webnovel

KABANATA TWENTY-THREE

Pagkauwi ni Misha nagulat sya ng makitang nakauwi na ang mga magulang nya. "Bakit hindi po kayo nagpasabe na uuwi kayo para sana nasundo ko kayo." sabe ni Misha sa mga magulang nya.

"Misha umuwe kami para ayusin ang problemang ginawa mo. Kalat na kalat sa opisina ang issue mo na may rumored boyfriend ka daw. Totoo ba yun?" seryosong tanong ng Daddy ni Misha.

"Anak hindi ka namin pinagbabawalan kung mag boboyfriend ka hindi ba sinabe naman namin sayo kahit sinong lalaking mahalin mo okay lang wag lang yung patago. Hindi ka namin madepensahan dahil hindi namin alam kung ano bang nangyayare ni wala kang sinasabe samin na may boyfriend kana pala." wika naman ng Mommy ni Misha.

"Ang totoo wala pa naman akong boyfriend hindi ko alam kung bakit yun yung pinakakalat nila. Mommy I'm sorry kung nasira ko ang tiwala nyo alam kong malaking kahihiyan yun sa inyo ni Daddy pero hindi totoo lahat ng binabato nila sakin." paliwanag ni Misha.

"Kung ganon ano yung sinasabe nila na pumatol ka daw sa Gorilla wala rin bang katotohanan yun? Nakausap ko ang manager mo at sinabe nyang nakikipag date ka sa mukhang Gorilla totoo ba yun anak?" tanong ng Daddy ni Misha.

"Dad hindi Gorilla si Akagi tulad ng sinasabe ni Winona. Nakilala nyo na sya dati at opo nagdadate kaming dalawa pero hindi pa kami... mahal ko sya Mommy at sana tanggapin nyo sya." naiiyak na sabe ni Misha at niyakap sya ng Mommy nya.

"Anak kahit sinong lalaki pa ang ipakilala mo tatanggapin namin basta mahal mo." anya ng Mommya ni Misha at niyakap ito.

"Thank you Mommy. Dad galit po ba kayo sakin?" tanong ni Misha.

"Hindi anak. Kung mahal mo si Akagi hindi namin yun tututulan ng Mommy mo nagmamahal ka lang at walang masama dun. Kung mag ququit kana sa pagiging modelling maiintindihan namin yun basta pipiliin mo lage kung saan ka magiging masaya. Susuportahan ka lang namin ng Mommy mo." seryosong sabe ng Daddy ni Misha at natuwa naman si Misha.

"Napaka swerte ko na kayo ang naging magulang ko. Thank you Mommy and Daddy mahal na mahal ko kayo." masayang sabe ni Misha habang umiiyak.

"Napaka iyakin naman ng dalaga ko tahan na." ngiting sabe ng Daddy ni Misha.

Natutuwa si Misha dahil madaling natanggap ng mga magulang nya si Akagi. "Bukas na bukas magpapatawag ako ng conference para magtigil na ang mga taong pag usapan ka." wika ng Mommy nito.

"Pero Mommy paano po si Akagi ayoko po syang masaktan." malungkot na sabe ni Misha.

"Anak hindi habang buhay pwede kayong magtago. Mas mabuti ng ngayon palang makilala na nila si Akagi. Alam kong masasaktan si Akagi dahil sa mga taong mapanghusga basta lage mong iisipin na ginawa mo lang kung ano ang tama. Wag ka mag alala nasa likod mo kami ng Daddy mo." ani ng Mommy ni Misha.

__________

KINABUKASAN Nagpatawag nga ng conference ang Mommy ni Misha. Maraming sikat na modelo ang dumalo nandun din ang mga kaibigan ni Misha at kaibigan ni Akagi para marinig ang mga sasabihin nito.

Isang reporter agad ang lumapit kay Misha para mag tanong. "Totoo bang may boyfriend kana?....

"Mamaya kayo sasagutin ng anak ko sa ngayon pwede bang maupo muna sya." mataray na sabe ng Mommy ni Misha at hinawakan ang anak.

Magkatabi sa upusan si Akagi at Misha. "Sa totoo lang napauwe kaming mag asawa sa mga maling kinakalat nyong balita tungkol sa anak ko. Alam nyo bang pwede ko kayong kasuhan sa mga paratang nyo na wala naman katotohanan." galet na sabe ng Mommy ni Misha at nagsimula ng mag tanong ang ilang reporters.

"Kung wala palang katotohanan yun bakit hindi kami masagot ng anak mo." mataray na sabe naman ng isang reporter.

"Pagkakamali ko po yun dahil mas minabuti kong manahimik muna kesa sagutin lahat ng mga tanong nyo. Wala po akong boyfriend o rumored boyfriend." sagot ni Misha.

"Pero totoo bang may gusto ka sa isang Gorilla pasensya na yun kasi ang sinabe ng manager mo at totoo rin ba na dahil sa kanya kaya ka magququit sa modelling?" tanong naman ng isang reporter din.

Hindi maiwasan mainis nila Mitsui at Sakuragi sa mga tanong kay Misha. "Hindi po ako nag quit sa modelling dahil kay Akagi nag quit po ako sa modelling kasi hindi na po ako masaya. Gusto ko lang pong linawin sa lahat ng mga taong nandito at mga taong napapanood ako hindi po Gorilla si Akagi at tama po kayo nagdadate kami kung gusto nyo rin malaman kung mahal ko sya opo mahal ko po sya. Alam kong maraming taong magagalit at huhusgahan kaming dalawa pero wala na po akong pakialam dun at sa mga fans at mga kaibigan ko na tanggap kami ni Akagi maraming salamat." naiiyak na sabe ni Misha at hinawakan ni Akagi ang kamay nito.

Natutuwa si Akagi dahil hindi sya kinahiya ni Misha sa publiko.

"Tanggap ka namin Misha at ang lalaking mahal mo." sigaw ng mga fans ni Misha at lalong naiyak si Misha.

"Oo nga kung saan ka maligaya suportanta ka. I love you Misha." sigaw ulit nila.

"Bago namin tapusin tong conference pwede bang mag tanong kami tungkol kay Akagi? Nagustuhan mo ba si Misha dahil sikat sya at maganda o baka dahil mayaman ang pamilya nya. Sorry kung hard ang tanong ko hindi kana man kasi kagwapuhan para mahalin ni Misha." pang iinsultong ng baklang reporter kay Akagi.

"Namumuro na sakin yang baklang yan hah pag di ako nakapagtimpi susungalngalin ko ang nguso nyan." naiinis na sabe ni Kiko.

"Hindi ko sya nagustuhan dahil mayaman ang pamilya nya at lalong hindi ko sya nagustuhan kasi maganda sya. Nagustuhan ko sya kasi mabuti syang tao. Oo tama ka hindi ako kagwapuhan para mahalin nya pero hindi kasi lahat ng tao nakatingin lang sa panlabas ng anyo. I'm sorry to offend you pero mahilig ka siguro sa gwapo. Wag ka maghanap ng gwapo kung sasaktan ka lang dahil sa panahon natin ngayon mas nakakagwapo ang may mabuting puso." seryosong sabe ni Akagi at nagpalakpakan silang lahat.

"Pahiya si bakla." sabe ni Kiko habang tumatawa.

"Tara na Akagi. Maraming salamat sa inyo lahat MAHAL KO KAYO." sabe ni Misha.

"We love you Misha...

Sabay na lumabas si Misha at Akagi na magkaholding hands. Ngayon hindi na nila kailangan magtago sa ibang tao....