webnovel

[ Tagalog ] - Random One-Shot Stories

These stories are purely fictional. The names, places, dates, events, establishments, locales are either product of the authors imagination or are used fictitiously. Any occurrence which names, events, places and dates are found or encountered in reality only happens by coincidence and nothing more. Stories are not mine. There might be based from true stories or is completely fictional. You can send me your stories if you wanted tp share. Just message me.

great_sage00 · Andere
Zu wenig Bewertungen
20 Chs

LOVING ANTECEDENT

LOVING ANTECEDENT

"Ruby!" sigaw ni Paolo kaya napatingin ako sa kanya.

Tumatakbo s'ya papunta sa'kin. Hahakbang na sana ako patungo sa kanya ng biglang may maramdaman akong malamig na metal na nakatutok sa aking sintido.

"Don't move" a man whispered.

I froze and started sweating. My mind is in chaos, am I going to die? Is this my last minute?

Napatingin ako kay Paolo na nakatitig sa amin at tila hindi alam ang gagawin. I'm so nervous and I might die here.

I stared at him directly, saying I love you inwardly dahil narinig ko ang pagkasa ng baril.

I closed my eyes accepting my death when I heard him shout. Napadilat ako at tiningnan kung ano ang nangayari.

Paolo is now holding the soldier's gun at nakatutok ito sa lalaking nasa tabi ko. Before he could even pull the trigger, a loud bang echoed around the place and I can feel all my system shutting down.

"Cascadia! Gising naaa!" rinig kong boses ng kapatid ko kaya napabangon ako.

"Kakain na daw" saan ni Sandy.

Tumango nalang ako kaya lumabas na s'ya.

Naalala ko na naman ang panaginip, I know that isn't just a dream—but a memory from my past life. I don't know why it keeps haunting me at naalala ko na naman lahat. Simula nong niligawan ako ni Paolo, mga ala ala namin at hanggang don sa namatay ako.

Nang makaramdam ako ng gutom ay bumaba na ako at pumunta sa kusina upang sabayan silang kumain.

"Yuhooo beautiful people!" rinig kong sigaw ng kaibigan kong si Trina mula sa pintuan.

Ke aga aga ay nambubulabog na naman.

Pumasok s'ya sa kusina at agad umupo sa tabi ni Kuya.

"Trina, wala ka bang bahay? Araw araw ka na nandito sa'min?" masungit na tanong ni kuya kaya siniko s'ya ni mama.

"May bahay, may breakfast din kaso di naman pwede twice mag breakfast sa'min" nakangiting saad ni Trina habang nagsasandok ng kanin.

Napa iling nalang kaming dalawa ni Kuya sa kanya. She's so comfortable with my family, sadyang masungit lang si Kuya.

Nang matapos kaming kumain ay agad kaming naglinis ni Trina sa pinagkainan dahil kaming dalawa nalang ang natira. Habang nag liligpit ako ng mga plato ay bigla s'yang nagsalita.

"Sis kamusta naman ang pagpahahanap mo kay Fafa Paolo?" maarte n'yang tanong.

"Gano'n parin but I won't stop looking for him" I answered.

"Matanong ko lang? Why do you keep looking for him? Eh diba matagal na noong namatay ka? What if may bago na s'ya?" Trina asked kaya napatingin ako sa kanya.

I sighed, naisip ko na din 'yan but it never stopped me.

"Well, that's fine. I just wanna see him again tell him how much I love him kahit nasa ibang katauhan na ako" I answered.

"You know, feeling ko kaya ako na reincarnate at binigyan ng kakayahang maalala lahat sa past life ko kasi I still have an unfinished business and our lovestory, parang hindi pa tapos yon. We can still continue, what if Paolo's waiting for me lang pala? What if he is still wishing na mabuhay pa ako? What if—"

"What if matagal ng natanggap ni Paolo na patay kana? What if matagal na s'yang naka move on at ikaw lang itong hindi pa? You know what Cascadia? nagsasayang ka ng oras d'yan. You'll never enjoy your life kung may tao kang hinahanap hanap, you're not getting any younger. Have fun at tanggapin mo na nasa ibang katauhan kana at iba na ang kapalaran mo" maotoridad na saad ni Trina.

Wala akong nasabi at hindi ako nakagalaw, hindi yun pumasok sa utak ko kasi iniisip ko Paolo can never replace me.

