webnovel

WORKS

FEIBULOUS WORKS

Feibulous · Urban
Not enough ratings
17 Chs

Chapter 3 - Good Host

MATAPOS iuntog ang ulo dito ay sinipa niya ito palabas ng kama. Nasapo ni Khalid ang ilong nito.

"Aw aw! Bloody hell?!" he cursed like an english man.

Namumula ang pisngi ni Angel. "W-why am I here?" tanong niya sa binata.

"Aysshhh!" inis na ungol ni Khalid. Parang pakiramdam kasi nito ay nabali ang ilong nito dahil sa ginawa niya. Naniningkit ang mata nito habang nakatingin sa kanya.

"You are no longer an Angel. The sweetest angel. Parang nag-crack ang ilong ko sa ginawa mo," reklamo nito.

Hinawakan nito ang ilong na parang nabalian. "You're the only person na sinaktan ako palagi. Mahal na mahal ako ng Mommy ko pero nagagawa mo akong balian. Hu hu." Umakto pa si Khalid na kunwari ay naiiyak sa ginawa niya.

Lumukot ang ilong niya. Kung nasa publiko lang sila at wala sila sa kwarto na iyon sigurado na hindi ito aakto ng ganito.

"Ikaw din ang may kasalanan niyan. Kung yakap-yakapin mo ako ay gano'n na lang. Hmp!"

Sumampa muli ito sa higaan. Saka siya hinila at niyakap ulit ng mahigpit. "Why can't I do it? I always do it. Parang hindi ka sanay sa presensya ko."

Biglang natigilan si Angel. Tama ang sinabi ni Khalid. Dati-rati naman ay balewala lang sa kanya ang mga bagay na iyon. Bakit biglang naging big deal sa kanya na yakapin siya nito? Tumikhim siya.

"Nagugutom na kasi ako. Anong klaseng host ka ba at hindi ka man marunong mag-asikaso ng bisita? Mabuti pa ay handaan mo ako ng pagkain!" hiling niya dito.

Pinilit niya na makaalis sa pagkakayakap ni Khalid. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nailang dito ngayon. Naisip niya na baka kasi hindi pa siya nag-tu-toothbrush at naghihilamos.

Sa kabilang banda, walang pakialam si Khalid sa ayos niya. Isang nilalang na naiwanan ng magulang ang tingin nito sa kanya. Napagtanto rin naman nito na hindi pa siya kumain nang nagdaang gabi at diretso siya na nakatulog hanggang sa magising ito simula sasakyan.

"Tara na nga!" Inis na sabi nito.

Tumayo na muna siya at tumungo sa CR nito na nasa loob ng kwarto. Naghilamos na muna siya at nagmumog bago siya inaya na lumabas ng kwarto.

Nakaakbay pa ito sa balikat niya na sinabayan siya na bumaba ng hagdanan.

"Nakausap mo na ba ang Mommy ko?" tanong niya kay Khalid. Plano niya kasi na tawagan ang magulang kapag nakarating sa bahay nito kaya lang ay nakatulog na siya ng mahimbing.

"Hindi ko rin nagawa e. 'Yung tulog mo kasi, tulo laway. Inaaya ako na matulog din ng laway mo. Kaya ha'yun tinabihan kita. Ang cute-cute pa naman ng baby Angel ko." pinisil nito ang pisngi niya.

Tinapik niya ang kamay nito. Puno ng pagkainis ang mukha niya. Nakita niya si Xia na nasa bungad ng hagdan sa ibaba. Nakangiti ito habang nakatingin sa kanila ni Khalid. Namumuti na rin ang buhok ni Xia na ilang taon niya na rin na hindi nakita.

"Tumawag na dito si Kai kagabi dahil nag-aalala nga daw sila sa'yo. Naipaalam ko na sa kanila na dito ka natulog," sabi nito.

Mabilis siyang bumaba ng hagdan. "Ate Xia. iligtas mo ako dito sa panget na si Khalid."

