the health."

"Try not to inhale then." Parang batang katwiran nito at masama bang sabihin ko na naku-kyutan ako ditto ngayon? Wala naman sigurong aangal `di ba?

"I'll die if I don't breathe Sir, in case you forgot humans' needs oxygen." I deadpanned.

Pinagtaasan lang ako nito ng kilay and that ladies and gentlemen means na hindi na mainit ang ulo nito lalo pa at natalo ito sa sagutan nila. Kaya nang balikan ko ang tray na dala ko at nilapag sa harap nito alam ko na agadna maayos na ang mood nito.

Kapag kasi kusang tumahimik na ito habang nilalantakan ang mga paborito nitong biscuits snacks ay okay na ito. Kung sino man talaga ang nakaimbento ng snacks na `to mahahalikan ko dahil instant nan a-disolve ang namumuong sama ng panahon sa loob ng opisina.

But wait there's more, ang tinamaan ng magaling na mga alaga niya sa tiyan bigla na lang nagwelga.

Napahinto si Ryan sa pagkagat ng biscuit bago kunot-noong napatingin sa kanya. "Ano `yon?"

"Elepante, Sir." Sa sobrang dami niyang ginagawa kaninang uumaga ay nakalimutan niyang hindi pa pala siya naga-almusal.

"Kumain ka na ba?"

"Opo Sir." Muling nag-ingay ang tiyan ko. "Hindi pa Sir." Pinamulahan na ko ng mukha.

"And who told me to take care of my health?"

Sa pagkakataon na `yon ako na ang natahimik kasi toto naman ang sinabi nito pero kasalanan ba niyang nahawa siya ditto ng pagiging workaholic?

Sa huli ay napabuntong-hininga na lang ito saka hinugot ang credit card sa wallet.

"But food, bigyan mo na rin ang mga kasamahan mo sa labas."

Napakagat ako ng labi pinipilit na pigilan ang ngiti ko saka tinanggap ang card.

"Thank you Sir." Sabi ko saka dali-dalig lumabas ng pinto.

Yes, that monster boss that other employees portrays him to be is not the person I usually see. Galante ito, masipag sa trabaho, mahilig sa pagkain at mabait. At ito lang naman ang kaisa-isang lalaki na tinatangi ko sa puso kong pasaway. Kung bakit naman kasi sa dinami-dami ng tao sa mundo ito pa ang nagustuhan ko.

Sad life no? Pero syempre bilog ang mundo at hindi titigil `yon dahil lang sa isang katotohang walang pag-asa ang pagsinta ko kaya siguro mag enjoy na lang ako sa nararamdaman tutal wala naman sigurong masama ang magkagusto sa isang taong wala namang sabit hindi ba?

Subukan lang na may magreklamo humanda ito sa famous flying kick ko. Napangisi na lang ako sa naisip. Ano kayang pwede niyang kainin na mabubusog ako? Susulitin na ko na `to tutal minsan lang. Hinugot ko ang cellphone ko sa bulsa saka binuksan ang isang food delivery app.

Ah, the power of technology! Kainan time na!

Nadia Lucia

Nächstes Kapitel