webnovel

KABANATA SEVENTEEN

Nagsimula na ang laro at natutuwa si Lem ng makaharap nya ang MVP na si Hisashi Mitsui.

"Teka nga pogi bakit si Mitchi ang binabantayan mo ayaw mo ba sa henyo?" tanong ni Sakuragi kay Lem.

"Hehehe." ngumiti lang si Lem at tumingin kay Mitsui.

"Hindi kaya crush nya si Mitchi kanina pa to ngiti ng ngiti kay Mitchi." bulong ni Sakuragi.

"Hoy bantayan mo yun." utos ni Rukawa sabay tulak kay Sakuragi.

Binantayan ni Ryota si Trig ang point guard ng team. Binantayan naman ni Rukawa si Bruto at binantayan ni Sakuragi si Mack.

"Kung hindi mo nalalaman ako ang ACE Player namin kaya siguradong wala kang panama sa galing ko Mitsui." mayabang na sabe ni Lem

"Ano naman ngayon kung ACE PLAYER ka. Makikita natin yan." sabe ni Mitsui.

Dahil na kay Miyagi ang bola hindi nya maipasa kay Mitsui o Sakuragi dahil mas matangkad sa kanya si Trig. "Anong gagawin mo?" mahinang sabe ni Trig.

"Kung hindi ko sya maipapasa ako nalang ang gagawa ng paraan para maka score kami." seryosong sabe ni Miyagi.

Dali dali nag dribble si Miyagi para pumunta sa ring ng madali syang abutan ni Trig at Bruto. "Sige kulotskie." sigaw ni Sakuragi.

Namangha sila coach Mehiko at maging sila Lem ng mag fake si Miyagi at maishoot nito ang bola. "Wala sa tangkad yan." ngiting sabe ni Miyagi at nainis naman si Trig.

"Paano ba yan naka score na kami baka mamaya lang tambak na kami." mayabang na sabe ni Mitsui kay Lem.

"Napaka yabang mo talaga kaya gusto kita eh hehehe." ngiting sabe naman ni Lem.

"Ang galing naman nya." namamangha na sabe ni Kiko.

Nanonood lang si Kogure at Akagi pero natutuwa sila na hindi nagpapatalo ang team ng SHOHOKU.

Nagulat sila Misha ng makitang nagpuntahan lahat ng estudyante para makita ang laro nila Rukawa. "Ang gwapo." tilian ng mga babae.

"Anong pangalan ng pula ang buhok ang cute cute nya....

"Ako ba ang tinutukoy mo miss?" tanong ni Sakuragi sabay ngiti.

"Bumalik ka dun." utos ni Akagi na naiinis kay Sakuragi.

"Sandali lang Gori hindi mo ba narinig ang sinabe nya ang cute cute ko daw." sabe ni Sakuragi sabay ngiti sa dalaga.

"Hay naku." napapabuntong hininga ni Rukawa saka naupo sa tabi ni Kiko.

"Ayoko na mag laro alam ko naman panalo na kami." mayabang na sabe ni Mitsui at nilapitan si Liezel.

"Mitsui baka nakakalimutan mo kaya tayo nandito para kay Kogure." bulong ni Ryota.

"Alam ko yun kaya nga tinabihan ko si Liezel eh." mahinang sabe ni Mitsui na nagpapacute kay Liezel.

"May problema ba?" tanong ni Liezel.

"Ah wala naman. Ahm kilala mo naman siguro si Kogure di ba. Alam mo napaka bait at napakatalino nun hindi lang matalino masipag pa." sabe ni Mitsui

Hindi naman mapakali si Kogure dahil nahihiya sya kay Liezel. "Nakalimutan ko may klase pa pala ako." sabe ni Kogure at hinawakan ni Sakuragi ang kamay nya.

"Labo wag kang torpe nandito na tayo. Aminin muna sa kanya na gusto mo sya kung ayaw mong ako ang magsabe." seryosong sabe ni Sakuragi.

"Nasabe ko na ang bagal nya eh." singit sa usapan ni Rukawa at lalong nahiya si Kogure.

"Totoo ba Kogure na gusto mo ko?" tanong ni Liezel at namula naman si Kogure.

"Ano kasi." nauutal na sambit ni Kogure na hindi makatingin kay Liezel.

"Wala naman masama kung magustuhan mo ko pero hindi ko alam kung kaya ko bang suklian yun ngayon. Willing kabang maghintay hanggang sa makagraduate tayo?" tanong ni Liezel.

"Ano labo willing kaba?" tanong ni Sakuragi.

"Paano sasagot sinasakal mo." sabe ni Ryota at binitawan ni Sakuragi si Kogure.

"Oo naman willing ako." nahihiyang sabe ni Kogure.

"Ang pogi naman ng mga kaibigan mo Akagi." sabe ni Kate na nakatingin kay Rukawa at Mitsui.

"Thank you sa compliment." ngiting sabe ni Mitsui.

"Hindi ikaw yun ako ang sinabihan nyang pogi." sagot naman ni Rukawa.

"Pwede ba umuwi na kayo." naiinis na sabe ni Akagi.

"Bakit hindi muna sila kumain bago umuwi." sabe ni Lem.

"Napakabait mo pogi. Ililibre mo ba kami? Ang totoo wala kaming dalang pera." sabe ni Sakuragi at inakbayan si Lem.

"Napaka ano talaga ni HANAMICHI walang pinipili." bulong ni Ryota.

"Okay lang yun wala rin naman kasi akong dalang pera." natatawang sabe ni Mitsui.

"Sige libre ko kayo pero sa isang kundisyon ituloy natin ang laro okay ba yun?" sabe ni Lem.

"Sakin okay lang." sagot ni Rukawa.

"Sakin din hehehe." ngiting sagot naman ni Ryota.

"Pag iisipan ko." inis na sabe ni Mitsui.

"Sige Mitchi bahala ka magutom dyan tara na pogi ilibre muna kami." sabe ni Sakuragi habang naka akbay kay Lem.

"Pwede sama ako Rukawa." sabe ni Kiko.

"Sumama ka hindi naman ako manlilibre." sagot ni Rukawa.

"Nakakatuwa naman sila." sabe ni Misha kay Akagi ng silang dalawa nalang maiwan sa gym.

"Anong nakakatuwa dun. Nakakahiya kamo mga ginagawa nila." sabe ni Akagi na hindi maiwasan mainis.

"Kung magkakaroon ako ng kaibigan sana katulad nila. Yung hindi kayang makipag plastikan sa ibang tao. Sa totoo lang mahirap makahanap ng kaibigan na totoo." sabe ni Misha.

"Sabagay...

Ngumiti nalang si Misha at sumama na kanila Sakuragi para kumain sumunod naman si Akagi at sabay silang lumabas ng gym.