webnovel

CHAPTER XIII: PAPER PLANES

Charlie POV

After a blast in the music hall. Tila sobra kaming napagod pero naging masaya hanggang sa isang tawag ang nareceive ni Fiora. Kahit tila hingal at pagod ay sinagot niya ito habang kami ay nag hihintay ng sasabihin niya.

After a minute or so she faced us at sakto namang pumasok na din si president. She was too elegant na parang barbie sa ganda. Saan ba siya galing?

"Alright musers, President. I have good news from the school..." tila naexcite naman kami.

"Next week will be ours. Meaning dahil sa Thursday ang simula pinahintulutan tayo ng school to be exempted to all academics worries. Binibigay na nila ang Monday hanggang Wednesday for us to practice" at isang hiyawan ang ginawa namin like it was a heavens will. Yes!

Wala na ko masyadong iintindihin ngayon. Bye bye muna trigonometry. I really didnt miss you seriously.

Natuwa akong tinignan si Freya pero siya parang hindi masaya? Ano naman trip nito?

"b-bakit na naman nakaganyan ka?" sabi ko sakanya. Umiling lang siya. Huh? Hayy... para na naman siyang bata sa kinikilos niya.nagbuntong hininga ako. alam ko na gustong sabihin nito. kaya naman pinuntahan ko si Fiora para itanong.

"Fiora tanong ko lang? Kasali ba doon sa exemption si Freya? Kahit temporarily member siya?" tila narinig naman kami ni President at lumapit samin kung saan siya ang sumagot. Pinakita niya sa clipboard. 'Yes she was an officially member' napakunot naman ako ng noo. Seryoso? Paano? Ay!... oo nga pala magkaibigan sila.

"Yes Ethan. Napagusapan na namin yun ni president. Yun nga lang di pa namin nasasabi sa kanya... tsaka..." tila may isang annoucement pa raw sila. Kaya naman saglit kami napatigil.

"One more thing. I know this is a late announcement but kaya naman solusyunan ito. Guys we decided na we will stay here for upcoming days more after the announcement. Yun ay para ma extend pa natin yung time. Kung wala na kayong pamalit ay diba may emergency clothes sa sari sarili nating closet so yun muna gamitin natin. If hindi kayo comfortable sige uhmmm... pwede na muna kayo umuwi tas balik nalang ngayong araw kung gusto niyo?! Ano sino uuwi?" halos lahat sila ay nagtaasan ng kamay

Seryoso? magsisiuwian sila!..

pero ako hindi na dahil wala naman akong kotse para maghatid sakin dito.

Ang mga hindi lang nagtaas ng kamay ay ako, si sofie, si fiora at si Max. o-okay? Kayo na mayayaman. Agad ko namang binaba yung kamay ni Freya na tila ba malungkot ang mukha na naman nito. "uuwi ka?" nag nod naman siya

"e wala na naman akong gagawin dito. Tsaka..."

"isa ka na daw musers kaya exempted ka na" napanguso lang siya at tila pinipigil ang ngiti. Nakoo... kung alam ko lang. Gustong gusto na nito tumalon sa saya. Ganyan yan ee..

Nagpapakabata na naman.. Tinoyo na naman po.

"o-okay" sabi nalang niya. pinahatid na ni fiora yung mga uuwi at mamayang gabi na daw ang balik nila. Kaya naman dahil kakaunti kaming natira ay minabuti nalang naming bumalik sa kanya kanyang kwarto kung saan katapat ko pala ng kwarto tong si Freya. Room 241.

Hayy... sa wakas makakapagpahinga din. Minabuti ko ng dito nalang ako maglalunch sa kwarto ko. hinila ko yung tali at ilang minuto lang kumakatok na yung maid. Ang bi...

"Freya? B-bakit?" nakanguso siya sabay yakap niya sakin. Na tila tinutulak niya ko papasok. Akala ko yung maid na. Miya miya may kumatok na naman. Pinabitaw ko muna si Freya sakin at pinagbuksan ko ng pinto.

"M-Max?" nakangiti niya kong tinignan.

"uhmm... would you mind having lunch with me?" aya niya tila parang biglang nagiba yung timpla ng mukha nito nang biglang yumakap sa braso ko si Freya. "a-ah! F-freya. w-welcome to the club nga pala ah! Tska congratulations ang galing mo" napakamot nalang ng pasimple si Max.

"a-uhmmm... I guess you have th..." tila isang malungkot na ngiti yung iiwan niya sakin. Hayy...

"gusto mo dito nalang tayo mag lunch? Tayong tatlo" sabi ko. napatigil naman si Max at naramdaman kong biglang humigpit yung kapit ni Freya. way ko na din to ng pasasalamat kay Max dahil sa pag aalaga na ginawa niya kaninang umaga.

