webnovel

KABANATA TWENTY-FOUR

Kumalat sa buong campus ang naging interview ni Akagi at Misha kaya naman halos pag usapan sila ng mga estudyante lalo na si Akagi.

"Mukha nga syang Gorilla sa personal...

"Ano kayang nagustuhan ni Misha sa kanya mukha syang nakakatakot hehehe...

"Bagay sya sa zoo....

Hindi nalang pinansin ni Akagi at naglakad nalang sya kasama ang kaibigang si Kogure. "Hindi ka kasi nila kilala kaya nila nasasabe yun." anya ni Kogure at ngumiti nalang si Akagi.

Pagdating nila sa gym agad na nilapitan ni Bruto si Akagi. "Sabe ni coach hindi ka daw muna maglalaro dahil dun sa kumalat na issue nyo ni Misha. Pasensya kana Akagi ako na nagsabe dahil hindi nila kayang sabihin sayo... maaga rin kasi umalis si coach." seryosong sabe ni Bruto at nalungkot naman si Kogure dahil hindi nya makakasama ang kaibigan nyang si Akagi.

"Okay lang. Maraming salamat kunin ko nalang muna yung gamit ko." sabe ni Akagi at pumunta sa locker nya para kunin ang gamit nya.

"Akagi." pagtawag ni Lem kasama si Trig

"Hindi namin alam kung bakit ganun ang naging desisyon ni coach. Kung kami lang masusunod gusto sana namin na makasama kang maglaro kaya lang hindi naman kami ang masusunod. Sorry Akagi alam namin na mahirap para sayo to dahil alam namin kung gaano mo kamahal ang basketball." malungkot na sabe ni Trig.

"Okay lang naiintindihan ko naman kung bakit." sabe ni Akagi na hindi maitago ang lungkot.

"Napanood namin ang interview mo at humanga kami sa pagmamahal mo kay Misha may paninindigan kang tao Akagi. Basta wag mo nalang pansinin yung mga taong mapanghusga kasi hindi yan mawawala." seryosong sabe ni Lem.

Ang buong akala ni Akagi huhusgahan rin sya ng team nya pero nagkamali sya dahil tinanggap sya ng mga ito. "Maraming salamat." wika ni Akagi at niyakap sya ni Trig at Lem.

Nagpaalam na si Akagi sa team nya maging kay Kogure dahil ilang linggo din syang hindi makakapag laro...

Naisip ni Akagi na dalawin ang team ng SHOHOKU dahil namimiss nya ang team nya dati. Pagdating nya sa SHOHOKU nakita nyang naglalaro sila Sakuragi at Rukawa.

Pumasok sa loob si Akagi at tumabi kay Mitsui. "Akagi. Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ni Mitsui.

"Bakit hindi ka nagpa-practice?" tanong ni Akagi at napangiti naman si Mitsui.

"Namiss ko yan captain." sabe ni Mitsui na hindi maitago ang saya na makita ulit si Akagi.

"Namiss ka namin captain." masayang sabe naman ni Ryota.

"Ako hindi." bungad ni Rukawa kasama si Sakuragi.

"Aba Gori anong ginagawa mo rito? Wag mong sabihin nagbubulakbol kana rin." sabe ni Sakuragi at ngumiti lang si Akagi.

"Pagkatapos ng practice nyo gusto nyo bang kumain?" tanong ni Akagi dahil namiss nya talaga ang team nya lalo na si Sakuragi.

"May problema kaba Akagi?" tanong ni Mitsui dahil halatang halata sa mukha ni Akagi na may problema ito.

"Wala." sagot ni Akagi.

"Alam mo Gori kayo ni labo minsan nalang namin makasama hindi na tayo tulad ng dati. Gori ni minsan ba namiss mo ko?" tanong ni Sakuragi.

"Ano bang klaseng tanong yan Hanamichi malamang kaya nga nandito si captain eh." sabat ni Ryota.

"Kung may problema ka wag kang mahiya magsabe Akagi nandito lang kami. Open parin ang SHOHOKU para sayo." sabe ni Mitsui.

Pinipigilan ni Akagi na wag umiyak dahil ayaw nyang mag alala ang team nya sa kanya. "Gori bakit malungkot ka?" tanong ni Sakuragi.

"Hindi ako malungkot sige na tapusin nyo na ang pagpa-practice nyo." seryosong sabe ni Akagi at bumalik na sila sa paglalaro maliban kay Mitsui.

"Bakit nakaupo ka lang dyan?" tanong ni Akagi kay Mitsui.

"Sasamahan kita." ngiting sabe ni Mitsui at napangiti si Akagi.

Nalulungkot si Akagi at nasasaktan pero nawala yun ng makita nya ang team nya dati.