webnovel

KABANATA EIGHTEEN

"Ah Akagi pupuntahan ko lang sandali ang manager ko nandito daw kasi sya." nahihiyang sabe ni Misha.

"Sige sasamahan na kita....

"Hindi na Akagi sumama kana kanila Lem para kumain. Nakakahiya naman kasi baka hanapin ka nila." sabe ni Misha.

"Hindi naman ako gutom sasamahan nalang kita." seryosong sabe ni Akagi.

Sinamahan nga ni Akagi si Misha at hindi nya akalain na mataray pala ang manager nito. "So totoo pala yung kumakalat na chissmiss ngayon." nakataas ang kilay na sabe nito habang masama ang tingin kay Akagi.

"Chissmiss? Anong chissmiss?" tanong naman ni Misha.

"Na may nagugustuhan ka daw. Misha ok lang naman sakin na magmahal ka pero sana dun sa may itsura. Ayaw mo naman siguro masira ang image mo dahil lang sa lalaki." sabe nito na ang tinutukoy ay si Akagi.

"Alam mo na pala. Oo totoo na may nagugustuhan ako at kasama ko sya ngayon. Akagi sya si Winona ang manager ko." pakilala ni Misha.

Magsasalita na sana si Akagi ng magsalita si Winona. "My god Misha ano bang nangyayare sayo. Alam mo maganda ka matalino at higit sa lahat mabait pero ang di ko maintindihan bakit dito sa lalaking to pa nagkagusto ka. Ano nalang sasabihin ng fans mo." pang iinsultong sabe ni Winona kay Akagi.

Masakit man pero tinanggap ni Akagi ang lahat ng panglalait ni Winona sa kanya. "May photo shoot ka bukas sa Las Vegas at kung pwede ngayon palang itigil mo na yang kalokohan mo kung ayaw mong masira ng maaga yang image mo Misha." mataray na sabe ni Winona saka umalis.

"Tama naman ang manager mo." nasasaktan na saad ni Akagi.

"Alam mong hindi yun tama. Hindi rin tama na laitin ka nya at lalong hindi tama na diktahan nya kung sino ang lalaking dapat kong mahalin. Hindi ko itutuloy ang photo shoot sa Las Vegas kapag hindi sya pumayag na hindi kita kasama." sabe ni Misha at hinawakan ang kamay ni Akagi.

"Nagkamali siguro ako ng umamin ako sayo. Siguro nga dapat hindi ko yun ginawa." seryosong sabe ni Akagi at nasaktan naman si Misha.

"Ano bang sinasabe mo Akagi wag mong sabihin na...

"Ayokong masira ang image mo ng dahil sakin. Ayokong mawala ang career mo na matagal mo ng pinangarap. Misha gusto kita pero magkaiba ang mundo nating dalawa hindi ka para sakin at lalong hindi ako para sayo." sabe ni Akagi at bumitaw sa pagkakahawak ni Misha.

"Goriiii....

Hindi na nakasagot si Misha ng biglang dumating sila Sakuragi kasama sila Lem. "Bakit hindi kayo sumunod ang dami pa naman inorder ni Lem." sabe ni Kogure.

"Pasensya na kung hindi na kami nakahabol may kinausap kasi ako at sinama ko si Akagi." paliwanag ni Misha.

"Ganun ba ayos lang yun basta ikaw." nagpapacute na sabe ni Lem kay Misha.

"Gori sabay na tayo umuwe may lakad kasi si Mitchi at si Kulot tapos may date naman si Rukawa." sabe ni Sakuragi.

Hindi naman nagsalita si Akagi at naglakad na. Hindi na ito nagpaalam sa team sumunod naman sila Sakuragi at Kogure para sumabay kay Akagi pauwe.

"Kanina kapa tahimik dyan Gori ano bang problema mo?" tanong ni Sakuragi.

"Oo nga Akagi may problema kaba?" tanong naman ni Kogure.

"Siguro pinoproblema mo yung magandang babae. Ano Gori nakaisa kaba kaya di ka sumama samin hihihi." humagikgik na sabe ni Sakuragi.

"Pwede ba tumahimik kana lang at wag mo kong kausapin." naiinis na sabe ni Akagi kay Sakuragi.

"Kung ganun sya nga ang pinoproblema mo." wika ni Kogure at masama syang tinignan ni Akagi.

"Ikaw Gori masyado kang malihim. Wag mong kimkimin ang problema mo hindi yan makakabuti sayo lalo na tumatanda kana gusto mo ba matulad kay lolo may maintenance na." sabe ni Sakuragi at natawa naman si Kogure.

"Hindi ba Akagi mas matanda ka kay Maki bakit ikaw wala pang maintenance." takang tanong ni Kogure at lalong nainis si Akagi.

"Aba oo nga noh kaya siguro high blood ka Gori." sabe ni Sakuragi sabay tawa.

"Sakuragi." pagtawag nila Mito.

"Sige Gori at labo dito na ako." sabe ni Sakuragi at sumama na kanila Mito.

"Wala na si Sakuragi baka gusto mong mag kwento." seryosong sabe ni Kogure at napahinto sa paglalakad si Akagi.

Pumunta ang dalawa sa park at doon nag usap. "Hindi ko alam kung tama bang palayuin ko sya o tama bang ipaglaban ko sya." sabe ni Akagi.

"Mahal mo?" tanong ni Kogure at tumango naman si Akagi bilang sagot.

"Siguro kung ako nasa kalagayan mo hindi ko hahayaan na lumayo sya sakin lalo na kung mahal ko sya." sabe ni Kogure.

"Sikat si Misha at maganda Kogure masisira image nya dahil sakin kapag pinag laban ko sya." wika ni Akagi.

"Ano naman kung sikat sya. Akagi kung talagang mahal mo sya wala kang pakialam sa sasabihin ng ibang tao sa inyo kasi hindi naman sila ang importante kundi kayo. Kung natatakot ka na baka masira image ni Misha mas matakot ka kapag tuluyan syang nawala sayo. Ikaw na rin nagsabe na sikat si Misha at maganda." paliwanag ni Kogure.

"Ganun din ba ang gagawin mo kay Liezel?" tanong ni Akagi at namula si Kogure.

"Hindi naman ako gusto ni Liezel kaya hindi ko sya pwedeng ipaglaban. Magkaiba tayo ikaw gusto ka ng babaeng gusto mo ako hindi." malungkot na sabe ni Kogure.

"Parang hindi naman yun ang narinig kong sinabe nya. Parang ang sabe nya willing kabang hintayin sya." sabe ni Akagi at napangiti si Kogure.

"Oo pero balak nyang mag aral sa abroad tatapusin lang nya itong semester tapos dun na sya mag aaral ng Law." sabe ni Kogure na hindi maiwasan malungkot.

"Hay....

"Hay...

Napabuntong hininga nalang ang dalawa habang nakatingin sa langit.

Alam ni Kogure na hindi na babalik si Liezel sa oras na umalis na ito kaya sinusulit nalang nya ang panahon na kasama ang dalaga. Naisip naman ni Akagi na tama ang kaibigan nyang si Kogure na kailangan nyang ipaglaban si Misha dahil mas natatakot syang mawala ito.