webnovel

17th Dilemma

CHIHIRO

ISANG nakakabasag-ulong sakit ang nakapagpabangon sa akin. Paglingon ko sa aking paligid, laking taka ko na nandito ako sa isang sofa ngunit may isang bagay ang hindi tama sa mga sandaling ito — hindi ito ang boarding house na tinutuluyan ko!

Mabilis kong kinapa ang aking sarili. Bukod sa nanghihina pa ako at may hilo pang nararamdaman, hindi ko lubos matukoy kung may nangyaring hindi kaaya-aya sa akin kagabi. Wala akong maalala. Napakasakit ng ulo ko maging ang buo kong katawan.

Muli akong napasuri sa kabuuan ng lugar. Malamang ay nasa sala ako ng kung sino mang nagmamay-ari ng bahay na ito. Malinis at maayos ang lahat. Halatang mayaman din ang may-ari dahil napaka-sosyal ng mga kagamitan. Pero ang tanong: Kaninong bahay ito?

"Si Shimada-san ang huli kong nakasama kagabi," halos pabulong kong wika sa sarili. Nilinga ko ang bawat sulok ng bahay at nagsimula akong kabahan. "Hindi kaya…" Para akong mawawalan ng ulirat sa naiisip kong posibilidad. Wala namang masakit sa bandang likuran ko ngunit hindi ko maiwasang mag-alala.

"I see that you're up already." Kamuntik na akong mapatalon sa sobrang gulat nang may nagsalita sa likod ko.

"Shimada-san?!" bulalas ko bago napalunok at prantik akong napatingin sa direksiyon n'ya.

Napangisi ang lalaki sa nakakahiya kong reaksiyon. "Relax. It's just me," pagpapakalma nito sa 'kin.

Muli akong napalunok. "A-ano'ng nangyari sa akin, Shimada-san?"

"You're asking me that now?" sarkastiko n'yang baling habang tumatawa nang pagak.

Napangiwi ako. "Pasensiya na po sa abala," pagpapaumanhin ko sabay bumalikwas ng tayo. "Wala akong maalala matapos akong mawalan ng malay. Patawad kung naistorbo kita! Pero nagmamakaawa po ako na huwag n'yo po sana akong tanggalin sa trabaho!"

Hindi siya kaagad sumagot kaya naman naiyak ako. Hindi pa sapat ang naipon ko para suportahan ang panganganak ni Aki-san. Kahit alam kong kaligtasan ko ang nakataya dito, handa akong tiisin at kayanin ang lahat para sa kanya!

"I'm curious. Why is an Omega like you striving this hard? What are your reasons?" bigla n'yang tanong.

"Eh…?" lutang ko namang sagot.

"You're obviously a free Omega. When I checked on you last night, you didn't have the mark of an Alpha. Why are you freely exposing yourself in this kind of work? You are aware of the consequences, right?"

Naikuyom ko ang mga kamay ko. "Batid ko. Pero kailangan ko ang pera. Kai—"

"I know that it's not the money that you're after," putol n'ya sa akin kaya napasinghap ako. Naglakad siya at naupo sa kabilang sofa. Pasimple nitong pinulot ang isang pakete ng sigarilyo at nagsindi siya ng isa, bumuga ng usok saka nagpatuloy sa pagsasalita, "Who are you?"

Pakiramdam ko naman ay umatras ang dila ko sa tanong n'yang iyon. Bakit interesado siya sa pagkatao ko? Sino ba itong si Shimada-san? Kamag-anak kaya talaga siya ni Kazuki-san? Pero isa lang ang masasabi ko sa lalaking kaharap ko ngayon — nakakatakot siya!

Napalunok ako bago kabadong sumagot, "Hanamichi Chihiro… desu." Halos mabulol pa ako sa huli sa tindi ng tibok ng puso ko ngayon.

Para namang matatanggal ang baga ko nang malanghap ko ang usok na nagmumula sa kanyang sigarilyo. Kita nito ang pagngiwi ng mukha ko pero pinili n'yang huwag iyong pansinin at muli akong inusisa. "Wala akong kilala na mga Hanamichi. You must be new to the construction site but I can't help but think that you have a familiar scent lingering all over you," aniya sa napakaseryosong ekspresiyon.

「Familiar scent? Ang heat scent ko ba ang tinutukoy n'ya?」 Wika ko sa isipan. Imposibleng pamilyar siya sa akin dahil ngayon lang kami nagkakilala.

