webnovel

Will you be able to say?Say it. FINALE(Volume 2)

"I lied, i love you so much" Finale.

IKIJIBIKI · Teen
Not enough ratings
7 Chs

Prologue

"Hi," bati ko sa lalaki. We're currently at the top of the mountain kung saan kami noon magkakasama nanood ng fireworks.

Sa ngayon, kaming dalawa lang ang nandito sa madilim na lugar na ito. Tanging ang mga bituwin lang ang nagbibigay liwanag sa kapaligiran. Ang mga ingay ng mga insekto ang bumabasag sa katahimikan ng kapaligiran.

"Why are you here?"

"To relax, after all.. tapos na ang kaguluhan. Payapa na ulit ang lahat." Right, everything is done. Tapos na ang kaguluhang dala ni Haumea.

"Aren't you sad for your friend?"

"She's not my friend. Like she said, she's not Wendy. She's Haumea na hindi ko naman naaalalang naging kaibigan ko." Here I am, building walls again. Mas sisiguraduhin ko na mas makapal at malapad na ang mga itatayo ko ngayon.

"I'm proud we've come this far." He stood there silently, admiring the breathtaking view of the town.

We went silent. As of now, mukha akong kalmado but deep inside. Hindi na mapigilan ng puso ko ang mabilis nitong pagtibok dahil sa kaba. Mabuti na lang at madilim ang lugar at hindi niya nakikita ang mukha 'kong unti unting namumula.

"Hey.."

I hummed para ipaalam na nakikinig ako. This is the first time na sobra akong kinakabahan habang kausap siya. Dati naman ay nagagawa ko pa itong asarin pero ngayon ay parang hindi ko na muna 'yon magawa dahil sa kaba.

"I didn't really mean to hide my identity as Aircon..."

Woking up, dahan-dahan kong inilapat sa pisngi ko ang aking kamay. Again, this tears kapag lagi 'kong napapanaginipan ang pangyayari na iyon only to be disturbed sa tuwing magigising ako.

Gusto ko malaman kung sino ang lalaking 'yon. 

Anong ibig niyang sabihin? Anong ibig sabihin ng sinasabi 'ko? Wendy? Haumea? Anong nangyari 'kay Wendy? Why is that person apologizing for hiding his identity as Aircon? 

Hindi ba siya si Hecate? Hindi ba si Aircon si Hecate? Anong nangyari sa kaniya?

Umagang-umaga napaka daming tanong agad ang pumuno sa utak ko. I should stop this bad habit of mine. But for some reasons hindi ko kaya. Hindi ko mapigilang tanungin ang sarili ko sa lahat ng bagay.

I just can't...

"Ray-chan, good morning. Nakahanda na ang almusal." Ate Naru's soft voice broke my train of thoughts. As I look at her, matamis na nakangiti lang ito sa'kin. Mabuti na lang, kahit papaano ay nakikita ko pa ang ngiti niya araw-araw.

Dahan-dahan akong bumangon sa higaan ko greeting her and my dog Kaze a good morning.

Inayos ko muna ang sarili bago tumungo sa may sala kung saan ko nakita si Kuya Ryle na busy sa cellphone niya.

We greeted each other a good morning at nagpasalamat bago simulan ang paga-almusal.

"Maraming salamat sa pagkain." I quote matapos kumain as I head straight to my room. Getting ready for school.

Today is January 6, Monday. Ngayon magsisimula ang bagong semester namin sa St.Celestine, kaya kailangan maaga ang pasok dahil sa general assembly.

For three days straight ay nanatili ako sa mansion ni Lloyd and after that umuwi na ako. Hindi na ako naka-attend pa sa Christmas party ng St.Celestine for some reasons. 

I celebrated Christmas and New year with Ate Naru and Kuya Ryle but still I felt very empty inside.

Simula noong birthday ng kambal hanggang ngayon ay hindi ko parin sila nakikita. Sobra na ang pag-aalala ko para sa kanila. Ni-text o tawag wala akong natanggap simula noong nasa mansion pa ako ni Lloyd.

I feel so tired, drained and lost. Kuya Ryle even brought a psychologist yesterday dahil napapansin niya daw na parang wala na akong buhay kung gumalaw. Sinabi naman ng psychologist na dinala niya na stress lang ako at huwag mag-isip ng masyado patungkol sa mga bagay-bagay.

Like, how can I stop thinking about those two? 

Kahit na nasa bingit na siguro ako ng kamatayan sila parin ang iisipin ko. For 19 days na wala akong balita sa kanilang dalawa, hindi na siguro kinaya ng utak ko ang pag-aalala kaya naman para na akong isang light bulb na walang kuryenteng dumadaloy kaya hindi umiilaw.

I badly want to see those two. Gusto ko malaman kung maayos lang ba ang lagay nilang dalawa. They disappeared for 19 days at wala akong kahit anong alam kung ano na ba ang lagay nilang dalawa ngayon.

As for Wendy naman, her mom called me na pumunta daw ito sa probinsya at hindi alam kung kailan ito babalik. Nakausap ko na rin ito sa wakas at kinumpirma niya na nasa probinsya nga siya. At least kahit papaano nawala ang pag-aalala ko 'kay Wendy ngayong ligtas ito.

After maghanda, nagpaalam na ako na aalis na. As usual, ang malamig na simoy ng hangin ang unang babati sa'kin pagbukas ko pa lang ng pinto.

On my way to my school, nakakainggit pakinggan ang mga students na masaya at normal na kinakausap ang mga kasabay nilang kaibigan. Then there's me, all gloomy at kulang na lang ay ang maitim na aura sa paligid ko. Nakatungo lang ako habang naglalakad, walang pakielam kung nakaharang ang buhok ko sa mukha ko. Kung masasagasaan naman ako ngayon dahil sa hindi pagtingin sa daan, then so be it.

After all wala naman na akong gana.

Nanginginig na ang mga kamay ko, pilit na iniinda ang lamig ng panahon. Ni kahit jacket ay wala akong suot para lang labanan ang lamig. I don't care. A simple jacket cannot warm my already cold empty soul.

As I set a foot at St.Celestine's entrance gate. Nagdadalawang isip ako kung papasok pa ba o hindi. I want to disappear at this very moment of my life. Ayoko na balikan ang school na ito kahit kailan, punong-puno ito ng mga masasayang ala-ala ng nakaraan. Mas lalo lang akong masasaktan habang inaalala ang mga iyon.

Someone...anybody... can you please?

"Help me..."

Feeling the emptiness, I fell on the cold concrete floor. Rinig ko ang mga ingay na gawa ng mga students sa paligid ko. Bago pa man dumilim ang paningin ko, I saw a silhouette of a man running towards me.

"Help me... Aircon."