Hindi pinansin ni Khalid ang reklamo niya. "Kukunin ko lang ang cellphone mo na nasa kotse. Wait lang, maliit na prinsesa. Ate Xia, pakihandaan ng masarap ang bisita natin para hindi na ako sabihan ng walang-kwentang host," sabi nito saka umalis sa harapan nila.

Inambahan niya ang likuran nito na papalayo sa gawi nila.

Tumawa si Xia. Inakay siya nito patungong dining area. "Kamusta kayo ni Khalid?"

"Ayos naman po, ikaw po, kamusta na po kayo?" tanong niya dito.

"Heto ayos naman. Ilang taon din kitang hindi nakita, iha," anito.

Napakamot siya sa ulo. "Mukha pa rin po ba akong katorse anyos?"

Madalas kasi siyang mapagkamalan na grade 7 ng mga kaklase niya sa Korea o kung sino mang hindi kakilala ng personal. Simple lang ang dahilan, masyado siyang maliit at payat para sa edad na disinuwebe.

Pinaupo siya nito sa isang silya. May nakahandang prutas, hamon, sausage at soup sa mesa.

"Wow!" hindi niya napigilan na masiyahan sa mga pagkain na nakahanda. Mabilis siyang nakaramdam ng gutom.

"May request ka ba bukod sa mga iyan?" tanong ni Xia.

"Oo nga, kung may gusto ka pang pagkain sabihin mo lang para tumangkad ka," saad ng bagong pasok na si Khalid. Inilapag nito ang cellphone niya sa tabi.

Pinukulan niya ito ng masamang titig.

"Pupunta ako sa MGM, gusto mong sumama?" tanong nito na tinabihan siya sa mesa.

Gusto niyang sumama pero may mga gamit pa siyang aayusin sa dorm.

"E, mag-aayos pa ako ng gamit sa dorm," malungkot na sabi niya dito.

"Don't worry, may tinawagan na ako para ayusin ang kwarto mo. Mamayang pagbalik natin. Malinis at maayos na ang lahat."

Kumunot ang noo niya. Mukhang bumabawi ito sa kanya sa pang-iiwan nito sa kanya nang nagdaang araw.

MASAYA si Angel na naisama siya ni Khalid sa opisina ng pamilya nito. May aasikasuhin kasi ito doon na inutos na gawin ni Shi Cally.

Usapan nilang dalawa na babalik din sila agad sa LIU dahil kailangan pa niyang ayusin ang pagpasok niya sa klase kinabukasan.

Mangangapa pa siya sa school kung saan banda ang klase niya at may mga kakailanganin pa na gamit. Ang maganda nga lang sa LIU, ang eskwelahan ang bahala sa lahat, simula uniform, mga computer hanggang sa libro. Mga personal na gamit na lang ang kakailanganin at aasikasuhin niya.

Iniwan siya nito sa loob ng isang conference meeting sa opisina ng Daddy nito. May pinuntahan sa kung saan si Khalid na bitbit ang isang computer notebook.

Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang anyo ng mga katabing building na pag-aari din ng MGM. May malalaking screen na halos sumasakop sa buong gusali nito. Palabas ang kung anu-anong commercial na kanina pa niya pinanonood habang hinihintay si Khalid na bumalik.

Nakaramdam na nga siya ng inip.

Sa katabing kalsada, naghahalo ang dilaw, pula, orange, asul at berde sa paligid. Hindi niya akalain na ganito na ka-advance ang teknolohiya sa opisina ng MGM.

Habang naaaliw ay biglang bumukas ang pintuan. "Khalid, I heard you are here!"

Lumingon si Angel at nagtagpo ang mata nila ng isang babae na di-hamak na mas matangkad sa kanya ng limang pulgada. Nakasuot ito ng pink na bestida. Maayos ang pagkakamake-up nito. Nakasuot pa ito ng 4-inches high heels na lalong nagpatangkad dito. Habang tinitingnan ito, gusto niyang mainis at magreklamo kung bakit maliit ang height na ibinigay sa kanya ni Lord.

Kumunot ang noo niya dahil alam niyang bawal sa floor na iyon ang kung sino lang.

"Yes?" tanong niya dito.