Pagkatapos no'n ay nagpaalam na si Trina dahil may biglaan s'yang lakad.

Pagkatapos kong maghugas ay naligo na ako at naghanda sa paghahanap. Habang naliligo, naisip ko na ayos lang kung wala na kaming chance ni paolo, pero ang mahalaga ay makita ko s'yang muli kahit sa huling pagkakataon.

Nagpaalam na ako at sumakay ng bus upang magtungo sa Vigan, Ilocos Sur. Doon kami nakatira noon, nandon lahat ng ala ala namin ni Paolo.

Nang makarating ako sa lugar ay bumungad sa akin ang mga kalesa, mga lumang bahay sa kalye, mga malalaking simbahan at mga luma at makasaysayang mansyon. This place is known for its preserved Spanish colonial and Asian Architecture.

Naglibot ako saglit bago nagtungo sa parke kung saan kami laging nagkikita noon. Maraming nagbago, ang mga bulaklak, mga upuan but the memories, andito parin. Nakatatak sa lugar na 'to.

"Mahal ko, kapag ba dumating ang araw na kailangan kang ipakasal sa iba. Anong gagawin natin? May magagawa ba tayo?" biglang tanong ni Paolo kaya napalingon ako sa kanya.

"Kasal? Sa iba? Saan mo naman nakukuha iyan? Sa tingin mo ba'y magpapakasal ako sa iba habang mahal kita?" naguguluhang tanong ko.

"Ruby, narinig ko ang iyong ama't ina. Ikaw daw ay ipagkakasundo sa iba" malungkot n'yang sabi kaya nagulat ako sa kanyang tinuran.

Kailan man ay wala kaming napag usapan ng aking mga magulang.

"Hindi maari. Wala silang sinabing ganoon sa akin ang kung totoo man ang iyong narinig ay hindi ako papayag. Hindi ako magpapakasal kung hindi ikaw ang mag hihintay sa harap ng altar, Paolo." sagot ko.

I stood up when that memory suddenly came into my mind. Wait... May ganoong nangyari? Akala ko naalala ko na lahat but that thing. That one memory, hindi ko alam na nangyari noon. I wanna know what happen next. Was I shot because I didn't agree to that arrange marriage?

Nagsimulang sumakit ang ulo ko dahil sa sobrang pag iisip kaya bumili muna ako sa tindahan ng mineral water at bumalik sa aking kina uupuan ng bigla akong mahilo at nagdadalawa ang aking paningin.

"pero Ruby...ipinagkasundo din ako ng aking mga magulang sa iba" saad ni Paolo.

"A-ano? Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin 'to?" hindi ko makapaniwalang tanong.

"Dahil ngayon ko lang nalaman, Ruby bukas ay makikilala ko na ang babaeng ipagkakasundo sa akin. Sinubukan kong tumutol pero...buo na ang desisyon ng aking ama at Ina" sagot n'ya.

"May magagawa naman tayo Paolo diba? Kailangan lang nating patunayan sa kanila ang ating pag iibigan" desperada kong saan.

"H-hindi ko alam" sagot ni Paolo kaya napatingin ako sa kanya.

Tumulo ang butil ng aking luha ng marinig ko ang balitang iyon, bakit tila mapaglaro ang tadhana? Kami'y ipinagtagpo pero hindi yata itinadhana.

....

"Ineng gising" rinig kong saad ng isang matanda kaya napamulat ako.

"Nakatulog kana yata d'yan ineng, dayo ka ba rito?" tanong n'ya.

"Opo" sagot ko habang hinihimas ang aking sintido.

"Pamilyar ang iyong mukha at teka may balat ka pala sa sintido" saad n'ya.

"ah oho" naiilang kong sagot at tumayo.

"Dayo ho ako dito kaya imposible hong kilala n'yo ako" dagdag ko pa.

"Ay oo nga baka kamuka mo lang. Magdidilim na iha, may matitirhan ka ba?" tanong n'ya.

Nagpanick ako kaya tumingin ako sa kalangitan at nakita kong dapit hapon na nga.

"ay nako oo nga hala" nagpapanick na sabi ko kaya tumayo ako at kinuha ang aking sling bag.

Jusko wala nga akong nagawa para mahanap si Paolo.

