webnovel

CHAPTER 11: SETTLING THE FINAL SCORE

"Tawagan mo na kasi o kaya i-text mo. Hindi 'yung nagmumukmok ka diyan. Malay mo naman may nangyari." Sabi ni Apollo na abala sa pag-aayos ng records ng mga pasyente niya.

Nagulat na lang siya ng biglang dumating si Grim sa clinic niya na hindi maipinta ang mukha kanina. Nang tanungin niya ito ay dahil daw hindi sumipot si Light sa sinabi niyang kakainan nila. Meron pa man din daw silang pag-uusapan na mahalaga. Napansin niyang bahagyang nagbago ang ekspresyon ng mukha ng kaibigan pagkatapos ay nagmamadaling kinuha ang cellphone para siguro tawagan ang babae. Napailing na lang si Apollo. Maya-maya ay kaagad itong lumapit sa kaniya.

"May sakit daw si Light."

"Akala ko ba, si Light ang kausap?"

"Si Gin."

"Alam mo Grim, minsan, 'yang pride mo-"

"May gamot ka diyan, hindi ba? Para sa lagnat at ubo."

Napabuntong-hininga na lamang siya dahil hindi naman nito pinapakinggan ang sinasabi niya at mukhang nasa babae na ang nag-aalalang isip nito. Napangiti siya sa sarili dahil ang huling beses na nakita niya ito na ganoon mag-aalala para sa iba ay noong kasintahan pa nito si Oval; noong napili nitong magbago para sa isang babae. Babaeng nanakit at gumamit lamang dito.

Binuksan niya ang drawer sa kanan niya at kumuha doon ng mga stock niyang gamot pagkatapos ay nagsulat ng reseta at ibinigay kay Grim. Kaagad naman itong nawala sa clinic niya. Ilang segundo lamang ang lumipas ng dumating naman si Lucifer.

"Saan pupunta 'yon?" tanong ng bagong dating na ang tinutukoy ay si Grim.

"Kay Light. May sakit yata."

"Ah. Okay."

"Ano pala ang balita? Nahanap mo ba ang mga magulang ni Mia?" tanong ni Apollo sa kaibigan. Inabot naman ni Lucifer and isang folder kung saan nakalagay ang lahat ng kaniyang nalaman tungkol sa bata.

"Mother, 24, with 2 children at the age of 2 and 5 and a husband who is alcoholic but doesn't have work. Her father is a 4th year college Engineering student. When I approached him and ask about Mia and her mother, he acted like he doesn't know them." Lucifer reported.

"Sa madaling salita, walang magiging problema?"

"Yup. Kung sakali mang hahabulin ka ng nanay niya kapag naampon mo na siya, wala siyang laban dahil kahit biological mother siya, 7 years old na si Mia. Papipiliin na siya ng korte kung kanino niya gustong sumama. Kung umabot man doon at ikaw ang pinili ng bata at kumontra ang kaniyang ina, titingnan nila ang abilidad ng kaniyang ina kung magagawa ba niyang mabuhay si Mia. Sa kalagayan ng nanay niya ngayon, imposibleng makuha niya sa'yo ang bata. Sa tatay naman, wala kang problema. May record ako nang pagtanggi niya kay Mia. Pero pakiramdam ko, hindi na maghahabol ang mga magulang niya. Sigurado ako na wala silang ideya kung nasaan ang bata o kung buhay pa ba ito." Mahabang paliwanag ni Lucifer. Nakahinga naman ng maluwag si Apollo.

"Good. Kung sakali, si Light na lang ang problema ko."

"Siguro. Pero sabi ni Sister Elisa, kapakanan lang naman daw ni Mia ang iniisip ni Light kaya gusto niyang ampunin ang bata. Iyon yata ang pinag-iipunan ni Light. Pero kung malalaman niya na ikaw ang aampon kay Mia, baka may pag-asa."

"Sana."

Nag-aalangan si Grim na kumatok pagkarating niya sa harap ng apartment ni Light dahil baka natutulog ito. Nang makarinig siya ng mahinang pag-ubo ay awtomatikong umangat ang kaniyang kamay. Bago iyon sumayad sa pintuan ay bumukas na ang pintuan. Magulo ang buhok, nakabalot ng kumot at may face mask na Light ang bumungad sa kaniya. Bago pa siya makapagsalita ay bumigay ang dalaga sa pagkakahawak sa pintuan. Kaagad naman niyang nasalo ito at binuhat papasok ng silid.

"Ang tagal mo." Mahinang kastigo ni Light sa lalaki. Napakunot-noo naman si Grim. "Dala mo ba 'yung pinabili ko?" dahan-dahang dagdag nito. Lalong nadagdagan ang pagtataka ni Grim.

"Pinabili?"

"Nag-text kaya ako sa'yo." Sagot ng dalaga pagkababa niya dito sa kama nito.

"Wala kaya akong natanggap." Sabi niya at inayos ang kumot sa ibabaw nito.

"Eh bakit nandito ka?"