"Sino ka? Bawal dito sa kwarto ang kung sino lang," tanong at paliwanag din nito. May dating ang pagtatanong nito kaya bahagyang nagtaas ang kilay niya. Gusto sana niyang itanong dito kung bakit ito naroon kung alam pa nito na bawal doon ang kung sino lang.

Bago pa makasagot si Angel ay lumitaw na sa likuran nito si Khalid. "Muriel?"

Lumingon naman ang babae sa binata at nagliwanag ang mukha nito. "Hey Khalid!"

"Anong ginagawa mo dito?" nakakunot ang noo na tanong nito sa babae. Hindi na pinansin ni Angel ang dalawa. Bahala sila! Ibinalik na lang niya ang atensyon sa mga sasakyan at sa commercial sa labas.

Pero hindi niya maiwasan na sumimangot lalo na at mukhang close ang dalawa sa isa't-isa.

"Papasok na rin ako sa LIU," narinig niyang sabi ng babae.

Kumunot ang noo ni Angel kahit nakatalikod. Lihim niya kasing pinakikinggan ang usapan ng dalawa.

Bilang babae, alam at ramdam niya na may gusto kay Khalid ang Muriel na ito. Ang mas kinaiinis niya ay para bang nakalimutan na siya ng tuluyan ni Khalid at napunta na dito ang atensyon nito. Hmp!

"My Angel, let's go! Let's have lunch!" tawag sa kanya ni Khalid.

Walang emosyon na kinuha niya ang sling bag at sumunod dito palabas ng kwarto. Nakatingin naman sa kanya ang babae.

"Ahm.. w-who is she?" hindi nito napigilan na itanong kay Khalid.

"This girl?" Inakbayan pa siya ni Khalid. "Hulaan mo?"

Nagtaas ang kilay niya. Kilala niya si Khalid. Seryoso ito sa labas at hindi ito aakto ng ganito sa iba pa. Kung nagagawa nito na makipagbiruan sa babae, ibig sabihin lang nito ay close at kilala ng dalawa ang isa't-isa.

Hindi niya alam pero ayaw niya na may ka-close si Khalid na ibang babae. "A cousin?"

"Hindi. She's my special girl," sagot ni Khalid. Lumukot ang ilong niya. "Ano na ba? Kakain na ba tayo o hindi?" inis na tanong niya.

Tumikhim naman ang babae na biglang naging seryoso. "Kakain ba kayo? sasabay na sana ako." hiling nito sa kanila.

Seryoso ang mukha ni Angel na nakatingin sa babae at naghihintay siya ng sagot ni Khalid. Kapag pumayag si Khalid sa gustong mangyari ng Muriel na ito, iisipin niya na malalim talaga ang samahan ng dalawa.

Nag-alangan si Khalid kung tatanggapin ang babae na sumama sa kanila. "Sorry ha, sa bahay kasi kami kakain," pagtanggi nito sa babae.

Nagdiwang ang kalooban niya ng lihim.

"Ahhh.. Okay, maghahanap na lang ako ng ibang kasama. Sana sa susunod ay pwede na akong makikain sa inyo," pilit nito.

Sa isip ni Angel ay makapal ang mukha ng babae.

"B-by the way, gusto ko'ng magsorry sa'yo," sabi ng babae sa kanya.

Hindi niya ito sinagot. Nakakunot naman ang noo ni Khalid.

"Akala ko kasi bagong talent na naligaw lang sa loob ng opisina. Napagalitan ko kasi siya," katwiran nito.

"Don't worry. Napatawad ka na niya. Mauna na kami ha," ani Khalid.

Kanina pa nag-iinit ang ulo niya dahil nag-usap ang mga ito nang walang salita na lumabas sa bibig niya at naging disenyo lang siya sa pagitan ng dalawa. Kahit ang paghingi ng paumanhin ng babae ay si Khalid ang sumagot kahit pa nga hindi siya nito tinanong kung ayos lang talaga sa kanya.

Siniko niya sa tagiliran si Khalid para ayain na ito na mauna na sila.