"a-ayos lang ba?" I nod and smile. Pinapasok ko siya habang si Freya nanatiling nakakapit sa braso ko. may lahing tarsier ba tong babaeng to?

As we seat sa lamesa sa may kwarto ko ay pumasok na din yung maid kung saan may trolley na good for three person.

Tila napakatahimik naman ata? Walang kibuan tong dalawang to? Mag kaaway ba sila?

"uhmmm... hindi niyo ba gusto yung mga pagkain?" tanong ko. tumingin naman sila sakin at ngumiti. Nagkatinginan din silang dalawa pero parang plastic? Ewan ko lang ah! pero parang may kung ano sa dalawang to. Cold war?

"I like it. Very" sabi ni Max habang sumubo siya. ningitian naman siya ni Freya ng parang may kakaiba. Ano ba problema nito? mga babae nga naman.

"tikman mo to ethang oh!" sabay subo ni freya sakin ng karne. Kailangan may diin yung pagsubo sakin? Grabe ah!

"Ethang?" tila parang nawirduhan si Max sa sinabi ni Freya. hayy... nakakahiya.. sinabi ko na din sa kanya na okay lang akong tawagin niya ko ng ganun pag kami lang dalawa e.

"nga pala ethan. Ayusin natin yung DUET natin mamaya okay lang ba?" tila nag smirk naman si Max. ay! Oo nga pala. Kinabisado ko pa kasi yung lyrics.

"sure sige. Uhmmm... after this?" sabi ko. nag nod naman siya sabay tila tapos na siyang kumain. Si Max.

bigla akong kinalabit ni Freya. pinalapit niya yung tenga ko na tila may ibubulong. Nilapit ko naman iyon pero nagulat ako sa ginawa niya...

"F-freya ano ba?! Wag mong dilaan yung tenga ko e. Malakas yung kiliti ko" napalakas kong sabi. Napatingin ako kay Max na tila nagulat sa sinabi ko. napacurl nalang ako ng labi.

"a-uhmmm... A-akala ko ba you are single at walang magseselos?!" Max said with conviction. Hayy... Juice Colored Red. Ano ba tong ginawa ko? bakit parang feeling ko nagiguilty ako. parang feeling ko pag sumagot ako may isang aalis sa kwartong ito?!... hayyy...

"uhmm... a-aah! E-eehh!" nauutal kong sabi. Ngayon ay unti unti ng nagiging obvious to see mula sa mga tinginan at salitaan nila. They are jealous of one another didnt they? A-ako ba ang dahilan?

"Ethan. Sige uhmm... m-mamaya nalang. Kita nalang tayo sa music hall mamaya. Oh! And by the way..." tumayo at lumapit sakin si Max tiningnan ko siya and nagulat ako sa ginawa niya...

S-she kissed my nose...

Charlie POV

Pagkalabas naman ni Max ay agad akong pinandilatan ni Freya. uhmmm... e siya yung gumawa nun e kasalanan ko ba?

"Excuse me? a-ano yun?" sabi niya na tila naiirita. E bakit ba? Tska sa i-ilong lang naman e ano ba masama dun? "Ang landi mo din e. Andito na ko nagpapahalik ka pa sa iba. Alam mo naman diba tapos ganyan?!" yun na nga e. Wala naman akong ginagawa, siya yung gumawa nun sakin labas na ko dun.

She frown at me tapos bigla siyang tila nagtampo pero hindi yung ordinaryong tampo na ginagawa niya sakin like before. She was jealous in serious. Kahit hindi niya sabihin dahil basang basa ko na siya. Tila nakaramdam ako ng sort of what... guilt?

"f-freya..." She cross her arms and her eyes were... sad? Lalo akong nakaramdam ng sobrang guilt. Ugh! Ano ba tong nangyayare sakin. It seems na she tried to hide it pero I know na it makes sense.

"I-I know na wala akong k-karapatan... pero matatangging ko ba yun? kung alam mo naman sagot ethan?!" tila nanginginig na yung boses niya. Oh! No...

"I tried to be casual dahil alam ko na magkakaroon ka ng pagkailang but... this?" hindi na ko sumagot dahil alam kong nasaktan ko siya kahit na wala naman talaga akong ginagawa. She look me before... sadly bago siya lumabas ng kwarto. Hindi ko na siya napigil dahil it was my fault. Fault of being a dumb witted man.