"Ineng, pwede kong pakiusapan ang mga amo ko na doon ka lang muna sa kwarto ko. Sasabihan ko na kadugo kita, mababait naman sila 'wag kang mag alala. Delikado kasi dahil isa kang babae at maganda pa" saad ng ale.

"ay hala! Salamat po! Salamat ng marami! Hindi ko ho kasi talaga sinasadyang magpagabi, napagod ho yata ang katawan ko sa byahe" saad ko.

"ay nako ayos lang 'yon. Masaya akong makatulong" she replied and smiled.

Sabay kaming nagtungo sa bahay daw ng amo n'ya.

Ang laki, mukhang mansyon. Ang garbo ng bahay halatang mayaman ang may ari.

Pumasok kaming dalawa, nauna s'ya at nasa likod n'ya lang ako dahil sa sobrang hiya.

"Sir, sorry po natagalan. Sinundo ko pa kasi ang pamangkin ko. Wala ho s'yang matutulugan ngayong gabi" saad ni Aling Nena sa kanyang kausap.

Kilala na namin ang isa't-isa dahil nagpakilala kami kanina.

"Oh okay, that's fine yaya. She's your relative and I'm sure we can also trust her" the guy said.

"Salamat po, Sir Paolo" Manang Nena replied kaya agad akong napasilip.

Paolo? She said Paolo! This is maybe Paolo!

Ngunit hindi ko maaninag ng masyado ang mukha nito dahil naka talikod na.

"Manang Elen tama ho na ang narinig ko? S'ya po ba si Paolo?" bulong ko kay Manang.

"Oo, bakit? Kilala mo ba s'ya Cadia?" kuryusong tanong ni manang.

"Paolo din ho kasi ang pangalan ng lalaking hinahanap ko, baka ho s'ya yun" saad ko.

"Ay oo nga, gusto mo ba tulungan kitang makausap si Sir Paolo?" tanong ni Manang.

"ah eh ay nako wag na po, ako na po ang bahala. Nakakahiya naman" saad ko kaya ngumiti nalang ang ginang.

Sobrang bait n'ya, pinakain n'ya pa ako at tabi pa kaming matutulog ngayon gabi. I'm thinking of a way to repay her.

Ilang beses ko ng sinubukang matulog pero hindi pa rin mawala sa isip ko na baka si Paolo nga ang nakatira sa mansiyong ito. Tumayo ako, gusto ko lang magpahangin since hindi ako makatulog kaya nagtungo ako sa terrace.

Nakatayo ako habang niyayakap ang sarili dahil sa malamig na simoy ng hangin at pinagmamasdan ko ang maliwanag na buwan at kumikinang na mga bituin. Ginagawa namin 'to ni Paolo noon, magkayakap sa dilim at pinagmamasdan ang kagandahan ng gabi sa kalangitan.

"Hi, bakit gising ka pa?" tanong ng kung sino mula sa aking likuran kaya napalingon ako.

"P-paolo?!" gulat kong sigaw.

Napasigaw ako sa gulat ng maaninag ko ang kanyang mukha. Siya nga! Si Paolo! Yung mahal ko!

Kaagad ko s'yang niyapos ng mahigpit na yakap.

"Wait—hey..miss hey" saad n'ya habang mahina akong tinutulak palayo.

"Hindi mo ba ako naalala? Ako to..Si Ruby" saad ko upang kumbinsihin s'yang alalahanin ako

"uhh... sorry miss please I respect you as a woman. May asawa ako at magkaka anak na kami please lumayo ka sa'kin" pagpapaliwanag n'ya sa akin.

Napaatras ako sa kanyang sinabi. Magkakapamilya na s'ya... I still wanna hug him so tight pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil naalala ko ang pangako ko sa aking sarili. Kapag nalaman kong may pamilya na s'ya, dapat maging masaya ako para sa kanya.

"P-pasensya na..hindi ko sinasadya" mahinang saad ko.

Hinaplos ko muna ang kanyang mukha bago naglakad paalis.

Tama si Trina, kailangan kong tanggapin na nasa ibang katauhan na ako at iba na ang kapalaran ko. Hindi ako dapat makulong sa nakaraan pero masakit. Masakit dahil nandito pa ang ala-ala pero hindi na pwede. Andito pa ang pagmamahal ko bilang si Ruby pero iba na yata ang kanyang iniibig. Kailangan kong tanggapin.