"A-anong ibig mong sabihin, Shimada-san?" nahihiya kong tanong. Titig na titig pa rin siya sa akin sa mga sandaling ito. Ito ang unang pagkakataon na takot na takot ako sa isang Alpha.

Hindi siya kumibo. Bagkus ay bahagya n'yang iniwas ang tingin sa akin pero kaagad din ibinalik at sa bawat segundong lumilipas ay dama ko ang kanyang Alpha pheromones na unti-unting binabalot itong buong bahay. Para bang hinay-hinay n'ya akong kinukulong sa loob! Hindi ko ito nasagap noong kasagsagan ng heat ko kagabi kaya naman hindi ako mapakali at gusto ko na lang umalis dito pero hindi ko magawa. Kusang nanghihina ang katawan ko.

「Ganito pala ang pakiramdam kapag kaharap mo ang isang dominant Alpha? Sobrang nasanay na ako kay Sensei noon kaya naging kampante ako masyado. Hindi ko akalain na darating ang araw na masasabi kong nakakatakot pala maging isang Omega.」

"Hey, why are you trembling? It's not like I'm violating you or something," tila mangha nitong turan nang mapansin n'ya ang kasalukuyang kalagayan ko ngayon.

「Wala ka ngang ginagawa sa 'kin pero kusang nagre-react ang Omega instincts ko sa Alpha pheromones mo!」 Inis kong isip-isip. Ayoko nang magtagal pa dito. Gusto ko nang umuwi at mahagkan si Aki-san.

Hindi ko na namalayan na nakalapit na pala si Shimada-san sa akin. Sa sobrang pagka-distract ko ay hindi ko na napansin ang ilang pulgadang distansiya ng aming mga katawan. Mabilis akong napaigtad palayo ngunit nagawa n'ya akong hawakan sa kanang braso at puwersahang hinila palapit sa kanya, kaya naman nagtama ang aming mga dibdib. Kaagad na nag-init ang katawan ko sa magkahalong kaba at hiya. Nakita iyon ng lalaki at napangisi siya at lalong lumalim ang kanyang interes.

"Like I've said, it's rare to see large types of Omegas like you," pabulong n'yang saad sa kaliwa kong tainga kasabay ng paghigpit ng hawak n'ya sa braso ko. Halos magkasinglaki lang ang mga katawan namin pero hindi ko siya magawang itulak palayo kagaya ng ginawa ko kay Arisawa-san noon. "I wonder if your tough look matches you down here." Pagkasabi n'ya n'yon ay bigla n'ya akong hinipo sa aking likuran. Mabilis na dumilim ang paningin ko at sa isang iglap ay nagawa kong pigilan siya sa kanyang ginagawa at galit na itinulak siya sa pader dahilan upang mapaungol siya sa sakit na natamo ng kanyang likod. "Fuck," mahina n'yang mura habang nakangisi nang malapad.

"Huwag na huwag mong mamaliitin ang pagkatao ko!" singhal ko sa kanya at mas lalong idiniin ang pagkakatulak ko sa kanya.

"Heh. And here I thought that I would like to tease you a little bit. I give up so you can let go now," aniya na parang natawa pa sa tindi ng naging reaksiyon ko.

Kaagad ko naman siyang binitawan at dumistansiya sa kanya ng ilang metro bago ko siya sinagot, "Hindi ko basta-bastang ibibigay sa isang katulad mo ang sarili ko. Isa nga akong Omega at marami akong kahinaan pero nangako ako na poprotektahan ko ang taong mahal ko anumang mangyari."

"Stop being so dramatic," pabalang n'yang tugon bago ito naupo ulit sa sofa. "You reek of someone else's pheromone."

"Huh?"

Nagtaas siya ng kilay. "What? You didn't know?" hindi makapaniwala nitong wika.

"Hindi kita maintindihan," ani ko.

Napabuntonghininga siya sa pagkadismaya. "You went all the way here, had your heat in a public place, and you're not even a bonded Omega and you are saying that you have no idea that you were temporarily marked? How laughable."

"Temporarily marked? Ngayon ko lang narinig ang tungkol diyan," pag-aamin ko. Medyo kumalma na ang aura ng kausap ko kaya nawala na rin ang takot na nararamdaman ko.

"Seriously? I bet you were overly pampered by your parents then," hinuha n'ya. At hindi siya nagkakamali doon. "Temporary marks can only be done by Alphas who are possessive towards their Omegas. An Alpha leaves behind his scent on his Omega, sending warning signals to other Alphas to not touch his possession. There are many reasons why Alphas do this, though. It is either he can't bond with that Omega or would want to own multiple Omegas but have no plans on making them his mates. Either way, this is only effective on Alphas and Omegas who are not yet mates."