Napabuntong hininga ako bago ko siya sinundan sa kwarto niya. I tried to knock but she didnt answer. "F-Freya... please" I calmly asked after knocking. Ilang minuto pa ko kumakatok pero hindi niya ko pinagbubuksan. Hayy... aalis na sana ko pero suddenly...

she open the door and grab me forcely papasok sa kwarto niya... and suddenly I feel warmth...

a warmth feel of a love... h-hindi ko alam pero I feel her lips touch mine.

Ang bilis ng mga pangyayare that I dont have time to think whats going on... ang alam ko lang it feels that a million bolts runs through my whole system like a thousand spark lights. Iba to kesa sa naramdaman ko nung unang magtagpo ang mga labi namin.

a-ano ba tong pakiramdam na to? Nakakatakot pero... masaya ako, masaya up to the point na...

"If we ever meet again... I will marry you"

Halos maitulak ko si F-freya ng isang glimpse na naman mula sa isa sa panaginip ko ang bigla kong naalala. "uhmmm... I-I'm sorry... Im sorry..." hindi ko alam kung bakit ginawa ko yun o ano ba ang nangyayare sakin kaya minabutin ko ng lumabas ng kwarto niya at bumalik sa kwarto ko.

UGH! A-ano bang nangyayare sakin?!. UGH!! F... F... F... UGH!!

b-biglang sumakit yung ulo ko. "UGH!" parang nabibiyak... a-ano ba tong nangyayare sakin?!!!

Isang pagkatok naman ang narinig ko... UGH! I hate it! A-ang sakit!!

"Leave me the F... Alone would you!" irita kong sigaw mula sa kumakatok. H-hindi ko alam pero h-hindi ako to!...

"... I will marry you. Promise?!..."

"Promise... Javy! I'll Promise to be your husband..."

"I'll Promise too, Chen! to be your faithful wife..."

UGH!! AHH!! H-hindi ako....

Ashley POV

As they leave for getting their things isa isa naman kaming nagtungo sa kani kanilang kwarto. Binigyan ko din si Freya ng room niya that she requested. Yung malapit daw na room kay ethan. Gustong gusto talaga ni freya si Ethan ee...

So anyways, As I back to my room, Fiora enters. She was talking about the competition na tila na iistress daw siya sa pag manage. Napapangiti nalang ako kasi alam ko namang kayang kaya niya yun e.

"Uhmmm... hayy... tapos yung sa suprise challenge. Iniisip ko kung ano ba balak ng committee" tila nakakaraming buntong hininga na siya. ramdam na ramdam kong stress siya dahil noon pa man siya na yung naging speak leader dahil so you know about my condition. I try to relief her by patting her back. Sabay pakita ng clipboard ko saying, 'I know that you can do it. I will be supporting you. remember that Im here'

Napangiti naman siya sabay yakap sakin. Nagpasalamat naman siya then nagpaalam na maliligo para mamaya. Nagpahinga na din ako sa kwarto ko as I play on my apple music. Nag scroll ako at hinanap ko yung kantang magpapagaan ng mga iniisip ko lately,

Miya miya nakita ko ang one of my favorite duo. He is we. Pinilay ko yung kanta nila na All about Us ft. Owl city.

The lyrics play through my head as it was I singing. Nakakagaan talaga pag tunay kang inlove sa isang tao noh! Ano kaya ang pakiramdam?

Ako kasi never ko pa naranasan, although Dylan was my crush at almost mapaibig niya ko but...

nung ginawa niya yung bagay na yun everythings fall apart...

Everything become worthless...

Oo aaminin ko nagugwapuhan ako sa kanya but now, bali wala na siya sakin. Ni wala nga siya sa kalingkingan ni Ethan ee.

Yup. Kung iisipin, oo mayaman at may itsura si Dylan pero kung sa attitude walang wala siya. he is just a boy tantrums in everything he cant have... si ethan kasi napupunan niya yung mga bagay na wala siya. kaya niyang dalhin yung mga bagay na sa tingin niya na magpapasaya sa kanya.

Kaya hindi na rin nakakapagtaka kung bakit napalapit si Max in a matter of days. It was like a fast struck. Obvious naman kasi for me na ganun sila kaclose after breaking with Zayne. Nadala agad ni Ethan si Max sa move on stage. Ang bilis nga e but sabi nga love heals.

Eto ding si Freya everytime she text about Ethan on me di nauubusan ng sasabihin. Kesyo umamin na daw siya last Friday kaya eto kabang kaba pero binigyan ko naman siya ng points para hindi maging awkward para kay ethan kasi I'm sure nabigla yung tao. Kung ako man kasi yun biglang may mag coconfess e nakakagulat talaga how I wish.

Hayy... makapagpahinga na nga lang mamaya mag rerehearse na kami at yung mga yun andito na after dinner. Kaya naman minabuti ko na lang na matulog...