Pumasok ako sa kwarto at nakita kong gising si Aling Nena.

"Saan ka nag punta? Matulog kana" saad n'ya.

"Aalis na po ako, nagawa ko na po ang sadya ko dito" magalang kong sagot.

"Hindi, hindi kita papayagan. Gabing gabi na, kahit mamayang madaling araw ka nalang umuwi, ihahatid kita sa may sakayan" saad n'ya sa'kin.

Tututol pa sana ako pero hindi na magbabago ang isip n'ya.

Mahirap ma'ng matulog pero pinilit ko, I tried so hard convincing myself na ayos lang. Na masaya ako para sa kanya pero masakit, sobrang sakit.

Pagkagising ko kinabukasan ay namamaga pa ang aking mga mata at wala na si Aling Nena sa tabi ko.

"Aling Nena? Aalis na po ako" saad ko habang inaayos ang aking damit na nalukot.

Ngunit walang sumagot kaya lumabas ako sa silid at nakita kong nagkakagulo lahat ng mga maid.

Nakita ko si Aling Nena na papalabas na sana.

"Aling Nena? Ano po'ng nangyayari?" takang tanong ko.

"Si Senyor ay nawawala" nagpapanick na sabi ng Ale.

Magtatanong pa sana ako pero ayaw ko ng maki usyoso.

"Magpapaalam na po sana ako, uuwi na po ako sa amin. Maraming Salamat po sa tulong" saad ko.

"Kumain ka muna" she replied.

"Ah sa bus nalang po, busog pa naman ho ako. Maraming salamat po talaga" mahinang saad ko.

"Ay sige, pasensya kana kung hindi kita maihahatid sa sakayan ha. Kailangan kong tumulong sa paghahanap kay Senyor" saad n'ya.

Tumango nalang ako at ngumiti.

Pagkatapos kong kunin ang aking bag ay muli akong nagpaalam kay aling Nena at lumabas.

I once look at the mansion again, tatalikod na sana ako ng mahagip ng aking mga mata si Paolo kasama ang isang matangkad, maputi at napakagandang babae. Halatang halata na ang umbok sa kanyang tiyan.

She must be Paolo's wife. Ang ganda n'ya kumpara sa akin.

Naglakad na ako paalis bago niya pa ako makita. Hindi naging sayang ang pagpunta ko dito dahil nakita kong masaya s'ya kahit hindi ako ang kasama.

Bago ako pumunta sa Terminal ay naisip ko munang pumunta sa Vigan Cathedral, ang malaking lumang simbahan kung saan kami sumisimba noon.

Pumasok ako at lumuhod katabi ng isang lalaking matanda upang manalangin.

'Panginoon salamat po dahil pinahintulutan n'yo akong makita si Paolo kahit sa huling saglit. Malaki rin po ang aking pasasalamat dahil nasa maayos s'yang kalagayan. Gustuhin ko mang hilingin na mapasaakin s'yang muli pero—'

"Mahal ko..." biglang saad ng lalaki na nasa 50's kaya napatigil ako at napalingon sa kanya.

Tumingin tingin ako sa paligid dahil baka hindi ako ang kanyang tinatawag pero walang ibang tao sa loob ng simbahan.

"Po? Uhmm sino ho kayo?" nagtataka kong tanong.

Imbes na sumagot s'ya ay may tumulo ang luha sa kanyang mga mata kaya nataranta ako at kinuha ang aking tissue para punasan iyon.

Idadampi ko na sana ang tissue sa kanyang mata ngunit hinawakan n'ya ang aking kamay.

And suddenly It feel so familiar and It really touched my heart. Parang bigla nalang akong nanglambot.

"Ikaw nga...mahal ko.. Ikaw nga" paulit ulit n'yang sabi habang umiiyak.

Sa hindi ko malamang kadahilanan ay biglang tumulo ang mga luha sa aking mga mata.

"R-ruby..." he said and shock was written all over my face.

"P-paolo..." I said unconsciously.

Bigla n'ya akong hinalikan sa noo at niyakap ng sobrang higpit.

"Ang amoy mo..ang presensya mo ay naramdaman ko kagabi. Tila ika'y nasa malapit, akala ko nga'y inaatake ako sa puso pero yon ang ay hinagpis pala. Maliwak Unay Kenka Mahal ko" saad n'ya kaya napahagulhok ako at niyakap s'ya pabalik.