"Nag-text ka kay Gin, hindi ba?" Hindi kaagad sumagot si Light sa halip ay napangiti ito ng matamlay.

"Wrong sent."

"So, para sa akin 'yon?"

"Sana. Pero buti na lang natanggap mo pa din." Sagot ng dalaga sabay abot ng bote ng tubig na nasa lamesita sa tabi ng kama nito. Kaagad naman niyang kinuha iyon, binuksan at pinainom sa dalaga ng dahan-dahan pagkatapos itong subuan ng gamot para sa lagnat.

"Kumain ka na ba?" tanong niya pagkatapos ay umupo sa tabi ng dalaga at pinakiramdaman ang temperatura nito.

"Yup. Noodles."

"Hindi healthy 'yun. Diyan ka lang at ipagluluto kita ng lugaw." Bilin niya dito pero hindi naman kaagad nakatayo dahil hinawakan ni Light ang kaniyang kamay.

"Thank you." Mahinang sabi nito bago tuluyang nakatulog.

Ipinasok niya ang kamay nito sa loob ng kumot at pinalitan ang Kool Fever sa noo nito bago nagtungo sa kusina. Katulad ng inaasahan niya, kumpleto ang kagamitan at ingredients sa kusina nito. Kaagad niyang tiningnan sa internet kung paano magluto ng lugaw at sinundan iyon. Hindi niya alam na hindi pa pala tuluyang nakatulog si Light; sa halip ay pinapanuod nito ang kaniyang ginagawa. Wala kasing partition ang kaniyang apartment kaya kitang-kita niya itong mapaso ngunit itinuloy pa rin nito ang pagluluto… ng may mahinang pagmumura nga lang.

Nang matapos sa pagluluto ay inabala na lang ni Grim ang sarili sa pagbabasa sa reports ng bar na pina-scan niya kay Gin noong kasama niya ang lolo at lola niya. Gusto din kasi ng mga ito na makita kung gaano na kaunlad ang business niya. Maya-maya ay nagising si Light. Binitawan niya ang ginagawa at pinainom muna ito ng tubig. Dahil maya't-maya at pinapalitan niya ang nasa noo nito ay bahagyang bumaba ang temperatura ng dalaga na naging dahilan para makaupo na ito habang nakasandal sa ulunan ng kama. Hinawakan niya ang palad nito at laking pasalamat niya na hindi ito bumitaw.

"Kamusta?" may pag-aalalang tanong ng binata kay Light.

"Medyo okay na. Thank you pala."

"Wala 'yon. Para saan pang mahal kita kung hindi kita kayang alagaan." Wala sa sariling saad niya na ikinagulat din niya. Narinig naman niya ang mahinang tawa ng babae. "Kain ka na?" Dagdag na tanong niya para ibahin ang usapan. Umiling naman ang babae. Ilang segundo din ang lumipas ng magsalita si Light.

"Seryoso ka na talaga doon, no?"

"Saan?"

"Sa pagsasabi ng mahal mo ako."

"You're suppose to be taken seriously, Light." He said while looking directly at her eyes wishing his feelings would get through. "Though, I want to say this in a more proper way not now that you are weak like this." He added.

"Well, when or where… it doesn't matter, if you really want to say something." She said then took a deep breath and looked back at him. "I already have an answer to your question last Saturday."

Hindi inaasahan ni Grim na muli siyang makakaramdam ng ganitong klase ng kaba na ang babae ang dahilan. Lalong nadagdagan iyon ng bumitaw si Light sa kaniyang kamay at yumuko.

"But before I tell you, I would like to ask you, Grim."

"Go ahead."

A few moments of silence fell between them before Light could get enough courage to speak again.

"If I tell you that I was raped. Will you still feel the same?"

"You what?"

"I was raped when I was 14."

When Light started opening up to him while her face are voided with emotions, all he can do was listen. She told him everything that had happened to her; her nightmare that never left her alone all this years. The nightmare that kept her from loving herself and the nightmare that made her think that she wasn't worth loving.

Sa paraan ng pagkakasabi ni Light ng kwento ng buhay nito, ramdam na ramdam ni Grim kung gaano nito pinagsisisihan ang pananahimik ng mahabang panahon. Hindi man nito diretsong sabihin sa kaniya, gusto nitong magalit siya.

She wanted him to hate her.

Nang maramdaman niya ang panginginig ng mga kamay ng dalaga, lalo niyang naintindihan kung bakit nito sinabi sa kaniya ang matagal na nitong tinatagong nakaraan. Gusto ng dalaga na iwan niya ito, itulak ito palayo at kalimutan na lang niya ito.

Ngunit hindi nagawang panatilihin ni Light na kalmado ang sarili. Nakita ni Grim kung paano namuo ang luha sa mga mata ng dalaga. Paunti-unting pumasok sa isip niya ang mga sinasabi nito. Nang tumigil ito sa pagsasalita pagkatapos ulitin ang tanong nito kanina sa kaniya, hindi kaagad siya nakasagot dahil unti-unti ay kinakain siya ng galit; hindi para sa dalaga kundi para sa gumawa ng kawalanghiyaan sa taong mahal niya.

