webnovel

CHAPTER 12 (FINALE): MINE AND ALL

Nang bumalik si Grim at Lucifer sa tahanan ni Light, naabutan nila itong naghuhugas ng plato. Wala na din doon ang dalawang matandang kasama ni Lucifer kanina. Pagkaraan ng ilang segundo, nakatanggap ang binata ng mensahe mula sa mag-asawa. Nandoon na daw ang mga ito sa tabi ng sasakyan ng lalaki. Tinanguan ni Lucifer si Light ng magtama ang kanilang mata upang magpaalam. Isang 'Thank you' naman ang isinagot ng dalaga dito.

Hindi naman nagsalita si Grim at kinuha na lang ang punas ng plato na nakasabit sa ref pagkatapos ay tinabihan si Light sa harap ng lababo at nagsimulang magpunas ng plato na nabanlawan na ng dalaga. Maya-maya ay nagsalita ito ng mahina.

"Thank you."

"Para saan?"

"For giving us some time alone even though you really wanted to throw them out of here earlier."

"I'm not." He denied while looking away. Light couldn't help but smile and decided to tease him a little more.

"Hay naku, Grim. Ako pa ba naman ang lolokohin mo eh kitang-kita naman sa mukha mo kanina. Huwag mong maliitin ang pagiging observant ko."

"Observant ka ba? Parang hindi." Bawi sa kaniya ni Grim.

"Observant kaya ako."

"Oh? Talaga? Eh bakit hindi mo mapansin na seryoso ako sa'yo?" nakangisi na nitong balik.

"Alam ko kaya. Natakot lang." mahina niyang sagot.

"Well, you don't have to be afraid anymore, Light."

She did not answer instead she gave him a reassuring smile and continued what she was doing.

Sa totoo lang, hindi pa talaga handa si Light na makita ang mga umampon sa kaniya. Natatakot pa siya. Oo, ilang taon na din ang lumipas pero masakit pa rin sa kaniya na tinalikuran siya ng mga ito pagkatapos siyang gawaan ng kwento ng anak ng mga ito. Pero hindi rin niya masisisi ang mag-asawa dahil mas pinili niya noon ang manahimik kaysa magsabi sa kanila.

Iyon ang isa sa pinagsisisihan niya sa kaniyang pananahimik, nagkaroon pa ng ibang biktima si Justine. Hindi lang isa kundi tatlo sa loob ng labing limang taon. Naungkat lamang ang tungkol sa kaniya ng manggaling dito mismo ang ginawa nito sa kaniya noong araw na nahuli ito dala na rin ng pagkalulong sa droga.

Yeah. Justine... became a drug addict. And he was high when he did it to her.

Nagulat lang siya dahil ang akala niya ay magagalit ang mga ito sa kaniya dahil sa pananahimik niya ngunit hindi ginawa iyon ng mag-asawa. Umiiyak silang pareho na humingi ng tawad sa kaniya ng iwan sila ni Lucifer at Grimnard kanina. Dahil nabigla sa kanilang pagdating, hindi kaagad niya nasagot ang mga ito. Hindi niya mahanap ang lakas ng loob para magsalita. Pero ng maalala niya ang mukha ni Grim at ang sinabi nito nang nakaraang gabi, nagawa niyang yakapin ang tinuring na ina at ama.

Niyakap niya ang mag-asawa at siniguro sa mga ito na magiging ayos na siya, na kahit hindi na mabubura ang kaniyang nakaraan, hindi na iyon magiging hadlang para maging masaya siya.

Grimnard Marquez was all she needed to break free from the chain that's keeping her from moving. She laid her eyes on the man who was standing beside her right now and when he looked back at her, she couldn't help but smile.

Nagulat na lang siya ng yumuko ito at binigyan siya ng isang magaan na halik.

"Pambawi sa pagnanakaw mo ng halik sa akin kagabi." Sabi ng binata sabay ngisi. Namula siya dahil ang buong akala niya ay tulog no'n ang binata.

"Kainis ka. Gising ka no'n?"

"Patulog pa lang."

"Totoo?"

Sa halip na sumagot ay hinila ni Grim si Light para yakapin ng mahigpit.

"Well, it's okay. You can steal countless kisses from me from now on because I will do the same." He said with a wide smile on his face. Light then tiptoed and give him a peck in the lips.

