webnovel

KABANATA FOUR

Natapos ang klase ni Misha at dumiretso sya sa gym. Nakita nyang nakatayo si Akagi at walang kasama. Hindi tuloy maiwasan ni Misha na tignan si Akagi dahil seryoso lang ito habang nakatingin sa mga players na nagpa-practice.

"Wala syang kaibigan mas gusto nyang mag isa o baka naman ayaw lang nya makihalubilo." sabi ni Misha sa sarili habang nakatingin kay Akagi.

"Kanina kapa namin nakikita na nakatayo sa labas balak mo bang sumali sa team?" tanong ng matangkad na lalaki kay Akagi.

"Anong pangalan mo? Ang tangkad mo pwedeng pwede kang maging centro." sabi naman ng isang lalaki kay Akagi.

"Takenori Akagi." pagpapakilala ni Akagi.

"Ako ang team captain tawagin mo na lang akong Bruto." ngiting sabi nito.

"Ako naman si Trig ang point guard ng team. Ang totoo kulang kami sa magagaling na players kaya nga hindi nakapasok sa eliminations ang team. Isa pa halos lahat nag quit na ilan na lang ang nanatili." nalungkot na sabi ni Trig.

"Ano bang kaya mong gawin?" tanong ni Bruto..

"Pwede ba akong pumasok at pwede ko rin ba ipakita sa inyo ang kaya kong gawin." seryosong sabi ni Akagi.

"Oo naman halika habang wala pa si coach." sabi ni Trig..

Hindi akalain ni Misha na madaling makakasundo ni Bruto at Trig si Akagi. "Mukha lang syang masungit pero friendly naman pala." sabi ni Misha habang nakatingin kay Akagi.

Ibinigay ni Bruto ang bola kay Akagi at pinakita ni Akagi ang kaya nyang gawin. "Ang astig nun ang galing...

"Sumali ka sa team." natutuwang sabi ni Trig..

"Hindi puro taas ang kailangan namin dito baka mamaya magaling lang yan kumuha ng rebound pero hindi naman nya kayang tumira sa ilalim. Marunong kaba mag jump shot o kaya tumira ng 3 points?" tanong ng lalaki na kasing taas ni Rukawa at Sendoh.

"Kaya ko." sagot ni Akagi.

"Pasensya kana kay Lem sya kasi ang ACE PLAYER ng team magaling sya mag laro kahit saan mo papwestuhin yun nga lang mayabang." mahinang sabi ni Trig.

"Okay lang." sabi ni Akagi at tumingin kay Lem.

Ipinakita ni Akagi na hindi sya basta basta player lang... kaya pinakita nya lahat ng alam nya. Namangha naman si Lem kay Akagi ganun din si Misha. "Ang galing pala nya mag laro." sabi ni Misha..

"Siguro naman sapat na yun para tanggapin natin sya sa team." ngiting sabi ni Trig kay Lem.

"Hindi naman ako magdedesisyon nyan si coach parin pero kung ako tatanungin mo magaling ka nakuha mo tiwala ko." sabi ni Lem kay Akagi.

"Akagi." sigaw ni Kogure.

"At sino naman sya?" tanong ni Trig.

"Kiminobu Kogure po." pagpapakilala ni Kogure.

"Parang nakita na kita hindi ko lang matandaan. Hindi ba player ka ng SHOHOKU isa pa kaibigan mo rin si Mitsui ang MVP shooter tama ba?" tanong ni Lem kay Kogure.

"Sa SHOHOKU rin ako nag aral di nya ako nakita dun." sabi ni Akagi sa sarili.

"Oo tama po kayo." sagot ni Kogure.

"Kung ganun pala magaling ka dahil sa SHOHOKU ka nag aral. Isa si Hisashi Mitsui na hinahangaan ko tska yung may pulang buhok na player nyo nasaan na sila sa SHOHOKU parin ba?" tanong ni Lem.

"Opo." nahihiyang sagot ni Kogure.

"Kung ganun manlalaro ka pala ng SHOHOKU hindi mo na kailangan ipakita ang kaya mo dahil pasado kana." sabi ni Bruto at natuwa naman si Kogure.

