webnovel

Ysla Paraiso Part 138

"Ysla Paraiso" Part 138 - Komunidad

Fiña's P.O.V.

Dali-dali akong humanap ng tapis at ibinalot iyon sa basang katawan ko.

Inutusan ko ang lahat na magtyo ng kanilang mga tent at mag-ayos ng makakain sa pangunguna ni Katya at kaniyang mga tauhan.

Napag-alaman kong malapit nang maubos ang pagkain sa loob ng barko kaya't nataranta ang mga tao roon at bumaba upang maghanap ng makakain rito sa isla.

Pumasok ako sa loob ng tent upang magbihis at saktong namang pagkagising ni Yatko roon.

"Nandito na ang lahat, bumangon ka na diyan. Madami pa tayong gagawin." Utos ko kay Yatko bago magbihis sa harapan niya.

Isinuot ko ang aking kasuotan pang-gubat pati na rin ang aking sombrerong pang kapitan.

Nang lumabas ako'y namataan ko ang ilang sa mga pasahero na namimitas ng mga bunga mula sa puno na napakadami pa para sa aming lahat.

"Ysla, Ino, Katya." Pagtawag ko sa mga ito.

Inutusan ko silang pangunahan ang paghahanap ng makakain para sa lahat.

Si Ysla sa pangangaso kasama ang iba pang marunong mangaso, si Ino sa pangongolekta ng mga prutas at iba pang mga pagkain, at si Katya na tagaluto ng aming mga makukuha.

Ako naman ay tinipon ang mga marunong mangisda sa barko at iginawi sila sa ilog kung saan pinangunahan ko ang pangingusda gamit ang aming mga fishing rod at lambat mula sa barko.

Nang mag-tanghali ay nakakolekta kami ng sapat na pagkaing maaring tumagal ng isang linggo dahil sa dami nito.

Nakahuli ng dalawang mga baboy-ramo si Ysla, si Ino naman ay nagawang pinatasin ang bunga ng limang mga puno, at ako naman ay nakahuli ng mga isda, kabibe, hipon, at mga alimango mula sa ilog at dalampasigan ng isla.

Talaga ngang nag-uumapaw sa biyaya ang islang ito.

Sina Sarhento Yatko naman at iba pang mga sundalo ang siyang nagbabantay sa aming munting komunidad ng pasahero sa loob ng misteryosong isla na ito.