"I love you, Grim." She said then buried her face in his chest.

"I love you more, my Light."

2 years later.

"Tita Light!"

Napalingon kaagad si Light sa tumawag sa kaniya. Pagharap niya dito ay dinamba kaagad siya nito ng yakap. Lumuhod naman siya para mabuhat si Mia.

"Ang ganda naman ng baby ko!" bulalas niya ng yakapin siya ng mahigpit ng bata sa leeg. Nakasuot kasi ito ng puting balloon dress at puting doll shoes. Nakatirintas din ang buhok ng bata paikot sa bunbunan nito na siyang parang naging korona.

"Ang ganda mo rin po, Tita." Sagot ng bata sabay halik sa pisngi niya. Hindi naman niya maiwasang ngumiti.

"Hindi pa rin ako sanay na Tita ang tawag mo sa akin."

"Naku, Light. Hayaan mo na siya. Sa talino ng batang 'yan, halos abutin kami ng madaling araw para lang tanggapin niya ang eksplenasyon ko kung bakit dapat Tita ang tawag niya sa'yo." Saad naman ni Apollo na nakasunod lamang pala sa bata.

"Bakit naman po?" Tanong ni Light kay Mia.

"Kasi po. Kapag tinawag po kitang ate tapos friend po ni Papa si Tito Grim, dapat tawagin ko po na Kuya si Tito. Kapag kuya po tawag ko kay Tito, hindi na po sila friends ni Papa kasi feeling daw po ni Papa, sobrang tanda na daw po niya kapag ganun." Inosenteng sagot ng bata.

"Ego lang, Apollo?" pigil ang tawa na kastigo ni Light sa lalaki.

"Well, can you blame me? I look so young, see?" He said while giving emphasis to his face. Binatukan naman siya ni Grim na kararating.

"Minsan ayusin mo iyang kayabangan mo para hindi mahawa itong si Mia sa'yo."

"Look who's talking. Tsaka sandali lang ha, nakalimutan mo yatang mas matanda ako sa'yo, Grim?" Kastigo ni Apollo habang matalim na tiningnan ang kaibigan. Hindi pinansin ni Grim ang sinabi nito, sa halip ay lumapit ito kay Light at Mia.

"Mia, hanap ka na ni Tito Zean. Start na ang ceremony." Malambing na sabi Grim sa bata habang hinahaplos ang ulo nito. Kaagad namang nagpababa si Mia at nagpaalam sa kanila bago hinila ang tatay nito papunta sa kung saan ang simula ng pagma-martsa para sa kasal.

"Actually, aside from Apollo's over-confidence, it was really a right choice to let Mia go to him. I mean, he's a nice guy and all and it looks like he really likes Mia a lot." Light suddenly said while looking at the little girl who was holding a basket of flowers.

"Even though you want her for yourself?"

"Well, ang totoo niyan noong una, gusto ko siyang mapunta sa akin kasi siya lang ang pangalawang taong tumanggap sa akin kahit na alam niya ang nakaraan ko. Pero habang lumilipas ang mga araw, naisip ko na hindi ko dapat siya gamitin ng ganoon. Tapos hindi ko alam na mahal ko na pala siya bilang kapatid. Kaya nag-iipon ako para kung sakali na payagan akong ampunin siya, magkakaroon siya ng magandang buhay.

Kaso natauhan ka naman bigla tapos sinimulan mo na akong guluhin at dumating naman si Apollo sa buhay niya ng hindi ko alam. Noong piliin niya si Apollo, nasaktan ako. Pero nung sabihin niya kung bakit, lalo ko siyang minahal. Sino bang bata na katulad niya ang edad na magsasabing 'I will be happy with my new dad ate, promise. So you should also be happy with Kuya Grim. Don't worry about me po.'"

"Magseselos na yata ako niyan kay Mia." kunwari ay pabiro na saad ni Grim.

"As if."

Bago pa man sila maghiwalay para sa kaayusan ng mga bisita sa kasal ay binigyan ni Grim ng halik sa noo ang dalaga. Napangiti na lang siya ng kindatan pa siya nito.

Solemn and heartfelt; that's the kind of ceremony Zean and Cyrine had even though they had a hard and complicated two years since she met the woman. All of them even dropped the idea that the two would end up together because of the problems they encountered.