"Si Akagi sa SHOHOKU rin po nag aral kasama po sya sa MYTHICAL FIVE ng makapasok ang SHOHOKU sa national tournament." seryosong sabi ni Kogure.

"Bakit sinabi mo pa." naiinis na sabi ni Akagi kay Kogure.

Lalong namangha si Misha kay Akagi ng malaman na kasama pala ito sa mythical five. "Ibig sabihin sobrang galing pala nya mag laro." sabi ni Misha na humahanga kay Akagi.

"Talaga? Kasama ka sa MYTHICAL FIVE kung ganoon bakit dito mo naisipan mag aral?" tanong ni Lem.

"Dahil gusto kong palakasin ang team nyo at maging number one sa JAPAN ang school natin." seryosong sabi ni Akagi..

"Ikaw pala si Takenori Akagi hindi kita namukaan." sabi ni Lem at ngumiti kay Akagi.

"Bakit wala naman nagbago sa itsura nya sya parin naman yung gorilla hahaha." natatawang sabi ni Mack na kasing kulit ni Sakuragi.

"Hindi ako nagsabi nyan." sabi ni Lem habang pinipigilan ang tawa.

"Ayos lang sanay na ako." sabi ni Akagi na seryoso ang mukha.

"Wala kasi si coach hindi namin alam kung darating ba sya kasi may emergency na nangyare pero malaki ang pag asa nyo na makapasok sa team." sabi ni Bruto kay Akagi at Kogure.

"Bukas pumunta kayo rito ng 10:00 AM nandito na si coach nun ayaw ni coach ng late kaya wag kayong darating ng 10:30 dahil hindi na kayo kakausapin nun." seryosong sabi ni Lem.

"Maraming salamat po." sabi ni Kogure at yumuko silang dalawa ni Akagi.

"Ako nga pala si Mack ang super rookie ng team namin hindi lang halata hahaha." mayabang na sabi ni Mack.

"Tumigil ka hindi ikaw ang rookie ako." sabi ni Trig..

"Sige mag away kayo pag uuntugin ko kayo." sabi naman ni Bruto.

"Naalala ko ang team natin." mahinang sabi ni Kogure kay Akagi.

"Oo nga." sang ayon ni Akagi.

"Nakikita mo yung Lem para syang si Sendoh akala ko nung una para syang si Rukawa pero nung kinausap nya tayo nakita ko yung ugali ni Sendoh sa kanya." sabi ni Kogure.

"Kaso mayabang." sabi ni Akagi habang nakatingin kay Lem..

"Wala parin yayabang kay Hanamichi Sakuragi hehehe." ngiting sabi ni Kogure.

Palabas na ng gym si Kogure at Akagi ng tignan ni Akagi ang gawi ni Misha. "Nakatingin sya sakin." sabi ni Misha sa sarili habang nakatingin din kay Akagi.

"Bakit Akagi?" tanong ni Kogure.

"Wala tara na." sagot ni Akagi saka naglakad na.

Hindi alam ni Akagi kung si Misha nga ba ang babaeng binigyan nya ng bulaklak. "Sya ba yun hindi ata nagbago yung mukha namamalikmata ata ako." sabi ni Akagi sa sarili.

"Bakit parang lalim ng iniisip mo?" tanong ni Kogure.

"Wala naman. Naalala mo ba yung babaeng model sya ba yung nakatingin satin kanina o nagkakamali ako." tanong ni Akagi kay Kogure.

"Si Misha yun nagpa gupit lang ng buhok kaya siguro di mo namukaan. Lalo syang gumanda kaya siguro tinignan mo hehehe." ngiting sabi ni Kogure.

"Hindi ako nakatingin sa kanya." sabi ni Akagi at natawa naman si Kogure.

"Hindi ka nga nakapag lakad kanina kasi nakatingin ka sa gawi nya. Ano Akagi type mo hehehe." sabi ni Kogure habang natatawa.

"Wala sa isip ko yan hindi ko lang talaga sya namukaan kaya tinignan ko pero di ko sya type." seryosong sabi ni Akagi..

"Di mo type ang mga ganung kagandang babae? Kung ako siguro ang gusto nun pwede na mukha naman syang mabait kaso malabo pansinin tayo nun model sya tayo simpleng tao lang hehehe." ngiting sabi ni Kogure at natawa na lang si Akagi.