Literal akong napanganga. "Posible kaya na minarkahan ako ni Aki-san… para maprotektahan ako laban sa ibang Alphas?" Saad ko sa kawalan.

"Aki-san? Is that your Alpha's name?" interesadong tanong ni Shimada-san.

Masaya naman akong napatango sabay nag-blush. "Mm!"

"I see. But the way you reacted earlier, I wonder if your Alpha was unaware that he marked you," aniya. "You seemed really vulnerable since last night. Thanks to his pheromones, I couldn't do anything to you. But setting that side, I don't really get affected by Omega heats that much."

"Kaya pala hindi ko rin gaanong naamoy ang pheromones mo kahit na napakalapit mo sa akin," ani ko sabay iwas ng tingin.

"Aki-san…?" muli n'yang sambit kaya napatingin ako sa gawi n'ya. "Are you perhaps pertaining to Izumi Aki?"

Para namang nanuyo ang lalamunan ko nang malamang tila may kaugnayan silang dalawa. Hindi naman mahalaga sa akin ang mga naging nakaraan ni Aki-san pero hindi ko pa rin maiwasang magselos. Mahina akong tumango sa kanyang tanong. "Oo."

Napahalakhak ang lalaki. "What a small world!" bulalas n'ya. "Never did I thought that I would get to hear his name again."

"May kaugnayan ka ba sa kanya?" seryoso kong tanong.

Bigla namang napalitan ng pilyong ekspresiyon ang mukha ni Shimada-san na kinainis ko. "And if I said 'yes'?"

Naikuyom ko naman ang aking mga kamay. "Ano ang kaugnayan mo kay Aki-san?!" buska ko sa kanya. Sino ba talaga itong si Shimada-san?

"I know very little of him but I do know that he's an Alpha doctor," pagsisimula n'ya. "I knew him because of my Omega brother."

"Omega—"

"He was three years older than me. We came from a family of Alphas. Him being born the eldest and the only Omega — his existence was considered as heretic," pagsisiwalat nito. "We grew up being separated from him and were told to never get near him or involved with him. But sometimes, I would catch him making weird glances at us; we had another brother who was also an Alpha who was four years younger than me. I didn't understand why was that or what were the consequences of having an Omega in a household that were full of Alphas. I didn't despise him but I didn't get to know my brother that well either. He was like a stranger to me. We would only see and meet him during very special occassions and urgent family matters but I never had any proper conversations with him," kuwento n'ya habang nakatitig sa malayo. "When I reached the right age and learned about the differences of Alphas, Betas and Omegas, that was when I finally understood the meaning of my older brother's weird glances at us. He wasn't looking at us in a weird way. He was actually asking for a little bit of attention, hoping that one of us would give him some affection but no one did — no one dared to. It was already too late when I realized all of that. He was already seized out of the house when he was just sixteen just because he became mates with his very own private tutor who happened to be an Alpha. My parents were furious towards him even though he did nothing wrong. His innocence and weakness were taken for granted,

"By the time we knew about his current situation, he was already living a successful life while hiding his real identity from everyone. Izumi Aki was one of the reasons that he reached this far. I heard they were really close friends and that he has been supporting my brother while protecting his very secret. I thought the two would end up together but then you came along." Pagkatapos ng napakahaba n'yang istorya ay muli n'yang itinuon ang tingin at atensiyon sa akin. "How did Izumi Aki end up with you instead… Hanamichi Chihiro?"

Napalunok ako sa biglaang tanong at sa nalaman ko ngayon. Walang duda na si Okuda Kazuki-san ang tinutukoy nitong kaharap ko dahil siya lang naman ang kilala kong malapit kay Aki-san. Sa dinami-rami ng Alpha na maaari kong makaengkuwentro, kapatid pa talaga ng best friend ng pinakamamahal ko?! Napakatuso ng tadhana!

"Mahabang kuwento…" tipid kong tugon bago bahagyang iniyuko ang ulo ko. Pakiramdam ko ay habang papalayo nang papalayo ako kay Aki-san ay mas maraming bagay akong natutuklasan na may kaugnayan sa kanya at dito ko napapatunayan na sobrang kaunti lang ng alam ko tungkol sa kanya. Nakakapanghinayang dahil hindi naikukuwento ni Aki-san sa 'kin ang mga bagay na ito. Para bang… hindi pa n'ya ako labis na pinagkakatiwalaan.