Si Light kasi ang naging sandalan ni Cyrine mula ng makilala nila ang isa't-isa. Halos palayasin nga ni Grim ang babae sa bar nito kapag pumupunta ito doon at nagngangangawa sa kaniya. Lagi lang niyang sinasaway si Grim sa pagsusungit sa babae dahil pagkatapos naman nitong maglabas ng himutok ay umuuwi na din ito. Minsan naman ay sinusundo ito ni Zean sa bar kapag nakainom ng marami.

Kaya ngayon, habang nagpapalitan ang dalawa ng pangako sa isa't-isa, hindi maiwasan ni Light na mapangiti dahil sa wakas, kay Cyrine na lamang ang buong atensyon ng taong mahal nito. Wala sa sariling napatingin si Light sa gawi ng mga lalaki at nahuli kaagad niya ang mga mata ni Grim na nakatunghay din pala sa kaniya.

He met this man and saw how he changed in the course of time. He was a total babe magnet until a few years ago and yet, she totally knows that behind his playboy lifestyle, a vulnerable person was hiding. She was glad to have crossed that street and pulled him out from that darkness because if not, he may not be here right now and she was still stuck and being tormented by her own nightmare. They both found each other that night without knowing that they will be each other's light to finally overcome their darkness.

Nang tanungin ng pastor si Zean kung tinatanggap nito si Cyrine, namutawi sa labi ni Grim ang salitang 'I Do' habang nakatingin sa kaniya.

Hindi niya maiwasang makaramdam ng kagalakan sa paraan ng pagtingin ni Grim sa kaniya kaya ng tanungin si Cyrine ng kaparehong tanong sa magiging asawa nito, hindi niya maiwasang sabihin din ang "I DO" habang nakatingin sa lalaking mahal niya. Nakita niya ang biglang pagseryoso ng mukha ng kasintahan. Pagkatapos ng kasal, nalaman niya kung bakit.

During the reception, while assisting Gin who was in-charge of the catering which was provided by Soul Vengeance as a gift for Zean and Cyrine, Grim suddenly vanished. After a few moments, he came back and talked to the head of the band playing on the background. Then everything went as scheduled.

Pagkatapos ng reception at wala na ang mga tao, dinala siya ni Grim sa kabilang bahagi ng Garden kung saan makikita ang isang open pavilion na nasa gitna ng isang man-made lake. Napapaligiran iyon ng maliliit na dilaw na ilaw. Nang hawakan ni Grim ang kaniyang kamay at dalhin siya sa pavilion ay hindi niya maiwasang maluha. Kitang-kita kasi sa bulsa ng suot nitong slacks ang isang maliit na box.

Kahit alam na niya ang balak nito noon pa ay hindi pa rin niya maiwasang makaramdaman ng sobrang saya. Mula noong nakaraang buwan kasi ay napapansin na niya na tuwing lumalabas sila para mag-date ay lagi itong nagtutungo sa Jewelry store kapag nagpupunta naman siya sa Watson pero noong nakaraang linggo, hindi ito nagtungo doon. Nabili na pala nito ang binabalik-balikan nito doon.

Pagkarating nila sa pavilion ay narinig niya ang mahinang tugtog ng banda mula sa kalayuan. They we're playing her favourite song.

"To be honest, I was planning to do this in front of everyone earlier." Grim suddenly said while playing with her fingers.

"Well, I was expecting you to do that. Kaya nagulat ako nang dalhin mo ako dito. Hindi ko inakala na may ganito pala na side si Mr. Grimnard Marquez."

"It's high time to know me more, Ms. Lita Dela Fuerte." He said then pulled out the box in his pocket.

"Light, the moment you hugged me after tending to my wounds that night, I felt that I was destined to meet you. You changed my worthless life. You saved me. But that's not why I fell in love with you. I admired how strong and dedicated you are and when I learned everything about you as well as your fears, I've fallen more deeply. And I know now that I can never live a life without you anymore Light so… will you share your life with me?"

Light couldn't mutter a single word as tears continuously fell from her eyes especially when Grim reached for her hand again and slid the ring in her finger. When he cupped her face and brushed off her tears, she nodded several times and finally answered "Yes".

____THE END____