webnovel

KABANATA FIVE

"Fafa Akagi." tawag ni Kiko.

Natatawa si Kogure dahil hindi na maipinta ang mukha ni Akagi ng makita nya si Kiko na may dalang pagkain. "Fafa Akagi wag mo naman ako dedmahin alam mo nasasaktan ang heart ko." sabi nito saka humawak sa braso ni Akagi.

"Kiko para kay Akagi ba yan?" ngiting tanong ni Kogure.

"Oo para sa kanya to. Alam mo ba fafa Akagi wala akong ibang iniisip kundi ikaw wag mo naman sana akong dedmahin mabait naman ako eh." nakangusong sabi ni Kiko.

"Alam mo Kiko kung babae ka lang okay sana pero lalaki ka at lalaki ako naiintindihan mo ba? Kung gusto mo na wag kitang dedmahin tigilan mo kakatawag ng fafa Akagi sakin." seryosong sabi ni Akagi kay Kiko saka tinanggal ang kamay ni Kiko sa braso nya.

"Sorry na Akagi sige hindi ko na ipipilit ang sarili ko sayo pero pwede ba akong maging kaibigan nyo ni Kogure." ngiting sabi ni Kiko.

"Sige friends lang hah." sabi ni Akagi at ngumiti naman si Kogure.

"Thank you fafa Akagi I love you." sabi ni Kiko saka kiniss si Akagi sa pisngi.

"Babanatan na kita eh." galit na sabi ni Akagi saka tumakbo si Kiko.

"Ang sweet ni Kiko sayang lalaki sya hehehe." ngiting sabi ni Kogure..

"Wag muna babanggitin ang baklang yun baka masuntok ko lang yun." naiinis na sabi ni Akagi.

"Sino si Kiko." nang aasar na sabi ni Kogure.

"Sige una na ako." sabi ni Akagi saka nagpaalam kay Kogure.

Mag isang umuwi si Akagi dahil may research na gagawin si Kogure. Nakita naman nya si Misha na nakatayo na parang may hinihintay...

"Bakit ba lage ko nakikita ang babaeng to." sabi ni Akagi sa sarili saka nag lakad na at di na lang pinansin ang dalaga...

"Takenori Akagi." tawag ni Misha.

Nagulat si Akagi dahil buong pangalan ang tinawag sa kanya ni Misha. "Pauwi kana ba?" tanong ni Misha.

"Oo." tipid na sagot naman ni Akagi.

"Gusto mo sabay na tayo hinihintay ko lang yung driver ko iddrop kita hanggang sa inyo." ngiting sabi ni Misha.

"Hindi na kailangan.... kaya ko mag isa umuwi." sagot ni Akagi.

"Misha...

"Misha pa autograph...

Pinagkaguluhan ng mga kalalakihan at kababaihan si Misha kaya naman umalis na si Akagi. "Akagi." tawag ni Misha.

Alam ni Akagi ang gustong ipahiwatig ni Misha kaya naman kinuha nya ang kamay ni Misha saka inilayo sa mga fans nito. "Thank you ayoko na madumog araw araw na lang ganun. Ang hirap naman tumanggi." nahihiyang sabi ni Misha.

Hindi nag salita si Akagi kaya naman ngumiti na lang si Misha. "Pasensya kana sakin kundi dahil sakin naglalakad kana siguro pauwi. Ahhm galit kaba?" tanong ni Misha.

"Hindi." tipid na sagot ni Akagi.

Nagulat si Misha ng ibigay ni Akagi ang sumbrero nya. "Gamitin mo para hindi kana nila makilala. Uuwi na ako ayoko rin awayin ako ng mga fans mo." sabi ni Akagi..

"Akagi sandali lang. Ano kasi pwede ba tayo maging magkaibigan kung okay lang sayo?" nahihiyang tanong ni Misha.

Ngumiti lang si Akagi saka naglakad na. Hindi man nagsalita si Akagi alam ni Misha na pumayag na ito na maging magkaibigan sila.

"Bakit kaya gusto nya maging kaibigan ang isang katulad ko. Napaka ganda nya para kaibiganin ang isang katulad ko." sabi ni Akagi sa sarili habang naglalakad sya.

"Gusto pa kitang makilala Takenori Akagi." sabi ni Misha sa sarili habang nakatingin sa papalayong si Akagi.

Hindi naman makapag focus si Kogure dahil iniisip nya kung tatanggapin ba sila ni coach Mehiko sa team. "Hi." bati ng babae kay Kogure...

"Hi din." sabi ni Kogure.

"Ikaw ba si Kogure? ikaw kasi ang kasama ko sa research. Pasensya na kung ngayon lang kita nakilala katatapos lang kasi ng defense ko finally success naman kaya di na ako problemado sa thesis ko." ngiting sabi ni Liezel..

"Congrats ikaw anong pangalan mo?" tanong ni Kogure.

"Liezel. Ano simula na tayo para makauwi kana rin." sabi ni Liezel.

"Napaka ganda naman nito napaka bait pa at pareho pa kaming naka salamin." ngiting sabi ni Kogure sa sarili.

"Bakit ka nakangiti?" tanong ni Liezel.

"Wala naman sige start na tayo." sabi ni Kogure na hindi na makapag focus sa ginagawa dahil sa ganda ni Liezel.

__________

KINABUKASAN maagang pumasok si Akagi para mag tungo sa gym. Nakita nya na nandun na si coach Mehiko...

"Wag ka mag alala hindi kapa late." bungad ni Trig at Bruto.

Sabay sabay silang pumasok sa gym at nagulat si coach Mehiko ng makita si Akagi. "Coach sya si Takenori Akagi balak nyang sumali sa team natin pati narin si Kogure. Alam nyo coach pareho silang magaling at galing rin sila sa SHOHOKU." sabi ni Trig..

"Well kung ganun magpa register kana. Nasaan si Lem?" tanong ni coach Mehiko.

"Malalate daw sya coach kasi may thesis daw sya." sabi ni Mack.

"Thesis? Nakita ko kanina sa labas may kahalikan na babae." sabi ni Bruto at tumawa naman si Mack.

"Lokong bata yun babaero talaga." sabi ni coach Mehiko na naiinis kay Lem.

"Yare ka captain sinabi mo." bulong ni Mack kay Bruto

"Okay lang yun para magtanda magaling nga mag basketball magaling rin magpaikot ng babae." natatawang sabi naman ni Trig.

"Sya nga pala pansamantala lang na gagawin kong manager si Misha dahil wala si Lalaine may emergency kailangan nya pumunta ng SPAIN." seryosong sabi ni coach Mehiko.

Nagtaka naman si Akagi kung sino si Lalaine. "Si Lalaine ay manager ng team si Misha naman pamangkin ni coach Mehiko maganda yun sobra." sabi ni Trig kay Akagi.

"Si Misha yun ba yung model?" tanong ni Akagi kay Trig.

"Oo bakit kilala mo? Fan ka rin ba nya hehehe." ngiting sabi ni Trig.

"Hindi." tipid na sagot ni Akagi.

Dumating naman sa gym si Kogure na kasama si Liezel kaya nagtataka si Akagi kung sino ang babaeng kasama ni Kogure...