Dahil ba sa bata pa ako? O dahil isa akong Omega at ayaw n'ya akong mapahamak? Pakiramdam ko naman ay mapupunit ang puso ko sa magkahalong pagkadismaya at sakit. Simple lang naman ang hangad ko: ang makita ni Aki-san na handa akong tanggapin ang lahat ng mayroon siya — negatibo man o positibo — ang maramdaman n'yang kahit sa murang edad kong ito ay kaya kong panindigan ang mga desisyon ko sa buhay.

Hindi ko na namalayan ang lihim kong pagkuyom sa aking mga kamay upang ikubli ang namumuong galit sa dibdib ko ngunit hindi ko naitago iyon dahil pumatak ang mga traydor kong luha. Tinitigan ako ni Shimada-san pero wala itong imik. Dala ng hiya at inis, agresibo kong pinunasan ang aking mga luha bago suminghot. Panay ang linga ko sa lalaking nakatingin pa rin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang ipnapahiwatig ng mga titig n'ya sa akin. Sa sobrang tindi nito ay para akong malulusaw sa pagkaasiwa.

"You must be something," bigla n'yang saad at nagkasalubong ang tingin namin sa isa't isa. Bahagya siyang ngumisi bago nagsalitang muli, "I wonder what kind of relationship you have with that doctor."

"Si Aki-san ang future mate ko," pagmamalaki ko pero tinawanan n'ya iyon.

"Mate? Are you insane?" manghang bulalas n'ya. "Does he even feel the same way about you? If so, why bother marking you temporarily and not biting your nape instead? Mas matibay na deklarasiyon iyon ng pag-aari kaysa temporary marking."

Muli kong ikinuyom ang mga kamay ko at pasinghal siyang sinagot, "Hindi kita lubusang kilala at hindi mo rin alam ang buong istorya ko kaya wala kang karapatang husgahan ako o ang pribadong buhay ko, Shimada-san. Alam kong boss kita pero hindi po kita hahayaang tapakan ang pagkatao ko dahil lang sa isa akong Omega. Kung ano man po ang namamagitan sa amin ni Aki-san ay labas ka na po doon." Napabuga naman ako ng malalim na buntonghininga bago humingi ng paumanhin. "Mawalang galang na po kung nabastos man kita."

Sumilay ang isang natutuwang ngiti sa kanyang mga labi. "You're really interesting." Sa mga sandaling ito ay unti-unti ko nang naiisip na parang may sayad sa pag-iisip ang lalaking ito. Siya ang tipo ng Alpha na ayaw kong makasalamuha talaga. Napabuntonghininga na lang ako ulit. "Anyways, if you're feeling fine then you may take your leave," pag-iiba n'ya ng usapan. "Since you went through a lot last night, I'll let you take the day off but—!" aniya bago ako taimtim na tinitigan. "Only this once, understood?"

Napatango naman ako nang wala sa oras. "Opo!"

"Also, pretend that we didn't have this chat today." Pagkasabi n'ya n'yon ay tumayo siya at naglakad paalis.

Sinabi n'ya sa akin ang daan palabas ng kanyang bahay at hindi na n'ya ako sinubaybayan hanggang sa makaalis na ako. Binilinan n'ya akong maging mas maingat sa susunod pero maliban doon ay wala na siyang sinabi pa sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na para siyang weirdo. Mabilis din magbago ang kanyang aura. Hindi ko alam kung ang nakausap ko kanina ay ang totoong siya o baka pagpapanggap lang ang lahat.

Pero ang mahalaga ay ligtas ako at hindi ako na-harass. Kung totoo man ang sinasabi ni Shimada-san na may temporary marking nga ako, kung isa siyang dominant Alpha hindi mahirap para sa kanya ang pagsamantalahan ako dahil sobrang nanghina ako kagabi. Kahit na kaya kong depensahan ang sarili ko, kung ibang Alpha siguro ang nakakita sa akin ay malaki ang posibilidad na umuuwi na akong luhaan ngayon o 'di kaya ay may mabigat na responsibilidad nang dinadala.

"Ayoko man aminin pero baka hindi siya ganoon kasamang Alpha," medyo natatawa kong kausap sa sarili bago tuluyang nilisan ang bahay ni Shimada-san.

「to be continued」

Support me on PayPal or Payoneer:

morinagaryouga@gmail.com

Thanks~

HiGANBANA_creators' thoughts