"Hindi kita nakilala dahil iba na ang iyong wangis pero ang puso ko...my heart recognized you mahal ko" I said.

Nag iyakan kami sa simbahan at hinalikan n'ya ang aking labi.

His lips, it's still the same. I've been longing for him....

"Paano mo ako nakilala? Nasa ibang katauhan na ako Paolo" nagtataka kong tanong.

"Hindi, yung singkit mong mata, ang manipis mong labi, ang matangos mong ilong. It's still the same my love. And also your scent and your presence" he said.

"Ikaw? Bakit ka nandito? Nakatira ka ba dito?" tanong n'ya.

"Hindi, sinadya kong pumunta dito kahapon para hanapin ka. Matagal na akong naghahanap sa'yo, ngayon lang ako nakapunta dito dahil nag iipon ako para may magastos ako" kwento ko.

"Paano? Ngunit nasa ibang katauhan kana? Hindi mo na dapat ako nakikilala" sabi n'ya.

"Yon nga, binigyan ako ng panginoon ng pagkakataon na alalahanin ka sa pangalawang buhay kaya hinanap kita upang ipagpatuloy ang naudlot nating pagmamahalan. Hindi ako sumuko dahil alam ng puso kong may kailangan pa tayong ipagpatuloy" sabi ko.

"Naaalala mo lahat?" tanong n'ya.

"Akala ko noon naalala ko lahat pero kahapon habang nasa parke ako ay biglang may memoryang pumasok sa aking isipan. Ipinagkasundo daw tayo sa iba upang magpakasal" saad ko.

"Oo, pero hindi ako pumayag kahit pa laban sa aking mga maghulang. Nagtanan tayo at nagtrabo pareho at nagpaka—"

"PAPA!" sigaw ng pamilyar na boses mula sa pintuan kaya napalingon kaming dalawa doon.

Si Paolo, na nakatira sa mansiyon.

"Anak..." mahinang sambit ni Paolo.

"Anak?" nagtataka kong tanong.

Hindi kaya..

"Nong nagtanan tayo ay nagpakasal tayo upang wala ng maaaring tumutol at hindi mo yata naaalala na tayo'y nagka anak at s'ya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng giyera noon. Dahil hindi nagustuhan ng aking mga maghulang ang nangyari kaya nagkaroon ng alitan ang pamilya mo at pamilya ko. He's Paolo—Our son mahal ko" sagot n'ya.

Napatitig ako sa kawalan at naluluha sa aking nalaman. Hindi lang kami basta mag nobyo noon, mag asawa kami at may anak pa. Anak na inaakala kong s'ya sapagkat kahawig sila.

"Papa! You scared us! Akala namin nawala ka na naman" may pag aalalang sabi ng batang Paolo.

Tinitigan ko s'ya. Magkamukha sila ni Paolo pero hindi ko napansin na may mga features s'yang kagaya ni Ruby.

Out of nowhere, I hugged him and cried. It's so overwhelming kasi akala ko alam ko na lahat pero hindi pa pala. Sa wakas! Nakita ko sila.

"Paolo, she's Ruby Clarianne. Your mother" saad ni Paolo at lumapit sa amin upang himasin ang aking likuran dahil humahagulhol ako sa sobrang saya.

"Mama?" mahinang saad ni Paolo na anak namin.

Nagulat ako ng bigla s'yang humagulhol at niyakap ako pabalik.

"You don't know how much I wanted to see you Mama! I've been longing for a mother's love and sa wakas nandito kana. I don't know how it happened but my heart is so happy. Sorry for pushing you away last night Mama! I-I love you" he said while sobbing.

Aww my tough looking son has a soft spot.

Sumama na din si Paolo—ang asawa ko sa yakapan at nag iyakan kami doon sa sobrang tuwa.

....

They both explained their history to Paolo at naintindihan n'ya naman agad. Cascadia and Paolo continued their lovestory. Maraming tumutol dahil sa malayong agwat ng kanilang edad kaya doon nagsimula ang age doesn't matter. Maraming nanghusga without knowing that they have a history together pero hindi nila iyon inintindi and they chose to live with a happy life as a complete family.

WORDS BY: LILACLILY

Dedicated to: Cascadia Gale and Lament Clayheart