Ngayon niya naintindihan ang mga naging reaksyon nito sa mga nagawa niya. Kung bakit ito hinimatay ng hawakan niya ito at kung bakit ito umiyak noong unang beses na halikan niya ito.

Ngunit sa kabila noon, sigurado siyang hindi napagbago noon ang nararamdaman niya para kay Light.

Dahan-dahan niyang kinuha ang mga palad ng dalaga at hinalikan ang ibabaw niyon pagkatapos ay inilipat ang mga kamay sa mga pisngi nito. Tiningnan niya ito sa mata. Oo, galit siya habang nakatingin sa lumuluhang mga mata ni Light pero hindi niya iyon pinakita sa babae. Naramdaman niya ang mga kamay nito na pilit inaaalis ang kaniyang mga kamay mula sa mukha nito.

"I'm glad you're weak right now. Hindi mo ako maitutulak o maitataboy palayo, Light."

"Grim..."

"Nothing will change what I feel for you."

"I don't deserve you, Grim."

"If there is someone who don't deserve someone, that's not you, Light. It's me who should say that. You're more than I deserve, Light. Your strength, I can never compare to that. You've stand tall and strong all this years… alone. I don't want you to do that anymore. Your nightmare, you don't have to fight that alone. Let me fight with you. Even if you push me away, I will still fight with you. I will hold you and shield you from all of your fears. We will defeat it together until I become your only dream."

When Light leaned on his shoulder and started crying her heart out, he hugged her tight and made her feel that she's not alone anymore; that he will be there for her.

Buong magdamag na binantayan ni Grim ang dalaga sa pagtulog hanggang siya mismo ay nahila na din ng antok sa tabi nito.

Nang maalimpungatan si Light at nakita si Grim sa kaniyang tabi habang hawak nito ang kaniyang kamay sa kabila ng lahat ng sinabi niya kanina ay lalo niyang isiniksik ang sarili sa katawan nito. Panatag na siya dahil alam niya na sa pagkakataong ito ay hindi na siya iiwan ng taong pinagbigyan niya ng kaniyang puso at siya mismo ay nangako sa sarili na mamahalin niya si Grim ng buong pagkatao niya. Binigyan na lamang niya ng isang halik sa labi ang binata bago yumakap dito at matulog muli.

Kinaumagahan, pagkatapos nilang kumain ng breakfast na hinanda ni Grim ay dumating sa apartment ni Light si Lucifer na may kasamang dalawang matanda. Hindi familiar kay Grim and mga ito pero kilalang-kilala ni Light ang mga ito. Kaagad naramdaman ni Grim ang biglang pagkakaroon ng tensyon sa paligid na alam din niyang naramdaman din ng kaniyang kaibigan.

Nang lumuhod ang matandang lalaki sa harap ni Light habang hawak nito ang kamay ng dalaga na parang tuod lamang na nakatayo at nagsimulang humingi ng tawad, doon lamang nagkaroon ng ideya si Grim kung sino ang mga ito. Ito ang mga magulang ng taong nagsamantala kay Light. Kahit gustung-gusto niyang palayasin ang mga ito, hangga't walang ginagawa si Light ay hindi siya maaaring gumalaw. Alam niya kasi na kailangan din iyon ng dalaga para tuluyan ng maisara ang nakaraan.

Ilang sandali pa ay lumuhod din ang dalaga sa harap ng mga itinuring nitong magulang noon at inalalayan ang mga itong tumayo. Pagkatapos ay hinarap nito ang magkaibigan.

"Sir Cifer, Sir Grim... I want to talk with them alone." She said with a little smile on her lips.

Grim wanted to be stubborn and stay but he was already pulled out by Lucifer. They both ended in the nearest convenience store.

"So you finally heard everything from her?" Lucifer asked after lighting the cigar in his mouth.

"Yeah. Nagulat ako noong una pero ang talagang ikinagalit ko ay ang malaman na dalawang beses siyang iniwan dahil lang nalaman nila ang nakaraan niya. Hindi ganoon kadali na sabihin ang bagay na iyon sa ibang tao kung hindi niya pinagkakatiwalaan ang mga ito. Pero sa halip na hawakan pa siyang lalo, mas pinili nilang bitiwan siya."

"Hindi ko narinig ang buong kwento dahil nag-focus ako sa part na may kinalaman sa hawak kong kaso pero lalo kong nakilala si Light. She's a strong woman, Grim."

"I know. Anyway, thank you."

"Para saan?"

"For being an instrument for her to close that side of her life. It may not be erased but at least the chain connecting her to it will finally break."

"Well, thank yourself for that, not me."

"Bakit?"

"You're the one who trusted her first about your past. That gave her strength to break you from your chain at the same time, it gave her courage to break her own."

_____TO BE CONTINUED_____