webnovel

Ysla Paraiso Part 137

"Ysla Paraiso" Part 137 - Hubad na Kapitana

Fiña's P.O.V.

Maaga akong gumising at iniwan ang nahihimbing pang si Yatko upang magluto ng aming agahan.

May instant noodles akong naisilid sa aking bag at mga kagamitang panluto naman na ipinabitbit ko sa bag ni Yatko.

Kinuha ko ang mga kailangan kong gamit at nagsimulang magpa-apoy sa labas.

Doon ko naalala ang mga lamang-tubig na nakita ko sa ilalim ng ilog kagabi, kaya't muli akong naghubad at sumuong sa ilog upang hanapin ang mga nasulyapan kong mga kabibe.

Sa mga batuhan ay namataan ko kaagad ang nagtatagong mga kabibe na aking pinahdadampot bago umahon.

Ngunit pagkaahon ko pa lamang ay may napansin na akong kakaiba sa paligid, tila ba hindi lamang kami no Yatko ang tao rito malapit sa tabing ilog.

Buti na lamang at kaagad kong nahanap ang aking baril at eksatong pagkadampot ko niyon ay lumitaw ang isang tao mula sa mga damuhan.

"Magpakita ka." Utos ko rito bago itutok ang aking baril sa kaniya.

"Kalma Fiña..." Biglang lumitaw ang isang pamilyar na mukha mula sa mga nagtatagong anino. "Ako 'to oh."

"Ysla? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

Nakabihis pang-gubat si Ysla habang dala-dala ang kaniyang pana at mga palaso sa kaniyang likuran.

"Hinanap ka namin, marami ang nagtatanong kung hanggang kailan maaayos ang barko." Sagot ni Ysla.

"Namin? Sino bang mga kasama mo? Paano niyo kami nahanap?" Usisa ko.

"Nakita namin yang usok mula diyan sa apoy, kasama ko ang lahat ng mga pasahero. Nagsibabaan na ang lahat mula sa barko dala-dala ang kanilang mga kagamitan." Tugon ni Ysla sa akin bago maglitawan ang mga pamilyar na pagmumukha sa kaniyang likuran.

Una kong nakita si Katya at si Ino Makapagal, kasunod ang mga pasahero ng barko na bitbit ang kanilang mga gamit.

Titig na titig ang mga ito sa akin at noon ko lamang napagtanto na ako'y nakahubad at walang takip na saplot ang ni isang bahagi ng aking balat.